You are on page 1of 3

Asignatura Health Baitang 4

W6 Markahan 4 Petsa

I. PAMAGAT NG ARALIN Paglalarawan sa mga dapat isaalang – alang na paghahanda sa mga


panahon ng espesyal na okasyon at sitwasyon.
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Nailalarawan ang mga dapat isaalang – alang na paghahanda sa mga
KASANAYANG PAMPAGKATUTO panahon ng espesyal na okasyon at sitwasyon upang maiwasan ang
(MELCs) kapahamakan o pagbubuwis ng buhay. (MELC 22)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Batayang pangkaligtasan at pagbibigay ng pangunahing lunas.

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


I. Panimula (Mungkahing Oras: 3 minuto)
Ang Maikling Kwento Tungkol kay Stella at sa mga Kaibigan niya sa Araw ng Pasko
Anak-mayaman si Stella subalit hindi kakikitaan ng karangyaan. Kahit ang ama niya, si Don Manuel, at
ang ina niya, si Señora Faustina, ay lubos ang pasasalamat sa mabuting loob ng kanilang nag-iisang anak.
Kakaiba ang kabutihan na ipinapakita nito lalong-lalo na sa mga mahirap na tao.

Tuwing Pasko, niyayaya ni Stella ang mga kaibigan niya na pumunta sa bahay-ampunan sa Marga
Hera. Namimigay sila ng mga laruan, pagkain, at iba pang mga regalo sa mga bata doon.“Stella, matanong
ko lang, bakit dito tayo pumupunta tuwing Pasko?” tanong ni Fey, isa sa mga matalik na kaibigan ng
dalagita.

“Malapit kasi ang puso ko sa mga bata sa bahay-ampunan. Gusto ko na kahit isang beses lang sa isang
taon ay mapasaya ko sila,” paglalahad ng dalagita.

“Hindi isang beses sa isang taon bes, isang beses sa dalawang linggo. Swerte nila sa’yo friend,” sabi ni
Bea sa kaibigan.

Masayang-masaya ang mga bata sa ampunan noong araw na iyon. Dinalhan sila nina Stella ng
piniritong manok, spaghetti, sandwich, hotdog, at salad. Marami rin silang bagong laruan at may mga hindi
pa nabubuksang mga regalo.

Habang sumasakay sa auto ang tatlong magkakaibigan, biglang ikinuwento ni Stella ang tunay na
dahilan kung bakit malapit ang loob niya sa bahay-ampunan sa Marga Hera.

“Alam niyo, nais ko silang mapasaya dahil talagang ibang-iba ang buhay natin sa kanila. Maswerte tayo
at lumaki tayo kasama ang pamilya natin.”

“E, sila, doon na sila bumuo ng pamilya dahil marami sa kanila ay wala nang ama at ina. Sa tuwing
tinititigan ko nga ang iba sa kanila, ramdan ko ang pangungulila nila sa mga magulang
nila,” pagpapaliwanag ni Stella.
https://philnews.ph/2018/11/24/maikling-kwento-stella-kaibigan-araw-pasko/

Sagutan ang mga tanong sa sagutang papel:


1. Ano ang pamagat ng kuwento?
2. Sino – sino ang magkakaibigan?
3. Ano ang ginagawa nila tuwing Pasko?
4. Paano nila ipinapakita ang pagpapahalaga sa kanilang kapwa?
5. Makabuluhan ba ang ginagawa nila? Bakit?
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 10 minuto)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Ilarawan ang mga maaring mangyari sa bawat gawain. Isulat ang inyong sagot sa inyong sagutang papel.

1. Pagsisindi ng lusis

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/12/27/2066475/duque-sa-mga-magulang-mga-anak-bantayan-sa-paputok
2. Pag-inom ng alak

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2020/life/12/08/holiday.jpg
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Paano maiiwasan ang mga sakunang maaring mangyari sa unang larawan.


_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
2. Bakit kailangang iwasan ang mga ganitong uri ng sitwasyon o gawain?
_______________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 10 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:


Piliin sa mga sumusunod ang nararapat gawin upang maiwasan ang sakuna at pagkabuwis ng buhay. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

• Nanonood ng parade sa plasa.


• Nagpapaputok ng labentador.
• Nagpapaputok ng kanyong kawayan.
• Naglalaro ng palosebo.
• Nagkakantahan.
• Naagpapaputok ng baril.
• Nanonood ng pailaw.
• Nagpapatunog ng torotot.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 7 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:


Sumulat sa notbuk ng isang talata na may limang pangungusap kung paano maipagdiriwang ang iyong
kaarawan ng may tamang paghahanda na dapat isaalang-alang.
Batayan sa pagmamarka
Krayterya Pinakamahusay Mahusay Katamtaman ang husay
(5-4) (3-2) (1-0)

1. Pagkakabuo ng mga pangungusap.


2. Paggamit ng tamang bantas.
3. Kaayusan ng talata.
Kabuoan

V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: 5 minuto)


(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at ikaanim na linggo)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:


Isulat sa sagutang papel ang tsek (√) kung ang gawain ay TAMA at ekis (x) naman kung MALI.

_______ 1. Sinindihan ng mga bata ang nakitang paputok sa lansangan.


_______ 2. Nakalagay sa cellphone ni Janine ang mga numero ng pulisya at bumbero.
_______ 3. Namili ng malalakas na paputok ang tatay sa Bagong Taon.
_______ 4. Gumamit na lamang si Benjie ng kanyong kawayan sa pagdiriwang ng Bagong Taon.
_______ 5. Magpalitan na lamang ng regalo at manood ng pailaw sa plaza sa pagdiriwang ng Pasko.

VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto)


• Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.
Sa iyong kwaderno, magsulat ng naramdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na ____________________________________________________________________________________
Nabatid ko na ________________________________________________________________________________________
Kailangan kong higit pang matutunan ang tungkol sa __________________________________________________

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa
Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa
ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP


Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8
VII. SANGGUNIAN https://philnews.ph/2018/11/24/maikling-kwento-stella-kaibigan-araw-pasko/
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/12/27/2066475/duque-sa-mga-
magulang-mga-anak-bantayan-sa-paputok
https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2020/life/12/08/holiday.jpg
Inihanda ni: ZENAIDA E. BELINO Sinuri nina: CHRISTIAN DICK B. CUNAG
DR. BENJAMIN M. PLATA JR.
CYRUS T. FESTIJO
JENEFFER D. GERONA

You might also like