You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT 7

Petsa: Disyembre 6, 2023 (Modular Distance Learning)

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Kwarter 2 Ikalimang Linggo Ikaapat na Araw

Petsa: Disyembre 7, 2023 / Huwebes Oras 7:30 AM – 8:00 AM

MELC
Nakakapagbahagi ng gamit, talento o kakayahan o anumang bagay sa
kapwa.

I. Layunin:

1. Natutukoy ang paraan ng pagbabahagi ng anumang bagay sa kapwa.


2. Nauunawan ang paraan ng pagbabahagi ng anumang bagay sa kapwa.
3. Nakapagpapahayag ng saloobin kaugnay ng pagbabahagi ng anumang
bagay sa kapwa.
II. Paksang Aralin
Paksa : Nakapagbabahagi ng Anumang Bagay sa Kapwa
Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao
MELC pahina 78
BOW PIVOT V3 pahina 13
Kagamitan : laptop, powerpoint
Pagpapahalaga: Pagbabahagi ng talento o kakayahan sa kapwa

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
Balik-aral
Panuto: Tingnan ang mga larawan isulat kung anontalento o kakayahan
ang maari nilang ibahagi.

Serve with Excellence Values Equality and Nobility

 09175028703
Email: rosalina.panganiban@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT 7

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Pag-usapan ang mga ginagawa ng nanay para sa kanyang anak?

2. Paglalahad
Basahin ang pag-uusap ni Carl at Anica.
Superhero
Carmina D. Codoy
Carl: Araw araw siya ay kasama ko taga nga lahat ng bagay sa buhay
ko.
Anica: “Taga? Na palaging kasama?”
Carl: Meron ka rin nito Anica.
Anica: Sirit na nga Carl!
Carl : Ang sagot ay Nanay.
Anica: Nanay? Bakit nanay?
Carl: Araw- araw kasama mo. Taga- gising, taga-luto, taga-laba, taga-
alaga , taga-linis, tag-plantsa at kung ano- ano pang taga ng buhay
natin.
Anica: Idagdag pa natin, tagapagmahal, tagapagtanggol,tagapalakpak
minsan tagapagpatawa pa.
Carl: O di ba! Ang nanay natin pwede ng tawaging super hero natin.
Anica: Tama! Dahil sa dami ng mga bagay na ibinabahagi nya ng
walang kapalit, taos sa puso at damdamin. Nauunawaan ang puso at
isipan natin.

3. Pagtatalakay
Sagutin ang mga tanong
1. Sino ang sagot sa bugtong ?
2. Ano-ano ang mga bagay na naibabahagi ng
nanay?

Serve with Excellence Values Equality and Nobility

 09175028703
Email: rosalina.panganiban@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT 7

3. Paano niya ibinabahagi ang kanyang talento o kakayahan?

4. Pagsasanay

Panuto: Suriin ang larawan ang larawan sa itaas. Sagutin ang


sumusunod na tanong.
1. Sino ang nasa larawan?
2. Anu-ano ang mga bagay na maari nyang ibahagi? Bilugan ito
kakayahan sa pangingisada
pagkain
kaalaman sa paghahanapbuhay
galing sa pagtakbo
3. Sa paanong paraan dapat ibinabahagi ang mga bagay na iyong
binilugan. Ngayon naman ay ikahon ang inyong sagot.
A. Walang kapalit
B. Taos sa puso
C. May alinlangan
D. May pagmamahal

5. Paglalahat
Paano nakatutulong sa kapwa ang pagbabahagi ng anumang bagay?

Tandaan:
Ang pagbabahagi ng anumang bagay sa kapwa ay nagpapahayag ng
pagmamalasakit, pagkakaroon ng malasakit, at pagtutulungan. Ito'y
nagbubunga ng positibong pagbabago sa lipunan at nagpapalakas sa mga
ugnayan sa ating komunidad.

6. Paglalapat
Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makapagbahagi ano ito at
kanino mo ito ibabahagi.

IV. Pagtataya
Tukuyin ang paraan ng pagbabahagi ng anumang bagay sa kapwa.Basahin ang
mga sumusunod na sitwasyon isulat ang tama kung sumasang-ayon ka at mali kung
hindi ka sumasang-ayon.
Serve with Excellence Values Equality and Nobility

 09175028703
Email: rosalina.panganiban@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT 7

__________ 1. Nakaroon ng baha sa kalapit bayan. Walang natira kahit isang damit
ang iyong mga kamag-anak, kaya’t ibinahagi mo ang iyong mga luma subalit maayos
na damit.
__________ 2. Nasalanta din ang kanilang mga pananim. Magaling kang magpatubo ng
gulay. Binigyan mo sila ng libre seminar tungkol dito.
__________ 3. Inanod din ng baha ang kanila mga gamit sa eskwela. Marami kang
notebook at papel subalit ayaw mo itong ibigay dahil mamahalin ito.
__________ 4. Dahil sa bata ka pa lamang ay hindi mo kayang lumabas kaya
nagpahatid ka ng sulat para sa kanila upang sila ay sumaya.
__________ 5. Nanawagan ang inyong punong guro na mga donasyon. Pinili mong
hindi ito pansinin kahit mayroon kang ibibigay.
V. Kasunduan

Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng pagbabahagi ng anumang bagay sa


kapwa.

Repleksyon:

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya


B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation.

Serve with Excellence Values Equality and Nobility

 09175028703
Email: rosalina.panganiban@deped.gov.ph

You might also like