You are on page 1of 10

EDUKASYONG

4
PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN

HOME ECONOMICS
EDUKASYONG PANTAHANAN
AT PANGKABUHAYAN 4

MODIFIED STRATEGIC
INTERVENTION MATERIAL

Modyul 4
ANG MABUTING PAG-UUGALI
BILANG KASAPI NG MAG-ANAK

Bumuo sa Pagsusulat ng Modified Strategic Instructional Material

Manunulat : Lerma T. Sison – Teacher III/ Suclaban Elementary School


Editor : Maria Carmen M. Evangelista / Education Program Supervisor
Tagalapat : Alzien S. Malonzo – MT-1 / Senior High School in Apalit (Stand Alone 1)
Mica Rose A. Cruz – Teacher 1 / San Pablo Elementary School
Tagapamahala:
Zenia G. Mostoles, EdD, CESO-Schools Division Superintendent
Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T. Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Maria Carmen M. Evangelista – EPS – EPP/TLE/TVL/EsP
Ruby M. Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan, ADM Division Coordinator
GUIDE CARD

ALAMIN

Nais ng bawat pamilya ang masaya, tahimik at maunlad na


pamumuhay. Matatamo lamang ito kung may mabuting pag-uugali ang
bawat kasapi ng mag-anak, at kung may mabuting pagsasamahan at
pagpapahalaga sa isa’t-isa ang mga ito.

Learning Competencies

1.4 Naipapakita ang mabuting pag-uugali blang kasapi ng mag-anak

SUBUKIN

LARAWAN A LARAWAN B

Masdan ang mga larawan. Suriin kung ano ang inilalarawan dito.

Sa larawan A, ipinakikita ang sama-sama at masayang panonood


ng buong pamilya. Ipinakikita ang kanilang pagkamasayahin na
maaaring dulot ng kanilang mabuting pagsasamahan.

Sa larawan B,ipinakikita ang pagtutulungan ng bawat kasapi ng


mag-anak sa mga gawaing bahay at ang pagganap ng tungkulin na
nakaatang sa kanila.

Ang mga ipinakikitang mabubuting pag-uugali ng bawat kasapi ng


mag-anak ay magdudulot ng masaya,tahimik at maunlad na
pamumuhay ng mag-anak.

2
BALIKAN

Natutuhan mo na kung paano panatiliing maayos ang sariling


tindig. Magandang tingnan ang isang taong may magandang tindig at
postura. Sa aralin naman natin ngayon ay matutuhan mo ang mabuting
pag-uugali bilang kasapi ng mag-anak. Nais mo ba na matuwa sa iyo
ang iyong mga magulang at kapatid? Ayaw mo rin marahil na lagi kang
napapagalitan hindi ba?
Malalaman mo ang ngayon ang mga dapat mong gawin upang
maging mabuting kasapi ng mag-anak.

TUKLASIN

Sa munting tahanan ni Mang Ernesto ay may paggalang,


pagpaparaya, pag-unawa at pagsunod. Isang magsasaka si Mang
Ernesto kung kaya’t pag-uwi niya sa bahay ay nagpapahinga muna ito.
Sa pagkakataong ito tinitiyak ng kanyang mga anak na hindi nila
nagagambala ang pagpapahinga ng kanilang ama.Habang
nagpapahinga ang kanilang ama ay abala ang pamilya sa mga
gawaing bahay tulad ng paglilinis, paghuhugas ng plato at paghahanda
ng pagkain. May kani-kaniyang trabaho ang kaniyang mga anak na
buong puso nilang sinusunod.Kung ano ang inihain ng kanilang ina sa
hapag ay matiyaga nila itong pinagsasaluhan.Pagkatapos nilang kumain
ay masaya silang nanonod ng paborito nilang programa sa telebisyon.

SURIIN

Ang mabuting pag-uugali bilang kasapi ng mag-anak ay


mahalaga. Ilan sa mga ito ay ang oras ng pag-uwi pagkatapos ng klase,
mahalaga na ipaalam sa magulang at iba pang kasapi ng mag-anak
ang iskedyul ng klase lalong-lalo na ang oras ng simula at tapos ng klase.
Sa ganitong paraan, alam ng mga kasapi ng mag-anak kung anong oras
ang dating mo sa bahay at anong oras ka hihintayin. Uri ng kaibigan na
sasamahan, dapat lamang na kilala ng kasapi ng mag-anak ang iyong
mga kaibigan ng sa gayon ay may makpagpasabi o mapagtanungan
sila tungkol sayo kapag nagkaroon ng problema. Mahalaga rin na
malaman ng bawat kasapi ng mag-anak ang uri ng kaibigan na
sinasamahan. Mga paraan ng pagpapakita ng paggalang tulad ng

3
paggamit ng po at opo sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda ,
pagmamano sa mga magulang bago umalis at pagdating ng bahay,
paghihintay ng pagkakataon na magsalita kung may nag-uusap-usap at
pagtupad sa mga gawaing bahay, mahalaga na magawa mo ang
gawaing bahay na nakatakda sa iyo upang maiwasan ang
pagkakaroon ng problema sa mga kasapi ng mag-anak. Ang hindi
pagtupad sa mga ito ay isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng
suliranin ang mag-anak. Ang pagtupad sa nakatakdang gawain ay
nagdudulot ng kaginhawaan at mabuting pagsasamahan ng bawat
kasapi ng mag-anak.
Pagyamanin

Hanapin sa Hanay A ang mabuting pag-uugaling ipinapakita sa


sitwasyon na nasa Hanay B.

HANAY A HANAY B

___ 1. Oras ng pag-uwi a. pinakilala sa mga


pagkatapos ng klase magulang ang mga
kaibigan mo.

___ 2. Uri ng kaibigan b. sa iyo nakaatang


na sasamahan ang paghuhugas ng
mga pinagkainan kaya
di ka sumasama sa
pamamasyal sa iyong
mga kaibigan.

___ 3. Pagtupad sa c. may tinatapos sa


gawaing bahay kayong proyekto sa
Science ng
mga kagrupo mo,alam
mong gagabihin
kayo, kaya pinaalam
mo muna sa iyong mga
magulang.

___ 4. Paraan ng pagpapakita d. naghihintay ng


ng paggalang pagkakataon na
magsalita kung may
nag-uusap usap.

4
FACT OR BLUFF

Isulat sa kahon ang FACT kung tama ang isinasaad ng pangungusap at


BLUFF naman kung mali.

1. Nagmamano sa mga magulang bago umalis at


pagdating ng bahay.
2. Alam mo na ikaw ang nakatoka upang
maghugas ng plato kaya nagdahilan ka na
masakit ang ulo mo.
3. Ipinakilala ni Jana ang kaibigang si Andrea sa
kanyang mag-anak.

4. Pagkatapos ng klase ninyo sumama ka sakaibigan


mo na pumunta sa computer shop kahit hindi ka
nagpaalam sa mga magulang mo.
5. Gumagamit ng po at opo si Sean sa pakikipag-
usap sa mga nakatatanda sa kanya.

REFLECTION CARD

ISAISIP

“Ang batang magalang ay dangal ng magulang”

Ang pagpapakita ng mabuting pag-uugali ng bawat


kasapi ng pamilya ay nagdudulot ng mabuting
pagsasamahan, pagpapahalaga sa isa’t-isa at masayang
mag-anak.

ISAGAWA

Sa loob ng bahay isulat kung paano mo maipapakita ang


mabuting pag- uugali bilang kasapi ng mag-anak.

5
ASSESSMENT CARD

Magtala ng tatlong mabubuting pag-uugali na dapat taglayin ng


kasapi ng pamilya.

A. Tatay

1.

2.

3.

B. Nanay

1.

2.

3.

C. Mga Kapatid

1.

2.

3.

6
KARAGDAGANG GAWAIN

Lagyan ng ang pangungusap na nagpapakita ng mabuting


pag-uugali, bilang kasapi ng mag-anak.

____1. Pagmamano sa mga magulang


pag-alis at pagdating sa bahay.

____2. Pagkain ng masustansiyang pagkain.

____3. Pagsunod sa mga batas trapiko.

____4. Pagganap ng mga nakaatang na


tungkulin sa tahanan.

____5. Pagsunod sa mga alituntunin sa


tahanan.

____6. Pakikipaglaro sa mga kaibigan sa libreng oras.

____7. Pagpaparaya sa isa’t isa.

____8. Pagbibigay halaga sa bawat kasapi ng pamilya.

____9. Paliligo araw-araw.

____10. Pag-aalaga sa mga nakababatang kapatid.

7
8
Guide card
Subukin
Sa larawan A, ipinakikita ang sama-sama at masayang
panonood ng buong pamilya. Ipinakikita ang kanilang
pagkamasayahin na maaaring dulot ng kanilang mabuting
pagsasamahan.
Sa larawan B,ipinakikita ang pagtutulungan ng bawat kasapi
ng mag-anak sa mga gawaing bahay at ang pagganap ng
tungkulin na nakaatang sa kanila.
Ang mga ipinakikitang mabubuting pag-uugali ng bawat
kasapi ng mag-anak ay magdudulot ng masaya,tahimik at maunlad
na pamumuhay ng mag-anak.
Enrichment Card
1. c
2. a
3. b
4. d
1. FACT
2. BLUFF
3. FACT
4. BLUFF
5. FACT
Reflection card
Isagawa
Iba-iba ang kasagutan ng mga mag-aaral
Modyul 4: ANG MABUTING PAG-UUGALI BILANG KASAPI NG MAG-ANAK
9
Assessment Card
A. Tatay
mabait
masipag
mapagmahal
mapagparaya
B. Nanay
mabait
mapag-aruga
maalaga
masipag
maalahanin
mapagunawa
C. Mga Kapatid
masipag
matulungin
may kusa sa paggawa
magalang
KARAGDAGANG GAWAIN
1.
4.
5.
7.
8.
10.

You might also like