You are on page 1of 3

DISENYO NG PAGTUTURO

Subject: Edukasyon sa Pagpapakato

Araw: Martes at Huwebes

Baitang: Grade 10 Gratitude at Grade 10 Courage

Guro: Regina S. Quimno, LPT

Aralin 1: Isip at Kilos-loob: Mataas na Antas ng Paggamit

Mga Inaasahang Bunga

1.1 Pamantayang Nilalaman


Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa paggamit ng isip sa
paghahanap ng katotohanan at paggamit ng kilos-loob sa paglilingkod/pagmamahal.
1.2 Pamantayan sa Pagganap
Nakagagawa ang magaaral ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap
ang kototohanan, maglingkod, at magmahal.
1.3 Mga Kasanayang Pampagkatuto
 Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.
 Nakikilala ang mga kahinaan sa pagpapasiya at nakagagawa ng mga kongkretong hakbang
upang malagpasan ang mga ito. (EsP10MP-Ia-1.2)
 Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng
katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal. (EsP10MP-1b-1.3)
 Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang
katotohanan, maglingkod, at magmahal (EsP10MP-1b-1.4)
1.4 Pangunahing Tanong at Pangunahing Pag-unawa
 Paano naipamamalas ang mataas na antas ng paggamit ng isip at kilos-loob tungo sa
katotohanan, paglilingkod at pagmamahal?
 Mahalagang matutong itaas ang antas ng paggamit ng isip at kilos-loob tung sa katotohanan
at kabutihan sa paglilingkod at pagmamahal. Isang paraan ay ang pagkilala ng sariling mga
kahinaan sa pagpapasiya at paggawa ng mga kongkretong hakbang upang malagpasan ang
mga ito. Kinakailangang maisagawa ang mga ginawang hakbang upang masanay ang isp at
kilos-loob na magsuri at gawin ang mabuti, at umiwas sa masama sa araw-araw na
pamumuhay.
1.5 Mga Nilalaman
 Mga pangunahing pag-unawa tungkol sa isip at kilos-loob
 Ang karaniwan o normal at mga mataas na antas ng isip at kilos-loob ng tao
 Katotohanan at paglilingkod/pagmamahal: Tunguhin ng mataas na paggamit ng isip at kilos-
loob

Plano para sa mga Gawaing Pagtuturo at Pagkatuto

Pamamaraan

A. Simulan Natin
1. Pukawin ang kawilihan ng mga mag-aaral sa usapan nina Pinang at Pinong sa unang pahina
ng aralin at hingin ang kanilang kaisipan tungkol sa pag-unlad ng mga kanilang paggamit sa
kanilang isip at kilos-loob.
2. Pag-usapan ang sumsunod na mga tanong bilang paghahanda sa bagong aralin tungkol sa
pag-unlad ng isip at kilos-loob.
a. Ano-ano ang iyong mga naging karanasan na nagpapakita ng mga paggamit ng
iyong isip at ng iyong kilos-loob?
b. Napansin mo ba ang mga pagbabago?
c. May pag-unlad ba ang iyong pagpapasiya?
d. Higit bang naging mapanagutan ang paggamit ng iyong kalayaang magpasiya?
B. Buksan ang sarili sa pagkatuto
1. Magkaroon ng pagbabalik-aral sa mga konseptong kaugnay ng isip at kilos-loob na napag-
araln sa Baitang 7. Tingnan ang mga ito sa ikalawang pahina ng araling ito sa batayan at
sanayang aklat.
2. Iugnay ang mga talakayan sa layunin ng bagong aralin.
3. Ipakilala ang Pangunahing Tanong na, “Paano naipamamalas ang mataas na antas ng
paggamit ng isip at kilos-loob tungo sa katotohanan, paglilingkod, at pagmamahal?
C. Ibahagi ang isip at damdamanin
1. Indibidwal na pagsusuri ng mga konsepto gamit ang tsart
Gamit Tunguhin
Isip
Pag-unawa Katotohanan
Kilos-loob Pagkilos o Paggawa Kabutihan
a. Humanap ng mga impormasyon.
b. Maging mapanagutan sa aksiyong makabubuti sa lahat.
c. Mag-isip at magnilay sa mga layunin at kahulugan ng mga impormasyong nakalap.
d. Suriin at alamin ang dahiln ng mga pangyayari.
e. Magsaliksik ng karagdagang datos kung kulang ang impormasyon.
f. Tiyakin ang mabuti at masam, tama at mali, at ang tunay na pangyayari.
g. Malayang pumili ng gustong isipin o gawin.
h. Pagtumain ang mga naoobserbahan sa paligid at ibang ulat.
i. Siguraduhin tama at moral ang gagawin.
j. Umasam, maghanap, mawili, at humilig sa anumang nauunawaan ng isip na gawin.
k. Huwag patalo ang kilos sa pagkahilig sa masarap o madali.
l. Isagawa ang ilapat ang mga kaalaman at pagpapahalaga sa araw-araw na pamumuhay.
m. Maghusga at magpaisya batay sa malinaw na pamantayan ng moralidad.
n. Gamitin ang kalayaan nang may pananagutan sa kalalabasan ng pasiya o kilos.
o. Disiplinahin ang sarili at pigilin ang matinding emosyon kung kailangan.
p. Magkaroon ng pagpupunyaging magbago upang umunlad.
2. Gabayan ang mga mag-aaral sa isang pangkatang talakayan kung saan nila ibabahagi ang
kanilang kasagutan sa tsart.
3. Gamitin ang sumsunod na mga tanong para sa talakayan sa klase o sa pangkatang gawain:
Ano ang iyong naiisip o nararamdaman tungkol sa gawain?
D. Unawaing mabuti ang pagkatuto
1. Para sa pangkatang talakayan, ipagamit sa mga mag-aaral ang mga gabay na tanong sa
unang hanay at isulat ang mga sagot sa kabilang hanap ng tsart.
Mga Gabay na Tanong Mga Sagot
Batay sa mga sagot sa unang hanay, paano Halimbawa:
ginagamit ang isip sa pag-unawa? Ginagamit ang isip sa pagninilay at
pananaliksik
Paano masisigurong katotohanan ang Halimbawa:
layunin ng paggamit ng isip sa bawat Kailangang maging kompleto ang nahanap
konsepto? na impormasyon.
Kailangang malaman ang tunay na layunin
at kahulugan ng mga impormasyong
nakalap.
Batay sa mga sagot sa ikalawang hanap, Halimbawa:
paano ginagamit ang kilos-loob sa pagkilos Maging malaya ang pagkilos.
o paggawa? Magpasiya batay sa moral o pamantayan
Paano masisigurong pagllilingkod at Halimbawa:
pagmamahal ang layunin ng paggamit ng Maging mapanagutan sa pagkilos.
isip sa bawat konsepto? Tiyaking tama ang kilos para sa kabutihan
ng lahat.
2. Pagkatapos ng talakayan, ipabahagi sa klase ang kanilang sarling karanasan sa paggamit ng
isip at kilos-loob.
E. Isanib ang bagong pagkatuto
1. Maghanda ng slide presentation kaugnay sa sumusunod na mga paksa:
a. Ang Karaniwan o Normal at ang Mataas na Antas ng Isip at Kilos-loob ng Tao
b. Mga Antas o Yugto sa Paggamit ng Isip at Kilos-loob
c. Katotohanan at Paglilingkod/Pagmamahal: Tunguhin ng Mataas na Paggamit ng Isip
at Kilos-loob
F. Buuin ang Pangunahing Pagkatuto
1. Paggamit ng dayagram sa pagpapaliwanag ng konsepto tungkol sa magkaibang antas ng
paggamit ng isip at kilos-loob.

Isip at
Kilos-
loob
2. Dalhin ang pagtatalakayan sa pagbuo ng Pangunahing Pag-nawa batay sa pagsagot sa
Pangunahing Tanong.
a. Paano naipamamalas ang mataas na antas ng paggamit ng isip at kilos-loob tungo sa
katotohanan, paglilingkod, at pagmamahal?
G. Pagnilayan ang sariling pagkatao
1. Hayaang ipahayag ng mga mag-aaral ang kanilang sariling pananaw o paglalarawan ng
tungkol sa Kawikaan 3:13-18 sa buhay ng kabataan.
Mapalad ang isang taong nakasumpng ng talino.
At ang taong nagsisikap, unawa ay nagtatamo,
Higit pa sa pilak ang pakinabang dito,
At higit sa gintong lantay ang tubo nito.
Sa alinmang alahas ay higit ang karunungan.
At walang kayamanang dito ay maipapantay,
Mahabang buhay ang dulot ng kaalaman,
May taglay na kayamanan at may bungang karangalan.
Maaliwalas ang landasin ng tanong may kaalaman,
At puno ng kapayapaan ang lahat niyang araw,
Mapalad nga ang taong may taglay na karunungan,
Para siyang punongkahoy na mabunga kailanman.

H. Takdang aralin
Ipasagot ang pagtataya sa mga mag-aaral at gabayan sila sa pag-unawa ng panuto sa Pahina
19.

You might also like