You are on page 1of 7

Zamboanga Del Sur Educational Center, Inc.

Purok Duranta, Barangay Bomba, Pagadian City

Tel. No.: (062) 925-2864

FIRST QUARTER
FILIPINO G-2
Week 1 –August 22, 2022
Teacher Wenie
Name: ____________________________________ Grade & Section: __________________
Aralin 1
ANG BAGONG KAIBIGAN
Mga Layunin:
1. Pagtukoy sa detalye ng kwento
2. Maisagawa ang wastong pagpapakilala.
3. Pagtukoy at pagbuo ng pantig at salita.

Pagbasa!
Ang Bagong Kaibigan
Ang batang palakaibigan, tunay na kinagigiliwan

Lunes ng umaga. Bihis na si Gng. De Vera. Handa na siya sa pagpasok sa trabaho.

“Nancy, handa ka na ba?” tanong ni Gng. De Vera na bihis na para ihatid ang anak sa
paaralan.
“Opo, nariyan na po,” sagot naman ng anak habang hila ang kanyang bag palabas ng silid.
Habang naglalakad ang mag-ina papunta sa sakayan ng dyip, may tumawag sa pangalan ni
Nancy. Napalingon siya.
“Aba, taga-rito ka pala?” tanong ni Nancy sa tumawag sa kaniya.
“Oo,” sagot sa kaniya. “Nagulat nga ako ng makita kita rito.”
“A, Mommy, siya po si Claire, kamag-aral ko po. Siya po ang bago kong kaibigan sa
eskwelahan. Claire siya ang Mommy ko, si Gng. Glenda De Vera,” nakangiting
pakilala ni Nancy.
“Natutuwa akong makilala ka,” sagot ni Gng. De Vera “Ikaw pala ang bagong kaibigan ni
Nancy sa eskwelahan.”
“Ako rin po,” ani Claire, “siyanga po pala, siya rin po ang mommy ko, si Gng. Lorna de
Leon.”
“Magandang umaga sa inyo, Gng. De Vera at Nancy. Ikinagagalak ko rin kayong makilala,”
ang pagbati ni Gng. de Leon. “Salamat at may kaibigan na agad ang anak ko.”
“Totoo po. Salamat Gng. de Vera.”
Nagtatakang nagtanong si Gng. de Vera. “Salamat? Salamat para saan?”
“Salamat po at may mabait at palakaibigan kayong anak gaya ni Nancy. Bagong lipat lang po
kami ng pamilya ko sa lugar na ito. Inilipat na rin po ako ng bagong paaralan. Si Nancy
po ang unang lumapit, ngumiti at nakipagkaibigan sa akin nang nag-iisa akong
nakaupo sa bench. Hindi ko nga po akalain na magkamag-aral pala kami sa greyd 2.”
“Talagang mabait at palakaibigan ang anak ko na iyan,” buong pagmamalaking wika ni Gng.
de Vera habang nakatingin kay Nancy.
Maagap naming tumugon si Nancy. “Mabait at palakaibigan ka rin naman, Claire. Totoo po
iyan, Gng. de Leon. Masaya rin po ako na maging bagong kaibigan ni Claire.”
Nauntol ang kanilang pag-uusap nang may pumaradang dyip sa tapat ng pila ng mga
pasahero.
“O, sasakay na tayo. Mamaya na ninyo ituloy ang inyong kwnetuhan,” halos magkasabay na
sabi nina Gng. de Vera at Gng. de Leon.
Alamin mo!
1. Sino ang handa na sa pagpasok?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
2. Ano ang ginawa niya at ng kaniyang mommy?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

3. Bakit siya lumingon?

4. Kanino ipinakilala ni Nancy ang kaniyang mommy?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

5. Bakit nagpasalamat si Claire kay Gng. de Vera?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Pahalagahan mo!

May mga taong mas maraming kaibigan kaysa sa iba.

Mayroon ding mga taong mas madaling makabuo ng
pakikipagkaibigan kaysa sa iba. Ang katangian ng
ganitong uri ng tao ay ang pagiging palakaibigan.
Isang biyaya ang pagkakaroon ng kaibigan. Mapalad
ang taong may tapat at mapagmahal na kaibigan.

Pagsasanay 1. Sino-sino ang mga kaibigang tapat at mapagmahal? Gumuhit ng sa

patlang.
______1. May sakit si Jenny. Dadalawin ko siya paglabas ko ng eskwelahan mamaya.
______2. “Wala kang baon? O, hati tayo sa sandwich na dala ko.”
______3. “Malapit na ang bertday ni Jonica, gagawa ako ng kard para sa kaniya.”
______4. “A, si Riza? Oo, kaibigan ko siya. Huwag ninyong sasabihin sa kaniya, ha? Bagsak
siya sa test kahapon.
______5. “Mayaman si Allan. Makikipagkaibigan ako sa kaniya para mayroon akong
mahiraman ng laruan.”
Isaisip mo!

 Pagsasagawa ng Wastong Pagpapakilala

Sa pagpapakilala, dapat isaisip ang mga sumusunod:
1. matanda at bata
- unang banggitin ang pangalan ng matanda.
- ang bata ang unang ipinakikilala sa matanda.

2. bata sa bata
- unang banggitin ang pangalan ng babae kung babae at lalaki ang ipapakilala
- ang lalaki ang unang ipinakikilala sa babae
Linangin mo!

 Pagpansin sa mga Detalye ng Kwento

Ang kuwento ay may mahahalagang impormasyon. Tinatawag na

detalye ang mga ito. Ang/Ang mga tauha, lugar na pinangyarihan, at
mga pangyayari ang bumubuo sa detalye. Karaniwang sumasagot sa mga
tanong na sino, ano, saan, kalian, ilan, paano, at bakit ang mga
detalye.

Tanong na: Sumasagot sa:

1. tao Tao
2. ano Bagay o hayop
3. saan Lugar o pook
4. kalian Panahon, petsa
5. ilan Bilang o dami
6. paano Pamamaraan
7. bakit Dahilan

Pagsasanay 2. Natatandaan moba ang mga detalye ng kuwentong iyong binasa? Ibigay ang
hinihingi sa bawat bilang. Isulat ito sa loob ng kahon.
1. anak ni Gng. de Vera

2. lugar kung saan siya ihahatid ng kaniyang mommy

3. ang kaniyang baiting

4. ang araw na binanggit

5. bago niyang kaibigan

6. bilang ng nakaupo sa bench

Pagsasanay 3. Pakikinig. Makinig sa mga tanong na babasahin ng inyong guro hingil sa

kwentong inyong nabasa. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. _________ 4. __________
2. _________ 5. __________
3. _________
Tandaan mo!

Pantig -ay ang bawat bukas ng labi sa pagbigkas ng salita.

-ang bawat pantig ay binubuo ng titik o kombinasyon ng mga titik.

Patinig PKK Patinig/Katinig/Katinig

 anak  ekstra
 elepante  angkan
 ulan  angkin
 utos
 unan KKPK
Katinig/Katinig/Patinig/Katinig
Patinig/Katinig
 trumpo
 itlog  dram
 isla  presko
 isda  plantsa
 aklat
 antok KPKK
Katinig/Patinig/Katinig/Katinig
Katinig/Patinig
 nars
 bata  kard,
 puno  airport
 kamay
 guro
 timog

KPK Katinig/patinig/katinig

 kalmot
 bagyo
 kanluran
 baryo
 kalbo
Pagsasanay 4. Isulat sa patlang ang kayarian ng pantig na may salungguhit. (P, KP, PK,
KPK, KKP, KPKK, o KKPK)
Pagsasanay 4. Pantigin. Tandaan na ang pantig ay bawat bigkas ng dila. Isulat ang bilang ng
pantig sa kahon. 2 puntos kada bilang.
1. paaralan ________________________
2. drayber _________________________
3. paligid __________________________
4. bomber _________________________
5. dyip ____________________________

You might also like