You are on page 1of 3

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

Modyul 1: Paggamit ng Isip at Kilos – Loob Tungo sa Katotohanan

Pangalan: Baitang at Seksyon:


Guro sa EsP: Petsa:

TAO AT HAYOP

Magandang araw EsP 10 Learners!


Binabati kita sa iyong pagpupunyagi sa pag – aaral. Kung ang tuon
ng pag-aaral sa EsP 9 ay kinalaman sa lipunan iyong kinabibilangan,
dito sa EsP 10 ay matututunan mo ang mga mahahalagang bagay na
may kinalaman sa pagkamit ng iyong kaganapan bilang tao.

Tunghayan ang dalawang larawan at sagutan


ang mga gabay na katanungan.

TANONG TAO HAYOP


1. Ano ang mayroon sa bawat isa
upang makita ang babala?
2. Ano ang kakayahang taglay
ng bawat isa upang
maunawaan ang sinasabi
3. Ano ang kakayahang taglay
ng bawat isa
4. Ano ang inaasahang magiging
tugon ng bawat ng bawat isa
sa babala?

Batay sa iyong mga naging sagot sa gawaing ito, sagutin ang sumusunod:
1. Ano ang iyong nakitang pagkakatulad ng hayop sa tao?

2. Kung mayroong pagkakatulad sa bawat isa, ano naman ang pagkakaiba ng hayop sa tao?

3. Paano kumilos ang hayop? Ang tao?


4. Ano ang natuklasan mo tungkol sa hayop at sa tao batay sa pagsusuri ng mga larawan?

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
Modyul 1: Paggamit ng Isip at Kilos – Loob Tungo sa Katotohanan

Pangalan: Baitang at Seksyon:


Guro sa EsP: Petsa:

BALIK – ARAL TUNGKOL SA ISIP AT KILOS – LOOB

Isulat ang titik ng bawat konsepto sa nararapat na hanay sa tsart sa


ibaba. Ang tsart at nagpapakita na ang isip ay ginagamit sa pag-
unawa tungo sa katotohanan. Ang kilos - loob naman ay nag-uudyok
sa tao sa pagkilos o paggawa tungo sa paglilingkod at pagmamahal.

Isip Titik: __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __

Kilos - loob Titik: __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __

a. Humanap ng impormasyon
b. Maging mapanagutan sa aksiyong makabubuti sa lahat
c. Mag – isip at magnilay sa mga layunin at kahulugan ng mga impormasyong nakalap
d. Suriin at alamin ang dahilan ng mga pangyayari
e. Magsaliksik ng karagdagang datos kung kulang ang impormasyon
f. Tiyakin ang mabuti at masama, tama at mali, at ang tunay na pangyayari
g. Malayang pumili ng gustong isipin o gawin
h. Pagtugmain ang mga naoobserbahan sa paligid sa ibang ulat
i. Siguraduhing tama at moral ang gagawin
j. Umasam, maghanap, mawili at mahilig sa anumang naunawaan ng isip na gawin
k. Huwag patalo ng kilos sa pagkahilig sa masarap o madali
l. Isagawa o ilapat ang mga kaalaman at pagpapahalaga sa araw – araw na pamumuhay
m. Maghusga at magpasiya batay sa malinaw na pamantayan ng moralidad
n. Gamitin ang Kalayaan nang may pananagutan sa kalalabasan ng pasiya o kilos
o. Disiplinahin ang sarili at pigilin ang matinding emosyon kung kailangan
p. Magkaroon ng pagpupunyaging magbago upang umunlad.

Gabay na Katanungan:
Gamitin ang mga gabay na tanong tungkol sa mga sagot sa unang gawain.

Gabay na Tanong Mga Sagot

Batay sa mga sagot sa unang hanay, paano Halimbawa:


ginagamit ang isip sa pag – unawa? Ginagamit ang isip sa pagninilay, magsaliksik…
Paano masisigurong katotohanan ang Halimbawa:
layunin ng paggamit ng isip sa bawat A. Kailangang kompleto ang nahanap
konsepto? na impormasyon
B. Malaman ang tunay na layunin at
kahulugan ng mga impormasyon
nakalap
Batay sa mga sagot sa ikalawang hanay, Halimbawa:
paano ginagamit ang kilos – loob sa pagkilos Maging Malaya ang pagkilos
o paggawa? Magpasiya batay sa moral na pamantayan
Paano masisigurong paglilingkod at Halimbawa:
pagmamahal ang layunin ng paggamit ng Maging mapanagutan sa pagkilos
isip sa bawat konsepto? Tiyaking tama ang kilos para sa kabutihan

You might also like