You are on page 1of 32

8

Modyul sa
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Linggo Blg. 5 – 7
8
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 5:
Koneksyon ng Pagmamahalan
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Koneksyon ng Pagmamahalan
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb CESE, DEM

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Annabelle Abugan Macabeo

Editor: Rozar Ric C. Catabian at Narcie Fe M. Solloso

Tagasuri: Paolo I. Carvajal at Narcie Fe M. Solloso

Tagalapat: Diane Marie B. Lavarias at Michiko Remyflor V. Trangia

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Narcie Fe M. Solloso
Pandibisyong Tagapag-ugnay/Pandistritong Tagamasid

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin
Binuo at isinulat ang modyul na ito na ikaw, aming minamahal na mag-aaral ang
isinasaalang-alang. Sa modyul na ito, inaasahan namin na matutunan mo nang may
kahusayan ang natatanging paraan upang magkaroon ng koneksyon ng pagmamahalan
ang pamilya.

Ang pagkakasunod-sunod ng mga aralin sa modyul na ito ay naayon sa


nakatakdang pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon.

Nilalaman ng modyul na ito ang aralin na:

Koneksyon ng Pagmamahalan

Matapos ang aralin na ito, inaasahan na:

1. Naisasagawa mo ang mga angkop na kilos tungo sa pagkakaroon at


pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya.

2. Nahihinuha mo na

a. Ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak ay


nagbibigay daan sa mabuting ugnayan ng pamilya sa kapwa.

b. Ang pag-unawa at pagiging sensitibo sa pasalita, di-pasalita at virtual na


uri ng komunikasyon ay nakapagpapaunlad ng pakikipagkapwa.

c. Ang pag-unawa sa limang antas ng komunikasyon ay makatutulong sa


angkop at maayos na pakikipag-ugnayan sa kapwa.

Subukin
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat aytem. Ilagay ang TAMA kung ang
pahayag ay wasto at HINDI kung hindi wasto.

1. Ang komunikasyon sa loob ng pamilya ay isang mahalagang sangkap para


mapatatag ang pagsasamahan ng bawat miyembro.

2. Hindi na kailangang mag-usap, kung alam mong hindi naman pinakikinggan


ang aking payo.

3. Sa isang pamilya, ang opinyon ng bawat isa ay mahalaga.

4. Ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak ay


nagbibigay daan sa mabuting ugnayan ng pamilya.

5. Ang pagiging sensitibo sa pasalita, di-pasalita at virtual na uri ng komunikasyon


ay nakapagpapaunlad ng magandang relasyon sa bawat miyembro ng pamilya.

6. Ang pag-unawa sa limang antas ng komunikasyon ay makatutulong sa angkop


at maayos na pakikipag-ugnayan sa kapwa.

7. Uri ng paghahatid mensahe na gumagamit ng senyas ay tinatawag na Verbal


o Pasalita.

1
Para sa bilang 8-10. Anong lebel ng komunikasyon ang inilalarawan sa sumusunod na
sitwasyon?

8. Hinihiling ni Rhonan na magluto ang kanyang ina ng kanyang paboritong ulam


na Mechado bilang pag-alala sa tatay niya na matagal niyang hindi nakasama.

A. Malalim na Pagbabahagi ng sarili

B. Pagbabahagi ng Impormasyon (FYI)

C. Pagbabahagi ng Kaalaman at Opinyon

D. Pagbabahagi ng Pagpapahalaga at Saloobin

9.Umamin si Randolf sa kanyang ina na bumaba ang kanyang marka sa


asignaturang Matematika. Humingi siya ng tawad at nagkusang aakuin ang
paghuhugas ng mga plato tuwing sila ay matapos maghapunan bilang parusa sa
loob ng dalawang buwan.

A. Malalim na Pagbabahagi ng sarili

B. Pagbabahagi ng Impormasyon (FYI)

C. Pagbabahagi ng Kaalaman at Opinyon

D. Pagbabahagi ng Pagpapahalaga at Saloobin

10. Nakasalubong ni Rhaeian ang kanyang dating kaklase noong Elementarya na


si Pia. "Hi, kumusta ka?" pangangamusta ni Rhaeian at matapos nito ay
nagpatuloy na siyang maglakad.

A. Magkakilala (Mema lang)

B. Pagbabahagi ng Impormasyon (FYI)

C. Pagbabahagi ng Kaalaman at Opinyon

D. Pagbabahagi ng Pagpapahalaga at Saloobin

2
Aralin
Koneksyon ng
1 Pagmamahalan

Noong nakaraang aralin, ating tinalakay na mahalaga na magkaroon ng


komunikasyon ang bawat miyembro ng pamilya para sa maayos na pagsasama. Kung
ating iisipin, kay sarap mamuhay sa ganitong kapaligiran. Sabi nga sa isang programa
sa telebisyon na Magandang Buhay, “happy lang, walang problema at lahat makulay.”
Ngunit ang reyalidad, may mga pagkakataon na hindi ito nangyayari. Mayroong mag-
asawa na hindi nag-uusap, magkapatid na hindi nagkikibuan at pamilyang nag-aaway.
Kung gayon, paano ba natin mapagtitibay ang koneksyon sa ating pamilya? Halika't
ating alamin.

Balikan
Kung pipili ka ng maari mong makausap mula sa miyembro ng iyong pamilya,
sino ito at ano ang iyong mensahe sa kaniya? Bakit siya ang napili mong tawagan?
Isulat ang iyong sagot mula sa mga nakalaang espasyo.

Tuklasin
Gawain

Basahin ang sitwasyon. Isulat kung kanino mula sa mga miyembro ng pamilya
mo sasabihin o ipapaalam ang pangyayaring kaugnay ng sumusunod.
Sitwasyon Miyembro ng
Pamilya
1. Magdiriwang ng magarbong handaan ng kaarawan ang
iyong kaibigan. Nais mong dumalo.
2. Mayroon kang sama ng loob sa isa sa miyembro ng pamilya.
3. Namumroblema ka dahil nagsibaba ang iyong marka sa
dalawang asignatura.
4. Mayroon ka ng nobyo/nobya.
5. Labis mong hinahangaan ang isa mong kaklase.
6. Mayroon kang tatanggaping pabuya,bilang isa sa
mahuhusay na mag aaral sa buong paaralan.
7. Mayroon kang sintomas ng isang malubhang sakit.
8. Nakita mo ang iyong tiyahin na kinokompronta ng inyong
kapitbahay at mukhang kailangan niya ng suporta.
9. Naglayas ang isa mong kaklase at nais na makitulog sa
bahay ninyo.
10. May nagawa kang mabigat na kasalanan sa paaralan.

Tanong:
1. Anong damdamin mo pagkatapos mong isagawa ang gawain?
2. Ano ang mensahe ng gawaing ito? Ipaliwanag.
3
3. Ano sa palagay mo ang ibubunga ng pagiging bukas sa iyong pamilya? Ano naman
ang epekto kung hindi mo ibabahagi sa kanila ang iyong saloobin?
4. Bakit kailangan ng bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga
anak? Ipaliwanag.
5. Paano makatutulong ang maayos na komunikasyon sa loob ng pamilya tungo sa
makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?

Suriin
Koneksyon ng Pagmamahalan

Ang komunikasyon ay hindi lamang pagbabahagi ng impormasyon sa loob ng


pamilya. Ang komunikasyon ay tagapag-ugnay ng damdamin at nagbabalanse sa
saloobin ng bawat miyembro ng pamilya. Ito ang matibay na paraan ng pagpaparamdam
ng pagmamahal. Ang malalim at maayos na komunikasyon sa pagitan ng bawat
miyembro ng pamilya ay siya ring sumusukat ng lalim ng pagmamahalan nila sa isa't
isa. Kaya naman hindi dapat itinatakda ang komunikasyon, bagkus ito ay natural na
dumadaloy sa bawat isa. Palaging magkaroon ng pagkakataon na magkumustahan sa
bawat araw na nagdaraan. Walang oras, walang panuntunang dapat sundin at walang
lugar na pinipili kung kailan dapat mag-usap, ito ay koneksyong nagpapadama ng pag
ibig sa isa’t isa.

Ayon sa isang pag-aaral, ang pamilyang umiiwas sa pakikisalamuha o


pakikipag-ugnayan ay nagbubunga ng mga anak na hirap sa pagtugon sa mga
suliraning nakaamba. Sa isang pananaliksik sa "Journal of Family Issues" na inilathala
noong Hulyo 2003, maraming mag-asawa diumano ang naghihiwalay dahil sa hindi
maayos na komunikasyon. Malaki din ang nagiging epekto nito sa kanilang mga anak,
maaring sikolohikal o sa pakikisalamuha sa kapwa, na nadadala nila sa paaralan at
sa pamayanang kanilang kinabibilangan. Hirap din silang maglabas ng kanilang
emosyon, tulad ng hindi sila madaling patawanin. Hindi ba’t sinasabing “laughter is the
best medicine?” Para sa ilan, ito ay kahinaan, kapag mababaw daw ang iyong
kaligayahan ay mahina ka. Ito ay isang maling paniniwala. Kung ang pamilya ay sama-
samang nagkakasiyahan, at nadarama nila ang kapanatagan at kaginhawahan sa
maliliit na kaparaanan. Sa mga simpleng biruan o kwentuhan, nakabubuo sila ng
mapagtiwalang damdamin na nagiging daan upang magkalapit ang loob ng bawat isa.

Iba't Ibang Kaparaanan Ng Komunikasyon

1. Verbal o pasalita - gumagamit ang tao ng salita; maaring sa pakikipag-usap, pag


tetext at paggawa ng sulat.
2. Di-Verbal o di pasalita - sa pamamagitan ng senyas gamit ang mga bahagi ng
katawan (body language), halimbawa na lamang nito ay ang pagtango para sabihing
oo o kaya’y pag-iling kung nais sabihing hindi. Kasama rin dito ang ekspresyon ng
mukha (facial expression) katulad ng pag-ngiti bilang pagsang-ayon o hindi kaya ay
pagsimangot para iparating na hindi nagugustuhan ang sinabi.
3. Virtual - nakikipag ugnayan ang tao gamit ang teknolohiya na hindi kinakailangang
magkaharap (face to face), at kahit sa magkalayong lugar o magkaibang “time zone”
Gayunpaman, dumaraan din sa antas o pagkasunod sunod ang komunikasyon.
Halina’t unawain natin ang limang antas ng komunikasyon na makatutulong sa
angkop at maayos na pakikipag-ugnayan sa pamilya at sa kapwa. Suriin mo kung anong
antas ang ginagamit mo.

4
Malalim na
Pagbabahagi
ng sarili
Pagbabahagi ng
Pagpapahalaga at
Saloobin
Malalim na Pagbabahagi ng
sarili

Pagbabahagi ng Kaalaman at Opinyon

Pagbabahagi ng Impormasyon ( FYI)

Magkakilala (Mema lang)

1
https://www.prokerala.com/relationships/family/communication-within-family.html

5
• Magkakilala (Mema lang)
Ito ang pinakamababaw na lebel, kung saan, nakikipag usap ka, para lang may
masabi. Kumusta o kaya’y hello kasi nakasalubong mo ang isang kakilala o
nakatabi mo sa jeep. Mga salitang hindi ka naghihintay ng kasagutan, sabi nga ng
iba MEMA lang… may masabi lang o kaya’y pamatay oras. Nakalulungkot kapag sa
loob ng pamilya ay ganito lamang ang sistema ng komunikasyon ninyo.

 Pagbabahagi ng Impormasyon (FYI)

Ito ang pagbibigay impormasyon, ukol sa isang produktong nabili mo o natuklasan


mo sa kasama sa trabaho, pag uulat sa iyong boss, ukol sa kanyang pinagagawa
sayo, mga facts and figures ng mga bagay bagay. Sa pamilya, minsan ganito lamang
din ang nagaganap, tatanungin ng magulang, “Anak, pumasok ka ba sa eskuwela?
Nagawa mo na ba ang mga takdang aralin mo? “Sasagot naman ang anak, hindi po
ako pumasok kasi absent ang aming guro, may pagpupulong daw po sila.” Minsan
sa mag- asawa ganoon na lang din, “Honey, nagkaroon kami ng munting salu-salo
kanina kasi na-promote si pareng Remy.”

• Pagbabahagi ng Kaalaman at Opinyon

Sa bahaging ito, nagpapasimula ng lumalim ang inyong ugnayan. Bakit? Kapag


nagbabahagi ka ng iyong pananaw at opinyon, binubuksan mo na ang iyong sarili.
Inilalabas mo ang iyong pagkatao, kung sino at ano ka. Maaring magsimula ito sa
pagtatanong tulad ng, “Ano ang gusto ninyong ulam para sa hapunan?” Maaring
may hindi sumang-ayon at magkaroon ng kaguluhan, ngunit ito ay
masosolusyunan sa pamamagitan ng maayos na pag-uusap ng bawat isa. Ngunit
ang lebel na ito ay hindi pa lubos na susi sa maayos na samahan, bagkus ito ay
pasimula pa lamang ng maayos na pakikipagmabutihan. Ito ang paraan para
makilala ang bawat isa at hindi sa paraang tila simpleng magkakilala lamang.

• Pagbabahagi ng Pagpapahalaga at Saloobin

Sa lebel na ito, ibinabahagi mo ang iyong nararamdaman; ano ang dahilan ng iyong
pagkilos, at ano ang iyong pangarap at layunin sa buhay. Ito na ang magbubukas
sa pagkakalapit ng bawat isa. Nailalahad mo ang saya at lungkot sa nagdaang
araw. Lumalabas ka na sa tinatawag na “Comfort Zone” o “Safe Zone”. Ibinubukas
mo ang iyong sarili, at hindi mo alintana ang negatibong epekto nito dahil
nagtitiwala ka na. Nagsisimula na kayong maging magkaibigan o magpalalim ng
inyong ugnayan.

• Malalim na Pagbabahagi ng sarili


Ito ang pinakamalalim na lebel ng komunikasyon. Isang halimbawa nito ay ang
pangungumpisal sa Diyos. Ang pagbabahagi mo ng iyong sarili, maging positibo man o
negatibo at ang pagsasabi mo ng iyong mga kamalian at mga bagay na nagawa mong
kahanga-hanga ay halimbawa ng malalim na pagbabahagi ng sarili.

Mapapansin nating habang tumataas ang antas ng komunikasyon ay


kumakaunti lamang ang mga taong nakakaabot nito, gayong mas pinaiiral ng tao ang
mababang antas. Ano ang kahulugan nito? Ikaw paano ka makipag ugnayan sa iyong
pamilya, pamilya ba talaga o para lang kayong simpleng magkakilala? Hindi pa huli
ang lahat, nasa labi mo ang susi upang magkalapit ang bawat isa. Huwag mangamba o
malungkot kapag hindi maayos ang koneksyon ng wifi nyo, bagkus mas ikatakot

2
Pinterest https://www.pinterest.ph/pin/233413193175950871/
https://www.uncoveringintimacy.com/5-levels-communication/ by Jay Dee

6
kapag wala na kayong koneksyon ng pamilya mo, dahil ang komunikasyon ang
koneksyon ng pagmamahalan.

Pagyamanin

Panuto: Natutunan natin sa araling ito na ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga
magulang at mga anak ay nagbibigay daan sa mabuting ugnayan ng pamilya. Mula sa
ating pagkatuto, sumulat ng isang liham para sa isang miyembro ng iyong pamilya na
nais mong pasalamatan o kaya’y hingan ng kapatawaran upang pagsisimula ng bukas
na komunikasyon sa pagitan ninyo.

____________________________,
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________.
______________________________

Isaisip
Punan ng angkop na salita ang sumusunod upang mabuo ang konseptong
natutunan.

Ang bukas at _____________ na komunikasyon ay naghahatid ng


kapanatagan at sa buhay. Bilang anak, sisimulan ko ng maging
_____________________sa aking pamilya nang sa gayon ay magkaroon kami
ng________________ pagsasamahan. Mahalaga ito sapagkat pinag-uugatan ito ng
______________________ Iiwasan ko na ang ____________. At ang pagiging
___________________. Sapagkat alam kong ito ay ____________________sa aming
magandang pagsasamahan.

Isagawa
Kapag May Tanong, May Sagot

Maglista ng tanong na nais mong mabigyang linaw o tugon ng bawat miyembro


ng iyong pamilya.
Tanong Para Ano ang iyong Ano ang nakuha mong
Kay katanungan? kasagutan sa iyong tanong?

7
Tayahin

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat aytem. Piliin sa loob ng kahon ang
inilalarawang bawat bilang.

Hirap Sangkap Pasalita (Verbal)


Virtual Handa Lima
Tatlo Di-pasalita (Di-Verbal) Opinyon
Bukas Relasyon Mema Lang
FYI Komunikasyon
Pagbabahagi ng Kaalaman at Opinyon Dayalogo
Malalim na Pagbabahagi ng sarili
Pagbabahagi ng Pagpapahalaga at Saloobin

1. Ang komunikasyon sa loob ng pamilya ay isang mahalagang para


mapatatag ang pagsasamahan ng bawat miyembro.
_____2. Ang pamilyang umiiwas sa pakikisalamuha o pakikipag-ugnayan ay
nagbubunga ng mga anak na ________ sa pagtugon sa mga suliranin.
3. Sa isang pamilya, ang ng bawat isa ay mahalaga.

4. Ang na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak ay


nagbibigay daan sa mabuting ugnayan ng pamilya.

5. Ang pagiging sensitibo sa pasalita, di-pasalita at virtual na uri ng komunikasyon


ay nakapagpapaunlad ng magandang sa bawat miyembro ng pamilya.

6. Mayroong antas ng komunikasyon na makatutulong sa angkop at


maayos na pakikipag-ugnayan sa kapwa.

7. Uri ng paghahatid mensahe na gumagamit ng salita ay tinatawag na .

8. Antas na kung saan madalas na ginagamit ng nakararaming tao.

9. Ang lebel na ito ay hindi pa susi sa maayos na samahan, bagkus ito ay pasimula
pa lamang ng maayos na pakikipagmabutihan.

10. Ito ay hindi lamang pagbabahagi ng impormasyon, ito rin ay nagbabalanse sa


saloobin ng bawat miyembro ng pamilya.

Karagdagang Gawain

Panoorin ang sumusunod na video. https://www.youtube.com/watch?v=UuvF0tycBn4


Sagutin ang tanong na, “Ano ang mahalagang mensaheng nais iparating ng naturang
video?”

8
8
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 6:
Panlipunan at Pampolitikal na
Papel ng Pamilya
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Panlipunan at Pampolitikal na Papel ng Pamilya
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb CESE, DEM

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Nhelda Mae P. Marcelo

Editor: Rozar Ric C. Catabian at Narcie Fe M. Solloso

Tagasuri: Paolo I. Carvajal at Narcie Fe M. Solloso

Tagalapat: Diane Marie B. Lavarias at Michiko Remyflor V. Trangia

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Narcie Fe M. Solloso
Pandibisyong Tagapag-ugnay/Pandistritong Tagamasid

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Binuo at isinulat ang modyul na ito na ikaw, aming minamahal na mag-aaral ang
isinasaalang-alang. Sa modyul na ito, inaasahan namin na maging kabahagi ka sa
Panlipunan at Pampolitikal na Papel ng Pamilya. Ang pagkakasunod-sunod ng mga
aralin sa modyul na ito ay naayon sa nakatakdang pamantayan ng Kagawaran ng
Edukasyon.
Nilalaman ng modyul na ito ang aralin na:
Ang Panlipunan at Pampolitikal na Papel ng Pamilya.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ikaw ay:
1. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng
pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa
mga batas at institusyong panlipunan (papel na pampolitikal)
2. Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang panlipunan at
pampolitikal na papel nito
3. Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na
pamayanan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel
na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan (papel
na pampolitikal)
4. Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampolitikal na papel
ng pamilya.

Subukin

Panuto: Basahin ang mga katanungan. Isulat ang titik ng pinakawastong sagot sa
nakalaang patlang.

1. Nilikha ng Diyos ang mundo para sa lahat ng kanyang nilalang. Ito ay


nangangahulugan na:
A. Maaari nating angkinin ang pag-mamay-ari ng iba.
B. Hindi dapat nagkakaroon ng demolisyon sa mga illegal settler.
C. Hindi dapat magkaroon ng pagmamay-aring lupain ang sinuman.
D. Sa paggamit ng lupain o anumang likas na yaman dapat isaalang-alang ang
kapakanan ng lahat.

2. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa pagtulong ng pamilya sa


pamayanan maliban sa isa.
A. pagbobonding ng pamilya
B. pagbibigay ng regalo sa bahay ampunan
C. boluntaryong paglilingkod sa kapus-palad
D. pagdaraos ng kaarawan sa mga batang lansangan

3. Dahil sa tungkulin ng pamilya ang pangalagaan ang kalikasan, nararapat na


isulong ng pamilya ang mga proyektong nangangalaga sa kalikasan maliban sa:
A. pagpuputol ng mga puno
B. ang 3Rs (reduce, re-use, recycle)
C. paglilinis ng mga kanal at daluyan ng tubig
D. paghihiwalay ng mga nabubulok at di nabubulok na basura

4. Dapat pag-ibayuhin ng bawat pamilya ang pangangalaga at pagbabantay sa mga


karapatan at tungkulin nito dahil:
A. mahihirapan ang magulang
B. hindi makabubuti sa kanila ang gawaing ito
C. makabago ang panahong kinabibilangan
D. maraming banta sa integridad ng pamilya

1
5. Ang bayanihan ay hindi na bago sa Pilipino. Naipapakita ito sa mga sumusunod
maliban sa:
A. Pagbabahagi ng tulong sa kapitbahay na hindi nabigyan ng ayuda ng ating
lokal na pamahalaan
B. Pagbabahagi ng kaalaman sa kapitbahay sa mga kaparaanan kung paano
makatitipid ng konsumo ng kuryente
C. Pagpapatuloy sa paglabas ng tahanan sa kabila ng pagpapaalala ng
pamahalaan sa nakamamatay na pandemic
D. Pagsuot ng face mask, pagdala ng quarantine pass at pagpapanatili ng
distansya sa tuwing lumalabas ng bahay.

6. Sa umpisa ng buhay ng tao hanggang sa huling sandali ng kaniyang buhay ay


kailangan niya ng kalinga ng ibang tao. Ito ay nangangahulugan na:
A. Marapat na magpursiging magpayaman ang tao.
B. Tungkulin ng ibang tao na siya ay arugain at kalingain.
C. Papasanin ng mga magulang ang anak habang siya ay nabubuhay.
D. Kailangan niya ang kapwa kayat kailangan niyang matutong makipag- kapwa
tao

7. Ano ang batas ng malayang pagbibigay?


A. Pagbibigay tulong dahil may mga sobra sa kanyang supplies
B. Pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa na hindi naghihintay ng kapalit
C. Pagtulong sa pulubi kahit napilitan ka lamang
D. Pagpapamahagi ng mga ayuda dahil sa tayo ay nasa demokrasyang
pamahalaan

8. Dapat tiyakin ng bawat pamilya na ang mga batas na isusulong sa Kongreso ay


nagsusulong at nangangalaga sa mga karapatan at tungkulin ng pamilya. Anong
tungkulin ito?
A. Papel panlipunan ng pamilya
B. Papel pampolitikal ng pamilya
C. Itinakdang panghimasukan ng pamilya
D. Papel na patuloy na gagampanan ng pamilya

9. Isa sa mga karapatan ng pamilya ay karapatang isakatuparan ang kaniyang


pananagutan sa pagpapalaganap ng buhay at .
A. alagaan ang mga anak
B. pakainin ang mga anak
C. pagtuturo sa mga anak
D. pagpapalaganap ng lahi sa mundo

10. Ang pamilya ay may karapatan sa pagiging pribado ng buhay mag-asawa at


___________________________.
A. buhay pamilya
B. pananampalataya
C. karapatan sa ari-arian
D. kapakipakinabang na paglilibangan

Aralin
Ang Papel na Panlipunan at
1 Pampolitika ng Pamilya
Sa natapos na aralin, natutunan mo na ang komunikasyon ay mahalagang
bahagi sa pagkakaisa at pagpapatatag ng pamilya. Handang umunawa sa kausap at
handa ring magpahayag ng iniisip at damdamin, ito ay para sa ikabubuti ng lahat. Ang
katatagang ito ay ibabahagi natin sa lipunang ating kinabibilangan at sa politika na
nagpapalakad rito. Sa mga papel na ito natin itutuon ang iyong pag-aaral.

2
Balikan

Panuto: Ayusin ang mga letra sa bawat bilang upang makabuo ng salita at gamitin ito
sa pangungusap batay sa natutunan sa nakaraang aralin.

1. NOYSAMUNKIKO -
2. SOMAYA -
3. YATIK-
4. ALAMWIN -
5. LOGOADAY-

Tuklasin

Gawain 1

“Birthday Bash”

Si Trixie ay labing tatlong taong gulang at nasa ika-walong baitang. Marso noon
at sabik na siyang sumapit ang kaniyang kaarawan. Maaga palang ay inimbitahan na
niya ang kaniyang mga kaibigan. Alam niyang ipaghahanda siya ng kaniyang mga
magulang dahil sa nagsikap siyang mabuti sa pag-aaral at consistent na With Honors
siya. Ngunit dumating ang Marso 15, 2020 nang ideklara ang Community Quarantine
dahil sa pandemic na Covid 19. Bawal lumabas ang lahat ng tao – nakamamatay! Buong
pamilya ay nakatutok sa balita sa telebisyon. Nakita ng pamilya ni Trixie ang bangis ng
covid 19 – natutumba na lamang ang mga tao at namamatay. Takot namang tulungan
ng nakakita sapagkat mabilis makahawa ang nasabing virus. Ilang linggo pa ang
lumipas at may mga taong naglarawan ng kanilang matinding karanasan sa
pakikipaglaban sa Covid 19. Sa iba’t ibang lugar naman ay maraming nananawagan ng
tulong. Wala silang mapagkuhanan ng pagkain dahil sa apektado ang kanilang mga
trabaho. Sa ganitong pangyayari kahit ang may pera ay hirap din sa pagbili ng pagkain
dahil limitado ang supplies, limitado kung saan ka lang pwede bumili at dapat may
quarantine pass at may face mask.
Nag-alala si Trixie sa kaniyang mga kapitbahay si Manong Padua ay nagtitinda
lamang ng balot para may makain, si Ate Jonna naman ay nasa abroad ang asawa na
nawalan ng trabaho dahil sa pandemic- malamang na nag-aalala ito para sa kanilang
tatlong mga anak at si Pinky na namamasukan sa pribadong opisina- siya ang
inaasahan ng kaniyang pamilya. Bumigat ang dibdib ni Trixie. “Ano na ang mangyayari
sa kanila? Puro sila mababait at mabuting tao” sabay buntong hininga. Napansin ito ng
kaniyang ama, tinanong siya kung ano ang bumabagabag sa kanyang damdamin.
Kaya’t sinabi ni Trixie sa kaniyang ama ang nadarama at nag tanong. “Dad, pwede po
ba na yung gagastusin sa birthday bash ko ay itulong na lang sa ating mga kapitbahay?”
Natuwa ang ama ni Trixie. “Ang anak ko ay may mabuting puso! Iniisip niya ang
kapakanan ng aming mga kapitbahay.”

Kinabukasan ay maagang umalis ang kaniyang ama dala ang listahan ng


bibilhin. Pagbalik ng ama ay excited na ang buong pamilya na nag-repack ng mga
napamili. At bago tuluyang ipamigay ang tulong naglagay sila ng munting paalala
“Malalampasan din natin ito. Mahal tayo ng Diyos.”

3
Sagutin ang mga tanong. Isulat sa nakalaang patlang ang iyong mga kasagutan.

1. Ano ang kahanga-hangang ginawa ni Trixie? Sa iyong palagay, ano ang


nagbunsod kay Trixie na gawin ang bagay na iyon?

2. Paano tinanggap ng magulang ni Trixie ang kaniyang kahilingan? Patunayan.

3. Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita ang pagganap ng papel sa lipunan


at pampolitika?

Suriin

Ang tao ay umiral dahil sa kaniyang kapwa at patuloy na iiral kasama ang kapwa.
Gaya ng natutunan natin sa unang modyul tayo ay bunga ng ating mga magulang at
ang pamilya ang una nating kapwa. Sa pamilya unang nararanasan ang pakikibahagi
at pagbibigayan – dito natututunan ang batas ng malayang pagbibigay o pagtulong dahil
sa malasakit na hindi naghihintay ng kapalit. Sa pamilya nagsisimula ang pagiging
bukas palad at ang diwa ng bayanihan. Dito natutunan ng tao na iwaksi ang pagiging
makasarili at kung kinakailangan magsakripisyo alang-alang sa kapwa, sa ikabubuti
ng lahat.
Sa paglaon ng panahon ay lumalawak ang pakikipagkapwa – mula sa pamilya ay
lumalabas sa lipunang ating kinabibilangan at sa Pilipinas bilang ating bansa. Upang
makapamuhay ng payapa sa ating lugar na kinabibilangan ay may papel na dapat
gampanan ang ating pamilya. Anu-ano nga ba ang mga ito?
Ang Papel ng Pamilya sa Lipunan

Ang papel sa lipunan ng pamilya ay ang pagiging bukas-palad, pagsusulong ng


bayanihan, at pangangalaga sa kaniyang kapaligiran.

Bukas-palad. Walang hinihinging edad ang kusang pagtulong. Halina’t kilalanin natin
si Virginia Rojo. Anim na taong gulang na nagpamalas ng pagmamalasakit at batas ng
malayang pagbibigay. Iniligtas ang kanilang kapatid mula sa nasusunog nilang bahay
sa mga lalawigan ng Negros. Hindi inuna ang kaniyang sarili. Bagamat nasunog ang
bahagi ng mukha at katawan ay walang hinanakit o pag-aalinlangan sa kaniyang
ginawa. Sa murang edad ay napakalawak ng kaniyang pag-unawa sa halaga ng
pagsasakripisyo para sa ikabubuti ng iba.

Bayanihan. Sa lipunan ang pamilya ay boluntaryong naglilingkod sa pamayanan o


kaya’y tumulong sa kapus-palad, nangangailangan, at mga hindi naabot ng tulong ng
pamahalaan.

Pangangalaga ng kalikasan. Kasama sa Sistema ng ating buhay ang kalikasan.


Kaakibat rin sa responsibilidad ng pamilya ay ang pangangalaga sa kalikasan. Ang
pagkakaroon ng legal na karapatan sa pagmamay-ari ng lupain at iba pa ay may kalakip
na paalala na ang mga ito ay kaloob ng Diyos at nararapat na isaisip ang kabutihan ng
lahat sa paggamit dito. Kaya’t walang karapatan ang mga industriya o korporasyon na
dumihan ang tubig, hangin, lupa na nagdudulot ng sakit sa buong nilalang.
Tungkulin ng pamilya ang pangangalaga sa kalikasan bilang likas na tagapamahala ng
lahat ng nilikha ng Diyos. Dahil sa tungkuling ito, nararapat na isulong ng pamilya ang
mga proyektong nangangalaga sa kalikasan tulad ng Clean and Green Program na
nagtataguyod ng mga proyektong tulad ng pagtatanim ng mga puno, paghihiwalay ng
mga nabubulok at di nabubulok na basura, ang 3Rs(reduce, re-use, recycle), paglilinis
ng mga kanal at daluyan ng tubig at marami pang iba. Tandaan hindi tayo mabubuhay
kung wala ang ating kalikasan.

4
Ang Papel na Pampolitikal ng Pamilya

Ang pagbabantay sa mga batas at mga institusyong panlipunan upang


maisulong ang kapakanan ng pamilya ay ang papel pampolitikal ng pamilya.
Ang papel na panlipunan ng pamilya ay dapat ding maipahayag sa pamamagitan
ng pakikialam sa politika. Nararapat na manguna ang pamilya sa pagtiyak na ang mga
batas at ang mga institusyong panlipunan ay hindi taliwas, sa halip ay nagsusulong at
nangangalaga sa mga karapatan at tungkulin ng pamilya. Kalakip nito ay dapat na alam
din ng pamilya ang mga natural at legal na karapatan nito. Dapat din na pangunahan
nito ang pagpapanibago sa lipunan at hindi magpabaya sa kaniyang mga tungkulin.

Ang sumusunod ay ang mga karapatan ng pamilya na dapat bantayan:

1. Ang karapatang umiral at magpatuloy bilang pamilya o ang karapatan ng lahat ng


tao, mayaman man o mahirap, na magtatag ng pamilya at magkaroon ng sapat na
panustos sa mga pangangailangan nito
2. Ang karapatang isakatuparan ang kaniyang pananagutan sa pagpapalaganap ng
buhay at pagtuturo sa mga anak
3. Ang karapatan sa pagiging pribado ng buhay mag-asawa at buhay pamilya
4. Ang karapatan sa pagkakaroon ng katatagan ng bigkis at ng institusyon ng kasal
5. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at
pagpapalaganap nito.
6. Ang karapatang palakihin ang mga anak ayon sa mga tradisyon, pananampalataya,
at pagpapahalaga at kultura sa pamamagitan ng mga kailangang kagamitan,
pamamaraan, at institusyon
7. Ang karapatan, lalo na ng mga may sakit, na magtamo ng pisikal, panlipunan,
pampolitikal, at pang-ekonomiyang seguridad
8. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya
9. Ang karapatan upang makapagpahayag at katawanin (ng mambabatas o asosasyon),
sa harap ng mga namamahala o namumuno kaugnay ng mga usaping pang-
ekonomiya, panlipunan, o kultural
10. Ang karapatang magbuo ng asosasyon kasama ang ibang mga pamilya at samahan,
upang magampanan ng pamilya ang mga tungkulin nito ng mas karapat-dapat at
madali
11. Ang karapatang mapangalagaan ang mga kabataan, sa pamamagitan ng mga
institusyon at batas, laban sa mapanirang droga, pornograpiya, alkoholismo, at iba
pa
12. Ang karapatan sa kapaki-pakinabang na paglilibang, iyong nakatutulong sa
pagpapatatag ng mga pagpapahalagang pampamilya
13. Ang karapatan ng mga matatanda sa karapat-dapat na pamumuhay at kamatayan
14. Ang karapatang mandayuhan sa ibang probinsya o bansa para sa mas mabuting
pamumuhay

Kung ang kabutihan ng pamilya ay napangangalagaan, naitataguyod, at


nabibigyang-proteksyon sa lipunan, ang bawat isa ay magkakaroon ng pagkakataong
lumaki at maging ganap na tao sa pinakamabuting kapaligiran - isang kapaligirang
nakatutulong sa paghubog ng mga birtud na dapat taglayin ng isang mapanagutang
mamamayan sa lipunan. Ang kapaligirang ito ay may lugar para sa kaniyang sarili na
nagpapatatag ng kaniyang kakayahang tumayo sa sariling paa at ng kaniyang pagiging
mapanagutan. May pagmamahalan dito na nagpapatingkad ng kaniyang pakikibahagi
sa lipunan at pakikipagkapwa. Ang pagiging epektibo ng iba pang mga institusyon sa
lipunan ay nakasalalay sa kabutihan ng pamilya.

Dapat pag-ibayuhin ng bawat pamilya ang pangangalaga at pagbabantay sa mga


karapatan at tungkulin nito dahil maraming banta sa integridad ng pamilya sa
makabagong panahon. Ang pagsasabatas ng diborsyo, pagpapalaglag o aborsyon, at
materyalismo ay ilan lamang sa mga sumisira sa pangunahing institusyon ng lipunan.
Kung tuluyan nang masisira ang pamilya, mawawala na rin ang tunay na kanlungan
ng moralidad!

5
Pagyamanin

Naging malinaw ba sa iyo ang mga papel na dapat gampanan ng pamilya sa


lipunan at politikal? Sa ibaba ang nakasulat ang iba’t ibang gawain. Kulayan ng dilaw
ang mga papel panlipunan ng pamilya at kulay berde ang pampolitikal na papel ng
pamilya.

1) Pagtanim ng punong kahoy


2) Pagsunod sa itinakdang curfew
3) Pagtapon ng kalat sa basurahan
4) Pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran
5) Pagboto ng kandidato ayon sa konsensya
6) Paggamit ng face mask sa tuwing aalis ng bahay
7) Pagsuporta sa mga agensyang tumutulong sa pamilya.
8) Sinusubaybayan ang pamamahagi ng ayuda ng DSWD.
9) Mapayapang pagbabahagi ng paninindigan sa mga isyu ng pamilya.
10 Pagbabahagi ng blessings sa ating kapit-bahay na nawalan ng trabaho.

Isaisip

Bilang isang anak, mag-aaral at mamamayan anong papel ang gagampanan mo


upang makatutulong sa paglutas ng krisis na kinahaharap ng ating bansa dahil sa
epekto ng Covid 19?

6
Isagawa

“Plantitos at Plantitas”
Layunin natin ngayon na makatulong sa pandagdag kabuhayan sa ating mga
kababayan. Dahil sa hindi pa nanunumbalik ang kasiglahan ng ating ekonomiya at
marami ang pangangailangan ng bawat pamilya, magtanim ng halaman na maaaring
mapagkunan ng pangkain o panggamot. Lagyan ito ng karatula ng kabutihan dulot
nito at iflex sa iyong fb wall o ishare sa mga kakilala.

Tayahin

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng pinakawastong
sagot sa nakalaang patlang.

1. Magmula sa sinapupunan ng ina hanggang sa huling hantungan kailangan


ng tao ang kaniyang kapwa upang mabuhay. Nangangahulugan ito na…
A. Marapat na magpursiging magpayaman ang tao.
B. Tungkulin ng ibang tao na siya ay arugain at kalingain.
C. Papasanin ng mga magulang ang anak habang siya ay nabubuhay.
D. Kailangan niya ang kapwa kaya’t kailangan niyang matutong makipagkapwa
tao

2. Sa paanong paraan naisasabuhay ang batas ng malayang pagbibigay?


A. Pagbibigay tulong dahil may mga sobra sa kanyang supplies
B. Pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa na hindi naghihintay ng kapalit
C. Pagtulong sa pulubi na walang kakayahang magbalik ng kabutihang ibinigay
D. Pagpapamahagi ng mga ayuda dahil sa tayo ay nasa demokrasyang
pamahalaan

7
3. Sa pagbibigay ng Diyos sa atin ng inang kalikasan, maipakikita natin ang
pangangalaga rito sa pamamagitan ng…
A. Maaari nating angkinin ang pag-mamay-ari ng iba.
B. Hindi dapat nagkakaroon ng demolisyon sa mga illegal settler.
C. Hindi dapat magkaroon ng pagmamay-aring lupain ang sinuman.
D. Sa paggamit ng lupain o anumang likas na yaman dapat isaalang -alang ang
kapakanan ng lahat

4. Ano sa mga gawain ang hindi kabilang sa pag-abot kamay sa lipunan?


A. pagbo-bonding ng pamilya
B. pagbibigay ng regalo sa bahay ampunan
C. boluntaryong paglilingkod sa kapus-palad
D. pagdaraos ng kaarawan sa mga batang lansangan

5. Ano sa mga nabanggit ang hindi kasama sa pangangalaga ng kalikasan?


A. pagpuputol ng mga puno
B. ang 3Rs (reduce, re-use, recycle)
C. paglilinis ng mga kanal at daluyan ng tubig
D. paghihiwalay ng mga nabubulok at di nabubulok na basura

8
8
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 7:
Isasagawa Ko Lahat ng Natutuhan
Ko

1
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Isasagawa Ko Lahat ng Natutuhan Ko
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb CESE, DEM

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Nelda Mae P. Marcelo at Annabel Macabeo

Editor: Rozar Ric C. Catabian at Narcie Fe M. Solloso

Tagasuri: Paolo I. Carvajal at Narcie Fe M. Solloso

Tagalapat: Diane Marie B. Lavarias at Michiko Remyflor V. Trangia

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Narcie Fe M. Solloso
Pandibisyong Tagapag-ugnay/Pandistritong Tagamasid

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Narito ang ilang mungkahing gawain sa pagtatapos ng unang yunit sa Unang


Markahan. Ang pamantayan sa pagkatuto ay inilaan upang akayin kayo, mga mag-aaral,
sa makabuluhang gawain na may kaakibat na pagpapahalaga sa pamilyang iyong
kinabibilangan. Naipagmamalaki ang pagmamahal at pag-aaruga ng mga magulang,
kaakibat ang mga gabay at turo upang mahubog ang mabuting pagkatao tungo sa
makabuluhang pakikipagkapwa.

Ikaw, bilang isang mabuting anak at mamamayan ay malaki ang magagawa kung
pauunlarin at isasabuhay mo ang mga gabay na natutunan mo sa buong markahang
ito.
Sa modyul na ito, inaasahan ang pagsagot mo sa Mahalagang Tanong na: Paano
makatutulong ang impluwensya ng pamilya sa makabuluhang pakikipagkapwa?

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod


na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1. Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng
pagmamahalan at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili
tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa.

2. Nasusuri ang mga gawi o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng


pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasiya at paghubog ng
pananampalataya at mga banta laban dito.

3. Napatutunayan na ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang


at mga anak ay nagbibigay-daan sa mabuting ugnayan ng pamilya sa kapwa.

4. Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampulitikal na


papel ng pamilya.

Subukin

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang salitang TAMA
kung wasto ang pangungusap at MALI kung hindi wasto.

1. Kaganapan ko bilang tao ay magkaroon ng mabuting ugnayan sa aking


kapwa.

2. Ang mabuting pagpapasiya ay mainam na matutunan ng mga anak


sapagkat ito ang daan sa makabuluhang buhay.

3. Sa pagpapamilya, pagmamahal ang matibay na pundasyon nito.

1
4. Responsibilidad ng bawat pamilya ang kalingain ang bawat kasapi nito at
sa pamahalaan ang pag-aaruga sa inang kalikasan.

5. Sa pakikipag-usap, ang kahandaang makinig at magsabi ng tapat ay


kinakailangan upang magkaroon ng solusyon sa hidwaan sa ating
pamilya.

2
Aralin
Isasagawa Ko Lahat ng
1 Natutuhan Ko

Balikan

3
Tuklasin

Hingiin ang tulong ng pamilya sa gawaing ito. Sa kani-kaniyang mga papel, isulat
ang mga mabubuting katangian ng inyong pamilya. Matapos ay pagsamahin ang mga
sagot at bilangin. Isulat ng mas Malaki ang mga katangiang madalas mabanggit
kumpara sa iba. Iayos at pagkasyahin sa loob ng ulap.

Tanong:

1. Batay sa resulta ng mga katangian, ano ang iyong naramdaman? Bakit?


2. Bilang tao, paano nakaapekto sa iyo ang mga mabubuting katangiang ito?
3. Nagkaroon ka na ba ng suliranin na kung saan ay napagtagumpayan mo ito sa
pamamagitan ng impluwensya ng iyong pamilya? Ilahad.

Suriin

Ang pinag-aralan natin sa buong unang markahan ay patungkol sa pamilya na


siyang pinag-uugatan ng ating pagkatao, ang humuhulma upang tayo ay maging ganap
na tao at at gabay sa mabuting pakikipagkapwa-tao.

Ipinanganak tayo sa mundong ito dahil sa pagmamahalan ng ating mga magulang.


Nanabik sila sa iyong pagdating, sabi nga ni Freddie Aguilar; “Nung isilang ka sa
mundong ito, laking tuwa ng magulang mo, at ang kamay nila ang iyong ilaw. Ang tatay
at nanay mo di malaman ang gagawin, minamasdan pati pagtulog mo…” Ang kanilang
pag-aaruga sa atin ay hindi humihingi ng kapalit - ngiti at lambing lamang ay napapawi
na ang kanilang pagod. Ito ang pasimula ng paghubog ng iyong pagkatao; Sama-samang
nagdarasal, kumakain, natutulog, tinuturuang magmano, mangupo, magpasalamat,
magsabi ng totoo, magbigayan at marami pang iba. Ito ang mga pagpapahalaga na
gagamitin mo sa iyong pagpapasiya sa pagharap sa buhay

4
Pinatatatag ka nila upang tumulong sa pagpapalakas ng inyong pamilya. May mga
maaaring maging hadlang sa bigkis ng pamilya, isa na rito ang hindi pagkakaunawaan,
mga pagsubok o hirap na maaring maranasan. Ang susi upang maiwasan ang mga
hadlang sa matibay na bigkis ng pamilya ay pagmamahalan, pananalig sa Diyos, bukas
na komunikasyon at kahandaan ng puso at isipan na maunawaan ang isa't isa, kalakip
ang hangaring maihayag ang sariling saloobin. Kayat mahalaga na mapaganda natin
ang paraan ng ating pakikipag-usap; may paggalang, banayad at puno ng lambing.
Ang pamilya ay kabilang sa mas malaking bahagi na tinatawag nating lipunan. Ang
pangunahing layunin ng lipunan ay mapangalagaan ang bawat pamilyang kabilang dito;
Matulungan sa pangunahing pangangailangan, sa pagbibigay edukasyon, pamumuhay
ng kanilang pananampalataya, kaligtasan – sakit man ito, banta ng kalamidad o
masasamang loob, at pagbibigay ng hanapbuhay. Sa pagtugon dito, may papel na
gagampanan ang ating pamilya – ang pagtulong sa ating kapwa at kapaligiran
(panlipunan) at ang pagsulong ng kapakanan ng pamilya (politikal).

Lahat tayo ay bahagi ng isang pamilya. Marapat lamang na tayo ay maging


kabahagi sa pagpapatatag nito.

Pagyamanin

Bilang mag-aaral na patapos na sa unang markahan, ikaw ay inaasahang nakatutulong


na sa pagpapatatag ng iyong pamilya, napauunlad ang mga naituro, nakapagbibigay halaga
sa mga magulang at kasama na sa pagpapatibay ng lipunan. Tukuyin ang mga paraan kung
papaano mo ito maisasabuhay bilang anak, mag-aaral, mananampalataya at mamamayan.

Bilang… Ako ay…

ANAK

Mag-aaral

Mananam
palataya

Mama-
mayan

5
Isaisip

Ayon sa napag-aralan, gamitin ang mga sumusunod na salita upang makabuo ng


makabuluhang konsepto.

Isagawa

Alam mo ba na apat na araw lamang ang pasok ng mga magulang sa trabaho sa


ibang mga bansang nasa Europa at Australia. Sa Perth, Australia naman ay nagsasara
ang mga malls ng maaga. Ang mga Ito ay ginagawa ng gobyerno upang mapalakas ang
pamilya at magabayan nang mabuti ng mga magulang ang mga anak. Kung ikaw ay
isang senador anung batas ang ipapanukala mo upang mapalakas ang pamilyang
Pilipino?

RUBRIC Pagpupuntos Puntos

I. Nilalaman
a. Malinaw na paglalahad ng batas (specific) 15
b. Maisasakatuparan (attainable) 15
c. Makatotohanan (realistic) 15
II. Kalinisan ng gawa 5
total 50

6
Tayahin

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat aytem/tanong. Isulat ang titik ng
pinakawastong sagot sa nakalaang patlang.

1. Ang pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na


pamilya ay:

A. Pagkakaroon ng anak
B. Pinagsama ng kasal ang magulang
C. Pagtatanggol sa karapatan ng pamilya
D. Pagtitiis anumang pagsubok ang dumating.

2. Ang pamilya ang una at patuloy na pundasyon ng edukasyon para sa


panlipunang pamumuhay. Ano ang tinutukoy nito?

A. Ang magulang ang dapat pumili ng kursong kukunin ng anak.


B. Ang magulang ang magpapasya ng pinakamabuting edukasyon para sa anak.
C. Ang magulang ang unang guro – gumagabay at nagtuturo ng mga
pagpapahalaga sa anak
D. Ang magulang ang dapat magbigay ng lahat ng pangangailangan ng anak sa
kaniyang pag-aaral.

3. Ang pagtutulungan ay natural sa pamilya dahil:

A. Naiiwasan ang mga hindi kaaya-ayang masasabi ng ibang tao.


B. Kaligayahan ng mga kasapi ng pamilya ang makitang maayos ang bawat
isa.
C. Ang ama at ina ang pangunahing nagbibigay ng pangangailangan ng
pamilya
D. Ang mga lolo at lola ang nag-aalaga sa mga apo habang wala ang kanilang
mga magulang

4. “Ang mabuting samahan sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa


tao”. Ito ay nangangahulugan na:

A. Higit na popular ang isang tao na magaling sa pakikipagkapwa tao.


B. Madaling matanggap ng kapwa ang taong kabilang sa maayos na pamilya.
C. Ang maayos na samahan ng pamilya ay nagtuturo na maging mabuti sa kapwa.
D. Mas madaling makakuha ng tulong sa kapwa ang may maayos na relasyon sa
iba.

5. Ito ang pinakamabisang paraan ng komunikasyon.

A. pagmamahal
B. Telepono
C. pag-uusap ng mga mata
D. Pakikipag-usap nang may paggalang

7
Karagdagang Gawain

Magplano ng isang espesyal na hapunan. Maaaring gumawa ng paboritong


panghimagas para sa buong pamilya. Ayusin ang hapag-kainan upang maging kahali-
halina ito. Maghanda rin ng mga katanungan para sa buong pamilya na magdadala ng
masayang kuro-kuro para sa bawat-isa. Sikaping ang lahat ay nakikibahagi sa
kasiyahan.

Masayang kainan at kwentuhan!

You might also like