You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Schools Division OF NEGROS ORIENTAL
SIATON 1 DISTRICT – LORENZA P. PALARPALAR MEMORIAL HIGH SCHOOL

Gender and Development (GAD) Sensitive Intervention Materials in Support for


EsP Subject

(Unang Markahan – Modyul 3: Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya)

I. Learning Competencies:
A. Ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak ay nagbibigay-
daan sa mabuting ugnayan ng pamilya sa kapwa EsP8PBIf-3.3
B. Ang pag-unawa at pagiging sensitibo sa pasalita, di-pasalita at virtual na uri ng
komunikasyon ay nakapagpapaunlad ng pakikipagkapwa EsP8PBIf-3.3
C. Ang pag-unawa sa limang antas ng komunikasyon ay makatutulong sa angkop at
maayos na pakikipag-ugnayan sa kapwa EsP8PBIf-3.3
D. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagkakaroon at pagpapaunlad ng
komunikasyon sa pamilya EsP8PBIf-3.4
II. Objectives:
Kaalaman : Nasusuri ang mga suliranin sa komunikasyon na kinakaharap ng mga
pamilyang Pilipino sa modernong panahon
Saykomotor : Nakakasulat ng isang tula sa iyong magulang tungkol sa mabuting ugnayan
sa bawat myembro ng pamilya.
Apektiv : Nakapagpapamalas ng mabuting gawain ng pamilya sa pagharap sa mga hamon
sa komunikasyon sa modernong panahon.
III. GAWAIN:
Sagutin ang mga tanong sa ibaba ukol sa mga larawan.At isualat sa iyong kwaderno ang
iyong sagot.
Picture 1 Picture 2

1. Aling sa mga larawan ang nagpapakita ng pamilya na may komunikasyon sa isa’t isa?
Bakit?

Address: Bonbonon, Siaton, Negros Oriental


Telephone Nos.: 09153639787
Email Address: mary.palarpalar@deped.gov.ph
2. Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit walang komunikasyon ang isa sa mga larawan
sa itaas?
IV. Pagsusuri:

Itala ang Epekto ng Pagkakaroon ng Komunikasyon at Kawalan ng Komunikasyon sa Isang


Pamilya. Gawin ito sa inyong notbuk. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist
Approach)

Pagkakaroon ng Komunikasyon Kawalan ng Komunikasyon


1. 1.
2. 2.
3. 3.

V. Pagpapalalim:
Basahin ang sumusunod na Tagline o Panipi Quotation, tungkol sa matatag na pamilya. Ipaliwanag
kung anong katangian ang ipinakikita sa Tagline o Panipi Quotation. Isulat sa iyong kwaderno.
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Constructivist Approach)

1. The family that prays together stays together.


2. Family is like branches on a tree, our lives may grow in different directions, but our roots stay as
one.
3. Dahil mahal na mahal tayo ng Diyos, dapat patawarin natin ang isa’t isa.
4. Hindi matutumbasan ang haligi ng tahanan sapagkat ang buhay nila sa pamilya nakalaan.
5. Nanay ang nag-iisang tao sa buhay mo na hinding-hindi mapapagod intindihin, alagaan at mahalin
ka.
6. Laging nandiyan kahit talikuran mo siya.
7. Patuloy at patuloy kang mamahalin.

VI. Paglalapat:
Ang komunikasyon sa pamilya ay ang paraan kung paano nagpapalitan ng pasalita at
dipasalitang impormasyon sa pagitan ng mga kasapi nito. Isang mahalagang kasanayan sa
komunikasyon ang kakayahang magbigay ng tuon sa iniisip at sa nadarama ng kapwa.
Tulad nga ng nasabi na, hindi lamang pagsasalita ang mahalagang bahagi ng
komunikasyon, mahalaga rin ang pakikinig sa sinasabi ng kausap at ang pag-unawa sa
kanyang mga hindi sinasabi.
Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong mga sagot sa notbuk.

Address: Bonbonon, Siaton, Negros Oriental


Telephone Nos.: 09153639787
Email Address: mary.palarpalar@deped.gov.ph
1. Bakit mahalaga ang komunikasyon sa isang pamilya?
2. Ano-ano ang mga kaparaanan ng pakikipagkomunikasyon tungo sa isang matatag na pamilya?
3. Magbigay ng mga halimbawa ng epektibong komunikasyon. Ipaliwanag.

VII. Pangwakas na Pagtataya:


Sumulat ng isang tula para sa iyong magulang tungkol sa pagkakaroon ng mabuting komunikasyon
sa bawat myembro ng pamilya. At basahin mo ito sa harapan ng iyong mga magulang.

Pagkakabuo – 15pts.

Estilo o Dating- 15pts.

Nilalaman o mabuting aral- 20pts.

Total: 50 pts.

Prepared by: ANTHONY Q. AWID Approved by: MARY JANE P. PALARPALAR


School ICT Principal I

Address: Bonbonon, Siaton, Negros Oriental


Telephone Nos.: 09153639787
Email Address: mary.palarpalar@deped.gov.ph

You might also like