You are on page 1of 4

Kagawaran ng Edukasyon

REHIYON XI
Sangay ng Davao del Sur
BANGKAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Bangkal, Matanao, Davao del Sur

BANGHAY ARALIN SA
FILIPINO 10
Ika-14 ng Marso, 2023
Kwarter: 3-
Baitang at Pangkat: 10-Aries
Kasanayang Pampagkatuto: Naipapaliwanag ang mga likhang sanaysay batay sa napakinggan
(F10PN-IIIc-82)
I-Layunin: Pagkatapos ng araling ito. Inaasahan ang mga mag-aaral ay;
a. Natutukoy ang mga pahayag na tuwiran at di-tuwiran gamit ang mga pang-ugnay o
transitional device sa sanaysay.
b. Nakapagpapahalaga sa kalayaan batay sa isang tao, lahi at bansa.
c. Naisusulat at natutukoy ang mga tuwiran at di-tuwiran na pahayag mula sanaysay.
II-Nilalaman:
a. Paksa: Sanaysay (Nelson Mandela: Bayani ng Africa)
b. Gramatika at Retorika: Paggamit ng Tuwiran at Di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng
Mensahe
c. Uri ng Teksto: Naglalahad
d. Sanggunian: Filipino 10-Panitikang Pandaigdig, Kwarter 3, Ika-3 linggo
e. Kagamitan: Laptop, Cellphone at mga Larawan
III- Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati, Kamustahan at Pagtatala ng mga pangalan
c. Pagpapabati sa mga gurong tagapagmasid
d. Alintuntunin sa loob ng klase
B. Balik-aral: (balik-tanaw sa nakaraang leksyon)
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong ayon sa hiningi nito.
1. Isa itong kwento ng isang kawili-wili at nakakatuwang pangyayari sa buhay ng isang tao?
2. Ano ang layunin ng isang kwentong Anekdota?
3. Magbigay ng iilang katangian ng anekdota.
C. Pagganyak: (Estratehiya) PICTO-WORD
Panuto: Hulaan ang larawang ipapakita at idagdag ang salitang ibinigay para makabuo ng isang
salita.
1. 3.

pati = ____ kuro=__


2. 5.

Sa bin =___ ta = ____


4.

yu = ___ yon = ____

naw= ___ ya = _____

nay = ______
Aktibiti:
 Mula sa mga salitang nabuo sa mga larawan ay makabuo din tayo ng isang mahalagang
kaisipan tungkol sa SANAYSAY sa pagdudugtong-dugtong ng mga salita at paggamit ng
iilang mga pang-ugnay na mga salita upang makabuo ng makabuluhang pahayag o talata.
 Magkakaroon ng Pangkatang Gawain ang klase. Hahatiin sa apat na grupo ang klase.
Magbibigay ng pamatayan at Rubriks ang guro sa nasabing aktibiti.
PAMANTAYAN AT RUBRIKS

Napakahusay Mahusay Katamtamang Kailangan


5 puntos 4 puntos Husay pang Matuto
3 puntos 2 puntos
Disiplina, Lahat ay Lahat ay Nakikisangkot Hihikayatin
kooperasyon at nakikisangkot nakikisangkot sa Gawain at na
kalinisan sa at sa Gawain ay malinis ang makisangkot
gawain nagtutulungan malinis ang biswal na sa Gawain at
sa Gawain at biswal na kagamitan dapat
malinis ang kagamitan na malinis ang
biswal na ginamit biswal na
kagamitan na kagamitan
ginamit na ginamit
Nilalaman Malinaw, Maayos at Katamtamang Kailangan
maayos at wasto ang husay at pang matuto
wasto ang sagot sagot na may naipapaliwanag at paunlarin
na may pagkakaisa ng ng may ang mga
pagkakaisa ng ideya. katuwiran. ideyang
ideya. ibinigay.
Pagpapaliwana Malinaw. Maayos at Katamtamang Kailangan pang
g Maayos at wasto ang sagot husay ang matuto at
wasto ang sagot sa pagpapaliwanag paunlarin ang
pagpapaliwanag pagpapaliwanag
sa na may
na may na ibinigay
pagpapaliwanag katuwiran
pagkakaisa ng
na may ideya.
pagkakaisa ng
ideya.

 Mula sa mga larawan at salita, nakabuo kayo ng panibagong salita. Sa palagay ninyo, ano
kaya ang paksa na pag-aaralan natin ngayon?
 Pagbibigay ng input ng guro sa usaping Sanaysay
D. Pag-aanalisa (Estratehiyang ginamit) Pictures Analysis

 Sino-sino ang nasa larawan?kilala nyo ba silang lahat?


 Paano ninyo sila nakilala?
 Sa palagay ninyo, ano ang nais ipakita sa apat na larawan? At bakit?
 Sino nga ba si Nelson Mandela?
(Magbibigay ang guro ng pagkakakilanlan kay Nelson Mandela)
https://www.youtube.com/results?search_query=talumpati+ni+nelson+mandela
E. Paglalahad sa Paksa: Talumpati ni Nelson Mandela Bayani ng Africa Estratehiyang ginamit
(Video Lesson) https://www.youtube.com/watch?v=wkPHV7lbHuk&t=100s
Pagsasanib ng Gramatika at Retorika: (Tungkol sa Tuwirang at Di-tuwirang pahayag.

F. Abstraksiyon: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa (Estratehiya-Pagsagot sa gabay na tanong)


1. Bigyang kahulugan ang tinutukoy na Kalayaan ni Nelson Mandela sa kaniyang talaumpati.
Gaano ito kahalaga sa isang tao, sa isang lahi, sa isang bansa?At Bakit?
2. Batay sa talumpati, ilarawan ang kalagayan ng mga taga-Timog Africa.
3. Kung ikaw ay isa sa mamamayan ng Timog Africa, ano ang iyong magiging damdamin sa
talumpati ni Mandela?
4. Sa ano-anong sitwasyon maituturing na hindi malaya ang isang tao, lahi o bansa?
5. Bilang kabataan, paano ka magiging susi ng pinapangarap na kapayapaan, kalayaan, at
katarungan?
G. Aplikasyon/Paglalapat: (Estratehiyang ginamit) Pillin at Salungguhitan Mo! Ang tuwiran at
di-tuwirang pahayag at transitional device.
Panuto: Mula sa natutunan ninyo sa pagsasanib ng gramatika at retorika ay tukuyin ninyo at
salungguhitan ang mga Pang-ugnay na ginamit para matukoy kung ang pahayag ay
Tuwiran at Di-tuwiran.

Ako ay Ikaw
ni Hans Roemar T. Salum
Sanaysay na di-Pormal

Äkoý isang Pinoy, sa puso’t diwa. Pinoy na isinilang sa ating Bansa. Akoý hindi sanay sa mga
wikang banyaga, akoý Pinoy na may sariling wika. Wikang Pambansa. Ang gamit kong
salita…”Hay, napakaganda sa pandinig ang awiting ito ni Florante damang-dama ang
pagmamahal ng mang-aawit sa akin.

Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni dating Pangulong Manuel L.
Quezon. Ang pakikipaglaban niyang ito ay daan upang ako ay umusbong, gamitin, at tangkilikin.
Ako ang simbolo ng pagkakikilanlan ng ating bansa, ang Pilipinas. Sa totoo lang, ako ay ginamit
sa maraming sitwasyon at pagkakataon. Ah, tunay ngang malayo na ang aking narrating bilang
isang instrumento ng komunikasyon. Patunay nito, sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging
modern na ang ating bansa. Modernong kagamita, pamumuhay, modern na rin pati kabataan.
Talagang ang mga Pinoy ay hindi nagpapahuli. Subalit, kasabay ng pagbabago at pagiging
modernong ito ay ginawa na rin akong modern. Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay
sa makabagong panahon. Sa kasalukuyan, ang wika ng kabataan ngayon at tinatawag na Taglish,
mga jejejemon wika ,nga. Ang salitang nanay nagsasabing mudra, ang tatay ay pudra. May
magsasabi ring/ wanna make bili that sapatos! Hay, kailangan bang kasabay ng pagbabago ay
pagbabago sa akin? Nasaan na ang ipinaglabang wika? Mga kabataan, ang totoo, ako ay ikaw na
sasalamin sa ating bansa, Hindi masama ang pag-unlad at ang pagbabagong ito ay para sa
ikabubuti at ikaaayos ng kumonikasyon. Sa makabagong panahon, gamitin mo ako sa iyong wika
kung iyan ang ibig mo, piliin lamang ang ibig mo, piliin lamang sa tamang panahon at tamang
sitwasyon, tiyak na ang ating patuloy na pag-unlad.

IV- Ebalwasyon:
Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Uriin at salunguhitan kung tuwiran o di-tuwiran ang
pahayag na ginamit.
____________1. Ayon sa estadistika, mas marami ang bilang ng mga babae kaysa mga lalaking
Pilipino.
____________2. Ang pagtaas ng bilihin ay maaaring maging dahilan upang mas maraming tao
ang magutom.
____________3. Isang katotohanan ang lumabas sa balita na naipasa na ang Freedom of
Information sa Senado.
____________4. Walang malaking nakapupuwing kaya’t huwag maliitin ang inaakalang maliit
na kakayahan ng kapwa.
____________5. Mayaman ang bansa sa kalikasan, Patunay nito ang magagandang paligid o
tanawin na dinarayo ng mga turista.
____________6. "Ang mga nananalo ay isang nagmimithi na hindi nawawalan ng pag-asa."
____________7. Sinabi ni Nelson Mandela na ang mga nananalo ay isang nagmithi at hindi
nawalan ng pag-asa.
____________8. "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa
malansang isda."
____________9. Sinabi ni Jose Rizal na ang hindi nagmahal sa sariling wika ay higit pa ang
amoy sa malansang isda.
_________ 10. "Sa aking dugo nananalaytay ang walang kamatayang binhi ng kagitingan."

V-Takdang-Aralin:
Panuto: Sumulat ng sariling sanaysay na may mga tuwiran at di-tuwirang pahayag tungkol sa
kasalukyang pangyayari sa bansa na ang layunin ay makapanghikayat sa kaniyang mambabasa.
Maaaring gamitin ang sumusunod na mga transitional device. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Sa katunayan Sa totoo lang ang totoo bilang patunay

Isang katotohanan patunay nito ebidensiya ng

Isinumite ni: Isinumite kay:

ELMER T. LUTA LEONARD M, TERNIO


Guro sa Filipino 9 & 10 School Pricipal-I

You might also like