You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Schools Division of San Carlos City
BACNAR NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Bacnar, San Carlos City, Pangasinan

LEARNING ACTIVITY SHEETS


(PANGKASANAYANG GAWAING PAGKATUTO)
ARALING PANLIPUNAN 7
Quarter 4 (Weeks 1-2)

Pangalan: Petsa:
Seksiyon:
Gawain 1: TIMBANG-PILI
A. May mga pangyayaring hindi natin maiiwasan na kailangan nating gumawa ng pagpapasiya.
Subukin ang iyong kakayahan na magpasiya. Suriin ang sitwasyon sa ibaba.

Napanood ni Athena sa balita na ang paraan ng pag-aaral sa kasalukuyan ay


may ibat-ibang istratehiya tulad ng modular distance learning, synchronous at
asynchronous classes. Kinausap ng guro ang kaniyang nanay at tinanong ito kung ano
ang istratehiyang napili ng kanyang anak sa pag-aaral. Napili ni Athena ang on-line
class dahil mas matuto siya kung ang kaniyang guro ang magpapaliwanag ng mga
aralin. Subalit hindi sapat ang kanilang pera upang makabili ng cellphone para sa
kanyang pag-aaral dahil sa pandemyang nararanasan kung kaya’t hihinto na lang siya
sa pag-aaral. Subalit nais ng kanyang nanay na magpatuloy siya sa pag-aaral.
Gabay na tanong:
1. Kung ikaw si Athena, ano ang magiging pasya mo sa sitwasyon? Bakit?

2. Sa iyong palagay, tama ba ang iyong naging pasya? Pangatwiranan.

3. Ano ang maaaring kahinatnan ng iyong magiging pasiya?

4. Bakit mahalagang tingnan natin ang maaaring kahinatnan o bunga nito bago tayo
gumawa ng pasya?

5. Ano sa palagay mo ang iba pang pamamaraan upang makabuo ng mabuting pagpapasiya?
Gawain 2: BUOD-DIWA
Panuto: Bumuo ng isang akrostik mula sa salitang PAGPAPASIYA. Ang nilalaman nito ay
may kaugnayan sa kahalagahan ng pagbuo ng makabuluhang pagpapasya sa uri ng buhay na
nais. Maaring sumangguni sa iyong magulang o kapatid upang maisagawa ang gawain. Nasa ibaba
ang rubrik upang maging gabay mo sa pagsulat.

P-
A-
G-
P-
A-
P-
A-
S-
I-
Y-
A-

Gawain 3: Puno ng Pangarap


Punan ang kahon sa Puno ng Pangarap. Isulat mo ang iyong pangarap/mithiin sa ugat ng puno at
isulat mo naman ang iyong mga hakbang upang makamit ito sa bawat kahon na nasa bawat
dahon.
Gabay na tanong:
1. Gaano kahalaga ang magkaroon ng isang pangarap/mithiin sa buhay? Ipaliwanag.

2. Bakit kailangan na akma ang mga hakbang na gagawin sa iyong pangarap/mithiin sa


buhay?

3. Paano mo maiiugnay ang pagbuo ng pahayag ng personal na misyon sa buhay sa iyong mga
mithiin/pangarap? Ipaliwanag.

4. Ano-ano sa palagay mo ang mga dapat tandaan sa pagbuo ng pahayag ng personal na


misyon sa buhay (PPMB)? Ipaliwanag.

Gawain 4: Ang Aking Personal na Pahayag ng Misyon ng Buhay


Ngayong natutuhan mo na kung ano ang kahulugan at kahalagahan ng personal na pahayag
ng misyon ng buhay sa mga nakaraang gawain, handa ka nang gumawa ng iyong personal na
pahayag ng misyon ng buhay na magsisilbing gabay mo sa iyong pipiliing landas.
Gawain 5: AKO AT ANG AKING MISYON!
Panuto: Gamit ang ginawang pahayag ng personal na misyon sa buhay, gumawa ng sticky note o
bookmark na magpapapaalala sa iyo ng iyong itinakdang misyon sa buhay. Maging malikhain sa
paggawa nito. Gamiting gabay ang halimbawa sa ibaba.

You might also like