You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
Tigbauan National High School
Tupan St., Tigbauan, Iloilo

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

PANUTO: Gumamit ng isang buong papel para sagutan ang pagsusulit na ito.

I. Piliin at isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

1. Tula na mula sa Japan na binubo ng 31 pantig?

a. ambahan b. haiku c. tanaga d. tanka

2. Ginagamit sa mga kuwentong ito ang hayop bilang tauhan?

a. maikling kuwento b. dula c. pabula d. alamat

3. Sino ang tumulong sa tigre para makaahon sa hukay?

a. kuneho b. puno ng pino c. tao d. baka

4. Alin sa mga talaan ang mga halimbawa ng pangatnig?

a. siya,ikaw,tayo b. kaysa,mas,higit c. at,sina,ngunit d. kami,saan,o

5. Ano ang hindi kabilang sa pangkat?

a. direktor b. iskrip c. kariktan d. tanghalan

6. Ang pinakakaluluwa ng isang dula?

a. iskrip b. manonood c. eksena d. tagpo

7. Ang pangatnig ay mga kataga o salita na ____ ng dalawang salita, parirala o


sugnay pinagsusunod-sunod sa pangungusap?

a. nagsasama b. nagtuturing c. nag-uukol d. nag-uugnay

8. Ano ang kadalasang ipinapakita sa dula?

a. kabayanihan ng mga tauhan c. nagaganap sa buhay ng tao

b. pinagmulan ng isang bagay d. kagandahan ng kapaligiran

9. Siya ang nagbibigay ng interpretasyon sa iskrip ng dula?

a. tagpo b. direktor c. manonood d. tanghalan

10. Ama ng Sinaunang Pabula?

a. Aesop b. Basho c. Nukada d. Ki no Tomonori

11. Siya ay mahilig magbasa. Magaling na bata si Ana.Ano ang panghalip na


ginamit?

a. Ana b. siya c. magbasa d. magaling


Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
Tigbauan National High School
Tupan St., Tigbauan, Iloilo

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

Para sa bilang 12-14

Paano ko ipaliliwanag sa iyo anak, kung bakit kung minsa’y kailangan kong umalis
ng bahay at sa gabi na bumalik habang iyak ka nang iyak at ako ang palaging
tianatawag?

Kung sa ngayon anak, ako muna’y patawarin . Ngunit balang araw sana’y
mauunawaan mong ang pagmamahal na iyan ang siyang tunay na dahilan kung
bakit kung minsan ay mas hinaharap kop o ang pagmamakinilya kaysa sa
paghehele sa iyo.

Halaw sa : Paano Nagsusulat ang Isang Ina

Ni Ligaya G. Tiamson Rubin

12. Ang tono ng nagsasalita sa sanaysay ay ?

a. nagdaramdam b. nagtatampo c. nagpapaunawa d. nanghihikayat

13. Ang layunin ng sumulat ng tekstong ito ay upang ?

a. Isa- isahin ang pagkukulang ing ina

b. Ipaunawa sa anak ang sitwasyon ng ina

c. Ipaunawa sa anak kung bakit nagtatrabaho ang ina

d. makonsensiya ang ina sa kawalan ng panahon sa anak

14. Ipinapakita sa teksto ang realidad sa lipunan na ang babae ay :?

a. pantahanan lamang c. aktibong bahagi ng lipunan

b. abala sa labas ng tahanan d. katuwang sa paghahanapbuhay

15. Ano ang ikinaiba ng dula sa ibang genre ng panitikan?

a. Ito ay itinatanghal c. Ito ay masining na isinasalaysay

b. Ito ay binibigkas nang maindayog d. Ito ay mayaman sa supernatural

16. Maganda si Trixie, siya ay gusto ng kaniyang kaibigan.Anong uri ng kohesiyong


gramatikal ang ginamit sa pangungusap?

a. katapora b. berbal c. anapora d. nominal

17. Bakit mahalaga ang kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol sa pagbuo ng


mga pahayag o diyalogo?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
Tigbauan National High School
Tupan St., Tigbauan, Iloilo

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9


a. Binibigyang turing nito ang pangngalan
b. Iniiwasan nito ang pag-uulit ng mga pangngalan
c. Napaiikli nito ang mga pangungusap
d. Napapalawak nito ang mga pangungusap

18. Ang tawag natin sa taong sumusulat ng sanaysay?

a. akda b. manananaysay c. tauhan d. modelo

19. Ano ang pangunahing tauhan sa isang pabula?

a. Tao b. Hayop c. Bagay d. Lugar

20. Ilang araw ang kailangan manatili sa loob ng kuweba para maging ganap na
tao?

a. 50 b. 1000 c. 100 d. 200

II. Basahin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik T kung ito ay
Tama at titik M kung ito ay Mali.

1. Si Aesop ang tinaguriang “ Ama ng Sinaunang Pabula”?


2. Ayon kay Luz Pat, ang sanaysay ay ang pagsasalaysay ng isang sanay.
3. Ang pabula ay isa sa mga sinaunang panitikan sa daigdig at ito ay
kathang –isip lamang.
4. Ang mga tao ang pangunahing tauhan sa isang pabula.
5. Si Prinsesa Tutubi ay mahilig mamasyal at magpalipad-lipad sa papawirin.
6. Ang dula ay isinasagawa at itinatanghal sa pamamagitan ng kilos at galaw.
7. Ang cohesive reference ay mga panghalip na ginagamit para sa pagkasunod-
sunod ng mga pangyayari.
8. Ang “ Niyebeng Itim “ ay isang maikling kuwento mula sa China.
9. Ang haiku ay binubuo ng 31 pantig.
10.Ang pagiging matatag ay ang susi natin sa tagumpay.

III. Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ito ay Anapora o
Katapora
1. Siya ay nag- aral ng mabuti sa Filipino. Si James ay nakakuha ng mataas
na iskor.
2. Si Bb. Reyes ay magandang dilag. Hinahangaan siya ng marami.
3. Binigyan ko si Eva ng bulaklak . Masaya niyang tinanggap ang mga ito.
4. Malinis ang bahay ni Aling Nena. Siya ay iniidolo ng kaniyang anak.
5. Tayo ay isang angkan lamang.Magtulungan tayong magkapamilya.
6. Sila ang katulong ko sa pagbebenta ng gilay. Maasahan ang mga kapatid ko
sa lahat.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
Tigbauan National High School
Tupan St., Tigbauan, Iloilo

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

7. Nagmamadali kaming umuwi pagkatapos ng klase. Sabay-sabay kami ng


aking mga kaibigan.
8. Si Alexia ay payat na bata kaya’t kailang niyang kumain ng mga
masustansiyang pagkain.
9. Kami ay sasali sa paligsahan. Kailangan mag ensayo ng grupo para sa
ikapanalo namin.
10.Ang pamilya Cruz ay namasyal sa mall. Masaya nilang ipinagdiwang ang
kaarawan ng kanilang bunsong anak.
IV. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin kung ano ang
ipinapahayag ng mga sumusunod.

1. Saang bansa nagmula ang pabulang “ Ang Hatol ng Kuneho “ ?


2. Isang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa?
3. Tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o
sugnay na pinagkasunod-sunod sa pangungusap.
4. Ayon sa kanya, ang sanaysay ay ang pagsasalaysay ng isang sanay.
5. Ito ay ang pagpapatungkol sa mga salitang nagsisilbing pananda uoang
hindi paulit-ulit ang mga salita.
6. Maikling tula na binubuo ng 17 pantig na may tatlong taludtod.
7. Ama ni Prinsesa Tutubi.
8. Ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa unahan.
9. Elemento ng dula na saksi o nanood sa isang pagtatanghal.
10.Aklat ni Aesop.

“Basahin at pahalagan ang pagsusulit na ito, kagaya na lamang ng pagpapahalaga


mo sa taong importante sa iyo “

= GOD BLESS YOU =

Inihanda ni : Gng. Loren Rose G.


Miole
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
Tigbauan National High School
Tupan St., Tigbauan, Iloilo

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

You might also like