You are on page 1of 5

MOUNTAIN RIDGE CHRISTIAN SCHOOL,Inc.

“A Close to Nature Haven School”


S.Y. 2022-2023

PAPEL NG PAGATOTO

“Sapagat batid kong lubos ang mga plano o para sa inyo; mga planong
hindi ninyo iaasama undi para sa inyong iakkabuti. Ito’y mga planong
magdudulot sa inyo ng inabuasang punong-puno ng pag-asa”.”.

-JEREMIAS 29:11-

Asignatura: FILIPINO 7 “Ang Dula”

Layunin:
Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo ang sumusunod ng
kasanayang pampagkatuto:
a) Nabibigyan kahulugan ang dula
b) Nakakagawa ng dula ayon sa tema

Subukin Natin!

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod. Piliin ang wastong titik.

1. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na nangangahulugang gawin o ikilos.


a. Dula b. Epiko c. Alamat d. Kuwento
2. Ano ang layunin ng dula?
a. Magbigay ng impormasyon
b. Manghikayat
c. Manlibak
d. Itanghal ang kaisipan ng may-akda sa pamamagitan ng pananalita at kilos o galaw
3. Ito ang pinakaluluwa ng dula.
a. Iskrip b. Tanghalan c. Tauhan d. Direktor
4. Ito ay ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip at nagbibitiw ng mga dayalogo sa dula. a.
Tanghalan b. Direktor c. Karakter d. Iskrip
5. Ang pinakapaksa ng dula.
a. Tema b. Iskrip c. Direktor d. Tanghalan

Aralin Natin!

Panuto: Bago mo simulan ang pagbabasa ng dulang ito, pansinin ang mga salitang nakalimbag
nang pahilig sa bawat pangungusap. Piliiin sa mga salitang nasa kahon sa ibaba ang kahulugan ng
bawat isa ayon sa gamit nito sa pangungusap. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Natatandaan ba ninyo si Aling Paz?


2. Sana sa Maynila po ako makapag-aral, Inay. Matataas naman po ang marka ko.
3. Malaki-laki na rin po ang kinikita ko sa paggawa ng basket at bayong.
4. Marami po akong naipong pera.
5. Humahangos na umakyat ng bahay si Cinio.

naalaala grado nagmamadali tinutubo


naimpok puhunan
Basahin at unawain ang dula sa module na ito upang lumawig ang iyong kaalaman at maunawaan
mo ang mga kaisipang nais mong malaman sa araling ito.

Tulong-tulong sa Kaunlaran

Mga Tauhan:
Aling Lita, ina
Mang Crisanto, ama
Estrella, nakatatandang anak na babae
Gloria, isa pang anak na babae
Cinio, bunsong anak
Tagpuan: Sa bahay ng mag-anak na Rivera

(Pagbukas ng tabing, makikita ang mga tauhan sa loob ng bahay. Abala sila sa paghahanda ng agahan. Sa
gawing bakuran, abala si Cinio sa pag-aani ng mga bunga ng mga tanim na gulay tulad ng patola, upo,
bataw, talong, at ampalalya.)

ALING LITA: May ibabalita nga pala ako sa inyo. Natatandaan ba ninyo si Aling Paz?
GLORIA: Sino Pong Aling Paz, Inay? Iyon po bang ina ni Lilia?
ALING LITA: Iyon na nga. Naibalita niya sa akin na sa Maynila niya pag-aaralin ang anak niyang si Naty.
Masuwerteng bata.
ESTRELLA: Sana sa Maynila rin po ako makapag-aral, Inay. Mataas naman po ang marka ko, a! Ibig ko
pong maging nars.
MANG CRISANTO: Magagawa mo ‘yon, bakit hindi? Huwag mo lamang bang pabayaan ang mga alaga
mong manok at baboy tiyak na may pangmatrikula ka sa eskuwela.

ESTRELLA: Hindi ko po pinababayaan, Itay. Katunayan po’y alagang-alaga ko sila. Marami-rami na rin po
ang ating napagbilhan ng itlog, manok, at mga baboy na talagang mabiling-mabili.
GLORIA: Ako rin po, Itay. Maaari po bang pagkatapos ko sa elementarya ay sa bayan naman ako
makapagpatuloy ng pag-aaral? Malaki-laki rin po ang kinikita ko sa paggawa ng mga basket at
bayong. Mabuti na lamang po at tinuruan ninyo akong gumawa niyon. Marami na po akong
naipong pera.
MANG CRISANTO: At tiyaga, ikamo. (Humahangos na aakayat ng bahay si Cinio)
CINIO: (Ipakikita ang basket na punung-puno ng mga gulay.) Heto po ang aking mga naaning gulay. Marami
na naman po tayong maipagbibili. Taasan natin ang presyo.
GLORIA: Naku, ang lalaki ng mga upo at patola
ESTRELLA: Kaybibilog ng mga talong
ALING LITA: Tamang-tama. Araw ng pamimili ngayon sa palengke. Ititinda ko.
CINIO: Inay, iyong t-shirt ko po. aka makalimutan ninyo.
ALING LITA: Malilimutan ko ba ‘yon, e, nagsariling-sikap ka? Kung hindi dahil sa’yong matiyagang pag-
aalaga ng mga tanim hindi tayo aani ng ganito.
MANG CRISANTO: Siguro’y masarap ang ulam na bibilhin ng inyong ina. Maraming mapagbibilhan sa
gulay, e.
ALING LITA: Oo na. Basta’t tuloy ang sariling sikap ninyo.
GLORIA: Tuloy na tuloy po, Inay.
ESTRELLA: Pangako po. Inay.
CINIO: Asahan po ninyo, Inay. (Ipipinid ang tabing.)

Pinagkunan: Lydia P. Lalunio, Francisca G. Ril, Ma. Victoria A. Gugol, Patrocino V. Villafuerte Hiyas sa
Pagbasa, Quezon City, Manila: LG & M Corporation,2000. pp. 203-206
Tandaan Natin!

Ang Dula ay nagmula sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang gawin o ikilos. Ito rin
ay isang pampanitikang panggagaya ng buhay upang maipamalas sa tanghalan.

Ang mga sangkap ng dula ay ang sumusunod:


(A) Simula na kinabibilangan ng tauhan, tagpuan, at sulyap sa suliranin
(B) Gitna makikita dito ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan
(C) Wakas na may kakalasan at kalutasan.
Ang dula ay may mga elementong dapat taglayin, ito ay ang mga sumusunod:
a) iskrip d) tanghalan g) tema.
b) diyalogo e) direktor
c) aktor/karakter f) manonood
Ang mga sumusunod naman ay mga bahagi ng dula.
Una ay ang yugto (act), eksena (scene), at tagpo (frame).
May mga genre din ang dula na dapat isaalang-alang.
Ito ay ang sumusunod (a) komedya (b) trahedya (c) tragikomedya (d) melodrama (e)
parsa (f) parodya (g) proberbyo.!

Integrated Faith in Learning

Bago mag-tapos Ang ating aralin sa linggong ito nais Kong ibahagi saiyo Ang
mensahe Ng Panginoon.

“Sapagat batid kong lubos ang mga plano o para sa inyo; mga planong hindi ninyo iaasama
undi para sa inyong iakkabuti. Ito’y mga planong magdudulot sa inyo ng inabuasang
punong-puno ng pag-asa”.”.

-JEREMIAS 29:11-

Bilang isang mag-aaral marami ayong mararanasan na ahirapan. Hirap sa pag-unawa ng


aralin, kakulangan sa salapi na pangtustos sa pag-aaral o di kaya meron kayong mga problema sa
inyong tahanan. Na kung minsan naiisip ninyong huwag nalang mag-aral, Tama ba ako? Kung oo
ang iyong sagot, basahin ang isang bible verse na naasulat sa taas.
Ito ay nagpapaalala sa ating lahat na merong malaking plano ang Panginoon sa atin. Plano
para guminhawa ang buhay natin at plano para magkaroon tayo ng pag-asa.
Kaya Laban lang sa buhay. Kasama natin ang Panginoon.

Magkita-kita tayo sa susunod na lingo!


MOUNTAIN RIDGE CHRISTIAN SCHOOL,Inc.
“A Close to Nature Haven School”
S.Y. 2022-2023

AKTIBIDAD SA PAG-AARAL

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Suriin kung ito ay
nagpapahayag ng makatotohanang pangyayari batay sa karanasan. Isulat sa sagutang papel ang
M kung makatotohanan at DM kung hindi makatotohanan ang pahayag.

_________1. Ipinahayag ng pamahalaang Duterte noong Marso 13, 2020 ang deklarasyon ng
Community Quarantine dahil sa COVID 19.
_________2. Hindi lahat ng rehiyon sa bansa ay sumunod sa direktiba ng pangulo.
_________3. Agad tumalima sa utos ng pangulo ang Lungsod ng Davao at isinailalim ito sa
mahigpit na quarantine.
________ 4. Maraming nawalan ng trabaho dahil sa quarantine at hindi nabigyan ng ayuda ang
mga ito.
________5. Humigit kumulang 10 milyon na ang tinamaan ng COVID 19 sa buong mundo.
________6. Ang Lungsod ng Davao ngayon ay nasa Modified General Community Quarantine.
________7. Di masyadong mahigpit ang mga kapulisan noon gang Davao City ay nasa ilalim ng
Enhanced Community Quarantine.
________8. Naging matagumpay ang Enhanced Community Quarantine sa Lungsod ng Davao.
________9. Hindi kailanman nakaranas ang ating mga Medical Frontliner ng diskriminasyon.
_______10. Walang nasawi sa virus na nakamamatay na COVID 19.

GAWAIN 2

Panuto: Suriin ang mga pangyayaring nakatala sa ibaba mula sa dula. Isulat sa sagutang papel
kung ito’y makatotohanan o di makatotohanan batay sa iyong sariling karanasan o karanasan ng
mga taong napapanood mo sa telebisyon o nababasa sa mga balita at akda at magbigay ng mga
patunay kaugnay ng iyong napiling sagot.

1. Si Estrella ay nais na nakapag-aral din sa Maynila tulad ng anak ni Aling Paz.


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Hindi pumayag si Mang Crisanto sa nais ni Estrela sapagkat lubhang napakalayo ng Maynila.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Nagmalaki din si Gloria sa malaking halagang naimpok niya at gustong makapag-aral sa bayan.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Sinabi ng mag-asawa sa kanilang mga anak na sipag at tiyaga ang puhunan upang maging
matagumpay ay umunlad ang kabuhayan.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. Humahangos na umakyat ng bahay si Cinio upang ipakita sa ama’t ina ang naaning gulay mula
sa bakuran.
________________________________________________________________________ .
GAWAIN 3

Panuto. Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik sa iyong sagutang papel.

1. Tungkol saan ang binasa?


a. Tulong-tulong sa Kaunlaran
b. Ang Mag-anak na Rivera
c. Ang Kabukiran
2. Sino-sino ang mga naging tauhan sa dula?
a. Aling Lita, Mang Crisanto, Estrella, Gloria, Cinio
b. Aling Paz, Naty, Lilia
c. Aling Jesusa, Karlo, Lineth
3. Ano-ano ang dalawang puhunan sa paglago ng kabuhayan?
a. Sipag at Tiyaga
b. Bait at Sipag
c. Tiyaga at Talino
4. Bakit karapat-dapat ibili ni Aling Lita ng bagong t-shirt si Cinio?
a. Dahil marami siyang naaning gulay
b. Dahil mabait siyang bata
c. Dahil sa sariling pagsisikap niya
5. Sa iyong palagay, paano ka makatutulong sa pagpapaunlad ng inyong kabuhayan?
a. Sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti
b. Sa pamamagitan ng pagtulong sag awing bahay
c. Sa pamamagitan ng pagsisikap at pagtitiyaga sa mga gagawing bagay bagay

Pagkatapos mong masagutan ang talakayan hinggil sa dulang iyong binasa,


magpatuloy ka sa susunod na gawaing upang mapagtagumpayan mo ang kasanayang
iyong dapat na matamo at matutunan sa module na ito

GAWAIN 4
Panuto: Gumawa ng mailing dula na may temang “Pangarap”. Isulat ito sa isang buong papel.

Rubriks sa Pagsulat ng Dula.


9 -10 Natatangi
7-8 Napakagaling
5-6 Magaling
3-4 Katamtaman
1-2 Nangangailangan ng
pagsasanay

You might also like