You are on page 1of 5

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP)

BAITANG 10, LINGGO ____

PANGALAN: __________________________________ PETSA: ____________

I. PANIMULANG KONSEPTO

Handa ka na ba sa panibagong paglalakbay mo bilang tao?

Naniniwala ka ba na ang tao ay may kapangyarihang kumilos ayon sa kanyang


nais at ayon sa katwiran? Bakit gayon na lamang ang laki ng inaasahan sa tao lalo na
sa mga sitwasyon na malayang pinili mula sa paghuhusga gamit ang kanyang isip at
kilos-loob? Sa puntong ito, lakbayin mo ang pag-unawa sa kilos at pananagutan mo
bilang tao, upang masagot mo ang mga mahahalagang tanong sa aralin.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCS

5.1 (EsP10MK-IIa-5.2) Naipaliliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung


nagmumula ito sa kalooban na malayang isinagawa sa pamamatnubay ng
isip/kaalaman.

III. MGA GAWAIN

Gamit ang talahanayan, tukuyin kung ang kilos sa unang kolum ay nagpapakita
ng pagkakaroon ng isip, kilos-loob, at mapanagutang kilos. Lagyan ng tsek (√) kung
ang kilos ay ginamitan ng isip, kilos-loob, at mapanagutan, at ekis (X) naman kung
hindi. Ipaliwanag ang iyong sagot sa huling kolum.

1
RO_Edukasyon sa Pagpapakatao_Grade 10_Q2_LP 5.1
Kilos- Mapanagutang
Mga Kilos at Gawain ng Tao Isip Paliwanag
loob Kilos
1. Pagsasalita habang
natutulog
2. Pagsunod sa curfew na
ipinatutupad ng barangay
3. Pagsigaw dahil sa
pagkagulat sa paputok
4. Paghimas sa tiyan dahil sa
gutom
5. Pagsauli sa tindera sa
palengke ng sobrang sukli
6. Paggawa ng mga gawaing
bahay at paglinang ng mga
talento ngayong pandemic
kaysa ilaan ang oras sa
paglalakwatsa
7. Pagkurap ng mata.
8. Pagkaramdam ng sakit mula
sa isang sugat
9. Paglalaan ng oras araw-
araw sa pagsagot ng modules
upang matapos ang lahat ng
gawain dito
10. Pagsunod sa home
quarantine ngayong may
pandemya (Covid-19)

Sagutin:
1. Kailan masasabi na ang kilos ay ginamitan ng isip, kilos-loob, at mapanagutan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Naniniwala ka ba na lahat ng ginagawa ng tao ay ayon sa kanyang pagkukusa
at kaalaman? Ipaliwanag.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Ano ang mga kilos na maituturing na makatao at dapat mapanagutan?
Ipaliwanag.

________________________________________________________________

2
RO_Edukasyon sa Pagpapakatao_Grade 10_Q2_LP 5.1
Ano ang natuklasan mo sa iyong mga kilos habang ginagawa ang gawain? Ano
ang mga dapat mong gawin sa susunod upang maging mapanagutan ang iyong
mga kilos? Pagnilayan.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

GAWAIN 2

Isulat ang mga mahahalaga mong repleksiyon sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot


sa sumusunod na tanong:

1. Ang mga makataong kilos na aking nagawa bilang:

Mag- Anak Kaibigan Parte ng


Komunidad
aaral

2. Sa panahon ng pandemya, anu-ano ang mga kilos na aking naisagawa na


maituturing kong makatao?

3
RO_Edukasyon sa Pagpapakatao_Grade 10_Q2_LP 5.1
Sagutin:
1. Paano mo masasabi na ang mga kilos na iyong isinagawa ay makatao?
Ipaliwanag.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Bakit sinasabi na ang makataong kilos ay kilos na isinasagawa nang may
pagkukusa?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Ano ang naging reyalisasyon mo matapos mong maisagawa ang gawain?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

IV. PAGPAPALALIM

● Ang Pagkukusa o Voluntariness ay galing sa salitang Latin na “voluntas” na


ang ibig sabihin ay Will o Kilos-loob. Ito ay nagmumula sa kalooban na
malayang isinasagawa sa pamamatnubay ng isip/kaalaman.

Gamit Tunguhin
Pagtuklas ng
ISIP pag-unawa
KATOTOHANAN
KILOS-LOOB pagsasakilos o pagkilos paggawa ng KABUTIHAN

Tandaan: Anumang uri ng tao, ang isang indibidwal ngayon at kung magiging
anong uri siya ng tao sa mga susunod na araw ay nakasalalay sa uri ng kilos na
kaniyang ginagawa ngayon at gagawin pa sa mga nalalabing araw ng kanyang
buhay. Ang kilos ang nagbibigay patunay kung ang tao ay may kontrol at
pananagutan sa sarili.

Dalawang uri ng kilos ang tao:

1) Ang KILOS NG TAO ay ang mga kilos na nagaganap sa tao o ayon sa kaniyang
kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. Ang kilos na ito
ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama.

4
RO_Edukasyon sa Pagpapakatao_Grade 10_Q2_LP 5.1
2) Ang MAKATAONG KILOS ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman,
malaya at kusa. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginamitan ng isip at
kilos-loob kaya't may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito.

Pagnilayan:
Paano mo gagamitin ang iyong isip at kilos-loob upang masiguro na ang iyong kilos ay
makatao at mapanagutan batay sa mga konseptong iyong natutunan sa aralin na ito?
Ano-anong mga hakbang ang iyong maaaring isagawa?

V. RUBRIK SA PAGPUPUNTOS

Rubrik para sa Pagpapaliwanag ng Gawain


5 Nailahad nang maayos ang kaisipan
3 Hindi gaanong nailahad ang kaisipan
1 Malayo sa inaasahan ang naging kasagutan

VI. SANGGUNIAN

● Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Modyul para sa Magaaral


● SLM, EsP 10 (MELC EsP10MK-IIa-5.2) isinulat ni Bb. Rina R. Romano

Inihanda ni: RINA R. ROMANO

Sherwin Jay Aguilar


Content Editor

5
RO_Edukasyon sa Pagpapakatao_Grade 10_Q2_LP 5.1

You might also like