You are on page 1of 17

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon X

Sangay ng Bukidnon

HALAPITAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Distrito ng San Fernando

KATATASAN NG IKA LABING ISANG BAITANG SA WIKANG FILIPINO SA

PAKIKIPAGTALASTASAN

Isang Papel Panaliksik na iniharap sa Kaguruan ng Senior High School sa Halapitan National

High School, San Fernando, Bukidnon.

nina:

Lyka Justine Bayo

Nahum Dave Mancilla

Bilang pagpalatupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang pagbasa at pagsusuri ng

STEM

Ipinasa kay Gng. Shulamith Marie G. Quipanes

Oktubre 2019
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagpatupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Komunikasyon at

Pananaliksik, ang Papel na Pananliksik na ito na pinamagatang Katatasan Ng Grade 11 Senior

High Sa Wikang Filipino Sa Pakikipagtalastasan ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga

mananaliksik na binubuo ni:

LYKA JUSTINE L. BAYO

Tinatanggap bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan sa asignaturang .Pagbasa at

Pagsusuri tungo saPananaliksik ng ibat-ibang teksto.

Gng. SHULAMITH MARIE G. QUIPANES

Guro sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik


INTRODUKSYON

ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw araw. Sa

pamamagitan ng tunog at simbolo ay ating naipapahayag ang nais sabihin ng ating isipan. Sa

pagtalakay ni Halliday (1973). May gamit na instrumental ang wika. Tumutulong ito sa mga tao

upang maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Nagagamit ang wika sa

pagpapangalan, berbal na pagpapahayag, pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos at pakikipag-

usap. Dahil sa wikang nakatala sa mga aklat pangkasaysayan at panliteratura, nakikita ng bayan

ang kanyang kultura na natutuhan nitong angkinin at ipagmalaki.Filipino ang pambansang wika

ng Pilipinas, idineklara ito ni Manuel L. Quezon noong Nobyembre 13 1985 ayon sa Saligang

Batas 1987.Layunin nito na mapalaganap ang pagkakaisang pambansa. Malawak ang wikang

Filipino. Marami itong nasasaklaw na wika dahil nagsisilbi ito bilang ispesipiko, masistema at

pangkalahatang wikaayon kay (Gleason, 2000). Sumasalamin din ang wika sa kultura at pagiging

isa ng isang bansa. Ayon kay San Buenaventura (1985), ang wika ay isang ingat-yaman ng mga

tradisyong nakalagak dito. Sa madaling salita, ang wika ay kaisipan ng isang bansa kaya’t

kailanman ito’y tapat sa pangangailangan at mithiin ng sambayanan. Taglay nito ang haka-haka

at katiyakan ng isang bansa ngunit ang pangunahing ginagamit ng mga Pilipino ay ang wikang

Tagalog na kadalasang matatagpuan sa Luzon ang pamantayang bersyon ng wikang Tagalog.

Malawak ang wikang Tagalog at madami rin itong uri ngunit habang patagal ng patagal at

paunlad ng paunlad ang teknolohiya marami sa mga Filipino ang nakakaligtaang gamitin

angating wika sa kadahilanan ng pag usbong ng ibat ibang termino at salita. Marami ang
nakakalimot sa tunay na tawag o kahulugan sa kadahilanang maraming salita ang pwedeng ipalit

na mas maikli o di naman kaya’y mas madaling bigkasin. Lalo na ang mga kabataan malimit

kung gumamit. Kaugnay nito, Isa sa nagpapanatiling buhay ang wika ay ang sistema ng

edukasyon kung saan nakalagay mismo sa kurikulum ang pag aaral ng ating wika na

kinakailangan para maipasa ang ilang asignatura bilang isa sa mga kahingian. Ilan sa mga

asignaturang nangangailangan ng paggamit ng wika ay Pagbasa At Pag Susuri ng Iba’t Ibang

Teksto Tungkol Sa Pananaliksik at Komunikasyon Sa Pananaliksik Sa Wika At Kulturang

Pilipino. Pero nangangaylangan rin ng paggamit ng wikang Filipino ang iba pang asignatura para

mas lubos na maintindihan ng mga mag-aaral. Ipinapakita nito ng malinaw ang kahalagahan ng

ating wika sa pag aaral.

Ang pagtuturo ng wika sa mga mag-aaral ay konsistent o tuloy tuloyayon kay (Halliday

1973).Mula kinder hanggang sa Senior High ay mayroon pa rin. Nagkakaiba lang sa lebel batay

sa baitang. Halimbawa kung ikaw ay nasa Junior High makakatagpo ka ng iba't-ibang gawain

gaya ng pagsusuri sa ilang panitikan ngunit pag tungtong ng Senior High makakatagpo mo ang

ilang asignatura sa Filipino na nababagay sa iyong antas bilang Senior High gaya ng

pananaliksik. Sa pakikipagtalastasan ng tao sa bawat araw ng kanyang buhay, berbal man o

hindi, ang kanyang kakayahan sa pagpapahayag ay laging kasama. Sa kanyang galing sa

pagpapahayag nakasalalay ang kalinawan ng mensahe na kanyang ipinahahayag sa kapwa kaya

nararapat lamang ito hasain lalo na sa mga paaralan at sa tahanan. Ang pag aaral na ito ay

nakatuon sa pagsasalita kung saan ginagamit ito ng tao sa araw-araw na pakikipag talastasan sa

kanyang kapwa, pagpapahayag ng damdamin, pagkalat/ pagkalap ng impormasyon at marami

pang iba (Constantino, 2005). Kaya dapat ito malinang dahil may paraan ito ng paggamitbatay sa

pangangailangan at kung sino ang iyong kausap.


Ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pakikipagtalastasan ay madalas impormal o hindi

sapat sa kadahilanang maraming umusbong na bagong termino kaya mas pinipili na lang

gumamit ng mga mag-aaral ng balbal o di naman kaya ay ingles dahil dito sila mas nadadalian.

Mahalaga ang kasanayan sa pakikipagtalastasan gamit ang wika lalo na sa mga

magpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino o kaya naman kahit guro na iba ang

ispesipikasyon dahil kelangan nila gumamit ng wika para tuluyan silang maintindihan o kaya

naman ay maunawaan ang asignatura at mga nilalaman nitong lektyur.

Paglalahad ng Suliranin

Sasagutin sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:

1. Gaano katatas sa pagbigkas ng wikang Filipino ang mga Senior High?

2. Ano ang mga dahilan kung bakit ganuon ang kanilang pagsasalita?

3. Papaano makakatulong ang katatasan sa wikang filipino sa pakikipagtalastasan?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag aaral na ito ay mahalaga sa mga mag-aaral sapagkat nakakatulong ito sa

pagpapaunlad ng kanilang kakayahan at paghahasa sa kanilang kasanayan sa pakikipagtalastasan

at pakikipag usap. Maging sa mga guro, sa aspektong makakatulong sila at maaari silang maging

gabay ng mga mag-aaral sa pagpapaunlad ng kanilang kakayahan at paghahasa sa kanilang


kasanayan sa pakikipagtalastasan o pakikipag usap. Mahalaga rin ito sa mga orginasasyong pang

wika dahil makakatulong ito o magiging dagdag sa kanilang pag-aaral kaugnay sa wika. Sa mga

mananaliksik sa hinaharap, makakatulong ito sa kanilang pag aaral, lalo na kung itoy tungkol sa

wika at pakikipagtalastasan dahil maaari nilang gamitin ang pag aaral na ito bilang batayhan o

reperens ng kanilang pag-aaral.

Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng mga mananaliksik na malaman ng bawat mag-aaral ang mga suliraning

kinakaharap ng mga mag-aaral partikular na sa katatasan sa wikang Filipino ng mga mag-aaral

ng Senior High School sa sekondaryang paaralan ng Halapitan National High School.

Layunin ng pag-aaral na makamit ang sumusunod:

1. Natutukoy ang katatasan sa pagbigkas ng wikang Filipino ang mga Senior High?

2. Nalalaman ang mga dahilan kung bakit ganuon ang kanilang pagsasalita.

3. Nalalaman kung nakakatulong ba ang katatasan sa wikang filipino sa

pakikipagtalastasan.

Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa paaralang sekondarya ng Halapitan kung saan

ang mga mag-aaral ng Grade 11 Senior High ang sentro ng pag-aaral. Pag-aaralan dito ang

koneksyon sa pagitan ng epekto ng wastong paggamit ng wika. Saklaw din ng pag-aaral na ito

ang kahalagahan ng wika sa hinaharap para sa Senior High at kung paano nila gagamitin ang

wika sa pang araw-araw lalo na sa pakikipagtalastasan. Sa Grade 11 Senior High sumatutal 35

respondente sa Halapitan National High School ang bilang ng mga respondente ay ang pag-aaral

ay magtatagal lang hanggang pagtapos ng ikalawang markahan ng ikalawang semestre ng taong

pampaaralan (2019-2020).

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang mas lubos na maunawaan ng sinumang babasa nito, mahalagang bigyan ng

katuturan ang mga terminong ginamit tulad ng mga sumusunod;

Wika ay isang bahagi ng pakikipag-talastasan. Kalipunan nito ng mga simbolo, tunog, at mga

kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.

Wikang Filipino ay ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas.

Pakikipagtalastasan ay isang uri ng komunikasyon kung saan nagpapalitan ng ideya at kuro-

kuro ang mga taong nagtatalakayan. Mahalaga ito dahil malayang nasasabi ng tao ang kanilang

saloobin o anumang iniisip na may kinalaman sa paksang tinatalakay.

Katatasan ay ang galing sa pagsasalita.

Filipino ay tumutukoy sa salita o linguwahe na ginagamit ng mga Pilipino.Ito ang opisyal na

salita sa Pilipinas.
Grade 11 ay ang mga participante sa gagawing pag-aaral.

Halapitan National High School ay ang lokasyon kung saan gagawin ang pananaliksik.
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL, KONSEPTWAL NA

BALANGKAS

Kaugnayan na Pag-aaral at Literatura

Filipino ang pangunahing wika sa Pilipinas tumutukoy ito sa pangkalahatan pero ang

pinaka sentro ng wikang Filipino ay ang Tagalog (Mangahas, Philippine Daily Inquirer 2016).

Ginagamit ito sa pangaraw araw lalo na sa pakikipag talastasan. Sa panahon ngayon ang

pagkadalubhasa sa wika ay para lamang sa mga dalubwika o mga propesyong may kinalaman

dito. Ayon kay Mangyao (2016) ang wika ay dynamic o patuloy na nagbabago sa katagalan ng

panahon ito ang nagiging sanhi ng pagkalimot o hindi paggamit ng natural na anyo ng wika. Isa

na rin ang modernisasyon sa nakakaapekto sa pagbabgo ng wika sa pamamgitan ng pagbabago o

pag usbong ng mga makabagong terminolohiya na mas magpapadali sa pag bigkas (Reyes,

2016).

Nakasaad sa (Art. XIV, Sec. 6) ng Philippine Constitution sinasabing ang paggamit ng

wikang pambansa ay dapat pagyamanin at paunlarin habang tumatagal ang panahon. Nakasaad

din na kailangan mapanatili ang paggamit ng wika bilang paraan ng pakikipag talastasan sa

Pilipinas at bilang parte ng sistema ng edukasyon. Mula noon ang paggamit ng Tagalog ay

lumawak hindi na lamang sa Luzon kundi maging sa Visayas at Mindanao na rin lumawak ang

paggamit ng Tagalog at paggamit ng makrong kasanayan lalo na sa sistema ng pananalita o

pakikipag talastasan. Maraming bihasa sa ating wika lalo na ang mga dalubwika at mga nag aaral

o mananaliksik ng linguistics at mga guro sa asignturang Filipino naging dalubhasa sila sa wika

bilang requirements nila para makakuha ng digri o kaya naman makapasa. Hindi required ang
mga tao na gumamit ng purong Tagalog dahil hanggat naiintindihan ayos lang ito. Pero dahil dito

tuluyang nababon o unti-unting nalilimot ang nakagisnang wika napapalitan ng mga

terminolohiyang mas maikli o mas madali bigkasin (Baldon et.al 2014).

Ang mga salik Masining na Pagbigkas ni Zen Soriano (2013). Lakas ng

Pagbigkas, kung bumibigkas ay may mga pagkakataong mangangailangan ng malakas at

mahinang bigkas batay sa hinihingi ng kalagayan, sitwasyon, o ibigay ng bumibigkas. Bilis ng

Pagbigkas, ang Bilis ng pagbigkas ay may kaugnayan sa damdaming nais ihatid ng bumibigkas.

Halimbawa kung ang nais mo ay humingi ng tulong anong paraan ng pagbigkas ba ang dapat

gamitin? Mabilis ba o mabagal? Linaw ng Pagbigkas, iwasan ang"Pagkain" ng mga

salita.Magagawa ito kung sa pagbigkas ay bubuin ang mga patinig sa bawat pantig ng salitang

binibigkas. Hinto ang paghinto sa iba't ibang bahagi ng mga pahayag ng isang bumibigkas ay

nakapagpapadagdag sa kalinawan ng kanyang sinabi. Kapag sinabing masining na pagbigkas,ang

ibig tukuyin nito ay ang maayos,maganda, at tamang pagbigkas ng tula,talumpati,at mga tauhang

gumaganap sa dula, ayon sa mga alintuntunin ng ganitong gawain.

Kailangan ng taong matutunan ang isang wika hindi lamang upang makapagsalita bagkus

kailangan niya itong magamit sa wasto at tamang paraan. Pinakamahalagang kasanayang

pangwika ang pagsasalita. Ito ang unang natutunan ng tao simula nang isilang siya sa

pamamagitan ng kanyang pag-uha (Garcia et al., 2010). Nagsasalita ang tao para ibahagi ang

kanyang mga nasasaloob, naiisip o nadarama (Arrogante, 2007). Ang pagsasalita ang isa sa dapat

na pinakamalinang sa mga makrong kasanayan. Ang pangunahing tungkulin ng isang guro ay

sanayin ang mga estudyante sa iba’t ibang salita, pagbaybay at pagbigkas (Townsend, 2009).

Nakatutulong ang tinig sa pag-unawa sa nilalaman ng talumpati. Kailangang ibagay ang

tinig sa nilalaman ng pananalita. Isinasaalang-alang sa bahaging ito ang tulin o bilis ng


pananalita, pagbibigay-diin sa mahahalagang salita o mensahe na kailangang maunawaan ng

tagapakinig, tono ng pananalita, pagtaas at pagbaba ng tinig, at paglakas at paghina ng tinig. Ang

magandang tinig ay madaling makaakit sa madla. Iwasan ang matining na tinig o kaya ay

garalgal na tinig na parang sirang plaka.

Kahusayan sa pagsasalita, madaling maganyak na makinig ang publiko kung matatas at

mahusay magsalita ang mananalumpati/tagapagsalita. Ibinibigay ng tagapagsalita ang kanyang

tinig sa nililalaman ng kanyang talumpati. Dito rin makikita ang kasanayan sa wika ng

tagapagsalita gaya ng paggamit ng angkop na salita, wastong gramatika at wastong pagbigkas ng

mga salita. Mahalaga na maunawaan ng tagapakinig ang mensahe kaya nararapat na ibigay ang

lenggwaheng gagamitin sa uri ng tagapakinig.

Makikita rin ang kasanayan sa pagsasalita ng isang tao kungnagpamalas ito ng matatag

na damdamin, malawak na kaisipan at kasanayan sawika, retorika at balarila (Macaraig, 2000).

Ang kasanayan sa pagsasalita ay isang mabisang paraan upang matamo ang matagumpay

na pagtuturo. Sa matagal na panahon, ang kasanayan sa pagsasalita ay isang pagsubok sa

ginawang pagtuturo ng mga guro. Dito nasusukat angkakayahan ng mga guro sa tungkuling

maturuan ang mga mag-aaral sa mabutingpakikipagtalastasan o makipag-unawaan sa kaniyang

kapwa. Ito’y kawakasan ngsunud-sunod at binabalangkas ng mga aralin mula sa pagpapayaman

ng talasalitaan hanggang sa malikhaing pagsasalita (Tanawan, 2002).

Dagdag pa ni Casanova et.al, (2011), ang pag-iiba ng tono ay maaring gamitin upang

makapagdiin ng ilang mahahalagang kaisipan o konsepto, unawaing mabuti ang teksto at

iangkop ang tono sa nilalaman nito.

Isa sa mga kasanayang napapaloob sa paglinang ng makrong kasanayan sa pagsasalita ay

ang pagkukwento. Likas na sa tao ang magkwento (Lachica, 2001).


Nakatutulong ang tinig sa pag-unawa sa nilalaman ng talumpati. Kailangang ibagay ang

tinig sa nilalaman ng pananalita. Isinasaalang-alang sa bahaging ito ang tulin o bilis ng

pananalita, pagbibigay-diin sa mahahalagang salita o mensahe na kailangang maunawaan ng

tagapakinig, tono ng pananalita, pagtaas at pagbaba ng tinig, at paglakas at paghina ng tinig. Ang

magandang tinig ay madaling makaakit sa madla. Iwasan ang matining na tinig o kaya ay

garalgal na tinig na parang sirang plaka (Kabiling, 2012).

Ayon naman kay Saucer (mula kay Ranco 2002), ang kasanayan sa pagbasa ay isang

batayan upang ang mga mag-aaral ay magtagumpay sa kanilang pag-aaral. Ang pagbasa bilang

kasangkapan sa pagtuturo ay siyang susi at katunugan kaya dapat maging layunin na matulungan

ang mga mag-aaral na magkaroon ng kakayahang bumasa. Matutulungan silang magkaroon ng

kawi-wiling pagbasa at mapatunayan na ang pagbasa ay isang paraan ng pagkatuto.

Isa sa kasanayang nararapat bigyan ng pansin o ibayong diin sa pagtuturo ng Filipino

ay ang pagbasa at pagsasalita. Ito ang magiging susi sa kasanayan sa ikauunlad na matuto ang

mga bata. Kailangan din ng mga guro ng sapat na edukasyon na syang magsisilbing gabay sa

pagkatuto ng mga mag-aaral (Yarcia 2000).

Ayon nga kay Alcantara et.al, (2010), lumabas na isa sa mga dahilan ng kahinaan ng mga

mag-aaral sa pagsasalita ay kakulangan ng eksposyur at pagsasanay na gamitin ito sa pakikipag-

usap sa kanilang kasamahan.


Konseptwal na Balangkas

ESTUDYANTE

KATATASAN SA WIKANG
FILIPINO

WIKANG FILIPINO

Ang schematic diagram ay nagpapakita ng independyenteng nagbabago at


dependyenteng nagbabago sa pananaliksik
METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito ay iprinisinta ang paraan ng pananaliksik, mga pokus ng pag-aaral,

mga instrumentong pananaliksik at tritment ng mga datos.

Lokasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik naa ito ay sa Paaralan lamang ng Halapitan National High School

binabase at dito lamang nanggaling ang mga datos na kinakailaangan upang ang mga nabuong

katanungan ay masagot na siyang magbibigay dagdag kaalamaan rin para sa mga mag-aaral,

guro, mga magulang at iba pa. Sa tulong ng mga mag-aaral ng Senior High School ay nakalap

ang mga datos na kinakailangan sa kanilang pagsagot sa mga katanungan ng mananaliksik. Sa

kabuuan ay ang paaralan ng Halapitan National High School, Halapitan, San Fernando,

Bukidnon ay ang lokasyon ng pag-aaraal na ito.

Desenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay ganamitan ng diskriptibong metodolohiya sa pangangalap at

pagsusuri ng mga datos at impormasyong kailangan sa pag-aaral. Ganamit ang Rubrics,

talumpati at recorder bilang instrumentong sa pagkuha ng katatasan sa pagbigkas ng Wikang

Filipino sa pagbasa ng isang talumpati ng mga mag-aaral sa ika 11 baitang ng Halapitan National

High School- SHS sa Filipino.


Paraan ng Pananaliksik

Sa paggawa ng pananaliksik ay kinakailangan ng mga iba’t ibang paraan at istrateheya

upang talagang malaman ang sagot sa maraming suliranin nito at upang hindi rin malilimitahan

ang kaalaman ng pagsasaliksik kaya ang pananaliksik na ito ay gumamit nang ng mga paraan

upang mabuo at masagot ang mga katanungan at suliranin nang pananaliksik.

Isa sa mga paraan na ginamit ay ang pagkalap ng mga kaugnay na pag-aaral upang

maipalawak ang paksa ng pagaaral at mas madaragdagan ang mga mabubuong impormasyon

dito ay kumuha ng kaugnay na pagaaral sa website o internet dahil sa panahon ngayon ay isa sa

mga pinagkukunan ng impormasyon ay ito, dito rin ay marami ka talagang makukuha ngunit

talagang dapat ang mga datos na iyong nakukuha ay susuriing mabuti dahil mayroon ring mga

impormasyon na hindi mapagkakatiwalaan at may roon ding mga kaugnay na pagaaral sa ibang

tekstong mapagkakatiwalaan .

Ang pag-aaral na ito ay hindi rin mabubuo kung wala ang paraan ng pagkalap ng mga

datos sa pamamagitan ng pag susurbey sa mga mananaliksik sa mga mag-aaral ng naturang

paaralan na kung saan isinasagawa ito. Dito nalalaman kung ano ang reaksyon ng mga mag-

aaral ng sekondaryang paaralan ng Halapitan sa mga sagot nila sa naibigay na talaan ng mga

katanungan ng pananaliksik na ito. Pagkatapos makuha ang lahat ng kopya sa kanilang

kasagutan ay ito’y iaanalisa ng mga mananaliksik upang malaman ang kabuohang sagot ng

lugar na pinag -aralan ng nasabing pag-aaral.


Pokus ng Pag-aaral

Ang sentro ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng Grade 11, sekondaryang paaralan

ng Halapitan na kung saan ay nakaranas ng suliraning nasabi ng pananaliksik na ito.

Nang dahil sa pananaliksik na ito ay nagnanais na malaman ang katatasan ng ika 11 baitang

na mag-aaral sa wikang Filipino.

Upang malaman ang mga salik na nakaka-apekto sa mga mag aaral ay kailangan ding

malaman ang kanilang hinaing at sitwasyon na kung bakit ito nangyayari.

Ang pananaliksik na ito ay sa loob lamang ng paaralan ng Halapitan National High

School umiikot ang buong pananaliksik. Wala itong ibang binabasehan sa mga datos na nakalap

kundi galing lamang sa mga mag-aaral ng Grade 11 Senior High School na syang nagbigay ng

mga kasagutan mula sa katanungang ipinahayag ng mga mananaliksik. Ang mga mag-aaral ng

Grade 11 Senior High School lamang ang syang pangunahing respondente ng pananaliksik na ito

at sa mataas na paaralan ng Halapitan National High School lamang ang tanging pokus ng mga

mananaliksik.

Mga Instrumento ng Pananaliksik

Sa pagbuo ng pananaliksik na ito ay may mga ilang instrumentong kagamitan na ginamit ng

mga mananaliksik upang ito ay mabuo at mapaghusayan ng mga mananaliksik at maihandog ito

nang preple at tama sa mambabasa at sa ibang pang kaugnay ng pananaliksik.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamagitan ng pagsasarbey. Ang mananaliksik ay

naghanda ng isang Talumpating babasahin at Rubrics, gumamit ng recorder na naglalayong


makapangalap ng mga datos upang masuri ang tamang pagpili ng mga salita, panganagalap

( punto, hinto at diin), tinig sa pagbasa at katatasan sa pagbigkas ng mga salita sa Filipino.

Desinyo ng Sampling

Ang paraang ginamit sa pagpili ng sampol simple ramdom sampling dahil napatunayan na

ito ang ilang mananaliksik na ito ay madaling maintindihan at masagutan ng mga mag-aaral.

Pagpalagay ng mga Datos

Upang makakalap ng mga datos, gumamit ang mga mananaliksik ng isang babasahin o

talumpati at enirecord. Ang mga nalimbag na babasahin o talumpati ay ipinabasa sa anim na put

siyam (35) istudyante mula sa ika-11 baitang sa mataas na paaralan ng Halapitan.

You might also like