You are on page 1of 34

1

KABANATA 1

Panimula

Ang pagtuturo ng wika ay isang mahalagang bahagi ng anumang antas

at sistema ng edukasyon sapagkat ang wika ang siyang nagiging behikulo at

pamantayan ng isang mahusay na edukasyon. Simula sa pagtuntong ng isang

batang mag-aaral sa paaralan, nagsisimula na ang kanyang pagtatamo ng

wika o mga wikang makatutulong sa kanya sa kanyang personal at

propesyunal na pag-unlad.

Sa larangan ng pagtuturo ng wikang Filipino sa antas tersyarya sa

Pilipinas, iniatas ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED Memo

Order no. 30, 2004) na isulong ang pagtuturo ng Filipino, hindi lamang bilang

isang sining ng komunikasyon na lumilinang sa apat na makrong kasanayan,

kundi upang magamit rin ang wikang Filipino bilang isang akademikong wika.

Ito ay bilang tugon sa nakitang pangangailangang rebisahin ang mga naunang

kurikulum sa Filipino na maituon ang pokus ng pag-aaral ng Filipino hindi

lamang bilang asignatura/kurso kundi bilang isang instrumento upang matuto

ang mga magaaral ng higit na matatayog na kaalaman at magamit ang wikang

ito sa mga iskolarling talakayan. Dagdag pa rito ni Espiritu (2005) ,

―kailangang makalaya ang Filipino sa limitadong tungkulin (nito) bilang wika


2

ng nasyonalismo (upang) magamit ito sa iba pang intelektwal na (mga)

Gawain.

Ang kalagayang pang-akademiko ng Asignaturang Filipino ay

patuloy na umiigting at tinatangkilik ng maraming mag-aaral dahil sa

midyum ng wikang ginagamit sa pagtuturo nito. Mas madali para sa

mga mag-aaral na unawain ang konteksto at ideya ng mga aralin gaya

ng mga teksto at gramatika. Para sa maraming mag-aaral ang

asignaturang Filipino ay tunay madaling maunawaan hindi gaya ng

ibang sabdyek dahil sa adbentaheng dulot ng wikang ginagamit dito,

sapagkat natural na lamang sa kanila ang paggamit ng wikang Filipino

sa paraan ng pakikipagtalastasan.

Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong

pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdain at mithiin. Si

Carroll (2014) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga

sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti -

unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat

henerasyon, ngunit, sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy

na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at

ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o

komunidad. Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang


3

Tagalog Pilipino / Filipino: Do they Differ sa bisa ng Executive Order No

134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon noong Ika-30 ng Disyembre,

1937 ay kinilala ang Tagalog bilang basehan ng pagbubuo ng Wikang

Pambansa. Ayon kay Dr. Aurora Batnag ( Kabayan, 2011) sapagkat ang

Pilipinas ay multilinggwal at multicultural, nabubuklod ang ating mga

watak-watak na isla ng iisang mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa

maraming tinig ng iba’t- ibang rehiyon kundi gayon din sa isahang

midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang

papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng

isang bansa.

Ang kumpyansa sa sarili ang pangunahing dahilan kung bakit nagiging

aktibo at partisipatibo ang estudyante sa klase. Ito rin ang dahilan kung bakit

mas mapapahusay ng estudyante ang kaniyang kakayahan lalo na sa

akademikong Filipino. Ang pagpapahalaga o ang pagpapaunlad sa sarili ay

apektado kapag may masamang pangyayari na nagaganap sa ating pag-iisip

o kahit na sa ating parte ng utak. Sariling kompyansa, ang kadalasang

nangyayari ay ang pagtatalo ng isip sa kagustuhang sumagot at ang pag-iwas

sa pagkakapahiya kapag namali ang sagot. Ang kumpyansa sa sarili ay ang

pagkakaroon ng tiwala na magagawa mo ang isang bagay na higit pa sa iyong

nalalaman na kapasidad ng sarili. Ito ang dahilan kung bakit mo nagagawa

ang mga bagay-bagay ng maayos, gaya na lamang ng pagpapahayag sa


4

sarili, pakikipaghalubilo, at ang pakikipag-usap na sang pangnahing dahilan

ng pagkakaintindihan sa kapwa.

Sa “Antas ng Pangangailangan” ni Abraham Maslow (2012), sinabi niya

na ang ika-apat na kinakailangan ng tao ay ang “esteem needs” o ang

pagpapahalaga natin sa ating sarili. Sinabi rin niya’ng kapag hindi ito nakamit

ng isang tao ay hindi nito matatagumpayan na abutin ang ikalimang antas na

“self-actualization” o ang pagsasakatuparan ng sarili. Maaring makamit ang

kumpyansa sa sarili kapag pinatili ng isang tao ang pag-iisip ng positibo ukol

sa kanyang sarili. Ito ang pinakamahalagang bagay na dapat taglayin ng isang

tao o indibidwal. Dapat subukang lagpasan ng isang indibidwal ang kanyang

itinalagang limitasyon sa sarili upang madiskobre ang kanilang sariling

kaginhawaan o comfort zone at ang kanilang kakayahn sa mga bagay-bagay

lalong-lalo na sa pagsasalita o pagpapahayag ng sarili.

Malaking hamon sa mga guro ng ang pagtuturo ng wikang Filipino sa

mga mag-aaral. Sa pagtuturo ng mananaliksik, nabatid niya ang malimit na

puna ng kanyang kapwa guro tungkol sa suliraning pang wika ng mga mag-

aaral na siya ring balakid sa kanyang pagtuturo sa asignaturang Filipino.

Karamihan sa mga mag-aaral ay nahihirapang magpahayag ng sarili gamit

ang wika sa loob ng klase sa paraang pasulat at pasalita. Ang kakayahang

komunikatibo ng mga mag-aaral gamit ang wikang Filipino ay malinaw na

hindi sumusunod sa wasto at mabisang pagpapahayag.


5

Ang pagkatuto ng wika, bilang isang proseso, ay naglalahad ng

malinaw na halimbawa ng pagkakaugnay ng pagkatuto at pag-unlad. Ang

prosesong ito ay nagsisilbing daan upang ang isang bata ay

makipagtalastasan sa mga taong nakapaligid sa kanya at sa pamamagitan ng

kanilang interaksyon ay lalong nalilinang ang kanyang kakayahan. Habang

tumatagal, nagiging bahagi na ng sistema na bata ang wikang kanyang

naririnig sa paligid. Kaya nga’t ang kalinangang pangwika ng isang bata ay

maituturing na isang sosyal na kaganapan sapagkat nagaganap ito sa

tahanan kung saan nagaganap ang mga gawaing panliterasi na

kinasasangkutan ng mga magulang na tumutulong na matutuhan ang wika at

lumilinang sa sa kanyang kakayahang pampagkatuto (Ásgeirsdóttir, 2011).

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang galugarin ang kahusayan

sa paggamit ng wikang Filipino at kumpyansa sa sarili ng Bachelor of

Secondary Education major in Filipino na mag-aaral sa pagsasanay sa

pagtuturo. Sa pamamagitan ng pakikipanayam, tinuklas rin ng mga

mananaliksik ang antas ng kumpyansa sa sarili ng Bachelor of Secondary

Education major in Filipino na mag-aaral sa pagsasanay sa pagtuturo gamit

ang wikang Filipino.

Paglalahad ng Suliranin
6

Ang pag-aaral na ito na may paksang “Kahusayan sa Wikang

Filipino at Kumpyansa sa sarili ng mga BSED Filipino sa

Pagsasanay sa Pagtuturo” ay naglalayong sagutin ang mga

sumusunod na suliranin:

1. Ano ang lebel ng kahusayan sa wikang Filipino ng mga BSED

major in Filipino na mag-aaral sa pagsasanay sa pagtuturo?

2. Ano ang lebel ng kumpyansa sa sarili ng mga mag-aaral sa BSED

major in Filipino sa pagsasanay sa pagtuturo?

3. Mayroon bang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng kahusayan

sa wikang Filipino at kumpyansa sa sarili ng mga mag-aaral sa

BSED major in Filipino sa pagsasanay sa pagtuturo?

Balangkas ng Teoretikal

Pangunahing pinagbatayan ng pag-aaral na ito ang konsepto ni

Cummins (2009) hinggil sa uri ng katatasan sa wikang maaaring taglayin ng

isang mag-aaral. Ayon sa kanya, may dalawang uri ng wikang maaaring

matutuhan ang mga magaaral: ang pang-araw-araw na wika (conversational

language) at ang akademikong wika. Pinaniniwalaan ni Cummins at sinang-

ayunan rin ng iba pang mga pag-aaral na maliban sa pagtatamo ng indibidwal

ng katatasan sa wikang ginagamit niya sa kanyang pang-araw-araw na


7

pakikisalamuha, mayroon pang isang uri ng wikang kailangang malinang sa

kanya upang higit na matiyak ang kanyang tagumpay sa larangan ng

edukasyon gayundin sa kanyang inaaasam na propesyon. Ang Cognitive

Academic Language Proficiency (CALP), batay na rin sa pagpapakahulugan

ni Cummins ay tumutukoy sa pagtatamo ng kahusayan wikang may tiyak na

konteksto at kadalasang matatagpuan sa mga pasulat na komunikasyon

partikular sa larangan ng matematika, siyensya at agham panlipunan. Kung

kaya’t sa pagtuturo nito, mahalagang ang guro ng wika ay maging guro rin ng

nilalaman (content). At upang matugunan ito, kinakailangang maipasok ang

paksang aralin at pagkatuto ng wika sa pamamagitan ng Content-Based

Instruction o ang pagtuturo batay sa nilalaman.

Mula rin sa pananaw na ito ay umusbong ang pamamaraang

nakadirekta sa pagtatamo ng nabanggit na layunin. Pinakakilala ang Cognitive

Academic Language Learning Approach (CALLA) na nadebelop nina Chamot

ang O’Malley (2005).

Sa mga pamamaraang nabanggit, makikita na ang tuon ng pagtuturo

ng wika ay nasa pagtatamo ng mga mag-aaral ng wikang magagamit niya sa

pagtalakay ng mga matatayog na kaisipan. Sa ganang ito, malaking papel ang

ginagampanan ng guro ng wika. Mapanghamon ang gampanin ng guro

sapagkat maliban pa sa kailangang maging bihasa siya sa kanyang pagtuturo

ng balarila at iba pang istruktura ng wika, mahalagang may malawak rin

siyang kaalaman sa mga paksa sa iba’t ibang larangan.


8

Sa pag-aaral ni Chamot (2015), binigyang-diin niya ang halaga ng

pagiging dalubhasa ng guro ng akademikong wika. Magiging posible lamang

ito kung ang mga guro ay patuloy sa kanyang pagsusulong ng propesyunal na

pag-unlad. Malaking salik rin ang kahusayan ng guro sa mga estratehiya ng

pagtuturo at pagpapanatili ng motibasyon ng mga mag-aaral upang matuto.

Hindi hinihikayat ng mga konseptong ito ang paggamit ng mga tradisyunal na

pamamaraan ng pagtuturo na lagi na lamang nakabatay sa mga

imahinatibong sitwasyong ginagamitan ng mga modelong pangwika. Bagkus,

higit na hinihikayat ang paggamit sa talakayan ng mga awtentikong materyal

mula sa iba’t ibang larangan. Nangangahulugan na ang pagtuturo ng

akademikong wika ay isang pag -igpaw sa nakagawiang paraan ng pagtuturo

ng wika na nakatuon lamang sa istruktura at salat sa mga paglalapat sa higit

na mga komplikadong kaisipang maaaring paggamitan ng wika.

Nakaangkla ang pag-aaral na ito sa Teoryang Connectionism ni

EdwardLee Throndike at Operant Conditioning ni Skinner.Ang teoryang

Connectionism ni Edward Lee Thorndike ay kinapapaloobanng dalawang

magkaugnay na elemento sa pagkatuto, ang pampasigla (stimulus)at ang

tugon (response). Ang pagkakaugnay ng dalawa ay nagiging isang gawiat

maaaring palakasin o pahinain depende sa kalikasan o uri at dalas

ngpagtatambal ng stimulus at response. Ibig sabihin na ang pagkatuto at

kumpyan sa sarili ay mabubuo kung makahahanap ng isang

epektibong pamapasigla (stimulus) na magpatatag ng koneksyon sa


9

pamamagitan ngpagtugon sa pangangailangan ng estudyante upang

magkaroon ng isangmakahulugang karanasan sa pagkatuto. Isa itong

angkop na palatandaan na angpagpapahalaga ng estudyante hinggil sa

isang asignatura ay masmapapayabong sa pamamagitan ng paggamit

ng guro ng mga pangganyak opampasigla sa pag-aaral bilang tugon sa

pagpapahalaga nila sa asignaturangkinukuha (Corpuz et. al, 93).

Balangkas Konseptuwal

Ang balangkas na ito ay nagbubuod ng mga paksa tungkol kahusayan

sa paggamit ng wikang Filipino at kumpyansa sa sarili ng Bachelor of

Secondary Education major in Filipino na mag-aaral sa pagtuturo. Nakalahad

din dito sa figure 1 ang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng kahusayan sa

wikang Filipino at kumpyansa sa sarili ng mga mag-aaral sa BSED major in

Filipino sa pagtuturo.

Independent Variable Dependent Variable

Kahusayan sa
paggamit ng Wikang Kumpyansa sa Sarili
Filipino

Figure 1. Conceptual Framework


10

Kaugnay na Pag-Aaral at Literatura

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga panitikan at literatura na may

kaugnayan sa pananaliksik. Naglalaman ito ng mga karagdagang kaalaman

tungkol sa paksang “Kahusayan sa Wikang Filipino at Kumpyansa sa sarili ng

mga BSED Filipino sa Pagsasanay sa Pagtuturo”, upang ito ay mas lalong

maunawaan ng mga mambabasa.

Ang anumang impormasyong paghahanguan ng mga datos na

kakailanganin ay titiyaking magiging mga basehan sa lalo pang malalim at

malawak na pagtalakay ng pananaliksik na ito bilang pagsasakatuparan ng

kurso.

Konsepto ng Wikang Filipino

Filipino ang pangunahing wika sa Pilipinas tumutukoy ito sa

pangkalahatan pero ang pinaka sentro ng wikang Filipino ay ang Tagalog

(Mangahas, Philippine Daily Inquirer 2016). Ginagamit ito sa pangaraw araw

lalo na sa pakikipag talastasan. Sa panahon ngayon ang pagkadalubhasa sa

wika ay para lamang sa mga dalubwika o mga propesyong may kinalaman

dito. Ayon kay Mangyao (2016) ang wika ay dynamic o patuloy na nagbabago
11

sa katagalan ng panahon ito ang nagiging sanhi ng pagkalimot o hindi

paggamit ng natural na anyo ng wika. Isa na rin ang modernisasyon sa

nakakaapekto sa pagbabgo ng wika sa pamamgitan ng pagbabago o pag

usbong ng mga makabagong terminolohiya na mas magpapadali sa pag

bigkas (Reyes, 2016)

Nakasaad sa (Art. XIV, Sec. 6) ng Philippine Constitution sinasabing

ang paggamit ng wikang pambansa ay dapat pagyamanin at paunlarin habang

tumatagal ang panahon. Nakasaad din na kailangan mapanatili ang paggamit

ng wika bilang paraan ng pakikipag talastasan sa Pilipinas at bilang parte ng

sistema ng edukasyon. Mula noon ang paggamit ng Tagalog ay lumawak hindi

na lamang sa Luzon kundi maging sa Visayas at Mindanao na rin lumawak

ang paggamit ng Tagalog atpaggamit ng makrong kasanayan lalo na sa

sistema ng pananalita o pakikipag talastasan. Maraming bihasa sa ating wika

lalo na ang mga dalubwika at mga nag aaral o mananaliksik ng linguistics at

mga guro sa asignturang Filipino naging dalubhasa sila sa wika bilang

requirements nila para makakuha ng digri o kaya naman makapasa. Hindi

required ang mga tao na gumamit ng purong Tagalog dahil hanggat

naiintindihan ayos lang ito. Pero dahil dito tuluyang nababon o unti-unting

nalilimot ang nakagisnang wika napapalitan ng mga terminolohiyang mas

maikli o mas madali bigkasin (Baldon et.al 2014).


12

Sa larangan ng pagtuturo ng wika, isang makatwirang panukatan ang

pagtatamo ng akademikong wika ng mag-aaral. Marami nang eksperto sa

larangan ng pagtuturo ng wika ang nagbigay ng kani-kaniyang mga pananaw

rito maliban pa sa kahulugang ibinigay ni Jimm Cummins na nagpasimula ng

mga hakbang at prinsipyo sa likod nito. Binigyang-kahulugan ang

akademikong wika bilang wikang may higit na mataas na antas na maaaring

matutuhan ng bata maliban pa sa pang-araw-araw na wikang kanyang

ginagamit sa pakikisalamuha sa labas ng paaralan. Sa artikulo ni Zwiers

(2005), nilinaw niya na ang akademikong wika ay ang mga set ng salita at

parirala na naglalarawan ng mga kompleks at malawak na pag-iisip at

abstraktong konsepto na lumilikha ng kalinawan at kaugnayan sa mga

diskursong pasalita at pasulat. Nagkakaisa rin ang mga eksperto (Brown,

2004; Zwiers, 2005; Cummins, 2005; Fillmore at Wilkinson, 2009) sa

pagsasabi na ang pagtataglay ng akademikong wika ng mag-aaral ang

magsisilbing pamantayan ng kanyang tagumpay sa kanyang pag-aaral sa

akademya. Dagdag pa ni Brown (2004), ang matibay na pundasyon ng

akademikong wika ay makatutulong sa pag-unawa ng mag-aaral sa kanyang

mga araling pangnilalaman (content course). Gayundin ay sinabi nina Fillmore

at Wilkinson (2009) na ang pamantayan ng kahusayang pangakademiko ng

mag-aaral ay ang kakayahan nilang magkaroon ng masteri ng kasanayang

pasalita at ang mag-isip at magsulat nang tulad ng mga aklat. Higit na naging

malinaw ang mukha ng pagtuturo ng akademikong wika matapos ang


13

masusing mga pag-aaral ni Jimm Cummins dito. Bagamat mayroon nang mga

naunang pag-aaral, higit na pinaigting ni Cummins ang pagbibigayanyo sa

kaibhan ng akademikong wika na dapat na malinang sa mga mag-aaral upang

maging higit na produktibo ang kanyang pagkatuto. Unang nakita niya na

kailangang malinawan ang isyung ito sa pag-aaral nina Skutnabb-Kangas at

Toukomaa, 2006 (Cummins, 2009) hinggil sa mga mag-aaral na mula sa

Finland na nasa bansang Sweden. Nakita rito ang magkaibang kakayahan ng

mga magaaral sa dalawang wikang kanilang ginagamit. Sa kabila ng

kakayahan nila sa dalawang magkaibang wika, hindi pa rin sila

nakapagtatamo ng mataas na grado sa mga gawaing pang-akademiko.

Ang Paggamit sa Wikang Filipino sa Pagsasanay sa Pagtuturo

Ang isang guro ay alagad ng agham at sining. Agham sapagkat ang

pagtuturo ay sangay ng karununungang umaalinsunod sa mga simulain at

prinsipyo. May maayos at sistematikong hakbang na sinusunod ng guro sa

kanyang pagtuturo na nakasalig sa pilosopikal, sikolohikal, at sosyolohikal na

batayan. Nauukol ito sa mga Gawain ng pagkikintal ng kaalaman sa maayos

at kaaya-ayang pamamaraan. Bukal ng masisining na teknik ng guro upang

maging epektibo ang kanyang pagtuturo.

Sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mga tsinoy na mag-aaral.

Binibigyang diin ni Dingaosen, (ni Adan 2010), na ang guro ay may malaking

papel sa paglilinang ng kaisipan ng mga kabataan. Hinihikayat nito ang mga


14

mag-aaral na maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay. Kinakailangan

ding ang guro ay malikhain at umisip ng pagbabago o inobasyon. Kailangan

makipagsabayan siya sa mabilis na pag-unlad, kaalinsabay sa pagsulputan ng

mga makabagong teknolohiya.

Makatutulong nang malaki ang mga kagamitang pampagtuturo lalong

lalo na ang mga makabagong teknolohiya sa pagdebelop ng interes ng mga

mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ito’y mga bagay na nagsisilbing gabay sa

mga mag-aaral upang malinang at mapalawak ang kanilang kaisipan. Dahilan

kung bakit kapos sa suplay ng mga kagamitang panturo kaya’t nahihirapan

ang mga guro kung paano simulan ang paksa. Bunsod narin sa midyum ng

wikang ginagamit ng mga mag-aaral ay nagkakaroon ng suliranin sa

komunikasyon sa proseso ng pagtuturo.

Ang Kumpyansa sa Sarili sa Pagtuturo ng Wikang Filipino

Binibigyang-diin nina Dannels at Housley-Gaffney (2009) na ang

komunikasyon at pagkatuto ay nararapat na magkaroon ng matatag na

ugnayan upang ang kahirapan sa pag-aaral sa anumang larangan o

asignatura ay mapagtatagumpayan sa pamamagitan ng maayos at

epektibong paraan ng pagbabanggit ng mga ideya at mga suliranin. Hindi

mapasusubaliang napakahalaga ng paggamit ng wika sa pagkatuto at

pagpapahayag ng anumang tugon o reaksyon ng bawat magaaral sa

interaksyong pangklasrum. Isa sa malaking hamon ay kung aling wika ang


15

gagamiting midyum sa pagpapahayag. Alinsunod sa mga pananaliksik at

mungkahi ng UNESCO 2003 at Summer Institute of Linguistics (SIL) (2007),

praktikal na gamitin ang alinmang wikang higit na gamay ng mga magaaral,

kung saan sila higit na bihasa. Mahalaga ang pagbibigay ng pagkakataon sa

mga magaaral na magamit ang wikang Ingles at Filipino sa kanilang

pagkatuto. Kung pagtutuunan ng pansin ang asignaturang Matematika, higit

na nakatutulong sa pag-unawa ng mga konsepto at pagsagot ng pasalitang

suliranin ang pagpoproseso ng mga mag-aaral gamit ang pormula o

solusyong natutuhan nila sa pagtalakay ng guro. Sa kanilang pagpoproseso,

kailangang isaalang-alang ang wikang komportableng gamitin upang ito ay

mapagaan. Ilan sa hamon at suliraning kinahaharap ng mga mag-aaral sa

asignaturang Matematika ay kung paano sila magpapahayag ng kanilang

sagot. Sa katunayan, sanhi ng katotohanang napakahirap na asignatura ang

Matematika para sa maraming mag-aaral, binigyang-turing ni Moschkovich

(2013) na higit itong nagiging hamon lalo pa at kung dumaragdag na balakid

ang mga suliraning pangwika. Kaugnay nito, ang patakarang pangwika sa

paaralang pinagtuturuan ng mananaliksik ay mayroong pagkiling sa wikang

Ingles bilang wikang panturo sa lahat ng larangan maliban sa Filipino.

Ayon naman kay Zwiers (2005), yamang ang mga guro ang

pinagkatiwalaang mamahala sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng wika – lalo

pa ng akademikong wika, mahalaga na mataya rin ang kakayahan nila sa

antas ng wikang ito na ginagamit sa akademya. Sa pananaw naman ni


16

Troncale (2002), kailangang maituro ng mga guro sa mag-aaral ang maging

“independent learner” o ang kakayahang matuto na hindi nakadepende sa iba.

Dapat ding rebyuhin ng guro ang kanyang tungkulin sa kanyang mga mag-

aaral at kapwa guro upang matiyak ang pagtatamo ng tiyak at angkop na

pagtuturo at pagkatuto ng wika. Binigyang diin din ni Zwiers ang sinabi ni

Cummins na ―ang guro ng wika ay guro ng nilalaman.‖ Ganito rin ang

pananaw ni Ragan (2005), sa pagsasabing kailangang malinaw sa guro kung

anong klase ng akademikong wika ang kailangang maituro.


17

KABANATA 2

METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Sa kabanatang ito ay iprinisinta ang paraan ng pananaliksik, mga

pokus ng pag-aaral, mga instrumentong pananaliksik at tritment ng mga

datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang isasagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibo o

palarawang disenyo. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili

ng mga mananaliksik na gamitin ang Descriptive Correlation Research

Design, na gumagamit ng talatanungan o survey questionnaires para

makalikom ng mga datos na magdedetermina sa lebel ng kahusayan sa

wikang Filipino at kumpyansa sarili ng mga BSED major in Filipino na

mag-aaral sa pagsasanay sa pagtuturo. Naniniwala ang mananaliksik na

angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang

pangangalap ng datos mula sa maraming respondente. Limitado lamang ang

bilang ng mga taga sagot sa mga talatanungan, ngunit ang uri ng disenyong
18

ito ay hindi lamang nakadepende sa dami ng sumagot sa mga talatanungan.

Ang mga datos na makakalap ay maaaring makatulong sa pagpapatunay na

mahalaga ang wastong paggamit ng wika sa BSED major in Filipino.

Seting ng Pag-aaral

Isa sa pangangailangan ang magamit ang wika bilang isang

kakayahang komunikatibo na tumutugon sa isa sa mga tunguhin ng K to 12

kurikulum. Sa pamamagitan ng pagtatala o kaya naman ay pagbibidyo.

Kaugnay nito, isinagawa ang pag-aaral na ito sa BSED major in Filipino na

mag-aaral na ginagamit ng wasto ang wikang Filipino sa Central Mindanao

Colleges sa pagsasanay sa pagtuturo.

Pagpili ng Kalahok

Ang mga mananaliksik ay pumili ng respondente mula sa BSED major

in Filipino na mag-aaral na may bilang na 60 kung saan nakuha namin ang sa

Slovin's Formula sa stratified sampling.

Instrumento ng Pag-aaral

Ang aming grupo ay kakalap ng mga datos sa pamamagitan ng

pagbibigay ng mga talatanungan na may mga malalalim na salita o termino.

Binabalak namin ito hatiin sa ibat ibang klase ng lebel. Sa una hindi
19

masyadong malalim ang mga termino at may pagpipilian sila. Ikalawang lebel

ay may medyo malalalim na salita at termino may pagpipilian at ikatlo ang

pinaka mahirap nag lalaman ng mahihirap na termino at salita walang

pagpipilian. Gagawa kami ng pamantayan na dapat aprubahan ng guro sa

pananaliksik. Ang pamantayang ito ang magsasabi o mag dedeklara kung ano

ang karaniwang lebel ng kahusayan sa wikang Filipino at kumpyansa sarili

ng mga BSED major in Filipino na mag-aaral sa pagsasanay sa

pagtuturo. Ito ay ang aming napili, dahil ang impormasyong kailangang

makalap ay maibibigay lamang ng sariling pananaw ng bawat respondante, at

ang tanging paraan upang malaman ito ay sa pamamagitan lamang ng

interbyu.

Paglalarawan sa kahusayan sa wikang Filipino at kumpyansa sarili ng mga

BSED major in Filipino na mag-aaral sa pagsasanay sa pagtuturo.

Mean Bilang Pasalitang Pakahulugang


Paglalarawan Paglalarawan Paglalarawan
4.21-5.00 5 Lagi Ibig sabihin ang antas ng
estilo ng pagtuturo ay
laging naipapakita ng
guro sa bawat aralin.
3.41-4.20 4 Madalas Ibig sabihin ang antas ng
estilo ng pagtuturo ay
madalas na naipapakita
ng guro sa bawat aralin.
2.61-3.40 3 Minsan Ibig sabihin ang antas ng
estilo ng pagtuturo ay
minsan lamang
20

naipapakita ng guro sa
bawat aralin.
3 1.81-2.60 2 Bihira Ibig sabihin ang antas ng
estilo ng pagtuturo ay
bihira lamang
naipapakita ng guro sa
bawat aralin.
2 1.00-1.80 1 Hindi Ibig sabihin ang antas ng
kailanman estilo ng pagtuturo ay
hindi kailanman
naipapakita ng guro sa
bawat aralin.

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Uumpisahan namin sa pag-gawa ng mga tanong na ilalagay namin sa

sarbey sa pamamagitan ng paggamit ng google form, ikalawa, pag-gawa ng

liham na ipapakita namin sa aming mga repondents upang sa gayon ay

maunawaan nila kung ano ba ang aming ipapasagot sakanila at ang aming

topic. Sa pagpapasagot naming ng aming sarbey, ibinigay naming ang link sa

mga responde para sa online lang sila sumagot gamit ang kanilang cellphone,

laptop o pc (personal computer). At huli, pagtapos nila sagutan ang sarbey,

ang mga mananaliksik ay gagawa ng interpretasyong berbal bilang tritment.

Tritment ng Datos

Ang mga datos na makakalap ng mga mananaliksik mula sa mga

respondente na tumugon sa talatanungan ay ipagsasama o itatally at bibigyan


21

ng berbal na interpretasyon. Ang mga datos na ito ay magsisilbing kasagutan

sa mga katanungang inilahad ng pag-aaral. Ang mga resulta ay ikukumpara

ayon sa pagkakaiba ng mga kasagutan. Ang mga datos ay iaanalisang mabuti

at magiging gabay sa resultang ninanais ng mga mananaliksik. Mula sa mga

sarbey at pakikipagpanayam ang mga makakalap na datos ito ay sasalain at

pipiliin ang mga makakatulong o benepisyunal sa pag-aaral. Sa pagsusuri ng

nalikom na datos, ginamit ang mga sumusunod na istadiska. Mean ay

ginamit upang alamin ang antas ng estilo ng pagtuturo ng mga guro at ang

aktibong motibasyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng natamong iskor

sa batayan ng mga mananaliksik na kanilang katanungan.

Standard Deviation ay estadistika at teoriya ng probabilidad,

ang standard deviation o pamantayang paglihis na kinakatawan ng letrang

Griyego na σ ay sumusukat sa pagkakahiwa-hiwalay ng isang frequency

distribution. Ang standard deviation ng isang random variable ng isang

populasyong pang-estadistika ay ang square root ng variance nito

Pearson r. Ito ay ginamit upang mapatunayan ang relasyon o

pagkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng estilo ng pagtuturo ng mga guro at

aktibong motibasyon ng mga mag-aaral.


22

KABANATA 3

PAGLALAHAD, PAGPAPAKAHULUGAN AT PAGSUSURI NG MGA


DATOS

Inilahad at inilarawan sa kabanatang ito, ang pagpapakahulugan sa

mga nalikom na datos na inihanda ng mga mananaliksik at ipinasasagot ito sa

mga tagatugon. Ang mga datos na ito ay ang sumusunod:

Kahusayan sa Wikang Filipino

Naipakita sa Talahanayan 1 ang lebel sa kahusayan sa wikang filipino

ng mga mag-aaral sa BSED major in Filipino sa pagtuturo. Ang kabuuang

mean iskor na nakuha ay 4.45 na ang katumbas nito ay “lagi” sa pasalitang

paglalarawan. Ibig sabihin na ang lebel ng kahusayan sa wikang Filipino ng

mga BSED major in Filipino ay lagi. Pakahulugan din na mataas ang

kaalaman ng mga BSED major in Filipino sa pagtuturo dahil sa lagi nila itong
23

ipinapakita o ipinapadama sa mga mag-aaral sa bawat aralin nilang pinag-

aaralan.

Talahanayan 1. Lebel sa Kahusayan sa Wikang Filipino


KAHUSAYAN SA WIKANG FILIPINO Mean Std. Deskrips
Deviatio iyon
n
1. Madaling naipaliliwanag ang tinatalakay. 4.3833 .69115 Lagi
2. Nakapagbabaybay ng mas maayos, mas 4.5000 .67648 Lagi
malinaw at mas maingat sa paggamit ng
salita
3. Naiintindihan at nauunawaan ang nabuong 4.4833 .67627 Lagi
pangungusap ng mas mabilis at mas malinaw
4. Nagagamit sa mas mabilisang 4.4667 .67565 Lagi
pagpapahatid ng mensahe gamit ang
pangungusap sa impormasyong nais
iparating
5. Napapadali ang pagbibigay kahulugan sa 4.4500 .67460 Lagi
mga naririnig, nakikita at nababasa
6. Nabibigyang kalinawan ang mga malalalim 4.4000 .74105 Lagi
o dipangkaraniwang wikang ginamit
7. Naipapaunawa ang taglay na kahulugan ng 4.4167 .69603 Lagi
bawat batay sa mga binasa, napanood, at
napakinggan sa leksyon
8. Nagkakaroon ng mabisang kasanayan sa 4.4167 .69603 Lagi
mga bahagi ng salita upang makabuo ng
tamang pangungusap
9. Mas napapabuti ang pakikipag-usap ko sa 4.5000 .67648 Lagi
aking mga estudyante.
10. Mas naipapaintindi ko ang aking tinuturo 4.5500 .67460 Lagi
11. Nagbibigay ako ng panuto at paalala 4.4667 .74712 Lagi
gamit ang wikang Filipino.
12. Gumagamit ako ng wikang Filipino sa 4.4000 .74105 Lagi
paaralan sa tuwing nakikipag-usap sa mga
24

estudyante.
13. Hinihikayat ko ang aking mga estudyante 4.4833 .65073 Lagi
na makibahagi sa diskusyon sa klase sa
pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino.
14. Pinagagamit ko ang aking mga 4.4667 .70028 Lagi
estudyante ng wikang Filipino at sa pagsagot
sa aking mga tanong.
15. Kinukunsulta ko ang diksyunaryo sa 4.4000 .78546 Lagi
tuwing may nababasa akong mahihirap o di-
pamilyar na salita.
Pagtuturo_Overall 4.4515 .42688 Lagi

Batay sa lumabas na resulta sa kabuuang mean ng bawat tanong sa

talahanayan 1. Nakakuha ng pinakamataas na resulta ang ika-sampung

tanong sa talatanungan sa terminong “Mas naipapaintindi ko ang aking

tinuturo” na may 4.55 mean iskor na ang katumbas ay “lagi” sa pasalitang

paglalarawan. Ibig sabihin nito malaki ang epekto nang pagtutro gamit ang

wikang Filipino dahil mas naipapaintindi ng BSED major in Filipino ang

kanilang pagtuturo. Ang mga ibang tanong naman ay nakakuha ng mean na

4.38 hanggang 4.48 na ang katumbas ay “lagi”. Ibig sabihin na naituturo ng

mga respondete ang kanilang aralin sa mas malinaw at maayos.

Naipakita sa talahanayan 2 ang lebel sa kumpyansa sa sarili ng mga

mag-aaral sa BSED major in Filipino sa pagtuturo. Ang kabuuang mean iskor

na nakuha ay 4.5357 na ang katumbas nito ay “lagi” sa pasalitang

paglalarawan. Ibig sabihin na ang lebel ng kumpyansa sa sarili sa pagtuturo


25

ng mga respondente ay mataas at lagi nilang naitutro ng malinaw, maayos at

masigla ang mga aralin.

Talahanayan 2. Lebel sa Kumpyansa sa Sarili


Paglalahad Mean Std. Deskripsiyon
Deviation
1. Nagagawang laging masigla at 4.5333 .50310 Lagi
buhay na buhay ang mga talakayan
2. Katamtaman ang lakas ng boses at 4.6000 .66892 Lagi
klaro kung magsalita.
3. Gumagamit ng iba’t ibang teknik at 4.5500 .62232 Lagi
istratehiya sa masigla at kawili wiling
pagtuturo.
4. Hindi nauutal-utal sa pag gamit ng 4.2667 .79972 Lagi
wastong wikang Filipino
5. Nagagawang maging aktibo ang 4.5000 .59660 Lagi
mga mag-aaral
6. Naging epektibo ang mga ginamit na 4.5333 .62346 Lagi
estratehiya sa pagtuturo
7. Naihahatid ng maayos ang 4.5500 .64899 Lagi
impormasyon o leksyon sa klase
8. Naeengganyong makinig ang mga 4.5667 .67313 Lagi
estudyante sa talakayan
9. Napapaintindi ang mga 4.5833 .64550 Lagi
impormasyon sa mabilisan o
madaliang paraan
10. Natutukoy ang nais iparating na 4.5333 .65008 Lagi
salita base sa kanyang tinig, kilos, at
ekspresyon ng mukha
11. Kasiyahan sa sarili habang 4.6167 .64022 Lagi
nagtuturo gamit ang wikang Filipino.
12. May tiwala ako sa aking sarili sa 4.6167 .58488 Lagi
pag-unawa sa mahihirap na konsepto
ng Asignaturang Filipino.
13. Natitiyak ko na magaling ako sa 4.5167 .59636 Lagi
26

Asignaturang Filipino at malulutas ko


ang mga pagsubok nito.
14. Kapag may bagong konseptong 4.4500 .69927 Lagi
aralin sa Filipino, iniuugnay ko ito sa
aking mga nakaraang karanasan.
15. Tuwang-tuwa ako kapag 4.6167 .58488 Lagi
nakadarama ako ng tiwala sa saril na
alam ko ang nilalaman ng isang aralin
sa Filipino.
Kabuuan 4.5357 .45924 Lagi

Batay sa lumabas na resulta sa kabuuang mean ng bawat tanong sa

talahanayan 2. Nakakuha ng pinakamataas na resulta ang tatlong pahayag,

ika-labing-isa, ika-labing-dalawa at ika-labing-lima na pahayag sa

talatanungan sa terminong “Kasiyahan sa sarili habang nagtuturo gamit ang

wikang Filipiano”, “May tiwala ako sa aking sarili sa pag-unawa sa mahihirap

na konsepto ng Asignaturang Filipino” at “Tuwang-tuwa ako kapag

nakadarama ako ng tiwala sa saril na alam ko ang nilalaman ng isang aralin

sa Filipino” na may 4.6167 mean iskor na ang katumbas ay “lagi” sa

pasalitang paglalarawan. Ibig sabihin nito malaki ang lebel ng kumpyansa sa

sarili ng mga respondente dahil mas naipapaintindi ng BSED major in Filipino

ang kanilang pagtuturo ng maayos, malinaw at masigla. Ang mga ibang

tanong naman ay nakakuha ng mean na 4.2667 hanggang 4.5667 na ang

katumbas ay “lagi”.
27

Sa talahanayan 3 inilarawan ang ugnayan ng kahusayan sa wikang

Filipino at ang kumpyansa sa sarili sa pagtuturo ng mga mag-aaral sa BSED

major in Filipino sa Central Mindanao Colleges ng Kidapawan City. Sa

lumabas na resulta, napag-alaman na ang kahusayan sa wikang Filipino ay

may makabuluhang ugnayan sa kumpyansa sa sarili ng mga mag-aaral na

may kabuuang resultang 0.671**.

Talahanayan 3. Makabuluhang ugnayan sa pagitan ng kahusayan sa wikang Filipino


at kumpyansa sa sarili
Malayang baryabol Kumpyansa sa sarili
R p-value Remarks

Kahusayan sa wikang Filipino .671** .000 Significant

Para nina Barberos et al. (2018). kapag ang mga mag-aaral ay

motibado, ang pagkatuto ay madaling nagaganap. Gayunpaman, ang

pagganyak ng mga mag-aaral upang matuto ay nangangailangan ng

napakahirap na papel sa bahagi ng guro. Ito ay nangangailangan ng iba’t

ibang mga estilo ng pagtuturo o pamamaraan upang makuha ang mga interes

ng mga mag-aaral. Higit sa lahat, ang guro ay dapat magkaroon ng sapat na

kaalaman sa mga layunin at pamantayan ng kurikulum, kasanayan sa

pagtuturo, interes, pagpapahalaga at mga mithiin. Ang ilang mga mag-aaral


28

ay natural na interesado sa pag-aaral, ngunit nangangailangan sila ng

inspirasyon, hamon o pampasigla sa pag-aaral na ang mga guro ang

makapagbibigay nito. "Ang mabisang pag-aaral sa silid-aralan ay nakasalalay

sa kakayahan ng guro na panatilihin ang interes ng mga mag-aaral, na

magdadala sa kanila sa makabuluhang pag-aaral” (Erickson, 2008).

KABANATA 4

BUOD, KONKLUSYON AT MGA REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga datos na maglalahad sa

sumusunod: Buod ng pag-aaral, mga natuklasan, konklusyon at

rekomendasyon. Layunin ng mga mananaliksik na malaman at masukat ang

lebel ng kahusayan ng wikang Filipino at kumpyansa sa sarili sa pagtuturo.

Buod

Sa pamamagitan ng talatanungan na ipinasagot ng mga mananaliksik

sa mga mag-aaral ng BSED major in Filipino sa Central Mindanao Colleges ng

Kidapawan City, masusukat at malalaman ang lebel ng kahusayan sa wikang

Filipino at kumpyansa sa sarili ng mga mag-aaral sa mga salik nito; kasiyahan


29

sa sarili, estratehiya sa aktibong pagkatuto, halaga ng pag-aaral, layunin ng

pagganap, layunin ng pagkamit at pagpapasigla ng kapaligiran sa pag-aaral.

Kapag nalaman na ng mananaliksik ang sukat ng dalawang baryabol batay sa

resulta aalamin namin kung merong bang makabuluhan-ugnayan sa pagitan

ng mga salik na ito.

Ang mga natuklasan sa pag-aaral na ito ay nakabatay sa datos na

tinipon at lalong mapagtibay ng mga resulta sa ginawang pagsusuri ng isang

statistician ng mga mananaliksik. Una, nasa “lagi” ang lebel ng kahusayan sa

wikang Filipino ng mga mag-aaral ng BSED major in Filipino na nakakuha ng

kabuuang mean iskor na 4.45. Pangalawa, ang lebel sa kumpyansa sa sarili

ng mga mag-aaral sa BSED major in Filipino sa pagtuturo ay may kabuuang

mean iskor na 4.5357 na ang katumbas nito ay “lagi” sa pasalitang

paglalarawan. At ang pangatlo, Nakakuha ng kabuuang resulta na .667** ang

ugnayan ng kahusayan sa wikang Filipino at ang kumpyansa sa sarili sa

pagtuturo ng mga mag-aaral sa BSED major in Filipino sa Central Mindanao

Colleges ng Kidapawan City na mas mataas sa 0.05 pvalue. Ibig sabihin na

may makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng kahusayan sa wikang Filipino at

kumpyansa sa sarili sa pagtuturo ang mga respondente.

Konklusyon
30

Batay sa nakuhang resulta, napag-alaman na nasa lagi ang lebel ng

kahusayan ng wikang Filipino ang mga mag-aaral. Ibig sabihin ang mga mag-

aaral sa BSED major in Filipino ay mataas ang kaalaman sa pagtuturo dahil

sa lagi nila itong ipinapakita o ipinapadama sa mga mag-aaral sa bawat aralin

nilang pinag-aaralan. Sa karagdagan lumabas sa resulta na mas

naipapaintindi nila ang kanilang pagtuturo gamit ang wikang Filipino. Napag-

alaman rin ng mananaliksik na ang lebel kumpyansa sa sarili sa pagtuturo ng

mga mag-aaral sa BSED major in Filipino ay malaki dahil mas naipapaintindi

nila ang kanilang pagtuturo ng maayos, malinaw at masigla. Sa karagdagan,

ang pagtuturo na may kumpyansa sa sarili ay may malaking impluwensya sa

pagkatuto ng mga estudyante. Bukod dito natuklasan na may makabuluhang

ugnayan ang kahusayan ng wikang Filipino sa mga salik ng kumpyansa sa

sarili sa pagtuturo ng mga BSED major in Filipino. Ibig sabihin mataas pa ang

p-value sa 0.05 level of significance.

Rekomendasyon

Batay sa mga natuklasan ng mga mananaliksik, ang sumusunod na

rekomendasyon ay ilalahad:

1. Inirekomenda ng mga mananaliksik na dapat ang mga mag-aaral sa

BSED major in Filipino ay magpatuloy sa pag-aaral sa lahat ng

pagbabagong nagaganap sa larangan ng edukasyon higit na sa estilo


31

ng pagtuturo sa Asignaturang Filipino upang maging epektibo ang mga

pamamaraan.

2. Sa hinaharap pang mga pananaliksik na may kaugnay sa kahusayan

sa wikang Filipino at kumpyansa sa sarili sa pagtuturo, ang resultang

ito ay makakatulong sa mga administrasyon ng paaralan. Ang pag-

aaral na ito ay magiging isa sa mga batayan sa pagbuo ng kurikulum

sa paaralan sa pagpapanatili at pagpapalago ng makabuluhang pag-

aaral.

3. Kahit na ang pag-aaral na ito ay limitado lang sa mga mag-aaral ng

BSED major in Filipino, makakatulong rin ito sa mga mag-aaral na

malaman ang kahusayan sa wikang Filipino at kumpyansa sa sarili sa

pagtuturo na magiging gabay nila sa masiglang pag-aaral.

4. Inerekomenda din sa mga BSED major in Filipino na panatilihing ang

kumpyansa sa sarili sa pagtuturo dahil ito ay nakakatulong na mas

mapalinaw, mapaayos at mapasigla ang kanilang pagtuturo.

5. Sa pag-aaral na isinagawa ginugusto ng mga mananaliksik na

magkaroon pa ng ganitong uri ng pananaliksik upang magkaroon ng

maraming batayan ang iba pang mga susunod na mananaliksik ukol sa

ganitong pag-aaral.
32

Bibliograpiya

Chamot, A. (2015). Language learning strategy instruction: Current issues and


research. Annual Review of Applied Linguistics, 25(1), 112-130.

Chamot, A. at O’Malley. (1997). CALLA Handbook: Implementing the cognitive


academic language proficiency. TESL-Ej, 2(3), R5.

Crandall, J. (2014). Content-centered language learning. ERIC Digest. ED


367142.
Cruz, M.(2014). Mga suliranin ng mga instruktor sa pagtuturo ng Filipino sa
antas tersyaryo: Isang pag-aaral. Tuguegarao: St. Louis College.

Cummins, J. (2009). BICS and CALP. Cummins, J. Bilingual children‟s mother


tongue: Why is it important to education?

Cummins, J. et al. (2005). Affirming identity in language classrooms. The


Whole Child, 63(1). Cummins, J. Putting language proficiency in its
place: Responding to critiques of the conversation/academic language
distinction.
33

Department of Education (2020) DepEd Order No. 012, Series 2020,


“Adoptionof the Basic Education Learning Continuity Plan (BE-LCP) for
school year 2020-2021 content/uploads/2020/10/DO_s2020_032-1-
1.pdf, retrieved 10/10/2021, 8:28 p.m.

Espiritu, C. (2005). Ang panukalang bagong kurikulum ng Filipino sa antas


tersyarya. Papel na tinalakay sa Pambansang Seminar-worksyap sa
Filipino. PNU, Maynila.

Fillmore, L. at Snow, C. (2000). What teachers should know about language?.


ERIC Clearing House on Languages and Linguistics (Special Report).
101.1.92.9117. 861

Finch, A. (2002). The language clinic: The teacher as an agent of change.


Karen’s Linguistic Issues. Finch, A. The post-modern language teacher:
The future of task-based teaching.

Fortunato, T. (2007). Sistema ng paghahatid ng karunungan sa klasrum.


Banwa. Jornal sa Filipinolohiya. 3(1), 26-40.

Fraenkel, J. at Wallen, N. (2007). How to design and evaluate research in


education. (6th ed). Mc Graw Hill International Edition. Gabriel, K at
Rose, K. Pragmatics in language teaching.Cambridge University Press.

Haworth, P. (2008). Crossing borders to teach English language learners.


Teachers and Teaching: Theory and Practice. 14 (5-6), 411-430.
Ianziti, J.R. & Varshney, R. (2008). Students’ views regarding the use of the
first language: An exploratory study in a tertiary context maximizing
target language use. The Modern Canadian Language Review, 65(2),
249-273.

Ibrahim, A. (2010). ESP at the tertiary level: Current situation, application and
expectation. English Language Teaching, 8(1), 200-206.

brahim, Z. (2005). Ang kahandaan ng mga guro ng Filipino sa mga paaralang


tersyarya sa lungsod ng Cotabato. Cotabato City: Notre Dame
University.

Jones, D. (2007). Speaking, listening, planning and assessing: The teacher’s


roles in developing metacognition awareness. Early Child Development
34

Luntin, M, A. (2018). Epekto ng Kolaborasyon ng mga Asignatura sa


Akademikong Pag- aaral ng Grade 11 STEM sa Fidelis Senior High
School.

Mayor, A. (2007). Pagtuturo ng Filipino sa Antas Kolehiyo ng mga paaralang


Dominikano sa Kalakhang Maynila. Manila: Arellano University.

Mendoza, R. (2004). Mga epekto ng saloobin ng mga edukador at mga


magaaral sa Filipino: Debelopmental na modelo. Baguio City: University
of the Cordilleras. University of Michigan. (2016). Introduction to active
learning. Retrieved on April 13, 2018 from
http://www.crlt.umich.edu/active_learning_introduction.

Vygotsky, L. S. (n. d). Mind in society; development of higher psychological


processes,
p.86Retrievedfromhttp://www.ceebl.manchester.ac.uk/events/archive/
aligningcollaborativelearnin

Vygotsky.pdf. Vygotsky, L. (1978). Mind in society. the development of higher


psychological processes (Ed. by M. Cole, V. John-Steiner, S. Scribner,
& E. Souberman). Cambridge, MA: Harvard University Press. Retrieved
November 23, 2018 from http://www.hup.harvard.edu/catalog.php?
isbn=9780674576292

Vygotsky, L. (1987). The collected works of l. s. vygotsky, volume 1. problems


of general psychology. R. Reiber & A. Carton (Eds.), New York: Plenum
Press. Retrieved November 23, 2018 from
https://www.springer.com/gp/book/9780306454882 Wiesner-

Groff, A. (2018). Creating a stimulating classroom environment: definition &


strategies. Retrieved November 22, 2018 from
https://study.com/academy/lesson/creating-a-stimulating-
classroomenvironment-definition-strategies.html

Wilcoxson, C. , & Gess-Newsome, J. (2008) Active learning strategies, the


science teacher; Washington Vol. 75, Iss.: 47-52. Retrieved November
22, 2018 from https://search.proquest.com/docview/214624210?pq-
origsite=gscholar
Zwiers, J. (2005). The third language of academic English. Educating
Language Learners, 62(4).

You might also like