You are on page 1of 13

6

Module 19

Filipino
Paghinuha sa Saloobing Pandamdamin

9
A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development
Sa Mag-aaral

Magandang umaga! Marami bang aralin ang iyong natapos sa


linggong ito? Iba na naman ang pagbigyan mo ng panahon sa araw
na ito. Sana ay mas lalong magsisikap ka.

Mga Dapat Matutuhan

Tuwing mayroon tayong binabasang kwento o seleksyon ay nasa


isipan natin kaagad kung ano ang niloloob ng ating bansa. Matutuhan
mo ngayon kung paano naibibigay ang wastong paghihinuha sa
pangyayari - saloobing pandamdamin.

Subukin Natin

Basahin ang seleksyon at unawaing mabuti.


ANG BAGONG LIPAT

laking estero ng Maynila. Wala silang nakikita ritong maruming putik at basura at walang masamang amoy sa kanilang
win si Tina at Oscar tungkol sa kanilang bakuran. Kabilang na sila sa mga pamilya na maganda ang hinaharap, lalo na

10
Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Bakit masaya sina Tina at Oscar sa kanilang bagong kapaligiran?

a. Higit na malinis ito kaysa pinanggalingang lugar.


b. Higit na marami ritong tao kaysa pinanggalingan.
c. Higit na marumi ito at mabaho kaysa pinanggalingan.

2. Kung malinis at maganda ang kapaligiran, ano ang nagiging bisa


nito sa mga tao?

a. Wala silang kasiglahan.


b. Nawawalan sila ng pag-asa.
c. Nagkaroon sila ng kasiglaan.

3. Ano kaya ang ginawa ng magkapatid sa kanilang bakuran?

a. ginawa itong laruan


b. tinambakan ito ng basura
c. tinamnan ito ng mga halaman at gulay

4. Makapagtanim na sila ng mga halaman sa paligid ng kanilang


bahay. Anong kapaligiran mayroon sila?

a. Malayo sa polusyon.
b. Mabahong lugar.
c. Matigang ang lupa sa kanilang paligid.

5. Bakit kaya labis ang katuwaan nina Tina at Oscar sa bago nilang
nilipatang bahay?

a. Malaya silang makipagkwentuhan sa sinumang tao.


b. Kahit na maliit ang kanilang bahay ito ay sarili na nila.
c. Malawak ang kanilang mapaglaruan.

Isulat ang iskor.


Pag-aralan Natin

Nakatutulong ba ang mga magsasaka sa ating bansa? Paano?


Basahin ang tula sa ibaba.

ANG DASAL NG MAGSASAKA

Kami ay puspusang gagawa Sa pagbubungkal ng lupa, Kalingain Ninyo nawa Diyos naming mapagpala.

Yaring mga bukid naming Sa ulan Iyong diligin,


Sa tubig at araw ay busugin Upang palay palusugin.

O, Diyos ng kabutihan
O, Diyos na walang hanggan, Kami nawa ay biyayaan,
Ng saganang aning palay.

a. Bakit kaya nagdarasal ang mga magsasaka?


b. Ano ang nangyayari sa mga tanim kung labis naman ang ulan?

Magkatulad ba tayo ng sagot?


a. Nais nilang magkaroon ng masaganang ani.
b. Nalulunod ang mga tanim.

Tama ba ang sagot mo? Kung hindi alamin mo muna kung


paano mo maibigay ang tamang sagot.
Ang pagbibigay ng wastong paghihinuha sa pangyayari –
saloobing ng pandamdamin sa binasa o pagbubuo ng sariling
palagay, pasiya o kalabasan ng pangyayari ay nababatay sa mga
detalyeng inilalahad. Dito nililinang ang kakayahan sa pagbibigay ng
pasiya o desisyon.

Gawin Natin

Basahin ang bawat talata at ibigay ang angkop na hinuha sa


palagay. Isulat ang titik lamang.

1.
Maagang naulila sa ina ang tatlong magkakapatid. Nasa ika-
anim na baitang ang panganay. Palaging malungkot ang
kanilang Itay. Hatinggabi na kung umuwi at lasing pa.

a. Natutuwa ang magkakapatid.


b. Nagkaroon ng malaking problema ang magkakapatid.
c. Naisipan nilang humingi ng tulong sa pamahalaan.

2.
Bagong lipat sina Mildred sa Maynila. Dala nila ang kaunting
naiipong pera. Nagsimula sila sa pagtitinda ng pagkain sa
harapan ng kanilang bahay. Dumarami ang bumibili nito araw-
araw.

a. Hindi pinapansin ng mga tao ang kanilang paninda.


b. Masama ang ugali ng nagtitinda.
c. Nagugustuhan ng bumibili ang kanilang pagkain.
3.
Tuwing bisperas ng Pasko palaging pinapatulog nang maaga ni
Aling Mely at Mang Jose ang mga bata. Bago magsisitulog
nagsasabit muna sila ng medyas para sa pamasko ni Santa
Claus. Hatinggabi na dumarating si Santa Claus.

Ano kaya ang mangyayari sa kanilang mga medyas?

a. Tatangayin ng kanilang aso.


b. Malalaglag sa ibaba ang mga medyas.
c. Lalagyan ng pamaskong handog ni Santa Claus.

Sa lahat ng batang mag-aaral sa ikaanim na baitang,


namumukod si Berto dahil siya ay matalino. Isa sa mga
katangian ni Berto ay mapangarapin. Dahil mahirap sila gusto
niyang yumaman. Madalas niyang sabihin “umulan sana ng
pera”. Ilang sandali may narinig siyang mga mabibigat na butil
na lumagapak sa bubungan. Narinig niya sa mga kapitbahay na
umuulan ng salapi. Kumuha siya ng batya at palanggana para
pagsahuran ng salapi. Nagugutom siya sa kahahakot ng pera at
wala siyang mabilhan ng pagkain dahil sarado lahat ang mga
tindahan. Tinanong niya ang pulis kung bakit walang
nagtitinda. May pera na sila sagot ng pulis. Tinawag siya ng
kanyang ina at niyugyog.

4. Sa palagay ninyo, ano kaya ang ginagawa ni Berto?

a. Naglalaro buong araw sa paligid.


b. Natutulog at nananaginip.
c. Nakipagkwentuhan sa kanyang nanay.

5. Paano mapatunayan na si Berto ay isang batang mapangarapin.

a. Siya ay mabait.
b. Gumagawa siya ng pagkakitaan ng pera.
c. Nangangarap siya na uulan ng pera.

Ano’ng iskor mo?


Mga Dagdag na Gawain

Basahin ang kuwento at ibigay ang sagot sa mga hinuha sa


pangyayari.

ISANG PANGYAYARI SA
DAAN

Bigla ang pangyayari. Hindi malaman kung saan nanggaling ang


bata. Bigla itong sumibad sa gitna ng daan at bago niya nalaman,
nabundol na siya ng isang dyip. Nagdatingan ang maraming tao.
Kasama na rito ang ina ng bata. Lumuluha itong sumama sa
ambulansyang nagdala sa kanyang anak sa ospital. Galit na galit ang
mga tao. Gusto nilang bugbugin ang tsuper. Nang kanila nang
dadaluhungin ang tsuper, siyang pagdating ng pulis.
“Hintay!” ang sigaw ng pulis. “Hindi kayo ang batas. Bayaan
ninyong ang batas ang magparusa sa kanya.”
“Hindi pa ba sapat ang katibayang ito na nangyari sa bata?” Ang
tanong ng nagagalit na isang lalaki.
“Hindi kayo ang makapagpapasiya niyan” ang paliwanag ng
pulis. “Tanging ang hukuman lamang ang makapagpapatunay kung
may kasalanan siya o wala. Maghintay kayo hanggang mapatunayan
ng hukuman ang kanyang pagkakasala.
Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ano kaya ang ginawa ng mga tao pagkatapos makapagpaliwanag


ang pulis?

a. Hindi na sila kumibo.


b. Sinunggaban nila ang pulis.
c. Dinaluhong pa rin nila ang pulis.

2. Ayon sa batas, kailan maaaring parusahan ang isang tao?

a. pagkatapos makapagpaliwanag ang pulis


b. pagkatapos makapagpasiya ang pulis
c. pagkatapos mapatunayan sa hukuman na tunay siyang
nagkasala
3. Ano ang maaaring naging kasalanan ng tsuper?

a. pagsunod sa trapiko
b. pagtingin sa pulis
c. mabilis na pagpapatakbo

4. Sa pangyayari, ano kaya ang mangyayari kung hindi pa dumating


ang pulis?

a. Namatay na ang ina ng bata.


b. Binugbog na ng mga tao ang tsuper.
c. Napabayaan ang kalagayan ng bata at ina.

5. Upang maiwasan ang aksidenteng naganap, ang dapat gawin ng


bata ay _ .

a. Tumakbo nang mabilis sa pagtawid sa daan.


b. Maghanap ng pulis bago tawagin ang ina.
c. Mag-iingat sa pagtawid sa daan.

Ano’ng iskor mo?

Tandaan Natin

pagbubuo ng sariling palagay, pasiya o kalabasan ng pangyayari ay nababatay sa mga detalyeng inilalahad sa kwento
Sariling Pagsusulit

Unawaing mabuti ang binasang kwento. Sagutin ang mga


tanong sa ibaba ng kwento.

ISANG ARAL

ula sa kanyang mga magulang. Wala siyang taros sa paggasta. “Isasama ko si Roberto sa lalawigan,” ang sabi ng pinsa
ng simbahan. Marumi at gusgusin ang ayos nito. Payat at maputla pa. “Noong araw, pinakamayaman ang matandang
la. Buo na ang kanyang pasya.

Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ano kaya ang maging katapusan ng kwento?

a. Nagbago si Roberto sa takot na maghirap.


b. Nagpatuloy pa rin si Roberto sa walang takot na paggasta.
c. Hindi niya pinansin ang ipinakita sa kanya ng kanyang tiyo.
2. Ano ang hindi magandang ugali ni Roberto?

a. tamad
b. laging nagagalit
c. pagiging gastador

3. Ano kaya ang hindi ginawa ng matandang lalaking nakita nina


Roberto?

a. Hindi siya tumulong sa mahihirap.


b. Hindi niya itinago ang kanyang pera.
c. Hindi niya natutuhang pahalagahan ang kanyang pera.

4. Sa ugali ni Roberto sa simula, may pagbabago pa kayang


magaganap sa kanyang buhay kung hindi siya isinama ng kanyang
tiyo sa lalawigan?

a. Wala, kasi naniniwala siyang mayaman sila.


b. Wala.
c. Mayroon dahil kahit na ipinakita lamang sa kanya ang gusgusing
tao at hindi siya sinabihan ng kanyang tiyo ay may nabuo na
siyang pasiya.

5.Sa buhay ng tao, kailangan bang pangangalagaan ang ibinigay na


biyaya?

d. Oo, dahil talagang nakalaan na iyan para sa iyong buhay.


e. Pabayaan lang kung ano’ng nasa tao.
f. Hindi papansinin dahil talagang lalago ito para sa iyo.

Isulat ang iskor sa kahon.


Pagyamanin Natin

Basahin ang kuwento.

SAWIMPALAD NA PRINSESA MAYA

ganda ni Prinsesa Maya. Ang prinsipeng kanyang napangasawa na nakatira sa ibayo lamang ng ilog ay makisig ding bi
mga bagong kasal at mga kamag-anak sa ibayong ilog. Humanap sila ng mababaw na bahagi ng ilog na kanilang matat
tumili at humingi ng tulong. Isang napakalaking linta ang pumulupot hanggang sa baywang ng prinsesa.
g linta. Mabilis itong nakailag kaya ang sawimpalad na prinsesa ay napatingin na lamang nang ubod nang lungkot sa a

Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang nangyari kay Prinsesa Maya?

a. Nakatakbo siya.
b. Nalunod siya sa ilog.
c. Siya ang nataga ng prinsipe.
2. Ano kaya ang ginawa ng prinsipe?

a. Isinama niya si Prinsesa Maya.


b. Pinatay niya ang iba pang tao.
c. Umuwi siya nang nag-iisa sa kanyang kaharian.

3. Alin kaya ang kanyang isinumpa?

a. ang ilog
b. ang kaharian
c. ang prinsesa

4. Paano ipinakita ng prinsipe ang kanyang pagtulong sa prinsesa?

a. Pinatay ang mga taong malapit sa prinsesa.


b. Tinulungan niya kaagad ang prinsesa nang marinig niya itong
sumigaw at humingi ng tulong.
c. Pinatawid ang prinsesa sa malalim na ilog.

5. Bakit kaya sawimpalad si Prinsesa Maya?

a. Hindi sila magkatuluyan ng prinsipe.


b. Namatay ang linta.
c. Siya ang nataga ng nangingintab na sundang ng prinsipe.
Gabay sa Pagwawasto

Subukin Natin
1. a
2. c
3. c
4. a
5. b

Gawain Natin
1. b
2. c
3. c
4. b
5. c

Mga Dagdag na Gawain


1. a
2. c
3. c
4. b
5. c

Sariling Pagsusulit
1. a
2. c
3. c
4. c
5. a

Pagyamanin Natin

1. c
2. c
3. a
4. b
5. c

You might also like