You are on page 1of 9

Plano ng Pagtuturo

Modyul 5: ISIP AT KILOS-LOOB

I. MGA LAYUNIN
MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pangnilalaman Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- Naisasagawa ang mga pasyang
unawa sa mga konsepto tungkol sa isip patungo sa katotohanan at kabutihan
at kilos-loob. batay sa mga konsepto tungkol sa isip
at kilos-loob.
Batayang Konsepto:
Ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao.

A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO


1.1 Maagapan ang mga magiging kahirapan at magabayan ang mga mag-
aaral sa pag- unawa sa sumusunod na paksa:
Isip at Kilos-loob
a. Ang Gamit ng Isip at Kilos-loob
b. Ang Tunguhin ng Isip at Kilos-loob
c. Ang Paglinang ng Isip at Kilos-loob
d. Ang Isip at Kilos-loob ang Nagpapabukod-tangi sa Tao
1.2 Malinang ang sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
 Pagtukoy sa pagkakaiba ng tao sa ibang nilikhang may buhay
 Pagsusuri ng sariling paraan ng paggamit ng isip at kilos-loob
 Paghinuha na ang gamit ng isip ay ang pag-unawa tungo sa
katotohanan at ang gamit ng kilos-loob ay ang pagkilos o paggawa
tungo sa kabutihan
 Pagpapakita ng pasya o kilos patungo sa paglinang ng isip at kilos-
loob
 Pagsulat ng pagninilay tungkol sa pagkakaroon ng tao ng isip at kilos-
loob at natuklasang katotohanan at kabutihan ng mapanagutang
paggamit ng mga ito
 Pagsasagawa ng paraan ng pagsasabuhay upang maging tugma ang
isip at kilos-loob at magampanan ng mga ito ang paghanap sa
katotohanan at paggawa ng kabutihan

50
B. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO
Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 101. Isa-isahin ang mga layuning
pampagkatuto para sa Modyul 5 na nasa loob ng kahon.

Itanong: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning


binasa?

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na


kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

a. Nasusuri ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob


b. Nasusuri ang isang pasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip at
kilos-loob
c. Naipaliliwanag na ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao
d. Nagagamit ang isip at kilos-loob sa paggawa ng pasya at kilos tungo sa
katotohanan at kabutihan
Narito ang mga pamantayan ng pagtataya ng output mo sa letrang d:
a. May malinaw na paglalahad ng mga pasya o kilos tungo sa katotohanan at
kabutihan
b. May paliwanag ang bawat pasya o kilos sa bawat sitwasyon
c. Binanggit ang gamit at tungkulin ng isip at kilos-loob sa bawat sitwasyon
May kalakip na mga paliwanag at patunay ng pagsasabuhay

II. PAUNANG PAGTATAYA


Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 101 - 103.

 Hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit ang
susi sa pagmamarka sa Annex 1.
 Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa pagmamarka.
 Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataas ang
kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin ang mga ito. Itala
sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng nakakuha ng 5
hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang kabuuang bilang.
Gayun rin ang gawin para sa 0 hanggang 4 na puntos.

51
Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10, maaring
dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim.

Maaaring gawing gawaing-bahay ang ilang mga gawain sa mga bahaging


Pagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-
unawa para sa mga nakakuha ng 5-9 na puntos.

Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaaring


mangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga Kaalaman,
Kakayahan at Pag-unawa.

III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO


 Pag-uugnay sa Nakaraang Modyul
Sabihin:
Naunawaan mo sa nakaraang aralin ang tungkulin mo bilang
nagdadalaga/nagbibinata sa iyong sarili, sa iyong pamilya at sa pamayanan
na iyong kinabibilangan. Sa araling ito tutulungan kang maunawaan ang
kahalagahan ng paggamit ng iyong isip at kilos-loob upang magampanan ang
iyong mga tungkulin bilang isang nagdadalaga/nagbibinata. Magiging
malinaw din sa iyo kung ano ang tunguhin ng isip at kilos-loob na taglay mo.

A. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN

Paalala:

Ihanda ang katulad sa tatlong larawang ito - halaman, hayop at


tao bago ang pagtalakay ng araling ito.

Panuto: Masdan mo ang sumusunod na larawan. Sagutin ang mga


tanong at nakatakdang gawain pagkatapos nito.

Ipaskil ang mga


larawan ng
halaman, hayop
at tao sa pisara.

52
Isulat ang sipi ng mga tanong
na ito sa isang manila paper
at ipaskil sa pisara upang
makita ng mga mag-aaral.
Iguhit din ang tsart na ito sa
pisara.

 Pagkatapos na sagutan ng bawat mag-aaral ang mga tanong at punan


ang tsart, atasan silang magpangkat sa apat.
 Ang tatlong pangkat ay tatawaging pangkat halaman, hayop at tao.
Samantalang ang ikaapat na pangkat ang gagawa ng paglalagom batay
sa impormasyong ibibigay ng tatlong pangkat.
 Bigyan sila ng 15 minuto para sa gawaing ito. Pagkaraan ng 15 minuto
hayaang ipaskil at ipaliwanag ng tagaulat ang ginawa ng kanilang
pangkat.
 Atasan din ang ikaapat na pangkat na ibigay ang kanilang paglalagom
batay sa impormasyong ibinigay ng tatlong pangkat. Maaaring gawing
gabay ang mga tanong sa ibaba ng tsart sa pahina 104.

Sabihin ito sa
mga mag-aaral

Gumawa ng
kapareho nitong
larawan. Ipaskil
ito sa pisara
bago ang
pagtalakay.

 Itanong ang
mga
katanungang ito
sa pahina 105
para sa
talakayan.

53
B. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA

Paalala:
Kailangang ihanda ang sipi ng mga sitwasyong ito para sa
mga mag-aaral. Ibigay ito bilang takdang-aralin.

Panuto:

 Pag-aralan ang sumusunod na situwasyon. Bilang isang nagdadalaga at


nagbibinata, ano ang iyong iisipin at gagawin sa mga mga situwasyong ito.
Gamit ang ilustrasyon ng angkop na speech balloon, isulat sa iyong
kuwaderno ang iyong iisipin at gagawin sa bawat situwasyon.

 Atasan ang klase na magpangkat sa lima. Sabihin: Ang bawat pangkat ay


bibigyan ng isang sitwasyon na kailangan ng masusing pag-iisip upang
makabuo ng isang pagpapasya.
 Pag-aaralan ng bawat kasapi ng pangkat ang sitwasyon saka sila bubuo
ng pagpapasya. Ipakikita ang sitwasyon at pasya sa klase sa
pamamagitan ng pagsasatao nito.
 Hayaang magtakda ang mga mag-aaral ng pamantayan kung paano nila
mamarkahan ang presentasyon ng bawat pangkat.
 Paglilinaw: ang unang speech baloon ay ang iisipin at ang ikalawang
speech baloon ay ang gagawin.
 Pagkatapos ng presentasyon ng bawat pangkat, talakayin ang tugon ng
mga mag-aaral sa mga tanong sa pahina 108.

54
Mga Tanong:

Isulat sa kuwaderno ang sagot.

1.Tugma ba ang iyong sinulat na iisipin at gagawin sa bawat sitwasyon?


Ipaliwanag ang iyong sagot.
____________________________________________________________
___________________________________
2. Ang iyong dapat na iniisip ay lagi bang tugma sa iyong ginagawa?
Ipaliwanag.
____________________________________________________________
__________________________________________________________
3. Bakit may pagkakataong tama at wasto ang naiisip mong gawin subalit
hindi ito ang iyong ginagawa?
____________________________________________________________
__________________________________________________________
4. Kapag naisip mong hindi tama ang iyong ginawa, binabago mo ba ito?
Bakit oo? Bakit hindi?
____________________________________________________________
_____________________________________________________
5. Paano mo mapangangatawanang gawin ang mga mabuting bagay na
iyong iniisip?
____________________________________________________________
C. PAGPAPALALIM
__________________________________________________________

Panuto:
Mahalagang may sariling sipi ng babasahing ito ang bawat mag-aaral.
Gawing takdang aralin ang pagbabasa ng babasahing ito. Pagawin sila ng
tala (notes) ng mga konseptong matatagpuan sa babasahin. Mas mainam
ang pagtsetsek ng mga tala ng konsepto na kanilang ginawa upang
maramdaman ang kaseryosohan sa pagpapagawa ng gawaing-bahay.
Mahalagang mabasa at makapagtala sila bago ang pagtatalakay
upang handa sila sa gawain sa klase.

 Kung kinakailangan,
ipabasa ang kabuuang
sanaysay sa pahina
109-112. Bigyan ang
mga mag-aaral ng 15
minuto upang gawin ito.
Matapos ang 15 minuto
pangkatin ang mga
mag-aaral sa anim o
depende sa bilang ng
mga mag-aaral.
Hayaang magtalaga
sila ng lider, tagasulat
at tagaulat.
 Ibigay ang bahaging ito
ng babasahin sa

55
pahina 109-110 sa unang pangkat. Atasan silang ipaliwanag ang konseptong
kanilang naunawaan mula sa kanilang binasa. Hayaan silang gumamit ng
graphic organizer sa paggawa nito.
 Atasan ang mga mag-aaral na kabilang sa ikalawang pangkat na talakayin
ang mga konseptong nakapaloob sa babasahin sa pahina 110-111. Hikayatin
na gumamit sila ng graphic organizer sa pagsasagawa nito.
 Ang pahina 111 ng babasahin ay ipatatalakay sa pangkat 3.
 Ang ikaapat na pangkat ang gagawa ng pagbubuod batay sa huling bahagi
ng babasahin
 Ipapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito.
 Matapos ang mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang
mahahalagang konseptong hindi naipaliwanag nang wasto at sapat.
 Pasagutan ang tayahin natin ang iyong pag-unawa. Bigyan sila ng 5 minuto
upang gawin ito.

Ipaskil o isulat
sa pisara ang
mga tanong na
ito na
matatagpuan sa
pahina 112.

 Magpaskil o gumuhit sa pisara ng


replica ng graphic organizer.

 Tumawag ng ilang mag-aaral


upang punan ang graphic
organizer. Ipasulat sa mag-aaral
ang nabuong konsepto sa
patlang ng nakapaskil na graphic
organizer.

 Ibigay ang tamang sagot.

56
Ang tao ay natatanging nilalang dahil siya ay may:
Isip na nakaaalam Kilos-loob na nagpapasya/pumipili
Ang gamit ng isip ay umunawa Ang gamit ng kilos-loob ay kumilos o gumawa
Ang tunguhin ng isip ay katotohanan Ang tunguhin ng kilos-loob ay kabutihan
Kaya, nararapat na sanayin, paunlarin, at gawing ganap ang isip at kilos-loob
upang mabigyan ng halaga ang kakayahang ito ng tao.

D. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO

Paalala: Ang bahaging ito ay maaaring ipagawa bilang takdang aralin


subalit kailangang ipaliwanag sa mga mag-aaral ang inaasahan na
magagampanan nila sa bahaging ito.

 Ipaliwanag sa bahaging ito ang dapat gawin ng mga mag-aaral.

PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO

Ngayon na ganap mo nang naunawaan hindi lamang ang gamit ng isip


at kilos-loob kung hindi pati na ang tunguhin nito, mahalagang suriin kung tugma
ba ang iyong ikinikilos o ginagawa sa kakayahang taglay mo?

Pagganap

Pagganap
Panuto:
Bilang indibidwal na may isip at kilos-loob may tungkuling nakaatang sa iyo na dapat mong
isabuhay. Suriin mo ang iyong sarili kung alam mo ang mga ito at kung tugma ang kilos mo sa
iyong kaalaman.
Nakatala ang ilang tungkulin ng isang kabataang katulad mo. Suriin mo kung alam mo ang
mga ito sa pamamagitan ng paglalagay ng simbolong tsek () o ekis (×) sa tapat nito. Suriin din
kung ginagawa mo ito sa pamamagitan ng paglalagay ng parehong simbolo. Gabay mo ang
halimbawang ibinigay.

 Atasan ang mga mag-aaral na pagnilayan ang kanilang mga natuklasan sa


sarili kaugnay ng paggamit nila ng kanilang isip at kilos-loob.

57
Ipapasa sa mga mag-aaral ang kanilang journal o reflection notebook upang
mabasa ang ginawa nilang pagninilay at markahan ito gamit ang rubric sa
Annex 2.

Pagsasabuhay

 Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagsasabuhay sa pahina 116. Ipaliwanag


ang panuto kung paano ito gagawin. Magbigay ng paglilinaw kung
kinakailangan.

58

You might also like