You are on page 1of 3

LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)

Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Unang Markahan – Unang Linggo (Week 1)

Pangalan:________________________________ Puntos: ___________________


Baitang at Seksyon: _______________________ Petsa: ____________________
Asignatura: (Lagyan ng tsek) _________________
Religion/Values Education Filipino TLE/ICT
Natural Sciences English MAPEH
Araling Panlipunan Math CADt
Uri ng Gawain: (Lagyan ng tsek)_______________
Concept Notes Laboratory Report Formal Theme Others:
Skills:Exercise/Drill Illustration Informal Theme _________

Paksa: Isip at Kilos-loob


Layunin: Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.( EsP10MP -Ia-1.1)
Sanggunian: ESP 10 Modyul para sa Mag-aaral pahina 30-36

Batayang Konsepto:
Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob

Ang isip ay ang kakayahang alamin ang buod at diwa ng mga bagay at mag-isip. Ang isip ay may
kapangyarihang maghusga, mangatwiran, sumuri, umalala, at umunawa sa kahulugan ng mga bagay–bagay.
Kaya naman ang isip ay binibigyan ng iba’t ibang katawagan gaya ng katalinuhan o intellect, katwiran o
reason, intelektwal na kamalayan o intellectual consciousness at intelektwal na memorya o intellectual memory
batay sa kung paano ito gagamitin sa bawat pagkakataon.

Ang gamit ng isip ay umunawa. Sa pamamagitan ng isip natututong kilalalin ng tao ang masama at
mabuti, totoo at hindi, mahalaga at walang kabuluhang mga bagay. Sa pamamagitan din ng isip napagtatanto
ng tao ang kanyang mga kahinaan at kakulangan. Ang isip ang naghahanap ng katotohanan sa pamamagitan
ng patuloy na pananaliksik.

Ang tunguhin ng isip ay katotohanan. Ang katotohanan ay natatagpuan sa pamamagitan ng patuloy na


pananaliksik gamit hindi lamang ang isip pati na ang mga pandama ng tao tulad ng paningin, pandinig, pang-
amoy, panlasa, at pandama.

Ang kilos – loob ay ang kapangyarihang magpasya, pumili, at isakatuparan ang kanyang pinili. Ayon
kay Santo Tomas de Aquino, ang kilos-loob ay isang makatwirang pagkagusto o rational appetency dahil ito ay
isang pakultad o faculty na nalulugod sa mabuti at umiiwas sa masama. Ito ay nakasalalay sa ibinibigay na
impormasyon ng isip. Samakatuwid, naiimpluwensyahan ng isip ang kilos-loob. Dahil sa kilos-loob, maaring
piliin ng tao na gumawa ng mabuti.

Ang gamit ng kilos-loob ay upang kumilos o gumawa. Kapag ginagamit ng tao ang kanyang
kapangyarihang pumili at gumawa ng tama, ipinapakita lamang niya ang kanyang mapanagutan o
responsableng pagkilos.

Ang tunguhin ng kilos-loob ay kabutihan. Sapagkat ang kilos-loob ay hindi lumalapit sa kasamaan
kaya’t ang tanging tunguhin nito ay ang kabutihan. Sa tuwing gumagawa ang tao ng kabutihan, ito ay
pagpapakita lamang ng responsible o mapanagutang pagkilos.

Gamit Layunin o tunguhin


Isip Umunawa Katotohanan
Kilos-loob Gawi o kilos kabutihan

Napatunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng


katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal.

SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE


SIOCON 2
SIOCON NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Siocon, Zamboanga del Norte
Gawain 1: Tama o Mali: Basahin ang bawat aytem at tukuyin mo kung ang mga ito ba ay tama o mali batay
sa binasang sanaysay tungkol sa mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. Isulat ang iyong sagot sa
patlang.
_______________1. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan.

_______________2. Ang kilos-loob ay naaakit sa kasamaan.

_______________3. Ang isip ay tinatawag na katalinuhan.

_______________4. Sa pananaliksik nahahanap ng isip ang kasinungalingan.

_______________5. Ang tunguhin ng kilos-loob ay pananakit sa kapwa.

_______________6. Mapanagutan ang taong gumagawa ng tama.

_______________7. Ang kilos-loob ay umaasa sa impormasyon na ibinibigay ng isip.

_______________8. Ang tao ay walang kakayahan na kilalanin ang masama at mabuti.

_______________9. Kabutihan ang tunguhin ng kilos-loob.

_______________10. Ang isip ay may kakayahang maghusga at mangatwiran.

_______________11. Ang may kakayahang pumili ay ang isip.

_______________12. Dahil sa isip napagtanto ng tao ang kanyang kahinaan.

_______________13. Naiiba ang tao sa hayop dahil ang tao ay may isip at kilos-loob.

_______________14. Ang tao ay natatanging nilalang.

_______________15. Ang isip ay ang gumagawa ng pagpapasya.

Pagsasanay 2: Pagkilala: Basahin ang bawat aytem at tukuyin mo kung ang mga ito ba ay kakayahan ng
ISIP o ng KILOS-LOOB. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

_______________1. Gumagawa ng pasya.

_______________2. Alamin ang diwa at buod ng isang bagay.

_______________3. Mula sa kapanganakan, ito ay walang taglay na kaalaman.

_______________4. May kapangyarihang maghusga.

_______________5. Ito ay isang makatwirang pagkagusto.

_______________6. Nakukuha ang ugnayan ng reyalidad sa panlabas na pandama.

_______________7. May kakayahan na matuklasan ang katotohanan.

_______________8. Kumikilos nang naaayon sa katotohanan.

_______________9. Ito ay may kapangyarihang mag-alaala.

_______________10. Ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama.

_______________11. Ito ay may kakayahang mag-alaala.

_______________12. Sa pamamagitan nito maaaring piliin ng tao ang mabuti.

_______________13. Nagbibigay ng mas malalim na kahulugan ng mga bagay-bagay.

_______________14. Ito ay nagtataglay ng kakayahang magsuri.

_______________15. Ito ay may kapangyarihang pumili.


SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
SIOCON 2 Inihanda ni: Sinuri ni:
SIOCON NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Siocon, Zamboanga del Norte HIVY R. REYES WENEE G. ABAD
Teacher III Master Teacher I
Republic of the Philippines
Department of education
Region IX, Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
Siocon National Science High School
Poblacion, Siocon, Zamboanga del Norte

SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 1

1. Tama
2. Mali
3. Mali
4. Mali
5. Mali
6. Tama
7. Tama
8. Mali
9. Tama
10. Tama
11. Mali
12. Tama
13. Tama
14. Tama
15. Mali

Gawain 2
1. Kilos-loob
2. Isip
3. Isip
4. Isip
5. Kilos-loob
6. Isip
7. Isip
8. Isip
9. Isip
10. Kilos-loob
11. Isip
12. Kilos-loob
13. Isip
14. Isip
15. Kilos-loob

SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE


SIOCON 2
SIOCON NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Siocon, Zamboanga del Norte

You might also like