You are on page 1of 12

7

Filipino
Unang Markahan – Sariling

Linangan Kit 5:
Ang Dula
Filipino – Ikapitong Baitang
Unang Markahan – Sariling Linangan Kit 5: Ang Dula
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa SLK na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa SLK na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Bumuo sa Pagsusulat ng Sariling Lingan Kit
Manunulat: Phelma O. Camacho, EdD at Fardia C. Pawai
Editor: Yvette Rosanna P. Escalera
Tagasuri: Rene P. Sultan, EdD
Tagaguhit: Hareld O. Candari
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Aris B. Juanillo, PhD (EPS LRMS)
Alma C. Cifra, EdD (Chief, CID)
Reynaldo M. Guillena, CESO V (Schools Division Superintendent)

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon XI


Sangay ng Lungsod ng Davao
Daang Elipidio Quirino Avenue Lungsod ng Davao
Paunang Salita
Ang Sariling Linangan Kit (SLK) na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral ng
ikapitong baiting ng asignaturang Filipino. Lubos naming pinasasalamatan at
pinahahalagahan ang mga magulang, mga kapatid ng aming mga mag-aaral o ang
kanilang mga kamag-anak na naging katuwang namin sa pagtuturo sa aming mga
mag-aaral.
Makikita sa SLK na iyo ang tekstong babasahin, mga pagsasanay at
paglalahat para sa isang tiyak na aralin. Mangyaring isakatuparan ang mga gawain
nang may pagkukusa at katapatan. Isulat ang inyong mga sagot sa bukod na papel.
Huwag kailanman sulatan ang alinmang bahagi ng SLK. Kung may katanungan o
agam agamsa alinmang bahagi ng SLK, itanong sa inyong mga guro.
Makipag-ugnayan sa kaniya sa telepono bilang _________.

Para sa mag-aaral:
Malugod namin kayong tinatanggap sa Filipino sa Ikapitong Baitang upang
pag-aralan ang Dula .

Ang SLK na ito ay ginawa bialng tugon sa iyong pag-aaral habang wala ka sa
loob ng silid-aralan. Hanagad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang SLK na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Ang kaunlaran ay nag-uugat sa pamilya. Ang mag-anak ay sama-sama at


tulung-tulong para sa kaunlarang kanilang inaasam.

Isa sa mga kaugalian ng mga Pilipino ay ang pagkakaroon ng matatag at


sama samang pamilya. Kilala tayong mga Pilipino na may malaking pagpapahalaga
sa pamilya. Nagtutulungan ang isa’t isa. Nagsasama-sama at nagbubuklod lalo na
kapag may mga kasayahan at pagtitipon. Maipagmamalaki natin sa buong mundo
ang tradisyon at paniniwalang ganito. Subalit may mga pagkakataong nagdudulot ito
nang masama at pagmamalabis at pananamantala ng karamihan. Pero nananaig pa
rin ang kabutihan. Kaya ating tunghayan ang kuwento ng pamilya ni Aling Lita. Paano
umunlad ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng pagtutulungan? Halika’t ating
tuklasin.

Alamin Natin
Ang SLK na ito ay inihanda upang ikaw ay tulungang unawain ang aralin
hinggil sa pabula.

Pagkatapos basahin at unawain ang SLK na ito ikaw ay inaasahang:

1. Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling


karanasan.

Subukin Natin
Panuto. Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod. Piliin at isulat sa sagutang
papel ang wastong titik.

1. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na nangangahulugang gawin o kilos.


a. dula
b. epiko
c. alamat
d. kuwento

2. Ano ang layunin ng dula?


a. magbigay ng impormasyon
b. manghikayat
c. manlibak
d. itanghal ang kaisipan ng may-akda sa pamamagitan ng pananalita
at kilos o galaw

3. Ito ang pinakakaluluwa ng dula.


a. iskrip
b. tanghalan
c. tauhan
d. direktor

4. Ito ay ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip at nagbibitiw ng mga


diyalogo sa dula.
a. tanghalan
b. direktor
c. karakter
d. iskrip
5. Ano pinakapaksa ng dula?
a. tema
b. iskrip
c. direktor
d. tanghalan

Aralin Natin
Panuto. Bago mo simulan ang pagbabasa ng dulang ito, pansinin ang mga salitang
nakalimbag nang pahilig sa bawat pangungusap. Piliin sa mga salitang nasa kahon
sa ibaba ang kahulugan ng bawat isa ayon sa gamit nito sa pangungusap. Isulat ang
sagot sa inyong sagutang papel.
1. Natatandaan ba ninyo si Aling Paz?
2. Sana sa Maynila po ako makapag-aral, Inay,. Matataas naman po ang marka
ko.
3. Malaki-laki na rin po ang kinikita ko sa paggawa ng basket at bayong.
4. Marami po akong naipong pera.
5. Humahangos na umakyat ng bahay si Cinio.

naalaala grado nagmamadali tinutubo

naimpok puhunan

Basahin at unawain ang dula sa SLK na ito upang lumawig ang iyong kaalaman at
maunawaan mo ang mga kaisipang ibinabahagi sa araling ito.

Tulong-tulong sa Kaunlaran
Mga Tauhan: Aling Lita, ina
Mang Crisanto, ama
Estrella, nakatatandang anak na babae
Gloria, isa pang anak na babae
Cinio, bunsong anak

Tagpuan: Sa bahay ng mag-anak na Rivera

(Pagbukas ng tabing, makikita ang mga tauhan sa loob ng bahay. Abala sila sa
paghahanda ng agahan. Sa gawing bakuran, abala si Cinio sa pag-aani ng mga
bunga ng mga tanim na gulay tulad ng patola, upo, bataw, talong, at ampalalya.)
ALING LITA: May ibabalita nga pala ako sa inyo. Natatandaan ba ninyo
si Aling Paz?
GLORIA: Sino Pong Aling Paz, Inay? Iyon po bang ina ni Lilia? ALING LITA:
Iyon na nga. Naibalita niya sa akin na sa Maynila niya pag-aaralin ang anak
niyang si Naty. Masuwerteng bata.
kaya namang pag-aralin ng mga magulang.
ESTRELLA: Sana sa Maynila rin po ako makapag-aral, Inay. Mataas naman
po ang marka ko, a! Ibig ko pong maging nars.
MANG CRISANTO: Magagawa mo ‘yon, bakit hindi? Huwag mo lamang
bang pabayaan ang mga alaga mong manok at baboy,
tiyak na may pangmatrikula ka sa eskuwela.
ESTRELLA: Hindi ko po pinababayaan, Itay. Katunayan po’y alagang alaga
ko sila. Marami-rami na rin po ang ating
napagbilhan ng itlog, manok, at mga baboy na talagang
mabiling-mabili.
GLORIA: Ako rin po, Itay. Maaari po bang pagkatapos ko sa elementarya ay
sa bayan naman ako makapagpatuloy ng
pag-aaral? Malaki-laki rin po ang kinikita ko sa paggawa
ng mga basket at bayong. Mabuti na lamang ang po at
tinuruan ninyo akong gumawa niyon. Marami na po akong
naipong pera.
ALING LITA: Ang sisipag talaga ng mga anak ko. Kaya naman tingnan ninyo.
Nagtuturo na kami ng ama ninyo, may kabuhayan
pa tayong maipagmamalaki. Sipag lang ang puhunan.

MANG CRISANTO: At tiyaga, ikamo.


(Humahangos na aakayat ng bahay si Cinio)
CINIO: (Ipakikita ang basket na punung-puno ng mga gulay.) Heto po ang
aking mga naaning gulay. Marami na naman po
tayong maipagbibili. Taasan natin ang presyo.
GLORIA: Naku, ang lalaki ng mga upo at patola!
ESTRELLA: Kaybibilog ng mga talong!
ALING LITA:Tamang-tama. Araw ng pamimili ngayon sa
palengke. Ititinda ko.
CINIO: Inay, iyong t-shirt ko po. aka makalimutan ninyo. ALING
LITA:Malilimutan ko ba ‘yon, e, nagsariling-sikap ka? Kung
hindi dahil sa’yong matiyagang pag-aalaga ng mga tanim, hindi
tayo aani ng ganito.
MANG CRISANTO: Siguro’y masarap ang ulam na bibilhin ng
inyong ina. Maraming mapagbibilhan sa gulay, e.
ALING LITA:Oo na. Basta’t tuloy ang sariling sikap ninyo.
GLORIA: Tuloy na tuloy po, Inay.
ESTRELLA: Pangako po. Inay.
CINIO: Asahan po ninyo, Inay.
(Ipipinid ang tabing.)

Mula sa Hiyas sa Pagbasa, pp.203-206

Para sa lubos na pag-unawa sa akdang iyong binasa sagutin mo ang mga


katanungan.

Panuto. Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik sa iyong
sagutang papel.

1. Tungkol saan ang binasa?


a. Tulong-tulong sa Kaunlaran
b. Ang Mag-anak na Rivera
c. Ang Kabukiran
2. Sino-sino ang mga naging tauhan sa dula?
a. Aling Lita, Mang Crisanto, Estrella, Gloria, Cinio
b. Aling Jesusa, Karlo, lineth
c. Aling Paz, Naty, Lilia
3. Ano-ano ang dalawang puhunan sa paglago ng kabuhayan?
a. Bait at Sipag
b. Sipag at Tiyaga
c. Tiyaga at Talino
4. Bakit karapat-dapat ibili ni Aling Lita ng bagong t-shirt si Cinio?
a. Dahil marami siyang naaning gulay
b. Dahil mabait siyang bata
c. Dahil sa sariling pagsisikap niya

5. Sa iyong palagay, paano ka makatutulong sa pagpapaunlad ng inyong


kabuhayan?
a. Sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti.
b. Sa pamamagitan ng pagtulong sa gawaing-bahay.
c. Sa pamamagitan ng pagsisikap at pagtitiyaga sa mga
gagawing bagay-bagay.
Pagkatapos mong masagutan ang talakayan hinggil sa dulang iyong
binasa, magpatuloy ka sa susunod na gawain upang mapagtagumpayan mo
ang kasanayang iyong dapat na matamo at matutunan sa SLK na ito.

Gawin Natin
Panuto. Suriin ang mga pangyayaring nakatala sa ibaba mula sa dula. Isulat mo sa
sagutang papel kung ito’y makatotohanan o di makatotohanan batay sa iyong sariling
karanasan o karanasan ng mga taong napapanood mo sa telebisyon o nababasa sa
mga balita at akda at magbigay ng mga patunay kaugnay ng iyong napiling sagot.
1. Si Estrella ay nais na nakapag-aral din sa Maynila tulad ng anak ni Aling Paz.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Hindi pumayag si Mang Crisanto sa nais ni Estrela sapagkat lubhang
napakalayo ng Maynila.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Nagmalaki din si Gloria sa malaking halagang naimpok niya at gustong


makapag-aral sa bayan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Sinabi ng mag-asawa sa kanilang mga anak na sipag at tiyaga ang puhunan
upang maging matagumpay ay umunlad ang kabuhayan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
5. Humahangos na umakyat ng bahay si Cinio upang ipakita sa ama’t ina ang
naaning gulay mula sa bakuran.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Sanayin Natin
Panuto. Suriin ang sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek (√ ) ang patlang kung
ito ay nagsasaad ng pangyayaring makatotohanan at (X) kung hindi. Isulat sa
sagutang papel ang iyong sagot.

__________1. Karaniwan sa mga tao ang umiiyak.


__________2. Lahat ng mga palabas sa sinehan sa kasalukuyan ay pawang
magaganda.
__________3. Ang mga taong hindi nag-iingat ay siyang parating
nakararanas ng mga disgrasya.
__________4. Laganap na sa buong mundo ang pandemyang COVID 19 na
kumikitil ng buhay.
__________5. Umabot na ng humigit kumulang limampung libo ang
nagkakaroon ng COVID 19 sa ating bansa.
__________6. Sa kasalukuyan walang mag-aaral ang nais mag-aral sa
kasalukuyan dahil sa pandemyang ating nararanasan.
__________7. Suliranin ngayon ng mga magulang ang pagkalulong ng mga
anak sa online games dahil sa community quarantine.
__________8. Ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili ang tinatayang dahilan
ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID 19 sa ating bansa. __________9.
Paiigtingin ng pamahalaan ang Anti-Discrimination Law upang
maprotektahan ang ating mga Medical Frontliner.
__________10. Ang kawalan ng malakas na signal ng internet ay malaking
suliranin pa rin ng ating bansa.

Tandaan Natin
Ang Dula ay nagmula sa salitang Griyego na “drama” na
nangangahulugang gawin o ikilos. Ito rin ay isang pampanitikang panggagaya
ng buhay upang maipamalas sa tanghalan.

Ang mga sangkap ng dula ay ang sumusunod: (A) Simula na


kinabibilang ng tauhan, tagpuan, at sulyap sa suliranin (B) Gitna makikita dito
ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan (C)Wakas na may
kakalasan at kalutasan.

Ang dula ay may mga elementong dapat taglayin ito ay ang mga
sumusunod: a)iskrip b)diyalogo c)aktor/karakter d)tanghalan e)direktor f)
manonood g) tema.

Ang mga sumusunod naman ay mga bahagi ng dula. Una ay ang yugto
(act), eksena (scene) at tagpo (frame).
May mga genre din ang dula na dapat isaalang-alang. Ito ay ang
sumusunod (a) komedya (b) trahedya (c) tragikomedya (d) melodrama (e)
parsa (f) parody ay (g) proberbyo.

Ito ang mga dapat nating tandaan tungkol sa dula.

Mula sa Pinagyamang Pluma, pp. 114-116

Suriin Natin
Panuto. Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Suriin kung ito ay
nagpapahayag ng makatotohang pangyayari batay sa karanasan. Isulat sa sagutang
papel ang M kung makatotohanan at DM kung hindi makatotohanan ang pahayag.

_____________1. Ipinahayag ng pamahalaang Duterte noong Marso 13,


2020 ang deklarasyon ng Community Quarantine dahil
sa COVID 19.
_____________2. Hindi lahat ng rehiyon sa bansa ay sumunod sa direktiba ng
pangulo.
_____________3. Agad tumalima sa utos ng pangulo ang Lungsod ng Davao
at isinailalim ito sa mahigpit na quarantine.
_____________4. Maraming nawalan ng trabaho dahil sa quarantine at hindi
nabigyan ng ayuda ang mga ito.
_____________5. Humigit kumulang 10 milyon na ang tinamaan ng COVID
19 sa buong mundo.
_____________6. Ang Lungsod ng Davao ngayon ay nasa Modified General
Community Quarantine.
_____________7. Di masyadong mahigpit ang mga kapulisan noon ang Davao
City ay nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine.
_____________8. Naging matagumpay ang Enhanced Community Quarantine
sa Lungsod ng Davao.
_____________9. Hindi kailanman nakaranas ang ating mga Medical
Frontliner ng diskriminasyon.
___________ 10. Walang nasawi sa virus na nakamamatay na COVID 19.

Payabungin Natin
Panuto. Suriin at isulat ang M kung ang pangungusap ay makatotohanan. At
DM naman kung hindi ito makatotohanan sa inyong sa inyong sagutang papel.
Maraming nasalanta sa bagyong Ambo dahil sa taglay nitong
lakas at bagsik.

Sa kabila nito ay hindi pa rin nawalan ng pag-asa ang mga


naging biktima at patuloy na namumuhay.

Huwag na sana tayong dalawin ng mapaminsalang bagyo.

Katunayan, sa bawat taon ay may 8 hanggang 9 na bagyo ang


pumapasok sa PAR o Philippine Area of Responsibility.

Masakit at nakapanlulumong makita ang ating mga


kababayan na nawawalan ng mahal sa buhay at
kabuhayan.

Pagnilayan Natin
Panuto. Basahin, unawain at sagutin ang katanungan. Isulat mo sa bukod na papel
ang sagot.

Ang kaunlaran ay nag-uugat sa pamilya. Ang mag-anak ay sama-sama at tulong


tulong para sa kaunlarang kanilang inaasam. Ipaliwanag ang nais ipahiwatig nito.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Rubriks sa Pagsulat ng Talata

Lagyan ng marka ang bawat kategorya batay sa mga sumusunod na iskala:

9 – 10 Natatangi
7 – 8 Napakagaling
5 – 6 Magaling
3 – 4 Katamtaman
1 – 2 Nangangailangan ng pagsasanay
Posibleng Sariling Pagtataya
Puntos Pagtataya ng Guro

Ang pagbuo ng pangungusap ay 10


tiyak, tuwiran at hindi maligoy.
Ang mga pangungusap ay may 10
kaisahan ng diwa, malinaw at
may pagkakaugnay-ugnay.

Maayos ang pagkakasulat ng 10


talata. Wasto ang mekaniks at
gramatika.

Nakapokus sa tema ang talatang 10


isinulat.

Nakatatawag-pansin ang 10
panimula.

Nakaaantig ng damdamin ang 10


isinulat.

Susi sa Pagwawasto
(Makipag-ugnayan sa inyong
guro)

Sanggunian

Oracion, L.D.(2012). Ilaw Pinagsanib na Wika at Panitikan I. Sta. Ana, Manila

Julian, A.G.(2018). Pinagyamang Pluma 7. Quezon City

Lalunio, L.P.(2007). Hiyas sa Pagbasa Batayang Aklat. Quezon City


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag
sa: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon XI
Sangay ng Lungsod ng Davao
Daang Elpidio Quirino, Lungsod ng Davao
Telepono: 227-4726

You might also like