You are on page 1of 2

LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)

Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Unang Markahan – Ikalawang Linggo (Week 2)

Pangalan:________________________________ Puntos: ___________________


Baitang at Seksyon: _______________________ Petsa: ____________________
Asignatura: (Lagyan ng tsek) _________________
Religion/Values Education Filipino TLE/ICT
Natural Sciences English MAPEH
Araling Panlipunan Math CADt
Uri ng Gawain: (Lagyan ng tsek)_______________
Concept Notes Laboratory Report Formal Theme Others:
Skills:Exercise/Drill Illustration Informal Theme _________

Paksa: Isip at Kilos-loob


Layunin: Napatunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng
katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal.( EsP10MP -Ib-1.3)
Sanggunian: ESP 10 Modyul para sa Mag-aaral pahina 30-36

Batayang Konsepto:

Tunguhin ng Isip ang katotohanan at ng Kilos-loob ang Kabutihan


Ang katotohanan ayon kay Fr. Roque Ferriols, ay ang “tahanan ng mga katoto” (Dy, 2012).
Ibig sabihin, may kasama ako na nakakita o may katoto ako na nakakita sa katotohanan. Ito ay
ang mayroon o ang nandiyan na kailangang lumabas sa pagkakubli at lumitaw dahil sa pagiging
bukas ng isip ng taong naghahanap nito.
Ang katotohanan ay sumasakasaysayan dahil hindi hiwalay ang katotohanan sa tao, sa mga
katoto nakakaalam nito. Dagdag pa rito, ang tao ay sumasakasaysayan din – sumasakop sa
nakaraan, kasalukuyan at hinaharap.
Ang isang halimbawa nito ay ang kaalamang ang daigdig ay flat. Totoo ito noong unang
panahon at ito ang alam ng mga taong nabubuhay noon. Dahil nagbabago ang panahon, nagbabago
ang tao at nag-iiba ang kanilang pananaw sa pamamagitan ng mga panibagong natuklasan kaya
ngayon alam na natin na ang daigdig ay bilog. Sa natuklasang katotohanan, lalo lamang
naliwanagan, lumawak at umunlad ang kaalaman ng tao. Kaya’t ang paghahanap ng isip sa
katotohanan ay hindi nagtatapos; ang katotohanan ang siyang tunguhin ng isip.
Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gawin ang mabuti.
Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon, nagkakaroon ito ng tawag sa tao na
dapat niyang tugunan. Maaring ang tawag na ito ay ang tumulong sa kapwa ayon sa sitwasyon. Ang
tumugon sa obhektibong hinihingi ng sitwasyon ay katarungan, na minimum ng pagmamahal. Ang
pagmamahal , ayon kay Scheler, ay ang pinakapangunahing kilos sapagkat dito nakabatay ang iba’t
ibang pagkilos ng tao. Ang pagmamahal ay maipakikita sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa
na siyang pinagmulan ng tunay na kaligayan na hinahanap ng tao sa kanyang sarili.

Pagsasanay 1: Pagsusuri sa Sitwasyon: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon, tukuyin kung anong
ginawa ng tauhan para mahanap ang KATOTOHANAN at ito ay salunguhitan ng isang beses. Tukuyin din ang
PAGLILINGKOD/PAGMAMAHAL sa kapwa na ginawa ng tauhan sa sitwasyon at salunguhitan ng dalawang
beses.
SITWASYON 1
Napansin mong maraming takdang-araling kailangang tapusin ang iyong kapatid. Nagmamadali na,
siya pa ang naatasang maghugas ng inyong pinagkainan sa hapunan. Inako mo na lang ang paghuhugas ng
pinggan at tinulungan mo siya sa paggawa ng takdang-aralin.

SITWASYON 2
Pagpasok mo sa inyong silid-aralan isang umaga, hindi pala nakapaglinis ang cleaner ng nakaraang
araw kaya marumi ang inyong silid. Hindi ka cleaner ng araw na iyon pero naglinis ka at hinikayat din ang iba
na tumulong na.

SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE


SIOCON 2
SIOCON NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Siocon, Zamboanga del Norte
SITWASYON 3

Naglileksyon ang inyong guro, aktibo ring nakisali sa gawain at talakayan ang iyong mga kamag-aral.
Maganda ang paksa at alam mong mahalaga ang mensahe ng aralin na maunawaaan mo subalit hindi ka
nakikinig at iniisip mo ang paglalaro sa internet pag-uwi mo sa bahay. Napagtanto mong mali ang ginagawa
mo kaya’t pinilit mong magkaroon ng pokus at nakisali sa gawain ng klase.

Pagsasanay 2: Batay sa iyong naunawaan sa aralin, hindi lang sapat na naunawaan mo dapat mo rin
itong maisasabuhay. Ngayon, mag-isip ka ng mga sariling karanasan kung saan napapatunayan mo
ang tunay na gamit ng isip at kilos-loob. Bigyang pansin ang mga sitwasyon kung saan ikaw ay nasa
pangunahing lugar sa atong lipunan ang paaralan, simbahan at tahanan. Dito mo kadalasang naigugul
ang iyong panahon at ditto ka rin maranasan ang makikipagkapwa-tao. Gamitin ang tsart bilang gabay
sa iyong sagot.

SITWASYON PATUNAYAN PAANO MO GAGAMITIN ANG:

ISIP KILOS-LOOB

PAARALAN

SIMBAHAN

TAHANAN

SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE


SIOCON 2
SIOCON NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Inihanda ni: Sinuri ni:
Siocon, Zamboanga del Norte
HIVY R. REYES MARILOU P. CANAGAN
Teacher III Master Teacher I

You might also like