You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon XI

INTERVENTION PROGRAM DESIGN

FILIPINO

I. LAYUNIN:
Mabigyang lunas ang mga mag-aaral na may kahinaan sa
pagbasa at pag-unawa.

II. RATIONALE:
Ang pagbasa ay isang gawaing pangkaisipan at ang gawaing
ito ay mailalarawan bilang isang proseso. Ayon kay William Gray,
may apat na hakbang sa pagbasa: persepsyon,
komprehensiyon,reaksiyon at asimilasyon. Ayon naman kina
Austero et al, ang pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha ng mga
ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas
nang pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng awtor sa
pamamagitan ng mga nakasulat na simbolo.
Kaya ang asignaturang Filipino ay nagsagawa ng PHIL-IRI
bilang tugon sa programang ito upang malaman ang kahinaan ng
bawat mag-aaral. Isinagawa noong Hunyo-Hulyo 2018 para
malaman ang bawat kahinaan ng mag-aaral ng Mataas na
Paaralan ng Ihan.
III. PAGLALAHAD NG PROBLEMA
May mga mag-aaral na napabilang sa pagkabigo ang resulta ng
pagbabasa at kakulangan sa pag-unawa sa tekstong binasa.
IV. KASALING - TAO
A. Mag-aaral
B. Guro sa Filipino
C. Magulang

V. METODOLOHIYA
 Hikataytin ang mag-aaral na magbasa ng iba’t ibang tekst.
 Pagtuunan ng pansin ang kahinaan ng bawat mag-aaral sa tulong
ng bawat guro sa Filipino.
VI. AWTPUT/RESULTA
Ang mga mag-aaral ay makababasa na may pag-unawa.
Ang mga mag-aaral ay mas lalong umaangat ang kanilang
kakayahan sa pag-unawa ng mga salita lalo sa mga na napabilang sa
pagkabigo.
VII. REKOMENDASYON
Ang programang ito ay may malaking tulong sa mga mag-aaral na
may kahinaan sa pagbasa ng mga salita at pag-unawa sa binasa.
Kaya, ang lahat ng ito ay maisakatuparan sa pamamagitan ng
pagtutulungan ng bawat mag-aaral at guro upang unti-unting
mawawala ang kahinaang ito.

You might also like