You are on page 1of 16

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Modyul 7 : Ang Kahulugan ng Layunin, Paraan
at Sirkumstansiya ng Makataong Kilos
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Taon
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Ang Kahulugan ng Layunin, Paraan at Sirkumstansiya ng
Makataong Kilos
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Eugene S. Abuloc, Noreen G. Inso , Ordelyn M. Gerona
Editor: Hermogina G. Bonga
Tagasuri: Mila D. Gimeno
Tagapamahala:

Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent


Melanie P. Estacio - Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief – Curriculum Implementation Division
Hermogina G. Bonga – Education Program Supervisor – EsP / Values Ed
Lorna C. Ragos - Education Program Supervisor
Learning Resources Management

Printed in the Philippines by

Department of Education – Region XI

Office Address: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

E-mail Address: tagum.city@deped.gov.ph

i
10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Modyul 7: Ang Kahulugan ng
Layunin, Paraan at Sirkumstansiya
ng Makataong Kilos

ii
Alamin Natin

Ang modyul na ito ay isinulat para matugunan ang iba’t ibang paraan ng
pagkatuto ng bawat mag-aaral. Hangad ng modyul na ito na maunawaan mong lubos
ang mga salik na nakakaapekto sa pananagutan ng tao sa kaniyang kilos. Ang
saklaw ng araling nakapaloob sa modyul na ito ay gagabay sa iyo upang makilala
ang iyong mga kahinaan sa pagpapasiya at makagawa ng kongkretong hakbang
upang malagpasan ang mga kahinaang ito.
Ang modyul na ito ay may dalawang Kasanayang Pampagkatuto:

8.1 Naipaliliwanag ng mag-aaral ang layunin, paraan at mga sirkumstansya


ng makataong kilos. (EsP10MK-IIg-8.1)
8.2 Nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasya o kilos sa
isang sitwasyon batay sa layunin, paraan at sirkumstansya nito.
(EsP10MK-IIg-8.2)

Aralin Ang Kahulugan ng Layunin,

1 Paraan at Sirkumstansiya
ng Makataong Kilos

Subukin Natin

Panuto : Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Tukuyin ang layunin,


paraan at sirkumstansiya sa bawat ipinakitang kilos. Gamit ang pormat sa
ibaba, isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito Ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.


A. Kilos
B. Pasiya
C. Damdamin
D. Kakayahan

1
2. Alin sa sumusunod ang HINDI kahulugan ng sirkumstansiya?

A. Nakapagpapabago sa halaga ng isang kilos.


B. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon
ang kilos-loob.
C. Nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang
kilos.
D. Tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan kung saan ang kilos na
ginagawa ay nakaapekto sa kabutihan.

3. Madaling araw na at panay pa rin ang videoke nila John Mark at mga barkada
nito. Naiinis na ang kanilang mga kapit-bahay dahil sa kanilang ingay. Ano
kayang prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita
rito?

A. Maaaring gawing mabuit ang masama


B. Lumikha ng mabuti o masamang kilos
C. Maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.
D. Makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama.

4. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng layunin?

A. Tumutukoy sa panloob na kilos.


B. Ang pinakatunguhin ng kilos.
C. Nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.
D. Nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos.

5. Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang


layunin.

A. Kilos
B. Layunin
C. Paraan
D. Sirkumstansiya

2
Gawain 1: TUKUYIN MO!
Panuto : Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Tukuyin ang layunin,
paraan at sirkumstansiya sa bawat ipinakitang kilos. Gamit ang pormat sa
ibaba, isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

SITWASYON LAYUNIN PARAAN SIRKUMSTANSIYA


1. May markahang
pagsusulit si Lily. Siya ay
pumasok sa kaniyang
silid at nagbasa ng
kaniyang mga napag-
aralan.
2. Magaling sa asignaturang
Matematika si Yana. Siya
ang panlaban sa mga
kompetisyon at palagi
siyang nananalo. Siya ay
nagtuturo sa kapwa niya
mag-aaral na mahina sa
asignaturang Matematika
tuwing hapon bago siya
umuwi.
3. Si Jomar ay malungkot
dahil naiwan siyang mag-
isa sa kanilang bahay.
Tinawagan siya ng
kaniyang barkada at
niyayang mag-inuman
sila ng alak sa bahay ng
isa pa nilang barkada.
Dahil nag-iisa si Jomar at
nalulungkot, siya ay
nakipag-inuman sa
kanila.
4. Matagal nang ninais ni
Kim na magkaroon ng
cellphone. Isang araw,
habang mag-isa lamang
siya sa kanilang silid-
aralan ay nakita niyang
naiwan ng kaniyang
kamag-aral ang cellphone
nito. Kinuha ito ni Kim at
itinago.

3
Aralin Natin

Sa nakaraang modyul, natutuhan mong pananagutan ng tao ang anumang


kahihinatnan ng kaniyang kilos, mabuti man o masama. Sinadya at niloob ng tao
ang makataong kilos, kaya pananagutan niya anuman ang kalalabasan nito.
Mabuti man o masama. Nakaaapekto rin ang kamangmangan, masidhing
damdamin, takot, karahasan o gawi sa kaniyang pananagutan dahil maaaring
mawala ang pagkukusa ng kilos.

Layunin naman ng modyul na ito na higit na makapagsusuri ka ng kabutihan


o kasamaan ng iyong ginawang kilos at pasiya.

Ayon sa etika ni Sto. Tomas de Aquino, ang moral na kilos ay ang makataong
kilos sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan. Sa bawat
makataong kilos, ang kilos-loob ang tumutungo sa isang layunin. Hindi
makapaghahangad ng anuman ang isang tao kung wala itong pinakahuling layunin
at ito ay ang makapiling ang Diyos sa kabilang buhay.

Kaya’t marahil nararapat lamang na mapagnilayan ng tao ang bawat layunin


ng kaniyang isinasagawang kilos. Mahalaga ito upang lubos na malaman kung
paano nagiging mabuti o masama ang isang kilos.

May mga salik na nakaaapekto sa resulta ng kilos, kung ito ay maituturing


na mabuti o masama. Ang mga ito ang batayan sa paghuhusga kung ang kilos ay
moral o hindi.

1. LAYUNIN
- Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob.
- Ito rin ay tumutukoy sa taong gumawa ng kilos (doer). Ito ay hindi nakikita
o nalalaman ng ibang tao dahil ito ay personal sa taong gumagawa ng
kilos.
- Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang mismong kilos ay hindi maaaaring
husgahan kung mabuti o masama kung hindi nito isasaalang-alang ang
layunin ng taong gumagawa nito.
- Ang pamantayan sa kabutihan ng layunin ay kung iginagalang ng taong
nagsasakilos ang dignidad ng kaniyang kapuwa.

- HALIMBAWA : Binigyan ni Tanya ng pagkain ang kaniyang kamag-aral na


walang baon. Ginawa niya ito dahil nais niyang kumopya sa kaniyang
kaklase sa pagsusulit sa Matematika. Mabuti ba ang layunin ng kilos?
May paggalang ba ito sa dignidad ng kamag-aral?
***Dito ipinapakita na mabuti ang pagbibigay ng pagkain sa kamag-aral
na walang baon ngunit ang layunin ay masama. Dito ay mahuhusgahan
na ang kilos ay masama sapagkat masama ang kaniyang layunin.

4
2. PARAAN
- Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit
ang layunin. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may nararapat na obheto
ang kilos.
- HALIMBAWA : Sa kilos na kumain, ang obheto ay makakain. Ngunit
kung kakain ka ng bato, ito ay masama dahil hindi kinakain ang bato.
- SAMAKATUWID, ang paraan ng kilos ay ang nararapat na kilos dahil
ang kabutihan ng panlabas na kilos ay ang nararapat na obheto nito.

3. SIRKUMSTANSIYA
- Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na
nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
- Narito ang iba’t ibang sirkumstansiya:

3.1 SINO - Ito ang tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng kilos o sa


taong maaaring maapektuhan ng kilos. Halimbawa, si Arnold ay
kumuha ng pera sa pitaka ng kaniyang Lola Ester ng hindi nito alam.
Ang pagkuha ni Arnold ng pera ay masama dahil sa pagnanakaw nito.
Nadaragdagan ito ng panibagong kasamaan dahil ang pinagnakawan
niya ay ang mismo niyang lola.

3.2 ANO - Ito ang tumutukoy sa mismong kilos, gaano ito kalaki o
kabigat. Halimbawa, gamit pa ang halimbawa sa itaas, ang kaniyang
Lola Ester ay naubusan ng gamut para sa sakit nito. Kinailangan nito
ng pera upang makabili ng gamot ngunit nawala ang pera nito.

3.3 SAAN - Ito ang tumutukoy sa lugar kung saan ginawa ang kilos.
Halimbawa, nagtawanan nang malakas ang ilang kabataan dahil sa
pinag-uusapan nila ang isang kamag-aral na biglang naghirap dahil
nalulong sa sugal ang ama nito. Ginawa nila ito sa simbahan.

3.4 PAANO - Ito ay tumutukoy sa paraan kung paano isinagawa ang


kilos. Halimbawa, matalinong mag-aaral si Nestor. Pinaghandaan niya
ng mabuti ang kanilang pagsusulit upang siya ay mapasama sa Top
Ten sa kanilang seksiyon. Ngunit habang sumasagot siya sa pagsusulit,
mayroon siyang hindi maalala na sagot sa tanong. Nanghihinayang si
Nestor na hindi ito masagutan kaya’t napatingin siya sa papel ng
kaniyang katabi at nakita niya ang sagot, kaya’t kinopya niya ito.

3.5 KAILAN - Ito ay tumutukoy kung kailan isasagawa ang kilos.


Halimbawa, nasunugan ang isang pamilya sa lugar nila Chris. Sa halip
na tulungan niya ang mga ito, sinamantala niya ang pagkakataon
upang makapagnakaw sa pamilya.

5
Gawin Natin

Gawain 2.
Panuto: Punan ang matrix ayon sa hinihingi sa bawat kolum. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.

Mga Sitwasyon Pagsusuri ng Pagtataya ng Paliwanag


kabutihan o kabutihan o
kasamaan ng kasamaan ng
kilos batay sa kilos batay sa
layunin, paraan, layunin,
sirkumstansya, paraan,sirkumst
at kahihinatnan ansya,at
nito kalabasan nito
Halimbawa: Layunin: Layunin: Ang
Nagkasayahan kayo Magkasiyahan Ang pagkakaroon pagkakaroon
bilang selebrasyon sa dahil sa ng kasiyahan ay ng
kaarawan ng isang pagdiriwang ng bahagi ng isang kasiyahan sa
kaibigan mo, kaya kaarawan ng pagdiriwang. isang
inabot kayo ng gabi kaibigan. kaarawan ay
sa inyong bahay. Paraan: hindi
Hindi pa rin kayo Paraan: Hindi masama masama
tumigil sa pagkanta Paggamit ng na gumamit ng ngunit dapat
gamit ang videoke videoke para videoke upang makita ang
kahit natutulog na magkantahan magkantahan mga
ang inyong mga ngunit dapat na limitasyon
kapitbahay. Sirkumstansya: bigyan ito ng ng kilos
Paggamit ng limitasyon. upang hindi
videoke sa makapinsala
hating-gabi Sirkumstansya: sa ibang tao
Ang paggamit ng na maging
Kahihinatnan: videoke sa dahilan
Nakaabala ito sa hating-gabi ay upang
mga tao na hindi mabuting makaabala o
natutulog kilos. makagalit sa
kanila.
Kahihinatnan:
Ang pagkaabala
ng mga
kapitbahay ay
hindi mabuting
resulta ng
kantahan.

6
1.Sobra ng dalawang
daang piso ang sukli
na natanggap mo
mula sa iyong
pamimili sa tindahan
at batid mo na
kailangan mo ng pera
para sa proyekto sa
paaralan.

2.Nangungulit ang
iyong kaklase na
pakopyahin mo siya
sa iyong mga sagot sa
modyul para siya ay
makapasa.

3. Gusto mong
pumunta sa birthday
party ng iyong
kaklase at alam mong
hindi ka na
papayagan ng iyong
mga magulang dahil
gabi na. Kaya imbes
na sabihin ang totoo
ay napagpasyahan
mong sabihin sa mga
magulang mo na kayo
ay gagawa ng
proyekto sa bahay ng
isang kaklase.

7
Sanayin Natin

Gawain 3.
Panuto: Mag-isip ng isang sitwasyon sa iyong buhay na kung saan
nagpapakita ng iyong kilos. Isulat ito sa loob ng kahon. Tukuyin mo ang
layunin, paraan, at sirkumstansiya ng iyong pasiya o kilos sa
sitwasyon.Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Sitwasyon na nagsagawa ng pasiya at kilos:

Layunin

Paraan (Kilos)

Sirkumstansiya

Tandaan Natin

Basahin at unawain ang mga aral na tinalakay natin.

Malinaw na sa iyo na ang layunin, paraan, sirkumstansiya, at


kahihinatnan ng kilos ay nakapagtatakda ng kabutihan o kasamaan ng
kilos ng tao. Ito ay isang hamon para sa iyo kung paano mo pag-iisipang
mabuti ang pipiliin mong kilos sa araw-araw simula sa iyong paggising
hanggang sa iyong pagtulog.
Kailangan ang maingat na pagsusuri sa kabutihan o kasamaan
ng iyong isinagawang mga kilos upang makita mo ang kabutihan o
kasamaan na dulot ng mga ito.

8
Suriin Natin

Gawain 5. MARAMING PAGPIPILIAN


Panuto : Basahin at pag-aralan ang mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin
ang tamang sagot sa mga ibinigay na pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Ayon kay __________ ang moral na kilos ay ang makataong kilos sapagkat
malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan.
A. Agapay
B. Aristoteles
C. Papa Juan Pablo II
D. Sto. Tomas de Aquino

2. Anu-ano ang batayan sa paghuhusga kung ang kilos ay moral o hindi.


A. Layunin, Kilos, Paraan
B. Kilos, Sirkumstansiya, Paraan
C. Layunin, Sirkumstansiya, Kilos
D. Layunin, Sirkumstansiya, Paraan

3. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas


o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
A. Kilos
B. Paraan
C. Layunin
D. Sirkumstansiya

4. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob.


A. Kilos
B. Paraan
C. Layunin
D. Sirkumstansiya

5. Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang


layunin
A. Kilos
B. Paraan
C. Layunin
D. Sirkumstansiya

9
Gawain 6. PUNAN MO
Panuto : Basahin at pag-aralan ang sitwasyon sa ibaba. Tukuyin ang
layunin, paraan at sirkumstansiya sa nasabing sitwasyon. Gamit ang pormat
sa ibaba, isulat ang sagot sa sagutang papel.

Si Mang Hener ay
matulungin sa
kaniyang mga
kapitbahay. Ngunit
lingid sa kanilang
kaalaman, ang
perang ginagamit
niya sa pagtulong ay
galing sa pagbebenta
niya ng mga
ipinagbabawal na
gamot.

10
Payabungin Natin

Gawain 7. ISABUHAY NATIN!


Panuto : Mag-isip ng limang pangyayari sa iyong buhay na nagkaroon ka ng
suliranin. Tayahin ang kabutihan o kasamaan batay sa layunin, paraan at
sirkumstansiya ng pangyayari. Gamit ang pormat sa ibaba, punan lamang ito
sa pagsusulat sa iyong sagutang papel.

KOMENTO, PAYO
SULIRANIN LAYUNIN PARAAN SIRKUMSTANSIYA AT LAGDA NG
MAGULANG

Pagnilayan Natin

Gawain 8 : Halika at Magnilay Na!


Panuto : Gamit ang limang pangungusap, magbigay ng reyalisasyon tungkol
sa aralin na tinalakay sa modyul na ito. Isulat ang reyalisasyon sa sagutang
papel.

Ang aking reyalisasyon sa araling ito ay _____________________

____________________________________________________________
____________________________________________________________
___________________________________________________________ .

11
12
Gawain 5 Subukin
1. D 1. A
2. D 2. B
3. D 3. C
4. C 4. D
5. B 5. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Brizuela, MJ B., et al, (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Modyul


para sa mga mag-aaral; FEP Printing Corporation; 5th Floor Mabini Bldg.,
DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Tagum City

Office Address: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

E-mail Address: tagum.city@deped.gov.ph

13

You might also like