You are on page 1of 4

Asignatura Homeroom Guidance Baitang 2

W7 Markahan Ikatlong Markahan Petsa


I. PAMAGAT NG ARALIN Mabuti sa Iyo, Mabuti sa Kapwa Mo!
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Identify good and bad things for others based on the golden rule
KASANAYANG PAMPAGKATUTO HGS- lllf - 9
(MELCs) Natutukoy ang mga mabubuti at masasamang bagay para sa
kapwa alinsunod sa gintong aral.
III. PANGUNAHING NILALAMAN Nagagamit ang kakayahang protektahan ang sarili at ang iba
tungo sa epektibong pamamaraan ng paglutas ng mga suliranin

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


I.Panimula (Mungkahing Oras: 15 Minuto)
Sa ating nakaraang aralin ay inyong natutuhan ang mga paraan
kung paano malulutas ang isang suliranin. Mahalaga na bago kayo
gumawa ng isang desisyon ay pinag-isipan ninyo kung ito ba ay
nakakabuti hindi lamang sa iyo kung hindi para na rin sa iyong
kapwa. Ang pagbibigay ng solusyon ay isang napakalaking hamon
para sa iyo dahil dito nakasalalay ang maaaring maging resulta nito.
Sa aralin natin ngayon, ating aalamin kung ano ang mga bagay na ating ginagawa
na magdudulot ng kabutihan sa ating kapwa alinsunod sa gintong aral.
_____________________________________________________________________________________________________________
D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 20 Minuto )
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Markahan ng tsek
( / ) ang bawat bilang na nagpapakita ng kabutihan at ekis (x) ang nagpapamalas
ng mga gawaing masasama. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

______1. ______ 2. ______ 3.

______ 4. ______ 5.

“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo.” Ito ang gintong aral o
pamantayan ng gantihan ng kabutihan at palitan ng gawaing mabuti. Ang ginintuang
patakarang ito ay nararapat na isabuhay sa lahat ng oras, saanmang lugar sa lahat ng
tao, kakilala mo man o hindi, kaibigan o kaaway maging kamag-anak o ibang tao. Gaya
na lamang ng nasasaad sa mga kautusan, mahalin mo ang kapwa mo gaya ng
pagmamahal mo sa iyong sarili. Sa ganitong paraan mabubuhay ka nang payapa at
masaya.
Ang kasiyahan ng isang tao ay nakasalalay hindi kung gaano siya kayaman subalit kung
paano siya mamuhay at makipagkapwa-tao. Ang isang taong mabuti ang ginagawa sa
kanyang kapwa ay siguradong mamahalin ng marami at bibiyayaan ng mga taong
maaaring tumulong sa kanya anumang oras na kanyang kailanganin. Mananatili siyang
mapagpakumbaba, mapagmalasakit at mapagmahal. Ang kaligayahan niya ay
talagang walang katumbas sapagkat alam niya na kung ano man ang ipinakikita niya
sa kapwa, iyon rin ang kanyang makakamtan. Dahil dito, payapa ang kanyang isipan at
maligaya ang araw-araw niyang pamumuhay.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin ang maikling kwento sa ibaba at sagutin ang
mga tanong ukol dito. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

Ang Ginintuang Aral


(Parabula/ Parable)

https://www.dreamstime.com/cartoon-old-man-
park-taking-fresh-air-feeling-lonely-lonely-old-man-
rest-park-thinking-something-image174823522

May isang mag-asawang may isang anak na batang lalaki. Kasamang naninirahan
ng pamilyang ito ang ama ng tatay. Noong una, maligayang nakatutulong ng mag-
asawa sa paghahanapbuhay ang ama at masayang nakakasama ng bata ang
kanyang Lolo sa paglalaro. Ngunit dumating ang sandaling tuluyan nang inagaw ng
katandaan at madalas na pagkakaroon ng karamdaman ang lakas ng matandang
lalaki. At dahil dito, hindi na ito napakinabangan sa bahay.

Sa tuwing kumakain sa hapag-kainan, parating nakababasag ng pinggan ang


matandang lalaki nang dahil sa panginginig ng kamay.

Sa buwisit ng mag-asawa sa matanda ay ginawan na lang nila ito ng pinggan na


gawa sa kahoy, na animo isang aso. Ang pinggan nga naman na gawa sa kahoy ay
hindi na mababasag nito. Naging saksi ang batang anak ng mag-asawa sa ginawa nila
sa matanda. Isang araw, nagtungo sa silong ang bata at kumuha ng magandang uri ng
kahoy. Nang makita siya ng kanyang ama ay kaagad nilapitan at tinanong. “Ano ang
ginagawa mo?” Tumingin ang bata sa kanyang ama at sinabing, “Gumagawa po ako
ng pinggan na gawa sa kahoy. Upang sa inyong pagtanda ni Nanay ay
mapagkalooban ko rin kayo ng ganitong kainan.” Biglang natauhan ang ama sa narinig.
Dali-dali niyang kinausap ang kanyang asawa. At magmula noon, nagbago na ang
pakikitungo nila sa matanda.

Mga Tanong:
1. Sino ang kasama sa bahay ng mag-asawang may anak na lalaki?
2. Masaya ba ang mag-asawa noong una na kasama nila ang matandang lalaki?
3. Ano ang laging nagagawa ng matanda kapag sila ay kumakain?
4. Ano ang ginawa ng mag-asawa upang masolusyonan ang pagbabasag ng pinggan
ng matanda?
5. Ano ang naging epekto nito sa anak na lalaki?
6. Kung kayo ang tatanungin, tama ba ang ginawa ng mag-asawa na bigyan ng
pinggang kahoy ang matanda? Bakit?
____________________________________________________________________________________
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 15 Minuto)
Sa panahon natin ngayon na may pandemya, maraming pamilya ang dumaranas ng
paghihirap dahil nawalan ng trabaho ang mga magulang. Marami ang nagugutom at
nagtitiis na pumila sa mga community pantry upang may mailuto at maihain sa bawat
miyembro ng mag-anak. Kaya naman marami sa mga Pilipino ang naging mabuti at
bukas loob na tumulong.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba Gumuhit ng
buong puso sa puwang kung ang pangungusap ay nagsasaad ng kabutihan at
kalahating puso kung hindi. Isulat ang inyong sagot sa papel.

______1. Paghahandog ng mga gulay at prutas sa mga community pantry.


______2. Pagkuha ng sobra sobrang pagkain sa mga community pantry.
______3. Pagsasaway sa mga taong lumalabas ng walang facemask.
______4. Pakikipag unahan sa pila sa pagkuha ng tulong pinansyal o ayuda.
______5. Pagiging matapat sa pagtanggap ng tulong.
___________________________________________________________________________________
A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 10 Minuto)
Binabati kita at natapos mo ang ating aralin. Marami ka na naming natutuhan sa araw
na ito. Nalaman mo rin kung ano ang mga mabubuting bagay na dapat mong gawin at
iwasan ang paggawa sa mga bagay na hindi makakabuti sa iyo at kapwa. Mahalaga
na lagi nating iisipin ang gintong aral upang maging masaya at maayos ang ating buhay.
Gumuhit ng puso sa isang malinis papel at isulat sa loob ang iyong pangako na paggawa
nang mabuti sa lahat ng oras.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: 5 Minuto)
______________________________________________________________________________________
VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 Minuto)
Bilang isang bata, ano ang mga puwede mong gawin upang maisabuhay ang gintong
aral? Sumulat ng tatlong pangungusap ukol dito
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan
sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans.
Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
¶ - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na
nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
ü - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito.
Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko
nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag
kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP
Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8
VII. SANGGUNIAN http://www.pssp.org.ph/diwa/wp-content/uploads/2016/11/Paano-ba-Maging-
Mabuti.pdf
https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-parables-mga-parabula-
ang-ginintuang-aral-parabula-parable_1048.html
Inihanda ni: JOANNA C. FAUSTINO Sinuri nina: Marissa O. Aguirre,
Ednel A. Almoradie,
Mariz P. Borgonos-Pales

You might also like