You are on page 1of 2

LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)

Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Unang Markahan – Ika-apat na Linggo (Week 4)

Pangalan:________________________________ Puntos: ___________________


Baitang at Seksyon: _______________________ Petsa: ____________________
Asignatura: (Lagyan ng tsek) _________________
Religion/Values Education Filipino TLE/ICT
Natural Sciences English MAPEH
Araling Panlipunan Math CADt
Uri ng Gawain: (Lagyan ng tsek)_______________
Concept Notes Laboratory Report Formal Theme Others:
Skills:Exercise/Drill Illustration Informal Theme _________

Paksa: Paghubog ng Konsensiya batay sa Likas na Batas Moral


Layunin: Nakagagawa ng angkop na kilos upang itama ang mga maling pasiyang ginawa (EsP10MP-Ic-2.4)
Sanggunian: ESP 10 Modyul para sa Mag-aaral pp. 56-57

Batayang Konsepto:

Ang Likas na Batas Moral Bilang Batayan ng Kabutihan at ng Konsensiya

Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao dahil nakikibahagi siya sa karunungan at
kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan ng batas na ito, may kakayahan siyang kilalanin ang mabuti sa
masama. Ngunit may kakayahan din ang tao na gumawa ng mabuti o masama dahil sa kaniyang
malayang kilos-loob. Kaya may Likas na Batas Moral upang bigyang direksiyon ang pamumuhay ng
tao. Sa kaniyang pagsunod sa batas moral, siya ay gumagawa ng mabuti at isinasabuhay ang
makabuluhang pakikipagkapuwa. Subalit hindi ito nangangahulugan na ang Likas na Batas Moral ay
pangkat ng mga batas na dapat niyang isaulo upang sundin araw-araw. Bagkus, kailangan niyang
gawin ang mabuti dahil ito ay nakaukit na sa kaniyang pagkatao. Samakatuwid, ang konsensiya ng
tao kung saan nakalapat na ang Likasna Batas Moral ay ginagamit na personal na pamantayang
moral ng tao. Ito ang ginagamit sa pagpapasiya kung ano ang tama at kung ano ang mali sa
kasalukuyang pagkakataon. Dahil dito, mahalagang maunawaan ang mga prinsipyo ng Likas na
Batas Moral.

Ang Unang Prinsipyo ng Likas na Batas Moral

“Gawin ang masama at iwasan ang mabuti.” Madali lamang unawain ang prinsipyong ito.
Mula sa pagsilang ng tao, nakatatak na ito sa kaniyang isip, kaya nga kahit hindi ganap na hubugin,
kayang kilalanin ng tao ang mabuti at masama.

Ang mga Pangalawang Prinsipyo ng Likas na Batas Moral

Mahalaga ring maunawaan ang mga pangalawang prinsipyo na makukuha sa


kalikasan ng tao:
1. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay.
Sino mang tao ay ginagawa ang lahat upang pangalagaan ang kaniyang buhay
2.Kasama ng mga hayop (mga nilikhang may buhay at pandama), likas sa tao (nilikhang may
kamalayan at kalayaan) ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak.
Likas sa tao ang naisin na magkaroon ng anak; nakaukit na rin ito sa kaniyang kalikasan.
Ngunit hindi ito nagtatapos dito, mahalagang bigyang-diin na kaakibat ng kalikasang ito ay ang
tungkulin na bigyan ng edukasyon ang kaniyang anak.
3.Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay
sa lipunan.

Sa pamamagitan ng prinsipyong ito, nararapat na maunawaan na kung tunay na hindi


humihinto ang tao sa paghahanap ng katotohanan, hindi rin nararapat
na ipagkait ito sa kaniyang kapuwa. Kung kaya nga maituturing na masama ang magsinungaling.
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
SIOCON 2
SIOCON NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Siocon, Zamboanga del Norte
Pagsasanay 1: Alam kong gusto mong patunayan na malinaw na sa iyo na ang konsensiyang
nahubog ng likas batas moral gabay sa mabuting paspapasya at pagkilos. Sa pagkakataong ito, itala
ang tatlong maling pasiya at kilos na isinagawa mo noon. Ilahad ang angkop na hakbang na gagawin
upang mabago at maitama ang mga masasamang pasiya at kilos. Isulat sa chart ang iyong sagot.

MGA MALING PASIYA AT MGA HAKBANG NA DAPAT


KILOS NA AKING ISINAGAWA GAWIN UPANG MABAGO AT
MAITAMA ANG MGA REYALISASYON
MASAMANG PASIYA AT KILOS

Mabuti naman at mayroon kang naging reyalisasyon sa naging pasiya at kilos mo. Magaling!.

Pagsasanay 2: Siguro naman ay mas malawak na ang iyong pagkakaintindi sa ating aralin. Ngayon,
ano ang naunawaan mong mahalagang konsepto na natalakay sa aralin? Ito ay gawain na naman na
kung saan kailangan mo muling sundin ang panuto sa pamamagitan ng mga pagpipiliang salita sa
kahon. Punan ang mga patlang ng angkop na salita upang mabuo ito. Isulat ang sagot sa
patlang.

Sa tuwing magbabalik tanaw ang 1.________________sa mga karanasan niya sa


2.________. Nagkakaroon ng pagkakataong 3.________________ang mahahalagang yugto nito.
Minsan nakakagawa tayo ng 4. __________________pasiya. Kaya, kapag nabigyan ng pagkakataon
5._____________ ang mga ito. Nagagawa ang angkop na kilos at natututo sa aral ng buhay.

TAO NILALANG ARAW

BUHAY BALIKAN SUNDAN

ITAMA MALING

Inihanda ni: Sinuri ni:

HIVY R. REYES MARILOU P. CANAGAN


Teacher III Master Teacher I
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
SIOCON 2
SIOCON NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Siocon, Zamboanga del Norte

You might also like