You are on page 1of 5

4 ELEMENTARY DEPARTMENT

QUARTER 3 MODULE|SY: 2021-2022

EPP

Ang hangarin ng Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan ay maisaloob ng


mga mag-aaral ang mabubuti at kanais-nais na pananaw sa paggawa at
paghahanapbuhay. Inaasahang magsisilbi itong gabay nila sa pagpaplano, pag-organisa,
pagsasagawa, at pagsusuri ng sari-saring proyektong maaaring maging kapaki-
pakinabang sa kanilang kinabukasan.
Aralin 12:
PAG-UUGALI BILANG KASAPI NG MAG-ANAK

Pagkatapos ng aralin, ako ay inaasahang


• Maipapakita ang mabuting pag-uugali bilang kasapi ng mag-anak;
• Makatutulong sa pag-aalaga sa matatanda at iba pang kasapi ng mag-anak.

Ang tagumpay ng kabuhayan ng isang mag-anak ay nakasalalay sa bawat kasapi. Hangad ng


mga magulang mapaunlad at mapaginhawa ang pamumuhay ng buong mag-anak. Ang bawat
kasapi ng mag-anak ay naghahangad ng maayos at kasiya-siyang pamumuhay. Mahalagang
magtulungan sa mga tungkuling dapat gampanan upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
PAG-ISIPAN NATIN
➢ Ano-ano ang mga kanais-nais na kaugalian na dapat linangin ng mag-anak
upang umunlad ang kanilang pamumuhay?
➢ Bakit kailangang matuto kang mag-alaga ng matatanda at iba pang kasapi
ng mag-anak?

1
MAGANDANG KAUGALIAN NA DAPAT PAHALAGAHAN

PAGMAMAHAL MULA SA MGA MAGULANG


Ang magulang ay nagpapakita ng pagmamahal sa anak sa
pamamagitan ng pag-aaruga at pag-iingat nito hanggang sa paglaki.
Madalas ay hindi napuputol ang ugnayan ng magulang at anak kahit
tumanda at magkapamilya na ito.

PAGGALANG SA MAGULANG AT MGA


NAKATATANDA. Likas sa mga batang Pilipino ang
pagiging magalang sa mga magulang at nakatatanda. Ilan sa
mga paraan ng pagpapakita nito ay ang: paggamit ng “po” at
“opo” sa pakikipag-usap.

PAGIGING MAPAGBIGAY SA KAPAMILYA.


Nagtutulong-tulong ang bawat kasapi ng pamilya sa pagganap
ng mga gawain sa bahay. Nagtutulungan sa mga gastusin sa bahay.
Ang mga kasapi ng mag-anak na nakatapos ng pag-aaral at nagtra-
trabaho sa pag-aaral sa mga nakababatang kapatid.
.
PAGMAMALASAKIT SA IBANG TAO
Pinadarama ang pagmamalasakit sa iba’t ibang paraan, tulad
ng pakikiramay sa may problema o karamdaman, pag-iingat
sa mga kagamitan at kasangkapan sa tahanan, at pagtitipid
ng tubig at kuryente.

PAGPAPAHALAGA AT PAGTITIWALA SA
KAKAYAHAN NG KAPAMILYA. Ang pagtitiwala at
pagpapahalaga sa kakayahan ng kaspai ng mag-anak ay
magpapasaya sa kanila at makapagbibigay ng tiwala sa sarili.

PAGKUKUSA AT PAGKAMATULUNGIN. Mahalaga


na may pagkukusa ang pagtupad sa bawat tungkulin nang
may kawilihan at may pananagutan. Gumagaan ang gawain
ng bawat isa kapag tinutupad ng lahat ng naatasan ang
gawain sa takdang oras.
PAG-AALAGA NG MGA NAKATATANDA. Bukod sa
pagtuturo at pagpapaalala ng tamang gawi, ang pagpapakita
ng wastong halimbawa ay nagsisilbing gabay sa kabataan
patungo sa kagandahang asal.

2
PAG-AALAGA SA MATANDA
Likas sa mga mag-anak na Pilipino ang mapagmahal sa mga kasapi ng mag-anak.
Lahat ng paraan ay ginagawa upang maipadama ang pagmamahal. Bawat mag-anak
may ginagampanang tungkulin na makapagbigay ng seguridad at pagmamahala sa
kapatid, mga magulang, at mga kaibigan.

PAGKAIN PARA SA MATATANDA


Ang pagkain para sa matatanda ay dapat piliin nang maingat dahil sa iba’t ibang
dahilan:
• Wala ng natural na ngipin
• Karamihan sa matatanda ayaw ng mga pagkaing mahirap tunawin
Ang pagkain ng matatanda ay dapat:
➢ Sapat na pagkaing may protina
➢ Katamtaman dami ng pagkaing may carbohydrates
➢ Kakauti ang taba
➢ Pagkaing mayaman sa bitamina at mineral
➢ Katamtamang dami ng mga likido tulad ng gatas, prutas, mga katas ng prutas, kape,
tsaa, at tubig
PAG-AALAGA SA NAKABABATANG KAPATID

PAKIKIPAGLARO – Sa pakikipaglaro, kailangang maturuan ang kapatid na hindi


lamang sumusunod sa panuntunan, kundi kumilos nang ligtas. Gayundin, kailangang
ibigay sa kanya ang laruang angkop sa edad at kakayahan niya.
PAGPAPAKAIN – Ituro ang mabuting asal sa hapag-kainan. Turuan ang kapatid na
maupo nang maayos sa upuang angkop sa kanya. Sanayin ang bata na kumain nang
tama. Sapat lamang ag dami at angkop sa laki at edad. Ang pagkain ng balance at may
wastong dami ng carbohydrates, protina, bitamina, at mineral na galling sa gulay at
prutas ay dapat makasanayan ng bata.

PAGPAPALIGO – Kailangang paliguan ang bata arw-araw. Bigyang-atensyon ang


alak-alakan, tuhod, siko, leeg, kilikili, at tainga. Tiyaking tanggal ang sabon sa kanyang
buong katawan.

PAGBIBIHIS – Bihisan ang kapatid ng preskyong damit. Ipasuot sa kanya ang damit
na bagay sa okasyon o gagawin.

PAGPAPATULOG – Mainam patulugin ng tatlong oras pagkatapos kumain ng


tanghalian. Bago patulugin, kailangang malinis ang katawan ng bata, pulbusan, at
bihisan ng maluwag at preskong damit. Hayaang matulog nang mag-isa.

PAGKUKUWENTO – Kuwentuhan ng maikli, simple, at kapupulutan ng


magandang asal habang pinatutulog ang kapatid. Maaaring magkuwento ng alamat,
pabula, o engkantanda o kuwento tungkol sa bata. Bigyang buhay ang pagkukuwento.

PAGTUTURO NG MAGANDANG ASAL – Huwaran at mahusay na guro ang


nakakatandang kapatid sa paghubog ng magandang asal ng batang kapatid. Sanayin
ang kapatid na gumawa nang nag-iisa habang sinusubaybayan.

3
Bilugan ang wastong titik ng salitang kasagutan sa bawat tanong.

1. Masaya kayong naglalaro magkapatid. Dumating ang inyong lolo at lola. Ano
ang iyong gagawin?
a. magmano c. umiyak
b. sumigaw d. magpatuloy sa paglalaro
2. Maraming ginagawa ang iyong ina. Ayaw niyang maabala sa kanyang pagluluto.
Umiiyak ang nakababata mong kapatid at nagpapakarga. Anong gagawin?
a. umiyak c. lumabas ng bahay
b. sumigaw d. kargahin at patahanin
3. Naglalaro ka ng basketball sa inyong bakuran. Natanawan mong parating na
ang iyong nanay at kasambahay galing palengke na hirap sa pagdadala ng mga
pinamili. Ano ang iyong gagawin?
a. umuwi ng bahay at maglinis
b. magpatuloy sa paglalaro ng basketball
c. tutulungan ang nanay at kasambahay sa pagdala ng mga pinamili
d. wala sa mga nabanggit
4. Nagwawalis sa itaas ng inyong bahay si ate. Nakalimutan niyang dalhin ang
pandakot. Narinig mong ipinaaabot niya ito sa iyong kapatid na nagkataong
naliligo sa banyo at hindi siya naririnig. Ano ang iyong gagawin?
a. sisigawan ang kapatid
b. magkukusang i-abot ang pandakot sa ate
c. magpatuloy sa panunuod ng telebisyon
d. pagsasabihan ang ate na siya dapat ang kumuha ng pandakot
5. Pasakay ka ng jeep. Nagkataong pasakay din ang lola ng maraming bitbit o
dalang bayong at plastic bag. Ano ang iyong gagawin?
a. bababa sa jeep
b. bayaran ang pamasahe ng matanda
c. tutulungan ang matanda sa kanyang bitbit
d. titignan ang matanda

Answer Key:

1. a
2. d
3. c
4. b
5. c

4
EPP 4|Aralin 12: PAG-UUGALI BILANG KASAPI NG MAG-ANAK
4
Pangalan: ___________________________________ Pangalan ng Guro: _______________
Baitang at Pangkat: ________________ Petsa: _________________________

MAGSANAY TAYO
Panuto: Sagutan at ipaliwanag ng maayos ang mga tanong.

1. Paano mo ituturo ang mabuting pag-uugali sa inaalagaang bata?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________.

2. Bakit klala ang mg Pilipino sa pagiging hospitable o magiliw sa bisita?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________.

3. Bakit mahalaga ang mabuting ugnayan ng isang pamilya?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________.
PAMANTAYAN SA PAGGAWA
Pamantayan 5 puntos 3 Puntos 2 Puntos
Mensahe Wasto ang lahat ng Wasto ang lahat ng hindi naunawaan at nakalilito
impormasyon. impormasyon ngunit ang mensaheng nais iparating.
Gumamit ng iba’t may dalawa o isa ang
ibang sanggunian o hindi naibigay na sagot
references.
Nilalaman Higit na malinaw at Malinaw at angkop ang Walang kalinawan at maraming
angkop angkop ang mga salitang ginamit hindi angkop na salitang
mga salitang ginamit kayat madaling ginamit.
kayat madaling maunawan.
maunawaan .
Pagkamalikhain Napaka orginisado at Organisado ang binigay Maraming bura sa output at
malinis ang output na na output ngunit may punit-punit ang papel na
pinasa. punit at may mga bura binigay.
sa papel.
Kabuuang Puntos

Prepared by Checked by

Melbert B. Belangel. LPT Hope C. Dejaro. LPT


Elementary Faculty Elementary Coordinator

Checked by Approved by

Joshua C. Lorenzo. MATCC Arthelo C. Palma, Ph.D


Preschool – JHS Principal Academic Affairs Head

You might also like