You are on page 1of 2

Ipinangako ni Commission on Higher Education and Unified Student Financial Assistance System for

Tertiary Education Board Chairman J. Prospero E. De Vera III na magkakaroon ng pagtaas sa scholarship
ng mga estudyante na kabilang sa IP group.

Ito ay matapos siyang makipagpulong noong ika-14 ng Enero, sa Gobernador ng lalawigan ng Nueva
Vizcaya na si Governor Carlos M. Padilla, kabilang ang IP Board Member na si Sammy Balinhawang,
Santa Fe Mayor Tidong A. Benito, at mga pinuno ng sampung tribo sa iba't ibang panig ng bayan.
Naganap ang nasabing pagpupulong sa Baranggay Malico, Sta. Fe, Nueva Vizcaya, noong ika-14 ng
Enero.

Labis ang papuri ni De Vera sa suporta ni Padilla at si Balinhawang sa pagsasama sama at pagtitipon
tipon ng mga pinuno ng Ayangan, Bugkalot, Gaddang, Ikalahan/Kalanguya, Ibaloi, Isinai, Iwak, Tuwali,
Kankaney, at Kalinga at mga karating lalawigan upang maihatid ang magandang pabalita ng CHED at
UniFAST sa pagpapatupad ng Free Higher Education (FHE) program.

Ipinaliwanag rin ni De Vera na pinirmahan na ni Pangulong Duterte ang 2021 GAA na naglalayong taasan
ang pondo para sa Tertiary Education Subsidy (TES) kabilang na

ang Tulong Dunong program. Kaniya ring siniwalat na maraming estudyanteng nangangailangan ng
tulong lalong lalo na sa IP group ngunit hindi sila nakikinabang sapagkat kulang sila sa impormasyon, at
walang pagsusumikap ang kanilang gobyerno upang hatiran ng tulong sapagkat sila nga ay nasa
malalayong lugar.

Ang RA 10931 o ang UAQTE ay nagbibigay ng pinansyal na tulong sa 1.8 million na estudyante sa publiko
at pribadong paaralang kolehiyo at unibersidad sa pamamagitan libreng tuition, at ang TES at mayroong
16,118 TES beneficiaries sa Rehiyon at 1,660 ang nanggaling sa Nueva Vizcaya at marami sa kanila ay
kabilang sa IP groups.

Iginiit ni De Vera na dapat dumami ang bilang ng mga makikinabang na IP. Huling sabi ni De Vera na
bibisita pa siya sa mga pinuno ng IP sa mga susunod na mga buwan upang maipatupad ng UniFAST ang
pangako ng Presidente Duterte sa mga kabataan na nangangailangan ng pinansyal na tulong aa kanilang
pagaaral.

You might also like