You are on page 1of 5

Basahin nang tahimik ang teksto:

Tulad ng mga tao, ang mga insekto at mga hayop ay mayroon ding mga suliranin . Panoorin ang langgam at ang tipaklong sa paghahanda nila sa araw ng bukas at may matutuhan tayo. Kung pagmamasdan sila, makikilala ang pagkakaiba ng kanilang ugali. Pag tag-araw at maganda ang panahon, walang ginagawa ang tipaklong kundi magsaya. Umaawit at pasayaw-sayaw sila sa mga dahon ng halaman at sa mga damo. Ayaw niyang gumawa para sa araw ng bukas. Saka na iyon, ang sabi niya. Ibang-iba si Langgam araw-araw, wala siyang tigil sa paggawa. Nag-iimpok siya ng pagkain para sa tag-ulan. Dahil dito, sakaling magpanay ang ulan at siyay di makalabas, may pagkain na siya. Hindi siya magugutom kapag dumaing ang kagipitan. Kahit umulan , may nakaimbak siyang pagkain. Matapos basahin ang teksto, piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Ang seleksyon ay tungkol sa a.Tipaklong at tao c. Langgam at Tipaklong 2. Maihahanay ang Tipaklong at Langgam sa a. hayop b. insekto c. laman-dagat d. laman-lupa c. Langgam at tao d. Tipaklong at tao

3. Saan sumasayaw-sayaw si Tipaklong para magsaya? a. dahon ng halaman b. dahon ng mga halaman at damo c. sa mga damo d. halaman ng damo

4. Bakit naiiba si Langgam kay Tipaklong? a. lagging nagsasaya b. lagging gumagawa c. lagging naglalaro d. lagging sumasayaw

5. Sino ang pinaghahambing sa unang pangungusap? a. tao at insekto b. tao at hayop c. tao, insekto at hayop d. insekto at hayop

6. Tuwing tag-araw at maganda ang panahon, ang Tipaklong ay

7. Ang pinakaakmang kasabihang maiuugnay sa katangian ng langgam SAYANG!!! ni Dobel M. Dizon

Bata pa lamang ako, sa pabrika na ng niyog nagtatrabaho ang nanay at tatay ko. Bago mananghalian, naroon na ako upang dalhan sila ng pagkain. Mabaho at maalinsangan doon. Nakatambak ang sangkatutak na balat ng niyog sa aking dinaraanan. Halos sipain ko sa galit ang mga ito at palagi kong sinasabi na kundi dahil sa trabaho nina nanay at tatay, hindi sana ako mauutusang magdala ng pagkain. Isang araw, ang daming dala-dalang tubo ng nanay ko na galling sa loob ng niyog. Paggising ko kinabukasan, nakita ko ang napakaraming kendi sa ibabaw n gaming mesa . Sabik na sabik akong kunin ang mga ito. Tinanong ni nanay kung gusto kong itinda ang mga ginawa niyang tubo-candies. Mabilis akong sumagot ng oo dahil alam kong magkakapera ako at mabibili ko na ang laruan sa tindahan ni Aling Nena. Mabilis na naubos ang tatlong baong candies. Ibang-iba ang ngiti ni nanay.Biruin mo, halos sipain ko sa galit ang mga bao ng niyog na nadaraanan ko sa pabrikang pinagtatrabahuhan nina nanay at tatay pero ito pala ang makatutulong upang makatapos ako ng pag-aaral, makapagtrabaho at ngayon ay nagbabakasyon na sa Amerika. Alam kong hindi lamang tubo-candy ang maaaring gawin sa niyog. Marami nang Pilipino ang yumaman sa punong ito dahil sa paggawa ng mga produktong tulad ng pawid, walis, coco-lumber, basket, uling , langis, sabon shampoo, alak, nata-decoco, mga palamuting pantahanan at kung anu-ano pa. Sayang! Walang niyog dito sa bansang pinagbabakasyunan ko. Maswerte pa rin ang Pilipinas dahil maramingniyog doon. Higit sa lahat, marami rin sa sarili kong bansa ang mahuhusay, matatalino at malilikhaing mga Pilipino na tulad ni nanay.

1. Ang nagsasalaysay sa kwento ay nasa a. pabrika b. paaralan c.Pilipinas d. Amerika

2. Ang bata sa kwento ay nagagalit dahil sa a. mabaho at maalinsangan sa pabrika c. ayaw niyang magdala ng pagkain

b. sangkatutak ang nagkalat na bao ng niyog d. doon nagtatrabaho ang kaniyang magulang 3. Ang kwento ay tungkol sa a. batang ayaw magpunta sa pabrika b. kahalagahan ng niyog sa Pilipinas c. pagiging malikhain ng Pilipino d. mga manggagawa ng niyog

4. Pinatunayan sa kwento na malikhain ang mga Pilipino nang a. sinikap ng mag-asawa na buhayin ang kanilang pamilya b. gumawa ng kendi ang nanay mula sa niyog c. Itinda ng bata ang mga kending mula sa niyog d. 5. Ang kending ginawa ng nanay mula sa niyog ay naghihikayat ng a. pagkain ng kendi araw-araw b. pagtupad sa tungkulin c. pag-asa sa buhay d. pagsunod sa magulang

6. Nagbago ang pamumuhay ng mag-anak sa pamamagitan ng a. pagtatrabaho sa pabrika ng niyog b. pagiging malikhain ng kanyang nanay bata 7. Sa ngayon, ang batang tinutukoy sa kwento ay a. bata pa rin b. matagumpay na negosyante 8. Ang kaisipang pinakita sa kwento ay a. Pagyamanin ang mga bagay na nasa paligid b. Mahalagang magtulungan ang mag-anak c. Ang tao ay maaaring yumaman kung gugustuhin d. Mag-isip ng magagawa sa pamilya c. isang bakasyunista d. nagtitinda ng tubo-candies c. paggawa ng tubo-candies d. pagtatapos sa pag-aaral ng

Akda Blg. 2

1. Marami ang naghihirap na Pilipino dahil di gaanong maunlad ang ekonomiya ng Pilipinas. Ngunit sa kabila nito ay kabilang sa pinakamasasayang tao sa mundo ang mga Pilipino at marami ang sanhi nito. Ayon sa datos ng Happy Planet Index, ika-7 ang Pilipinas sa 178 na bansang niranggo bilang pinakamasasaya sa daigdig noong 2006. Bakit mataas ang ranggo ng Pilipinas kahit ang karamihan sa mga Pilipino ay kulang sa pagkain, gamot , edukasyon, damit at disenteng tirahan?

2. Ayon sa isang pari, ang kahirapan ay nagdudulot ng pisikal na sakit lamang. Sabi pa niya, madali raw makaangkop ang mga Pilipino sa sakit dahil nasa kalooban nila ang Diyos. Ayon naman sa isang manunulat, nakatuon ang buhay ng mga Pilipino sa pamilya, pamayanan

1. Malaking bilang ng pamilyang Pilipino ang mahirap sapagkat a. bagsak ang ekonomiya ng bansa b. hindi gaanong nabibigyan ng pansin ang pagpapaunlad ng ekonomiya ng Pilipinas c. Hindi gaanong mahuhusay ang ekonomista ng bansa d. hindi matatag ang ekonomiya ng bansa 2. Kahit naghihirap ay masaya ang mga Pilipino dahil a. likas silang masayahin b. sanay sila sa hirap c. madali sila makaangkop sa anumang sitwasyon d. maraming bagay ang nagpapasya sa kanila 3. Ang Happy Planet Index ay siyang 4. Ayon sa isang pari, medaling makaangkop ang mga Pilipino sa pisikal na sakit dahil nasa loob nila ang Diyos; nanalig sila na a. pagagalingin sila ng kanilang pananampalataya b. mahusay magpagaling ng sakit ang Diyos c. Matiisin sa sakit ang mga Pilipino d. medaling gumaling ang pisikal na sakit

5. Ayon naman sa isang manunulat, nakatuon ang buhay sa Pilipinas sa pamayanan, pamilya at sa kabutihan sa kapwa, nagpapatunay lamang ito na mahalaga sa mga Pilipino ang a. paggawa ng kabutihan b. kanilang kapaligiran c. kanilang kapwa d. kanilang pamilya 6. Ang talata bilang 2 ay nagpapatunay na a. Hindi mahusay ang b. mababaw lamang ang kaligayahan ng mga Pilipino c. hindi delikado sa pagkain ang mga Pilipino d. ang kaligayahan ay maaaring matagpuan sa mga simpleng bagay at lugar 7. Piliin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na pamagat ng binasang seleksyon. a. Tunay na Masayahin ang mga Pilipino b. Mga Pilipino, Ika-7 Pinakamasayahing Tao sa Mundo c. Masayahin ang mga Pilipino d. Bakit Masayahin ang mga Pilipino? 8. Tungkol saan ang akda? a. b. Wala sa material na bagay ang kaligahayan c. Mahalaga ang positibong pananaw sa buhay d. Matatagpuan ang kaligayahan sa pinakasimpleng bagay o lugar

You might also like