You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR

Mga Gawaing Pampagkatuto para sa


Mag-aaral
Edukasyon sa sa Pagpapakatao 10
Ikalawang Markahan - Linggo 7

Ang Layunin, Paraan, Sirkumtansiya at


Kahihinatnan
ng Kilos

D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur


depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-5456

1
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 10
Learners’ Activity Sheet
Ikalawang Markahan, Linggo 7: Ang Layunin, Paraan, Sirkumtansiya at
Kahihinatnan ng Kilos, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring


kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.

Development Team of the Learners Activity Sheets


Writer/s: Jacob G. Ibojo
Editor/s: Leonora G. Tabangcora, Gloria E. Bante, Cheryl Masalta, Lyn B. Tolentino
Illustrator:
Layout
Artists:
Lay-out Reviewer: Blessy T. Soroysoroy, PDO
Management Team: Minerva T. Albis
Lorna P. Gayol
Lelani R. Abutay
Leonora G.
Tabangcora
Zandro T. Saturinas
Marilou P. Curugan

D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur


depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-545

2
WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEET
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Quarter 2 Week 7

Ang Layunin, Paraan, Sirkumtansiya at Kahihinatnan ng Kilos

Pangalan: _______________________________ Baitang at Seksyon: ___________


Guro: ___________________________________ Petsa; _________________________
Paaralan: _______________________________ Iskor: ________________________

Layunin:

1. Naipaliliwanag ng mga mag-aaral ang layunin, paraan at mga


sirkumstansya ng makataong kilos. (EsP10MK-IIg-8.2)
2. Nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasya o kilos sa isang
sitwasyon batay sa layunin, paraan at sirkumstansya nito.
( EsP10MK-IIh-8.3)

BAHAGING ORAS:

Dalawang oras

MGA SUSING KONSEPTO

➢ Ang makataong kilos ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nasasalamin ang ating
pagkatao. Kung ano tayo at kung ang kinalalabasan ng ating kilos ay batay sa ating
pagpapasya.Nangangahulugan ito na hindi lahat ng ating isinagawang kilos ay mabuti.
➢ Sa bawat makataong kilos, ang kilos loob ang tumutungo sa isang layunin. Hindi
nakapaghahangad ng anuman ang isang tao kung wala itong pinakahuling layunin at ito
ay ang makapiling ang Diyos sa kanilang buhay.
➢ Sa etika ni Tomas de Aquino, ang moral na kilos ay ang makataong kilos sapagkat
malayang patungo ito sa layunin na pinag isipan.
➢ Ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag- utos. Ang papel naman ng kilos
loob ay tumutungo sa layunin o intensyon ng isip. Kaya, ang panloob na kilos ay nagmula
sa isip at kilos loob at ito ang pamamaraan na ginagamit upang isakatuparan ang
panloob na kilos.Hindi maaaring maging hiwalay ang dalawang ito sapagkat kung
masama ang panloob, maging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang panlabas.
Kailangang parehong mabuti ang panloob at panlabas na kilos dahil nababalewala ang
isa kung hindi kasama ang isa.

3
➢ Ayon pa rin kay Tomas de Aquino sa bawat makataong kilos, ang kilos-loob ang
tumutungo sa isang layunin.

GAWAIN 1: SITWASYON SURI!


Kagamitan: Isang buong papel at bolpen
Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Tukuyin ang layunin, paraan at
sirkumstansiya sa bawat ipinakitang kilos. Isulat ito sa isang buong papel.

Sitwasyon A

Layunin:
Paraan:
Sirkumstansiya:

Sitwasyon B

Matagal nang nais ni Kim na magkaroon ng Layunin:


cellphone. Isang araw, habang mag-isa Paraan :
lamang siya sa kanilang silid-aralan ay Sirkumstansiya:
nakita niyang naiwan ng kaniyang kamag-
aral ang cellphone nito. Kinuha ito ni Kim
at itinago

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Batay sa iyong pagsusuri sa sitwasyon , ano ang ibig sabihin ng layunin, paraan at
sirkumstansiya?Bakit mahalaga na malaman ito ng tao?

2. Paano ito nakatutulong sa tao sa kaniyang pagpili ng isasagawang kilos at pasiya?

4
GAWAIN 2: ISULAT MO!
Kagamitan: Isang buong papel, lapis , bolpen at kompass
Panuto: Gamit ang Venn diagram , isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
sitwasyon 1 at 2 batay sa layunin, paraan at sirkumtansiya.

Pagkakaiba Pagkakaiba
Sitwasyon A Pagkakatulad Sitwasyon B

Tanong:

1. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang mas tamang kilos sitwasyon 1 o 2? Ipaliwanag.

2. Ano ang iyong realisasyon matapos mong gawin ang gawain? Ipaliwanag ang iyong
sagot.

GAWAIN 3: DEAL OR NO DEAL


Kagamitan: Isang buong papel, lapis at bolpen

Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon sa ibaba at tingnan kung mabuti o masama ang
ginawang pasiya o kilos ng tauhan. Iguhit ang sa kolum ng mabuting kilos
kung ikaw ay naniniwala na ito ay mabuti at iguhit ang sa kolum ng
masamang kilos kung naniniwala kang ito ay masama. Isulat sa susunod na kolum
ang iyong paliwanag sa iyong napili.

Mga Sitwasyon Mabuting Masamang Paliwanag


Kilos Kilos

5
1. Nanalo si Mang Philip bilang Barangay
captain sa inyong lugar. Wala siyang
inaksayang oras upang ibigay ang sarili sa
kaniyang paglilingkod nang buong
katapatan.
2. Nais ni Jaymee na matulungan ang
kaniyang kamag-aral na pumasa kaya’t
pinakopya niya ito sa kanilang
pagsusulit.

3. Habang nasa loob ng simbahan sina Pol


at Andrew ay pinag-uusapan nila ang
kanilang kamag-aral na di umano’y
nakikipagrelasyon sa kanilang guro.

4. Si Mang Gerry ay matulungin sa


kaniyang mga kapitbahay. Ngunit lingid sa
kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan,
ang perang ibinibigay niya sa mga ito ay
galing sa pagbebenta niya ng
ipinagbabawal na gamot.

6
Sagutin ang tanong:

1. Paano mo nahusgahan kung mabuti o masama ang pasiya at kilos na ginawa


ng mga tauhan sa bawat sitwasyon?

GAWAIN 4: ISAISIP
Kagamitan: Isang buong papel, lapis at bolpen

Panuto: Mag-isip ng isang sitwasyon sa iyong buhay na kung saan nagpapakita ng iyong
kilos. Isulat sa loob ng kahon. Tukuyin mo ang layunin, paraan, at sirkumstansiya ng
iyong pasiya o kilos sa sitwasyon.

Layunin

Paraan

Sirkumstansiya

Tanong:

1. Ano ang masasabi mo sa iyong kilos, mabuti ba o masama?Patunayan.

7
2. Paano nakakatulong sa iyo ang pagsusuri ng kilos bago ito isagawa?

Pagninilay
Kagamitan: Isang buong papel, lapis at bolpen

Panuto: Ngayon ay inaanyayahan kitang magnilay. Balikan mo ang iyong mga


isinagawang kilos noong nakaraang lingo. Batay sa iyong natutuhan sa mga gawain,
tukuyin mo ang iyong mga naging reyalisasyon. Isulat sa isang buong papel ang iyong
sagot.

Ang mga bago kong natutuhan Ang napulot kong aral mula sa aking mga
sa gawain: isinasagawang kilos
1. 1.
2. 2.
Ang aking mga mga realisasyon:
1.
2.

8
Writer/s: Jacob G. Ibojo
School/ Station:
Division: Schools Division of Agusan del Sur

For inquiries or feedback, please write or call:


Department of Education- Agusan del Sur

depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-545

You might also like