You are on page 1of 2

MODULE 1

VI. LEARNING ACTIVITIES

1. Bakit kinakailangang pag-aralan ng isang mag-aaral ang asignaturang Filipino?

SAGOT:

A.Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay na
katalinuhan ng lahing ating pinagmulan.

B.Upang tayo ay may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay sa mga impluwensya ng
ibang mga kabihasnang nanggagaling sa ibang mga bansa.

C.Upang mabatid natin ang mga kapintasan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang
mga ito.

D.Upang malaman ang ating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti at
mapaunlad.

E.Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-
aralan ang ating panitikan sapagkat tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga sa sariling atin.

2. Sumulat ng isang repleksiyon tungkol sa layunin ng pagtuturo ng Filipino at kung ano ang kaya
nitong itulong sa mag-aaral at bayan.

SAGOT: Ang layunin sa pagtuturo ng Filipino sa mag-aaral at sa ating bayan na kailangan ituro sa bawat
pilipino kung ano ang kahalagahan nito na dapat nating pag aralan at alamin ang Filipino ang siyang
magtuturo satin kung ano-ano ang ibat ibang wika nito at saan natin to ginagamit na dapat din ang ating
bayan ay pahalagahan at ituro din sa mga batang isisilang sa ating bansa na ang Filipino ay siyang ating
Wikang pambansa na dapat nating pahalagahan at ipagmalaki ang ating pambarnsang wika na siya din
ang dahilan Kung bakit lahat ng pilipino ay nagkakaintindihan.

3. Anu-ano ang nilalaman ng gabay pangkurikulum?

SAGOT: Ang isang gabay sa kurikulum ay isang nakabalangkas na dokumento na naglalarawan sa


pilosopiya, mga layunin, layunin, karanasan sa pag-aaral, mga mapagkukunang panturo at pagtatasa na
binubuo ng isang partikular na programang pang-edukasyon.

4. Bakit mahalaga ang constructivism sa pagtuturo ng Filipino? Ano-ano ang mga kasanayan na
maaaring malinang kung gagamitin ito ng isang guro sa kaniyang pagtuturo?

SAGOT: Napag-alaman ko na ang dalawang ito ay hindi magkahiwalay. Pagtanggap ang una nang walang
nababagong konsepto o ideya samantalang pagkilatis naman ang huli na ang ibig sabihin ay hindi lamang
basta tumatanggap kundi naghahanap ng ng katulad para sa ugnayan o nababago kaya ang kahulugan.
VII. ASSIGNMENT

1. Sumulat ng isang pagninilay (200 salita) sa kahalagahan ng kurikulum ng Filipino.

Ang paglinang ng kurikulum ay mas higit na mauunawaan amg kahulugan at kahalagahan ng kurikulum
kung ang mga guro ay nagkakasundo sa tunay na katuturanng edukasyon.Pinaniniwalaan ng mga
dalubhasa sa larangan ng pagtuturo na angedukasyon ay isang proseso kung saanang lipunan ay
naglalaan para sa pagunladng mamamayan. Kinakailangang paunlarinang mamamayan sapagkat siya ang
pinakamahalagang sangkap ng lipunan.

2. Mag-interbyu ng isang guro mula sa pampubliko o pambribadong paaralan. Magtanong ng mga


detalye kung paano nila inilalapat ng teoryang constructivism sa pagtuturo ng Filipino. Itanong kung
ano-ano ang kabutihang dulot nito sa pagkatuto ng mga mag-aaral at ibahagi sa klase.

Violeta Liban_guro sa mababang paaralan ng Busilac

Ayon sa kaniya, ang teoryang konstruktibismo ay mahalaga sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.


Halimbawa na lamang daw sa pagbabasa ng iba't ibang kuwentong pampanitikan, nalilinangang
kakayahan ng mga mag-aaral niya na makapag-isip ng may pag-unawa upang magkabuo ng
makabuluhang repleksyon mula sa nabasa.

Dagdag pa niya na naiuugnay din nila ang kanilang dating mga karanasan kung kaya'y mas madali lang
daw nauunawaan at higit na naintindihan ng mga mag-aaral ang kuwento o aralin.

Sa huli sabi niya na mahalagang magamit ang teoryang konstruktibismo nang naaayon at nahahanay sa
layunin ng aralin upang epektibong makamit ang tunguhin nito. Malaking tulong ang dulog na ito sa
paghubog ng kasanayan ng mga mag-aaral, maging sa proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral at sa
daloy ng pagtuturo ng mga guro.

You might also like