You are on page 1of 10

Diocesan Schools of Abra

St. Mary’s High School of Pidigan, Abra, Inc.

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA 10

UNANG MARKAHAN – UNANG LINGGO

S.Y. 2021-2022

INIHANDA NI:

JOVANIE I. BALANAY

GURO
Diocesan Schools of Abra
St. Mary’s High School of Pidigan, Abra, Inc.

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10


UNANG MARKAHAN – UNANG LINGGO

TEMA: PANDAYIN ANG MORAL NA PAGKATAO

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa paggamit ng
isip sa paghahanap ng katotohanan at paggamit ng kilos-loob sa paglilingkod/pagmamahal.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Nakakagawa ang mag-aaral ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang
mahanap ang katotohanan, maglingkod at magmahal.

PAKSA: ISIP AT KILOS-LOOB: ITAAS ANG ANTAS NG PAGGAMIT

LAYUNIN
1. Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.

2. Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at nakakagawa ng mga kongkretong

hakbang upang malagpasan ang mga ito.

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


I. PAGTUKLAS

Ang mag-aaral ay inaasahang pagisipan at suriin Basahin ang nakasulat at suriin ang
ang isang larawan at subukang sagutin ang mga larawan sa ibaba, at sa iyong isipan
tanong na kasunod: subuking sagutin ang mga katanungan na
nasa susunod na pahina.
 Sa tatlong taong nakalipas sa iyong
pagbibinata at pagdadalaga,
napunlad mob a ang paggamit sa
iyong isip at kilos-loob?

 Anu-ano ang iyong naging


karanasan na nagpapakita ng
paggamit ng iyong isip at ng iyong
kilos-loob?
 Napansin mo ba ang mga
pagbabago?
 May pag-unlad ba ang iyong
pagpapasya?
 Higit bang naging mapanagutan
ang paggamit mo ng iyong
kakayahang magpasya?
 Marahil, mayroon ding mga naging
sagabal sa iyong pag-unlad.
 Paano mo nalampasan ang mga ito?
 Anu-ano ang nagtulak sa iyong
mapanagutang paggamit sa iyong
isip at kilos-loob?

II. PAGLILINANG / PAGPAPATIBAY

Ang ating talakayin sa araw na ito ay


tungkol sa MATAAS NA ANTAS NG
PAGGAMIT AT TUNGUHIN NG
ISIP AT KILOS –LOOB

Ang ISIP at KILOS-LOOB ang kambal


na kapangyarihang nagpapabukod tangi
sa tao sa lahat ng nilalang.

Ang TAO ay may malalim at mataas na


antas ng isip at malayang kilos-loob
upang magamit niya nang tama sa
pagpapasiya at pag-kilos.

Ang ISIP ay ang kakayahan ng tao para


sa pag-unawa o kapangyarihang mag-
isip. Ito ang kakayahang umalam,
magsuri, tumuklas, at magbigay-
kahulugan sa mga kaalaman.

Samantala, ang KILOS-LOOB ay ang


kapangyarihang magpasiyang pumili
batay sa mga nakalap na impormasyon
ng isip. Ang kilos-loob ay malaya at ito
ang nag-uudyok na piliin kung alin ang
mabuti o masama ayon sa pagkaunawa
ng isip.

o Ang nasa talahanayan sa susunod na


pahina ay ang pagkakaiba ng pag-iisip ng
aso at pag-iisip ng tao na maghanap ng
makakain kapag nagugutom.

o Pareho silang may isip na kapag


nagugutom ay dapat kumain upang
maibsan ang pagkagutom, pero subukan
mong pansinin at suriin kung ano ang
pagkakaiba ng aso at ng tao na maghanap
ng makakain kapag nagugutom.

ANG ASO
 Ang aso, kapag nakakita ng pagkain,
kakainin agad ito kahit pa may
nagmamay-ari nito.

 Maaari din niyang sirain ang mga


halamang gusto niyang kainin kahit
ikakagalit pa ng nagtanim nito.
Sasagpangin o kakagatin kaagad ang
anumang pagkaing Makita para lamang
may makain at mawala ang
pagkagutom. Ang alam lang ng aso ay
kailangan niyang kumain kahit sa ano
pa mang paraan at kahit ano pa ang
mangyayari sa kaniyang paligid

ANG TAO
Ito ang kaibahan ng TAO sa ASO at
nagpapatunay na ang tao ay may mas
mataas na antas ng paggamit at

tunguhin ng isip at kilos –loob

 Una, ang ng tao ay may kakayahan sa


pag-unawa, kakayahan sa wika,
kamalayan at pag-alam sa sariling pag-
iisip, imahinasyon, at pag-iisip sa
hinaharap.
 Pangalawa, ang kakayahang ito ay
nagdudulot ng malalim na pag-unawa o
pag-intindi, pagsasanib ng mga iba’t-
ibang pangyayai, at pag-uugnay ng mga
ito sa sariling perspektiba at sa pagsuri sa
sarili.
 Pangatlo, mayroon siyang kakayahan
magbigay kahulugan sa mga kaganapan
at mga namamasdan,
 Pang-apat, sa higit na mataas na antas
ng paghahalaw, nakabubuo siya ng mga
mas malalim na konsepto tungkol sa
buhay, layunin, pagpapahalaga,
moralidad, pamayanan at katarungan.
 Panghuli, ang mataas na paggamit ng
kilos-loob ay ang malayang pagpili na
dulot ng mataas na kamalayan ng ating
sariling pag-iisip at pag-unawa ng
kaalaman.

 Ang antas ng paggamit ng ating kilos-


loob ay nagpapakita kung gaano kabuti
ang ating pagkatao.

AKTIBITI 1.
Sundin ang panuto sa ibaba.
III. PAGPAPALALIM: o Isulat ang titik ng bawat konsepto
(a-p) sa nararapat na hanay sa tsart sa
Ang mag-aaral ay inaasahang punan ang ibaba.
nararapat na sagot sa patlang ng dalawang o Isulat ang titik sa hanay ng “isip”
hanay. Ang unang hanay ay ang hanay ng Isip at kung konsepto ay nagpapakita na ang isip
ang pangalawang hanay ay ang hanay ng Kilos- ay ginagamit sa pag-unawa tungo sa
loob. katotohanan.
o Isulat naman ang titik sa hanay ng
“kilos-loob” kung ang konsepto ay
nagpapakita na ang kilos-loob ang nag-
uudyok sa tao sa pagkilos o paggawa tungo
sa paglilingkod at pagmamahal.

ISIP

Inaasahang sagot: ____, ____, ____, ____,


____, ____, ____

KILOS-LOOB

Inaasahang sagot: ____, ____, ____, ____,


____, ____, ____, ____, ____, ____

a. Humanap ng impormasyon.
b. Maging mapanagutan sa aksiyong
makabubuti sa lahat.
c. Mag-isip at magnilay sa mga layunin at
kahulugan ng mga impormasyong nakalap.
d. Suriin at alamin ang dahilan ng mga
pangyayari.
e. Magsaliksik ng karagdagang datos kung
kulang ang impormasyon.
f. Tiyakin ang mabuti at masama, tama at
mali, at tunay na pangyayari.
g. Malayang pumili ng gusting isipin o
gawin.
h. Pagtugmain ang mga naoobserbahan sa
paligid sa ibang ulat.
i. Siguruhing tama at moral ang gagawin.
j. Umasam, maghanap, mawili at humilig
sa anumang naunawaan ng isip na gawin.
k. Huwag patalo ang kilos sa pagkahilig sa
masarap o madali.
l. Isagawa o ilapat ang mga kaalaman at
pagpapahalaga sa araw-araw na
pamumuhay.
m. Maghusga at magpasiya batay sa
malinaw na pamantayan ng moralidad.
n. Gamitin ang kalayaan nang may
pananagutan sa kalalabasan ng pasiya o
kilos.
o. Disiplinahin ang sarili at pigilin ang
matinding emosyon kung kailangan.
p. Magkaroon ng pagpupunyaging
magbago upang umunlad.

IV. PAGLILIPAT PAGSUSURI NG SITWASYION


PANUTO:
Inaasahan ang mga mag-aaral na suriin ang mga o Pag-aralan ang mga sitwasyon at
sitwasyon na nakapaloob sa loob ng talahanayan punan ang talahanayan sa ibaba.
sa ibaba at sagutin ang kaugnay o karugtong na o Isulat sa pangalawang hanay ang
tanong. mga maaari mong isiping gawin at
bakit mo gagawin ang mga ito.
o Sa ikatlong hanay, kung ano ang
dahilan na may kasamang
paliwanag.
o Sundin ang halimbawa na nasa
unahan ng talahanyan na maaari
mong pagbasehan ng iyong
magiging sagot.

MGA ANO-ANO ANO ANG


SITWASYON ANG PIPILIIN
MAAARI MONG
MONG GAWIN AT
ISIPING BAKIT MO
GAWIN AT ITO NAPILI?
BAKIT?

1. Hindi ka
kasali Hal sagot: Hal. Sagot:
sa graduation Sasangguni Pipiliin kong
dahil ako sa aking ulitin ang
hindi ka mga magulang pagsusulit pero
pumasa at maaaring mag-aaral
sa isang pagpasiyahan muna ako bago
asignatura. makiusap kunin ang
sa guro na ipasa pagsusulit
ang pagsusulit dahil hindi
sa bakasyon. ko pwedeng
baliin ang mga
patakaran
ng paaralan at
guro.

2. Nahuli ang
iyong
barkada na
kumuha
ng pera sa
canteen,
sinasabing
kasama ka niya
sa gawaing ito.

3. May nagtext
sa iyo na
masasakit na
salita.

4. Nakita mo
kung paano
agging
ginugulo
o sinasaktan
ang isang
kamag-aral.
5. Inaya ka ng
iyong ka
sintahan
na magtanan.

You might also like