You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education

WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEET


Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Quarter 2 Week 7

Ang Layunin, Paraan, Sirkumtansiya at Kahihinatnan


ng Kilos
Pangalan: _____________________________ Seksyon: ______________________
Guro:__________________________________ Petsa:_________________________

Layunin:
1. Naipaliliwanag ng mga mag-aaral ang layunin, paraan at mga
sirkumstansya ng makataong kilos. (EsP10MK-IIg-8.2)
2. Nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasya o kilos sa
isang sitwasyon batay sa layunin, paraan at sirkumstansya nito.
( EsP10MK-IIh-8.3)

BAHAGING ORAS:
Dalawang oras

MGA SUSING KONSEPTO

➢ Ang makataong kilos ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nasasalamin


ang ating pagkatao. Kung ano tayo at kung ang kinalalabasan ng ating kilos ay
batay sa ating pagpapasya.Nangangahulugan ito na hindi lahat ng ating
isinagawang kilos ay mabuti.
➢ Sa bawat makataong kilos, ang kilos loob ang tumutungo sa isang layunin.
Hindi nakapaghahangad ng anuman ang isang tao kung wala itong
pinakahuling layunin at ito ay ang makapiling ang Diyos sa kanilang buhay.
➢ Sa etika ni Tomas de Aquino, ang moral na kilos ay ang makataong kilos
sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag isipan.
➢ Ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag- utos. Ang papel
naman ng kilos loob ay tumutungo sa layunin o intensyon ng isip. Kaya, ang
panloob na kilos ay nagmula sa isip at kilos loob at ito ang pamamaraan na
ginagamit upang isakatuparan ang panloob na kilos.Hindi maaaring maging
hiwalay ang dalawang ito sapagkat kung masama ang panloob, maging
masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang panlabas. Kailangang parehong
mabuti ang panloob at panlabas na kilos dahil nababalewala ang isa kung
hindi kasama ang isa.
➢ Ayon pa rin kay Tomas de Aquino sa bawat makataong kilos, ang kilos-loob
ang tumutungo sa isang layunin.

GAWAIN 1: SITWASYON SURI!


Kagamitan: Isang buong papel at bolpen
Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Tukuyin ang layunin, paraan at
sirkumstansiya sa bawat ipinakitang kilos. Isulat ito sa isang buong papel.

Sitwasyon A

May markahang pasulit si Erick.


Siya ay pumasok sa kanyang silid Layunin:___________________________
at nagbasa ng kanyang mga Paraan: _________________________
napag aralan. Sirkumstansiya:_____________________

Sitwasyon B

Matagal nang nais ni Kim na


magkaroon ng cellphone. Isang araw, Layunin:_________________________
habang mag-isa lamang siya sa Paraan : _________________________
kanilang silid-aralan ay nakita niyang Sirkumstansiya: __________________
naiwan ng kaniyang kamag-aral ang
cellphone nito. Kinuha ito ni Kim at
itinago

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Batay sa iyong pagsusuri sa sitwasyon , ano ang ibig sabihin ng layunin, paraan at
sirkumstansiya?Bakit mahalaga na malaman ito ng tao?

2. Paano ito nakatutulong sa tao sa kaniyang pagpili ng isasagawang kilos at


pasiya?
GAWAIN 2: ISULAT MO!
Kagamitan: Isang buong papel, lapis , bolpen at kompass
Panuto: Gamit ang Venn diagram , isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
sitwasyon 1 at 2 batay sa layunin, paraan at sirkumtansiya.

Pagkakaiba Pagkakaiba
Sitwasyon A Pagkakatulad Sitwasyon B

Tanong:

1. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang mas tamang kilos sitwasyon 1 o 2?
Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________

2. Ano ang iyong realisasyon matapos mong gawin ang gawain? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
_____________________________________________________________________________

GAWAIN 3: DEAL OR NO DEAL


Kagamitan: Isang buong papel, lapis at bolpen
Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon sa ibaba at tingnan kung mabuti o masama ang
ginawang pasiya o kilos ng tauhan. Iguhit ang sa kolum ng mabuting kilos
kung ikaw ay naniniwala na ito ay mabuti at iguhit ang sa kolum ng
masamang kilos kung naniniwala kang ito ay masama. Isulat sa susunod na kolum
ang iyong paliwanag sa iyong napili.

Mga Sitwasyon Mabuting Masamang Paliwanag


Kilos Kilos

1. Nanalo si Mang Philip bilang Barangay


captain sa inyong lugar. Wala siyang
inaksayang oras upang ibigay ang sarili
sa kaniyang paglilingkod nang buong
katapatan.

2. Nais ni Jaymee na matulungan ang


kaniyang kamag-aral na pumasa kaya’t
pinakopya niya ito sa kanilang
pagsusulit.

3. Habang nasa loob ng simbahan sina


Pol at Andrew ay pinag-uusapan nila ang
kanilang kamag-aral na di umano’y
nakikipagrelasyon sa kanilang guro.

4. Si Mang Gerry ay matulungin sa


kaniyang mga kapitbahay. Ngunit lingid
sa kaalaman ng kaniyang mga
tinutulungan, ang perang ibinibigay niya
sa mga ito ay galing sa pagbebenta niya
ng ipinagbabawal na gamot.

Sagutin ang tanong:

1. Paano mo nahusgahan kung mabuti o masama ang pasiya at kilos na ginawa


ng mga tauhan sa bawat sitwasyon?

____________________________________________________________________________

GAWAIN 4: ISAISIP
Kagamitan: Isang buong papel, lapis at bolpen
Panuto: Mag-isip ng isang sitwasyon sa iyong buhay na kung saan nagpapakita ng
iyong kilos. Isulat sa loob ng kahon. Tukuyin mo ang layunin, paraan, at
sirkumstansiya ng iyong pasiya o kilos sa sitwasyon.

Layunin

Paraan

Sirkumstansiya

Tanong:
1. Ano ang masasabi mo sa iyong kilos, mabuti ba o masama?Patunayan.

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
2. Paano nakakatulong sa iyo ang pagsusuri ng kilos bago ito isagawa?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Pagninilay
Kagamitan: Isang buong papel, lapis at bolpen
Panuto: Ngayon ay inaanyayahan kitang magnilay. Balikan mo ang iyong mga
isinagawang kilos noong nakaraang lingo. Batay sa iyong natutuhan sa mga gawain,
tukuyin mo ang iyong mga naging reyalisasyon. Isulat sa isang buong papel ang
iyong sagot.

Ang mga bago kong natutuhan Ang napulot kong aral mula sa aking mga
sa gawain: isinasagawang kilos
1. 1.
2. 2.
Ang aking mga mga realisasyon:
1.
2.

Sanggunian:

Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Gabay ng Mag-aaral, Modyul 6 –


Ang Layunin , Paraan , Sirkumstansiya , at Kahihinatnan ng Kilos, Unang
Edisyon 2015 , pahina 107- 122

Reviewers:
Prepared by: JANET C. TAER AMELITA M. AQUINO, SSHT-IV
School/Station: TALIGAMAN NHS LILIBETH Y. BUNGHANOY, MT–I
Division: BUTUAN CITY DELIA L. ROYO, SST-III
Email address: janet.taer@deped.gov.ph CHI-A T. SUMANOY,SST-III

Address: Rosal Street, Brgy. Dagohoy, 8600 Butuan City, Philippines


Telephone No.: (085) 341-0022
Email: depedbutuan.it@gmail.com
Website: depedbutuancity.wordpress.com

You might also like