You are on page 1of 41

1

Modyul sa
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Linggo Blg. 5 – 8
1
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Pagsasabi nang Totoo sa Pamilya at
Kapwa
Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan: Modyul 5: Pagsasabi nang Totoo sa Pamilya at Kapwa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb CESE, DEM

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Liza R. Cortel

Editor: Maria Cristina H. Morillo

Tagasuri: Narcie Fe M. Solloso

Tagalapat: Elaine Jade C. Diolola

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Narcie Fe M. Solloso
Pandibisyong Tagapag-ugnay/Pandistritong Tagamasid

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Tapat ka ba sa iyong sarili, sa iyong kapwa, at sa iyong pamilya? Nagsasabi ka


ba nang totoo? Ano ang pakiramdam mo kapag nagsasabi ka nang totoo?
Alam mo ba na ang pagiging matapat ay isang kaugalian na ating dapat
pahalagahan. Ang katapatan ay isang mahalagang aspekto sa ating buhay. Sa
bawat pagkakataon, kailangan ang katapatan sa lahat ng ating ginagawa.
May kasabihan tayo na, “ang batang matapat ay kinalulugdan ng lahat.”

Sa modyul na ito, ating alamin, suriin, ilarawan, isagawa at ibahagi sa iba ang
mga gawain na nagpapakita ng katapatan gaya ng pagsasabi nang totoo sa
magulang, nakatatanda at iba pang kasapi ng mag-anak.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang


sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

ü Nakapagsasabi nang totoo sa magulang, nakatatanda at iba pang


kasapi ng mag-anak kung saan papunta/nanggaling.

Subukin
Sa nakaraang aralin, pinag-aralan natin ang pagiging magalang sa lahat
ng oras. Sa araling ito, pupunta naman tayo sa pagiging matapat. Alam mo ba
ang kahulugan ng pagkamatapat?

Ngayon, malalaman natin kung ano ang ibig sabihin ng pagiging matapat.
Sagutan natin ang maikling pag susulit.

Panuto : Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Naglinis ang pangkat Starwars sa kanilang silid-aralan. Habang
nagpupunas si Adam sa mesa ng kaniyang guro ay natabig niya ang
plorera. Sinabi ni Adam sa kaniyang guro na siya ang nakabasag ng
plorera.
A. Tama B. Mali C. Marahil

2. Habang nanood ng TV si Atoy, may napanood siyang masarap na pagkain


sa patalastas at gusto niyang bumili nito sa tindahan. Mabilis siyang
lumabas upang bumili ngunit hindi siya nagpaalam sa kaniyang nanay.
Tama ba ang ginawa ni Atoy?
A. Tama B. Mali C. Marahil

1
3. Oras na ng uwian nang yayain si Boyet ng kaniyang kaklase na maglaro sa
palaruan. Pagdating sa bahay, tinanong siya ng nanay niya kung saan siya
galling. Sinabi niyang nakipaglaro siya kasama ang mga kaklase sa
palaruan.
A. Tama B. Mali C. Marahil

4. Pagkatapos maglinis ni Mona ng bahay ay nagpaalam siya sa kaniyang


nanay na pupunta siya sa bahay ng kaklase upang mag-aral, subalit
naglaro lamang pala siya. Tama ba ang inasal ni Mona?
A. Tama B. Mali C. Marahil

5. Inutusan si Letlet na bumili sa tindahan. Matagal siyang nakabalik dahil


may nakasalubong siyang kaklase at sila ay nagkuwentuhan. Pagdating
sa bahay sinabi niya ang totoo sa kaniyang nanay .
A. Tama B. Mali C. Marahil

Aralin Pagsasabi nang Totoo sa Pamilya at


5 Kapwa.

“Ako ay Matapat sa Lahat ng Oras”


Ang araling ito ay may kaugnayan sa pagiging matapat ng isang tao. Mahalaga
ang pagiging matapat sa kapwa sa lahat ng pagkakataon. Maraming
nalulugod sa isang batang may angking katapatan at palaging nagsasabi ng
katotohanan lalo sa mga magulang at nakatatanda. Ito ay isang magandang
ugali na dapat taglayin ng isang batang Pilipino na dapat nating ipagmalaki at
tularan.

Sa iyong palagay, ikaw ba ay isang matapat na bata?

Balikan
Basahin ang tula:
ANG PO AT OPO
Ang bilin sa akin ng ama’t ina ko,
maging matulungin, mamumupo ako.
Kapag kinakausap ng matandang tao,
sa lahat ng oras, sa lahat ng dako.

2
Paano mo ipakikita ang paggalang sa iyong pamilya?

_______________________________________

Ano-ano pang mga magagalang na pananalita ang


ginagamit mo sa pakikipag-usap sa nakatatanda?
_______________________________________

Paano humingi ng pahintulot bago gamitin ang


anomang gamit ng kalaro, kaibigan at kaklase?
Paano isasauli ang anomang gamit na ginamit o hiniram.
_________________________________________

Mga Tala para sa Guro


Ipaalala sa mga mag-aaral na mahalagang basahing mabuti ang
mga panuto sa bawat gawain. Ipaunawa na gumamit ng activity
sheet na kalakip ng modyul sa pagsagot sa mga pagsasanay at
gawain sa modyul.

Tuklasin

Ang pagiging matapat ay maituturing na


isang kayamanan na hindi matutumbasan.

Kuwento tungkol sa isang batang matapat


Si Pat, Ang Batang Matapat.
Araw ng sabado, si Pat ay nagpaalam sa kaniyang
nanay na pupunta siya sa bahay ng kaniyang
kaklase upang gumawa ng kanilang proyekto.

Hapon na di pa rin umuuwi si Pat kaya nag-alala na ang kaniyang


nanay.
Nang biglang may kumatok sa pinto at nakita niya si
Pat na halatang takot sa kaniyang nanay.

3
Biglang itong umiyak kaya naman nagtaka ang kaniyang nanay. Sinabi niya
ang totoo kung saan siya nanggaling. “Nanay, pumunta po ako sa parke at
naglaro po kami ng aking kaklase. Hindi po kami gumawa ng takdang aralin.”
Kahit nagalit ang nanay ni Pat, bigla siya nitong niyakap at
pinagsabihan na huwag nang magsinungaling ulit.
Magmula noon ay palagi nang matapat si Pat.

Sagutin:
1. Ano ang pamagat ng kuwento?
__________________________________________
2. Saan naglaro si Pat?
__________________________________________
3. Bakit nag-aalala ang kaniyang nanay?
____________________________________________
4. Batay sa kuwento, paano mo masasabi na si Pat ay batang matapat?
_____________________________________________________
5. Kung ikaw si Pat, magsasabi ka rin ba ng totoo sa iyong nanay?
_________________________________________________________

Suriin

Laging isaisip ang sumusunod:

1. Ipaalam sa magulang o nakatatanda ang tunay na lugar at mga kasama sa


pupuntahan. Mahalaga na alam ng iyong pamilya o sinomang kasapi ng
mag-anak kung saan lugar ka pupunta o galing. Maraming paraan ang
pagsasabi o pagpapalaam, kagaya ng pagpapadala ng mensahe sa text o
pagpapaalam ng personal.

2. Ipaalam ang tunay na oras ng pag-alis at pag-uwi. Mahalagang malaman


ng kasapi ng pamilya lalo na ang ating mga magulang ang tamang oras ng
pag-alis at pag-uwi upang hindi sila mag-alala.

3. Ipaalam ang tunay na dahilan ng kasalanang nagawa. Ang pag-amin ng


kasalanan ay mas mahalaga kaysa sa pagsisinungaling. Marami ang
nagtitiwala sa batang matapat.

4. Ang pagiging matapat ay ang pagsasabi ng totoo. Marami ang natutuwa sa


isang batang matapat. Maging matapat sa lahat ng oras.

4
Pagyamanin

Marami ka bang natutuhan sa ating aralin tungkol sa pagiging matapat?

Gawain 1

Panuto : Kulayan ng pula ang mansanas kung ito ay tamang gawi at

kulayan ng berde kung maling gawi.

1. Nagpaalam si Pat na pupunta siya sa bahay ng kaklase subalit


nakipaglaro siya sa mga batang nasa kalye.
2. Ikaw at ang iyong ate ay inutusan ng inyong nanay papuntang
palengke. Sumakay kayo ng dyip pero sa ibang lugar kayo pumunta.
Hindi mo isusumbong ang iyong ate kay nanay.
3. Araw ng Sabado at walang pasok. Naglinis kayo ng iyong kapatid ng
bahay. Habang nagpupunas ka ng mesa, natabig mo ang pitsel at
nabasag ito. Inamin mo kay tatay ang nangyari.
4. Gabi na nang makauwi si Adam ng bahay. Tinanong siya ng
kaniyang kuya kung saan siya nanggaling. Hindi niya inamin na
naglaro siya sa parke kasama ang mga kaklase.
5. Si Lilo ay palaging nagpapaalam sa kaniyang magulang kung saan
pupunta at sinasabi niya rin kung saan siya nanggaling.

Gawain 2: Basahin at unawain ang panuto.


Mga bata kilala ba ninyo si Pinocchio, anong klaseng bata siya?
Panuto: Basahin ang sitwasyon at kung ito ay hindi pagsasabi ng totoo,
dugtungan ang ilong ni Pinochio.

A. Hapon na wala pa si Totoy. Galing pala siya sa paglalaro


sa kanilang kapitbahay. Tinanong siya ng kaniyang nanay,
ngunit ang sabi niya ay galing siya sa paaralan.

B. Kailangan ni Lola ng kasama sa bahay. Aalis si Mira


upang bumili ng ulam para sa kanilang hapunan. Sinabi
niya na babalik siya agad bago mag-ikatlo ng hapon.
Nakabalik si Mira ng bahay bago mag-ikatlo ng hapon.

5
C. Nagtanong si Ate kung sino ang nakabasag ng baso na
itinapon sa basurahan. Ikaw ang nakabasag ng baso
kagabi ngunit sumagot ka na hindi mo alam kung sino ang
nakabasag.

D. Dumating kang pagod at puno ng pawis.


“Amari, saan ka nanggaling? “, tanong ng iyong lola.
Agad mong sinabi na “Lola galing po ako sa labas at
naglaro po kami ng kaibigan ko. “

Isaisip

Ang pagiging matapat ay pagsasabi ng totoo. Marami ang natutuwa sa


isang batang matapat. Maging matapat sa lahat ng oras.
1. Ipaalam sa magulang o nakatatanda ang tunay na lugar at mga
kasama sa pupuntahan.
2. Ipaalam ang tunay na oras ng pag-alis at pag-uwi.
3. Ipaalam ang tunay na dahilan ng kasalanang nagawa.

Gawain :
Humarap sa salamin at bigkasin ang mga ginawa mong katapan sa iyong
mga magulang, kasapi ng pamilya, at sa lahat ng nakatatanda.

Ako ay Batang
Matapat.

6
Isagawa
Gumawa ng poster ng Pagiging Matapat. Idikit sa gitna ng papel ang iyong
larawan. Iguhit sa paligid nito ang mga nagawa mong katapatan. Ipaskil ang
poster.

Ako ay Matapat Paaralan


Bahay

Kaklase Kaibigan

7
Tayahin

Basahin at unawain ang bawat sitwasyon.


Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Tinanong ka ng Ate mo kung bakit ginabi ka ng uwi. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi na lang kikibo.
B. Sasabihin ang totoo kay ate.
C. Iibahin ang sagot.
D. Iiyak agad.

2. Magkakaroon kayo ng pagsusulit sa susunod na araw. Nais ng iyong kaklase


na sa kanilang bahay kayo mag-aral. Paano ka magpaalam sa iyong
nanay?
A. Sasabihin na pupunta sa bahay ng kaklase.
B. Hintaying umalis si nanay bago pumunta sa kaklase.
C. Magkukunwari lang na may kukunin sa labas.
D. Hindi na mag aaral.

3. Tuwing tanghali, ikaw ay naatasang maghugas ng pinggan. Hindi


sinasadya at nabagsak mo ito. Ano ang sasabihin mo?
A. Sabihin ang totoo sa nanay.
B. Iligpit ang nabasag na pinggan.
C. Sabihin na ang kapatid na bunso ang nakabasag.
D. Huwag na lang magsalita.

4. Isang gabi, narinig mong tinatanong ni tatay ang iyong kuya kung saan siya
galling. Nagsinungaling ang kuya mo kaya napagsabihan ito. Dapat mo
bang tularan ang iyong kuya?
A. Hindi po.
B. Opo.
C. Marahil.
D. Hahayan ko na lang siya.

5. Huli kang dumating sa klase dahil nakipaglaro ka pa sa labas. Tinawag ka


ng iyong guro sa likod upang kausapin
Sasabihin mo ba ang totoo?
A. Hindi po.
B. Hindi po ako magsasalita.
C. Opo.
D. Iiyak po ako.

8
1
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Pagsasabi ng Totoo sa Pamilya at
Kapwa
Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan: Modyul 6: Pagsasabi ng totoo sa Pamilya at Kapwa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb CESE, DEM

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Liza R. Cortel

Editor: Maria Cristina H. Morillo

Tagasuri: Narcie Fe M. Solloso

Tagalapat: Elaine Jade C. Diolola

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Narcie Fe M. Solloso
Pandibisyong Tagapag-ugnay/Pandistritong Tagamasid

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Ikapitong Utos ng Diyos “Huwag kang Magnakaw”

Ang pagkuha ng mga bagay na hindi sa iyo ay hindi nakalulugod sa


paningin ng Diyos at kapwa tao. Sa isang pamilya o samahan ay hindi
maaaring kumuha ng mga bagay nang hindi ka nagpapaalam sa may-ari
nito. Kailangang magkaroon ng respeto sa may-ari ng bawat bagay.

Sa modyul na ito, ating alamin, suriin, ilarawan, isagawa at ibahagi sa iba


ang mga gawain na pagsasabi ng totoo sa pamilya at kapwa, at ang pag-
iwas sa pagkuha ng hindi mo pag-aari.

Sa pagtapos ng modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo


ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

PPagsasabi ng totoo sa pamilya at kapwa, at ang pag-iwas sa pagkuha


ng hindi mo pag-aari.

3
Subukin

Sa nakaraang aralin, pinag-aralan natin ang pagsasabi ng totoo sa


magulang, nakatatanda at iba pang kasapi ng mag-anak kung
saan papunta o nanggaling.
Ngayon, malalaman natin kung bakit mali ang kumukuha ng hindi
mo pag-aari.
Panuto : Basahin ang bawat sitwasyon. Bilugan ang masayang
mukha

kung nagsasabi ng tapat at kung hindi.

1. Kumuha ng pera sa pitaka ni Nanay si Atoy nang hindi


nagpaalam.

2. Nakapulot si Maya ng payong. May pangalan ito ng


kaniyang kaklase kaya naibalik niya ito.

3. Inutusan ka ng nanay na bumili ng sampung pisong


asin. Nakatawad ka ng dalawang piso at ibinili mo ito ng
kendi.

4. Nakapulot si Liway ng cellphone sa daan. Agad niya


itong pinasok sa bag habang wala pang nakakita nito.

5. Habang naglilinis ang kasambahay, nakakita siya ng


kuwintas sa sahig at agad niyang binigay sa may-ari.

Aralin Ang Pagsasabi ng Totoo sa


6 Pamilya at Kapwa

Ikaw, naranasan mo na bang kumuha ng gamit na hindi sa iyo?


Ang pagkuha ng gamit ng iba ay hindi magandang pag-uugali. Masama
ang kumuha ng gamit na hindi sa atin at kung nais gamitin ay dapat
ipagpaalam ito sa may ari. Tayo ay may kasabihan na, “Ang batang
matapat ay kinalulugdan ng lahat.”
Ikaw, isa ka ba sa mga batang ito?

4
Balikan
Naalala mo ba ang mga natutuhan mong aralin noong mga
nakaraang araw? Mahalaga ba ito sa iyo? Bakit?

Mga Tala para sa Guro


Ipaalala sa mga mag-aaral na mahalagang basahing mabuti ang
mga panuto sa bawat gawain. Ipaunawa na gumamit ng activity
sheet na kalakip ng modyul sa pagsagot ng mga pagsasanay at
gawain sa modyul.

Tuklasin

Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.

At pag may
Hindi pa, bagay kang
g ang alam nakita o
An n ay
ga ko masama napulot na
il an alam
ka gpa iyon.
ay hindi sa
ma ng m yo
ku ta iyo,ay agad
u nin i sa
k d mong
ku hin .
n a n ibabalik sa
ati
may-ari.

5
Mga Tanong :
1. Ano-ano ang pinag-usapan ng dalawang bata?
___________________________________________
2. Bakit kailangan nating isauli ang mga bagay na hindi sa atin?
______________________________________________
3. Kailangan ba nating magpaalam pag may gusto tayong gamitin o
hiramin na pag-aari ng iba? Bakit?
______________________________________________

Suriin

§ Ang pagsasabi ng totoo sa pamilya at kapwa ay mahalaga upang


magkaroon ng masayang samahan. Lubos na nagkakaunawaan sa
isa’t isa at madaling masolusyonan ang anomang suliraning
kinakaharap.

§ Ang pagpapakita ng katapatan ay nagdudulot ng mabuting


epekto sa ating buhay tulad ng pagkakaroon ng tahimik na buhay
at busilak na kalooban.

§ Mahalaga na matutuhan mo ang magpaalam sa iyong pamilya at


kapwa sa lahat ng iyong ginagawa lalo na kung ikaw ay kukuha o
hihiram ng gamit, sapagkat pagpapakita ito ng iyong pagbibigay
respeto sa kanila.

§ Mga ilang halimbawa ng pagsasabi ng totoo sa pamilya at kapwa


at pagpapaalam sa paggamit ng hindi mo pag-aari.

Ø Magsabi nang totoo kung nakagawa ng kasalanan.


Ø Ugaliin palagi ang magpaalam sa kapwa at pamilya kung may
nais gamitin o hiramin.
Ø Iwasan ang kumuha ng bagay na alam mong hindi sa iyo.
Ø Sabihin ang totoong nararamdaman sa mga sitwasyong
nararanasan.
Ø Nasasabi ang totoong pangyayari upang makatulong sa
paglutas ng suliranin.

6
Pagyamanin
Panuto: Isulat ang S kung ikaw ay sang-ayon. HS kung hindi ka sang-
ayon.
______ 1. Nanghingi kay tatay ng perang pambili ng krayola.
______ 2. Isinuot ni Ben ang sapatos ng kaniyang kuya nang hindi
nagpaalam.
______ 3. Kinuha mo ang bagong lapis ng iyong kaklase nang hindi niya
alam.
______ 4. Isinauli mo sa nanay ang sobrang pera na ibinigay sa iyo.
______5. Ipinamimigay ko ang mga gamit na aking napupulot.
Gawain 2: Isulat ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagsasabi ng totoo
sa pamilya at kapwa at MALI kung hindi.
_______ 1. Magpaalam sa kasapi ng pamilya kung aalis ng bahay.
_______ 2. Hihingi agad ng patawad kung may nagawang kasalanan.
________ 3. Kukunin ang bagong payong ng iyong kaklase ng hindi
nagpapaalam.
________ 4. Sasabihin sa guro ang totoong nakitang pangyayari ukol sa
pag-aaway ng iyong kaklase.
________ 5. Itatago ang nabasag na baso upang hindi mapagalitan ni
nanay.

7
Isaisip
Laging tandaan!

11.1. 1. 1. Ang pagiging matapat sa


lahat ng bagay at hindi pagkuha ng
bagay ng hindi sa kaniya ay dapat
tandaan.

Ito ay dapat pamarisan ng sinoman.

Ito ay magiging daan tungo sa


magandang kinabukasan.

Isagawa
Panuto: Lagyan ng tsek (/ ) ang hanay ng iyong sagot.
Ginagawa mo ba ito? Hindi Minsan Lagi

1.Nagpapaalam sa may-ari ng
isang bagay bago ito gamitin.

2. Ginamit ko ang medyas ni


ate nang hindi niya alam.

3.Ibinabalik ko kay tatay ang


perang sobra sa baon ko.

8
4. Itinatago ko ang nakikita
kong mga bagong laruan ng
aking kalaro.

5. Nagpapaalam sa guro na
manghiram ng mga
kuwentong pambata bago ito
kunin.

Tayahin
Panuto: Unawaing mabuti ang sitwasyon sa bawat pangungusap. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang.

______ 1. May nakita kang pera sa kama ng inyong silid-tulugan. Ano ang
gagawin mo?

A. Kukunin at ibibili ng laruan.


B. Ibibigay sa iyong kalaro.
C. Sasabihin kay nanay.
D. Itatago ko ito.

______ 2. Nakita mo na may bagong tsinelas ang iyong ate. Gusto mong
hiramin ito. Ano ang gagawin mo?
A. Magpaalam sa kapatid na hiramin ang bagong tsinelas.
B. Kunin na ang tsinelas at isuot.
C. Itatago ang tsinelas ni ate.
D. Ibigay ang bagong tsinelas sa kaibigan.

_______ 3. Ginamit ni Marla ang payong ng kaniyang kaibigan na hindi


nagpapaalam. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa ni Marla?
A. Opo, dahil kaibigan naman niya ang may-ari ng payong.
B. Hindi po, dahil hindi siya nagpaalam na gagamitin ang payong.
C. Opo, dahil aawayin niya ang kaibigan kapag hindi nagpahiram ng
payong.
D. Hindi po, dahil wala naman ang kaniyang kaibigan.

9
______ 4. Gusto mong bumili ng bagong laruan ngunit wala kang pera.
Ano ang gagawin mo?

A. Agawin ang pera ng iyong kalaro.


B. Magalit sa magulang.
C. Aawayin ang kapatid.
D. Sasabihin ang totoo kay nanay na nais mong humingi ng pera
upang ipambili ng laruan.

______ 5. Sinabihan kayo ng inyong guro na magsulat ng pangalan ngunit


hindi ka makagawa dahil wala kang lapis. May nakita kang lapis sa
ibabaw ng mesa ng iyong guro. Ano ang gagawin mo?

A. Kunin ang lapis sa mesa ng guro.


B. Ipakuha ang lapis sa iyong kaklase na nasa mesa ng guro.
C. Hintayin na tumalikod ang guro bago kunin ang lapis.
D. Magpapaalam sa guro na hihiramin muna ang lapis.

10
1
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Pagsasabi ng Totoo sa mga Pangyayari sa
Paaralan na Nagbunga ng Hindi
Pagkakaunawaan/
Pagkakaintindihan
Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Pagsasabi ng Totoo sa mga Pangyayari sa Paaralan na
Nagbunga ng Hindi Pagkakaunawaan/Pagkakaintindihan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb CESE, DEM

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rexsie L.Vinarao

Editor: Maria Cristina H. Morillo

Tagasuri: Narcie Fe M. Solloso

Tagalapat: Elaine Jade C. Diolola

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Narcie Fe M. Solloso
Pandibisyong Tagapag-ugnay/Pandistritong Tagamasid

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Kamusta ka! Alam mo ba, sa araw na ito ay may bagong modyul na nabuo
at nagawa para sa iyo. Matutuklasan at matututuhan mo sa modyul na ito ang
pinakamahalagang katangian na may kaugnayan sa paghubog ukol sa iyong
kagandahang-asal tulad ng iyong katapatan sa lahat ng oras.

Sa modyul na ito, inaasahan ang pagsagot mo sa mahalagang tanong na:


Paano mo malalaman, maipakikita, mailalarawan at maisasagawa ang mga
gawaing may pagsasabi ng totoo sa mga pangyayari sa paaralan na nagbunga
ng hindi pagkakaunawaan .

Sa modyul na ito, ating alamin, suriin, isagawa, ilarawan at ibahagi sa iba ang
mga gawain na nagsasabi ng totoo sa mga pangyayari sa paaralan na nagbunga
ng hindi pagkakaunawaan.

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang malaman, masabi, maipamalas at


maisagawa mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

1. Nakapagsasabi ng totoo sa mga pangyayari sa paaralan na


nagbunga ng hindi pagkakaunawaan o pagkakaintindihan.

1
Subukin
Bago ka magsimula sa bagong aralin na iyong pag-aaralan, subukin muna
natin kung ano ang iyong nalalaman sa araling ito. Sagutin ang pagsasanay sa
ibaba.
Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.
1. Tahimik kayong mag-aaral na kumukopya sa pisara nang nakita mo ang
iyong katabi na inagaw ang lapis ng iyong kaklase kaya nag-away sila.
Ano ang gagawin mo?
A. Hayaan lamang sila sa kanilang pag-aaway.
B. Panoorin sila sa kanilang ginagawa.
C. Sasabihin sa guro ang pag-aaway ng kaklase mo.
D. Patuloy lamang sa iyong ginagawa.
2. Kinuha ni Ana ang papel ni Nora nang hindi nagpaalam kaya’t hinanap ni
Nora ito.Sinabi ni Ana na nasa kaniya ang papel at humingi ng tawad sa
hindi pagpapaalam nito. Sa inyong palagay, tama ba ang ginawa ni Ana?
A. Opo, dahil hindi magandang ugali ang hindi nagpapaalam.
B. Hindi po, dahil sasama lamang ang loob ni Nora kay Ana.
C. Opo, dahil natakot si Ana na magsumbong si Nora sa guro.
D. Hindi po, dahil hindi naman nakita ni Nora na kinuha ni Ana ang papel.
3. Oras na ng rises. Pinapila kayo ng iyong guro upang pumunta sa CR o
palikuran. Sa pagmamadali mo, natapakan mo ang paa ng iyong kaklase
kaya’t umiyak ito. Tinanong ka ng guro kung bakit umiiyak ang iyong
kaklase.Ano ang gagawin mo?
A. Magkunwaring wala kang narinig.
B. Hayaan lamang sa pag-iyak ang iyong kaklase.
C. Tatakas sa pila upang hindi mapagalitan ng guro.
D. Sasabihin ang totoong pangyayari.
4. Nakita ni Ben ang paborito niyang pagkain na baon ng kaniyang kaklase at
kinuha niya ito habang nakapila ang kaklase sa kantina. Sa iyong palagay,
tama ba ang ginawa ni Ben?
A. Opo, dahil hindi naman nakita ng kaklase ang kaniyang ginawa.
B. Hindi po, dahil hindi nagpaalam sa may-ari na kukuha ng pagkain.
C. Opo, dahil gutom na siya kaya’t kailangan niyang kainin.
D. Hindi po, dahil magagalit sa kaniya ang kaklase kung magpaalam na
hihingi ng kaniyang baong pagkain.
5. May ibinigay ang inyong guro ng pagsasanay sa Matematika ukol sa
pagdadagdag ngunit hindi mo ito kayang sagutan kaya’t kinukulit mo ang
iyong kaklase na sagutan ang iyong papel. Narinig ng iyong guro kaya
tinawag ka niya. Ano ang sasabihin mo?
A. Iyuko ang ulo upang magkunwaring tulog.
B. Masakit ang ngipin kaya ipinagawa sa kaklase ang gawain sa Math.
C. Sasabihin ang totoo sa guro na hindi ka marunong sa pagsagot sa
gawain.
D. Magkunwaring marunong sumagot sa pagsasanay kahit mali ang mga
sagot.

2
Aralin Pagsasabi ng Totoo sa mga Pangyayari sa
Paaralan na Nagbunga ng Hindi
7 Pagkakaunawaan o Pagkakaintindihan
Ang araling ito ay mahalaga sa pagtuturo ng mabubuting asal tulad ng
pagsasabi ng totoo sa mga pangyayari sa paaralan. Ito ay isang mahalagang
katangian na dapat taglay ng bawat batang Pilipino upang lubos silang
maipagmamalaki at mapagkakatiwalaan.

Balikan
• Naalala mo pa ba kung ano- ano ang mga mabubuting asal ang iyong
natutuhan sa mga nakaraang aralin? Maaari mo bang sabihin kung
ano-ano ang mga ito?
• Mahalaga ba sa iyo ang lahat ng mga mabubuting asal na iyong
natutuhan? Bakit?
• Sa iyong palagay, ang pagsasabi ng totoo sa anomang sitwasyon ay
mahalaga ba? Bakit?

Mga Tala para sa Guro


Ipaalala sa mga mag-aaral na mahalagang basahing mabuti
ang mga panuto sa bawat gawain. Ipaunawa na gumamit ng
activity sheet na kalakip ng modyul sa pagsagot sa mga
pagsasanay at gawain sa modyul.

Tuklasin

Basahin ang kuwento.

Oras ng rises, sinabihan ni Ginang Gonzales ang kaniyang mga


mag-aaral na maari na silang pumunta muna sa palikuran bago bumili
sa kantina subalit nag-uunahan sa pagpila patungong palikuran ang
mga mag-aaral.
Sa pagmamadali ni Karla na mauna sa pila, nahulog niya
ang kaniyang pera. Nakita mong pinulot ito ng inyong kaklase na
nakapila sa kaniyang likuran. Agad niyang nilagay ang pera sa
kaniyang bulsa. Pagkatapos, tumingin sa paligid na tila naghahanap
ng sinomang kaklase na maaring nakakita sa kaniyang ginawa.

3
Samantala, abala si Karla sa paghahanap ng nawawala
niyang pera. Naawa ka sa kaniya kaya naman sinabi mo sa inyong
guro ang totoong pangyayari. Agad na kinausap ng guro ang bata
tungkol dito at ibinalik ang napulot na pera kay Karla.

Tanong:
1. Sino ang batang nawalan ng pera?

2. Dapat bang tularan ang batang nakapulot ng pera ni Karla? Bakit?

3. Kung ikaw ang kaklase ni Karla na nakakita sa pangyayari, sasabihin mo


rin ba ang nakita mo? Bakit?

4. Anong aral ang napulot mo sa maikling kuweto?

Suriin
Pagsasabi ng totoo sa mga pangyayari sa paaralan na nagbunga
ng hindi pagkakaunawaan o pagkakaintindihan.

o Ang pagsasabi ng totoo ay pagiging matapat.

o Ang paggiging totoo sa sarili at sa ibang tao ay nakapagdudulot ng


mapayapang kalooban at matiwasay na kaisipan.

o Ang pagsasabi ng totoo sa anomang sitwasyon na ating nararanasan ay


dapat isaalang-alang upang hindi makapagdulot ng kaguluhan o hindi
pagkakaunawaan sa isa’t isa.

o Mahalga na magsabi ng totoo upang malaman ang tunay na pangyayari


sa isang sitwasyon. Sa pamamagitan nito, madaling masolusyonan ang
nararanasang suliranin o problema.

o Mga halimbawa ng pagiging matapat upang maiwasan ang hindi


pagkakaunawaan o pagkakaintindihan.
1. Pagsauli ng mga bagay na hindi iyo.
2. Pagsasabi ng totoo na hindi mo kaya ang isang gawain sapagkat hindi
naunawaan ang aralin na naituro sa inyo.
3. Pagbalik ng sobrang sukli sa tindera ng kantina.
4. Pagsasabi ng iyong tunay na nararamdaman.
5. Pagsasabi ng nagawang pagkakasala o pagkakamali.
6. Pagsasabi sa totoong pupuntahan kapag lumabas sa silid-aralan.
7. Pagpapaalam kung hihiram ng bagay na hindi sa iyo.

4
Pagyamanin
Pagkatapos mong napag-aralan ang aralin tungkol sa “Pagsasabi ng totoo
sa pangyayari sa paaralan,” inaasahan na kaya mo nang sagutan mag – isa ang
gawain. Simulan mo na.

Gawain 1:
Panuto: Iguhit ang masayang mukha sa bilog kung ang pangungusap ay
nagsasabi ng totoo at malungkot na mukha kung hindi.

1. Bumili ka sa kantina ng inyong paaralan ng pagkain nang


napansin mo na sobra ang sukli na ibinigay sa iyo ng tindera
kaya ibinalik mo ito sa kaniya.

2. Nakita ni Ben na nalaglag ang pitaka ng kaniyang kaklase.Agad


niya dinampot ito at itinago.

3. Nagwawalis kayo ng iyong mga kaklase sa inyong silid-aralan.


May nakita kang lapis sa ilalim ng upuan ngunit hindi mo alam
kung kanino ito kaya kinuha mo at ibinigay sa inyong guro.

4. Nagpaalam sa kaniyang guro si Anabel na pupunta sa palikuran


ngunit nagpadulas pala sa pasilyo ng paaralan.

5. Nanghiram si Marie ng babasahin sa kaniyang guro subalit


nawala niya ito kaya naglakas-loob siya na sabihin ang totoo.

Gawain 2: Lagyan ng √ (tsek) ang mga sitwasyon na nagsasabi ng totoo sa


pangyayari sa paaralan at X (ekis) kung hindi.
_________ 1. May nakita si Ana na may naiwang bag sa upuan at hindi alam kung
kanino kaya kinuha niya ito at ibinigay sa guwardiya.

_________ 2. Kinuha ni Marlo ang bagong biling pambura ni Jeff sa kaniyang bag
na walang paalam.

_________ 3. Nagkuwento si Ramon tungkol sa totoong nangyari sa kanila ng


kaniyang kaibigan ukol sa kanilang pag-aaway kaya’t humingi siya ng tawad sa
nagawang pagkakamali nito.

_________4. Nakita mong nangongopya si Lita ng mga sagot sa kaniyang


kuwaderno sa araw ng inyong pagsusulit kaya ginaya mo rin siya.

________ 5. Lumapit si Serina sa kaniyang guro upang humingi ng tawad sa


pagbasag niya sa plorera nito na nakapatong sa mesa.

5
Isaisip
“Ako ay matapat sa lahat ng oras”
Ang pagsasabi ng totoo sa lahat ng pagkakataon ay isang mabuting
katangian na dapat pahalagahan ng batang tulad mo. Ang pagiging matapat ay
nagpapakita na may disiplina ka sa iyong sarili at pagbibigay respeto sa iyong
kapwa. Sa pagkakataong ito, ikaw ay magsisilbing mabuting halimbawa sa lahat,
maging sa matatanda lalo sa iyong kapwa bata.

Isagawa

Ngayon ay subukin natin ang iyong natutuhan sa ating aralin.


Sagutin ang pagsasanay sa ibaba.

Panuto: Basahin ang sitwasyon. Kulayan ng pula ang kung nagsasabi ng


totoo o tapat at kulay dilaw kung hindi.

1. Sinabi ni Lotlot sa kanyang guro na siya ang nakasira ng


bentilador sa kanilang silid-aralan.

2. Kinuha ni Jomar ang pambura sa bag ni Bobit nang hindi


nagpapaalam.

3. Nagtapat si Ramon sa kaniyang guro na siya ang


nakadampot sa nahulog na pera ni Mara habang nasa pila
sila.

4. Kinausap ng guwardiya si Letlet ukol sa pag-iyak ng


kaniyang kaklase subalit mariin niyang itinanggi na siya ang
nanulak kahit nakita nang ibang kamag-aral ang kaniyang
ginawa.

5. Inamin ni Lita ang totoo sa guro na siya ang pumunit sa


papel ni Roma kaya siya umiyak at humingi na rin ng tawad
sa kaniya.

6
Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon sa bawat pangungusap. Piliin at


bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Nakita mo ang iyong kaibigan na nangongopya sa kaniyang kwaderno


habang may pagsusulit kayo. Ano ang gagawin mo?
A. Pabayaan lamang siya sa kaniyang ginagawa.
B. Magkunwaring hindi nakita ang pangongopya sa kaniyang kwaderno.
C. Gagayahin ko siya upang mataas ang makuha kong marka sa pagsusulit.
D.Sasabihin sa guro ang ginagawa ng iyong kaibigan habang may pagsusulit.

2. Nagalit ang inyong guro dahil nakita niyang sinulatan ng krayola ang dingding
ng silid-aralan kaya tinanong kung sino ang nagsulat nito. Kung ikaw ang
batang tinawag ng guro upang magsabi ng totoong pangyayari, ano ang
gagawin mo?
A. Magkunwaring pupunta sa C.R. o palikuran upang hindi tawagin ng guro.
B. Ituro ang kaklaseng kaaway kahit na hindi siya ang may gawa nito.
C. Magbingi- bingihan sa pagtawag ng guro.
D. Ituro sa guro kung sinong kamag-aral ang nagsulat sa dingding.

3. Naglalakad kayo ng iyong kaklase patungo sa silid-aklatan. May nakita


kayong pitaka na may lamang pera subalit hindi ninyo alam kung kanino ito.
Ano ang gagawin ninyo?
A. Kunin ang pera at paghatian ninyo ng iyong kaklase.
B. Ibigay ang nadampot na pitaka sa inyong guro.
C. Itago agad ang nakitang pitaka habang walang nakakita sa inyo.
D. Ibigay sa kapwa mag-aaral ang napulot na pitaka.

7
4. Aksidenteng nabasag mo ang salamin ng mesa ng iyong guro. Ano ang
gagawin mo?
A. Magtapat ako sa aking guro sa nagawa kong kasalanan.
B. Ituro ang ibang kaklase na sila ang nakabasag ng salamin ng mesa.
C. Huwag aminin sa guro ang nagawang kasalanan.
D. Aawayin ang kaklase kapag isinumbong ka sa iyong guro na ikaw
ang nakabasag sa salamin ng mesa niya.

5. Nakita mo ang iyong mga kamag-aral na naglalaro ng tubig sa palikuran


ngunit binantaan ka niya na aawayin ka kapag magsumbong ka sa inyong guro.
Ano gagawin mo?
A. Panonoorin lamang sila sa kanilang ginagawa.
B. Makisali rin sa paglalaro ng tubig.
C.Isumbong sa guro ang ginagawa ng kamag-aral na naglaro ng tubig.
D. Tatahimik na lamang upang hindi awayin ng kamag-aral.

8
1
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 8:
Pagiging Magalang, Matapat, at
Mapagmahal sa Pamilya at Kapwa
sa Lahat ng Oras
Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Pagiging Magalang, Matapat, at Mapagmahal sa Pamilya
at Kapwa sa Lahat ng Oras
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Brian E. Ilan EdD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Eliza Fatima N. Pagaling

Editor: Maria Cristina H. Morillo

Tagasuri: Narcie Fe M. Solloso

Tagalapat: Elaine Jade C. Diolola

Tagapamahala: Angelita S. Jalimao


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Narcie Fe M. Solloso
Pandibisyong Tagapag-ugnay/Pandistritong Tagamasid

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Magandang araw! Alam mo ba na mahalaga sa isang batang katulad mo na


taglayin ang mga katangian ng pagiging isang mabuting bata? Ito ang pagiging
mapagmahal sa pamilya, pagkakaroon ng pagmamalasakit sa ating kapwa,
pagkakaroon ng paggalang sa mga nakatatanda at pagiging matapat sa lahat
ng oras. Kung ang lahat ng pag-uugaling ito ay taglay mo, isa kang kahanga-
hangang bata. Lahat ng taong nakapaligid sa iyo ay kalulugdaan at ikararangal
ka.

Sa modyul na ito, inaasahan ang pagsagot mo sa mahalagang tanong na:


Paano mo maipakikita at maisasagawa ang pagiging magalang, matapat, at
mapagmahal sa pamilya at kapwa sa lahat ng oras?

Sa modyul na ito, ating alamin, tuklasin, suriin, isagawa at pagyamanin ang


pagiging magalang, matapat, at mapagmahal sa iyong pamilya at kapwa.

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga


sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1. Nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga magulang
2. Nakapagpapakita ng pagmamahal sa pamilya at kapwa sa lahat ng
pagkakataon lalo na sa oras ng pangangailangan
3. Nakapagpapakita ng paggalang sa pamilya at sa kapwa
a. pagmamano/paghalik sa nakatatanda
b. bilang pagbati
c. pakikinig habang may nagsasalita
d. pagsagot ng “po” at “opo”
e. paggamit ng salitang “pakiusap” at “salamat”
4. Nakapagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda at iba pang kasapi
ng mag-anak sa lahat ng pagkakataon upang maging maayos ang
samahan.
a. kung saan papunta/nanggaling
b. kung kumuha ng hindi kaniya
c. mga pangyayari sa paaralan na nagbunga ng hindi
pagkakaintindihan

1
Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik ng
tamang sagot. Isulat sagot sa sagutang papel.
1. Nag-iipon ng pera ang magkakapatid na Sarah, Rowena, at Chelle
upang mabilhan ng bulaklak at tsokolate ang kanilang nanay para sa
Araw ng mga Puso. Paano ipinakita ng magkakapatid ang pagmamahal
nila sa kanilang nanay?
A. Binigyan nila ng regalo.
B. Gumawa sila ng Valentine’s Card.
C. Inutusan nilang bumili ng lobo at tsokolate.
D. Nag-ipon sila ng pera at bumili ng bulaklak para kay nanay.

2. Maraming pamilya ang nasalanta ng nagdaang bagyong Ulysses.


Marami ang nawalan ng tahanan at nalubog sa baha. Paano mo
maipakikita ang iyong pagmamahal sa kapwa sa ganitong
pagkakataon?
A. Huwag silang bigyan ng tulong.
B. Sabihan silang manghingi ng tulong sa iba.
C. Bigyan sila ng bigas, tubig at maayos na damit.
D. Huwag pansinin ang mga pamilyang nasalanta ng bagyo.

3. Naglalakad ka patungo sa palikuran ng paaralan. Nakasalubong mo ang


punong-guro. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Batiin siya ng “Magandang umaga po!”
B. Babalik sa loob ng silid-aralan.
C. Titingnan lamang ang punong-guro.
D. Magpatuloy lang sa paglalakad.

4. Napunit mo ang modyul ng iyong ate nang hindi sinasadya. Ano ang
gagawin mo kapag tinanong ka ng iyong guro?
A. Ituro na si ate ang nakapunit.
B. Sabihin ang totoo sa nanay.
C. Magkunwaring hindi alam ang nangyari.
D. Magsinungaling kay nanay.

5. Nakita mong naiwan ni Amara ang kaniyang lunchbox sa ilalim ng


upuan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Ibigay sa iba ang lunch box niya.
B. Kunin at angkinin ang kaniyang lunch box.
C. Itapon sa basurahan ang kaniyang lunch box.
D. Sabihin sa kaniyang naiwan niya ang kaniyang lunch box.

2
Pagiging Magalang, Matapat, at
Aralin
Mapagmahal sa Pamilya at Kapwa sa
8
Lahat ng Oras
Ang mga kaugaliang Pilipino ay natatangi at maipagmamalaki natin sa
buong mundo. Ilan sa kaugaliang ito ang pagiging magalang, matapat, at
mapagmahal sa ating pamilya at sa kapwa. Linangin at panatilihin natin ito at
huwag hayaang maglaho. Kinagigiliwan ng lahat ang batang nagtataglay ng
pagiging magalang, matapat, at mapagmahal.

Balikan
Sagutin ang mga tanong.

1. Ano-anong mga mabubuting pag-uugali ang napag-aralan natin sa


mga nakaraang aralin?
2. Mahalaga bang taglayin ng isang batang tulad mo ang mga
ganitong pag-uugali at asal? Bakit?
3. Sa paanong paraan mo ito maaaring ipakita at ipadama?

Mga Tala para sa Guro


Ipaalala sa mga mag-aaral na mahalagang basahing mabuti
ang mga panuto sa bawat gawain. Ipaunawa na gumamit
ng activity sheet nakalakip ng modyul sa pagsagot sa mga
pagsasanay at gawain sa modyul.

3
Tuklasin
Basahin ang tula.
Ang Mabuting Bata

Ang batang magalang


Mahal ng kaniyang magulang
Sa nakatatanda’y laging magmano
At tuwina’y mag “po at opo”

Ang batang laging matapat


Kinalulugdan ng lahat
Kahit tayo man ay mapagalitan
Sabihin pa rin ang katotohanan

Kung tayo man ay may napulot


Isauli sa taong nagmamay-ari,
Huwag nating angkinin
Ang hindi naman sa atin

Mahalin ang ating pamilya


Gayundin ang ating kapwa
Sila ay ating alagaan at pahalagahan
Lalo na sa oras ng pangangailangan

Maging mabuting bata


Sa lahat ng pagkakataon
Upang tayo ay lumigaya
At pagpalain ng Diyos sa tuwina.

Sagutin ang mga tanong.

1. Tungkol saan ang binasang tula?


_______________________________________________________________________
2. Paano mo maipapakita ang pagiging isang mabuting bata?
_______________________________________________________________________
3. Anong mabuting pag-uugali ang dapat mong taglayin?
_______________________________________________________________________
4. Sa iyong palagay, bakit kinakailangang maging mapagmahal,
magalang, at matapat ang isang batang katulad mo?
_______________________________________________________________________

Suriin
Bilang isang kasapi ng pamilya, ipadama natin sa bawat isa na sila ay
mahalaga at minamahal natin. Ang ating pamilya ay regalo ng Diyos sa atin.
Maliban sa ating pamilya, pahalagahan at mahalin din natin ang ating kapwa.
Sila ay maaaring ating mga kaibigan, kaklase, kapitbahay, guro, kakilala, at

4
maging mga taong hindi natin kilala. Maari natin itong ipakita sa pamamagitan
ng;

ü Pagsunod sa utos ng mga magulang


ü Pagyakap, paghalik, at pagmamano sa kanila
ü Pagtulong sa mga gawaing-bahay
ü Pag-aaral nang mabuti
ü Pag-aalaga sa nakababatang kapatid
Maliban sa ating pamilya, pahalagahan at mahalin din natin ang ating kapwa.
Sila ay maaaring ating mga kaibigan, kaklase, kapitbahay, guro, kakilala, at
maging mga taong hindi natin kilala. Maaari tayong magbahagi ng anomang
tulong lalo na sa oras ng pangangailangan. Narito naman ang ilan sa mga sa
mga simpleng paraan upang makatulong ka sa iyong kapwa:

ü Pagbabahagi ng baong pagkain sa kaklaseng walang baon


ü Pagdarasal para sa kapwang may sakit
ü Pagbibigay ng pagkain sa mga batang pulubi
ü Pagbibigay ng pagkain at lumang damit sa mga nasunugan at
nasalanta ng bagyo at baha
ü Pagmamalasakit sa mga kapitbahay
ü Pagmamalasakit sa mga taong may kapansanan
Isabuhay natin ang pagiging magalang sa kilos at pananallita. Ang paggalang
ay pagpapakita ng pagrespeto sa mga nakatatanda at kapwa-bata.
Maaaring maipakita ang paggalang sa mga nakatatanda sa pamamagitan
ng:

ü Pagmamano
ü Paggamit ng po at opo, salamat at pakiusap kapag may nais ipagawa
ü Pakikinig habang may nagsasalita
Ugaliin din natin ang pagiging matapat sa lahat ng oras. Ito ay laging
pagsasabi ng totoo at pagsasauli ng mga bagay na hiniram at hindi sa iyo.
Kahanga-hanga ang isang batang nagtataglay ng katangiang ito. Narito ang
ilang halimbawa upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan o
pagkakaintindihan:

ü Isauli ang mga bagay na hindi sa iyo.


ü Pagbabalik ng sobrang sukli sa tindera
ü Pagsasabi ng totoo kung saan pupunta o nanggaling
ü Pag-amin sa nagawang pagkakamali
ü Pagpapaalam kung hihiram ng mga bagay na hindi sa iyo
Lagi nating tatandaan, “Ang pagkakaroon ng mabuting pag-uugali,
masaganang buhay ang sukli.”

5
Pagyamanin

Gawain 1: Kulayan ang ng pula kung ang pangungusap ay Tama at


kulay asul naman kung Mali.
________ 1. Nagpapaalam kay nanay na kukuha ng barya upang bumili ng
pagkain sa tindahan.

_________ 2. Aalagaan ang kasapi ng pamilya na maysakit.


__________3. Itatago agad ang napulot na pitaka upang hindi makita ng
kaklase ko.
__________ 4. Paghalik at pagmano sa magulang pagkagaling sa paaralan.
__________ 5. Pagkausap sa magulang kapag may kausap na bisita o kaibigan
nito.

Gawain 2: Ikahon ang mukha na naglalarawan ng iyong nadarama batay sa


ibinigay na sitwasyon.
1. Umaamin sa mga nagawang
pagkakamali o pagkakasala.

2. Nakikinig sa usapan ng iba.

3. Tinutulungan at minamahal ang


kaklase na may kapansanan.
4. Pinauuna sa pila ang mga
“senior citizen” o matatanda.
5. Maglaro ng habulan kasama ang
kapatid kahit na nakita mong
natutulog ang iyong tatay.

6
Isaisip

Ang lahat ng mga nakaraang aralin na iyong napag-aralan ay mahalaga


sa iyo bilang mag-aaral tulad ng “pagiging magalang, pagiging matapat,
may pagmamahal at pagmamalasakit sa pamilya at kapwa” sa lahat ng oras
at pagkakataon sapagkat hinuhubog nito ang iyong pagkatao upang
maging mabuti kang tao at magsilbing huwaran sa ibang bata.

Isagawa
Panuto: Lagyan ng / ( tsek) ang hanay ng iyong sagot.

Ganito ba ang ginagawa mo? Oo Hindi Minsan

1. Sumusunod ako agad sa payo ng aking


magulang nang maluwag sa aking kalooban.

2. Kumokopya ako sa sagot ng aking kaklase


tuwing kami ay may pagsusulit.

3. Humahalik at nagmamano ako sa aking lolo


at lola gayundin kina tatay at nanay.

4. Umaalis ng bahay upang makipaglaro sa


iyong kaibigan ng hindi alam ng iyong
magulang.

5. Pumapasok sa silid –tulugan o kuwarto ng iba


nang hindi kumakatok o nagpapaalam.

7
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon sa bawat pangungusap.
Pillin at isulat ang titik ng tamang sagot.

_______1. Nagpaalam ka sa iyong guro upang magpunta sa CR ng inyong


paaralan. Sa iyong paglalakad, may napulot kang pitaka na may lamang pera.
Hindi mo alam kung kanino ang pitaka. Ano ang gagawin mo?
A. Itago ang pitaka at iuwi ito sa bahay.
B. Kunin ang pera at ibili ng kendi at lollipop.
C. Angkinin ang pera at hatian ang iyong kaklase.
D. Ibigay at ipagbigay-alam sa iyong guro na ikaw ay may napulot
na pitaka.

_______2. Kinuha mo ang bagong biling bola ni kuya nang hindi nagsasabi sa
kaniya. Hinanap niya ito at tinanong ka. Ano ang gagawin mo?
A. Magalit kay kuya.
B. Isumbong kay nanay si kuya.
C. Ituro na si ate ang kumuha ng bola.
D. Aminin ang totoo at humingi ng paumanhin kay kuya.

_______3. May kausap si nanay sa tapat ng inyong pintuan. Nais mong lumabas
upang bumili ng pagkain. Ano ang dapat mong sabihin?
A. Makikiraan po ako.
B. Umalis kayo sa pinto.
C. Tumabi kayo at dadaan ako.
D. Huwag kayong mag-usap dito!

_______4. Dumating sina Lolo at Lola galing ng probinsiya. Paano mo


maipakikita ang paggalang kina lolo at lola?
A. Magtatago ako sa kuwarto.
B. Paaalisin ko na sina lolo at lola.
C. Ako ay magmamano sa kanila.
D. Tatakbo ako palabas ng bahay.

_______5. Oras ng rises. Nakita mong hindi kumakain ang iyong kaklase. Ano ang
maaari mong gawin?
A. Maiinis sa kaklaseng walang baon.
B. Hatian siya ng baon mong pagkain.
C. Pagtawanan ang kaklaseng walang baon.
D. Lilipat ng upuan upang hindi siya makahingi sa iyo.

You might also like