You are on page 1of 2

DepEd, inilatag ang mga planong tutugon sa suliraning pang-edukasyon

Ni Raniel Tuppil

Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang project MATATAG: Bansang


Makabata, Batang Makabansa bilang tugon sa mga hamong kinahaharap ng sektor ng
edukasyon sa bansa nitong Enero 30, 2023 kasabay ng Basic Education Report ng
ahensya ngayong taon.

Ayon kay Vice President at Deped Secretary Sara Duterte, ang MATATAG agenda ay
magkakaroon ng apat na kritikal na bahagi.

Una, gawing may kaugnayan ang kurikulum upang makabuo ng mga karampatan at
handa sa trabaho, aktibo, at responsableng mamamayan sa pamamagitan nang
pagrebisa sa K to 12 Curriculum upang mapaunlad ang mga mag-aaral na puno ng
kasanayan, disiplina, at pagkamakabayan.

Pangalawa, gumawa ng mga hakbang upang mapabilis ang paghahatid ng mga


pasilidad at serbisyo. Ibinahagi ng ahensya na tutugunan nila ang kakulangan sa mga
paaralan at pasilidad sa pamamagitan ng pagpapatayo ng higit 6,000 na mga silid
aralan ngayong taon.

Pangatlo, pagtaguyod ng pangangalaga sa kapakanan ng mga mag-aaral, inklusibong


edukasyon, at isang positibong kapaligiran sa pag-aaral. Pagtitibayin ng ahensya ang
kanilang pangako na lahat ng mga kabataan, matatanda, at may mga kapansanan ay
may karapatang makibahagi sa inclusive basic learning at pagtatagayod ng angkop na
kalidad ng edukasyon para sa mga ito.

Pang-apat at huli ay ang pagbibigay ng suporta sa mga guro upang makapagturo nang
maayos. Patuloy na magbibigay ang ahensya ng mga programa para sa ikauunlad ng
mga guro kabilang na ang pagbibigay ng graduate degree scholarship sa mga ito;
pagbibigay ng suporta sa mga tuntunin ng makabago at inklusibong pamamaraan sa
pagtuturo na sumusunod sa Philippine Professional Standards for Teachers (PPST).

Binigyang pagkilala naman ni Duterte ang mga guro sa pamamagitan ng planong


pagbibigay ng karagdagang benepisyo sa mga ito tulad na lamang ng pagpapalawig ng
pamamahagi ng Special Hardship Allowaces, gayundin ang pagtataguyod ng libreng
legal assistance sa mga usapin tungkol sa mga kontrata ng pautang, obligasyon, at
mga kaso.
Inaashan naman ni Duterte ang suporta ng lahat ng mga sektor ng bansa upang
maging epektibo ang pagpapatupad ng nasabing programa.

“Ngayon, ang DepEd ay nakatayo sa harap ninyo – mapagpakumbaba na humihingi ng


inyong suporta. Ang pagpapabuti ng access, equity, kalidad, katatagan at kagalingan ay
hindi mangyayari sa isang gabi, ni hindi ito magagawa ng DepEd lamang. Kailangan
natin ng pambansang pangako at patuloy na pagsisikap mula sa lahat ng sektor ng
lipunan.” ani Duterte.

“Sama sama tayo para sa isang pinahusay na sistema ng pag aaral sa bansa. Sama
sama tayo para sa bawat batang Pilipino. Para sa isang MATATAG na Bayan. Para sa
ating mahal na Pilipinas. Ang lahat – para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat pamilyang
Pilipino.” dagdag niya.

Ikinatuwa naman ng mga estudyante ang hakbang na ito ng ahensya dahil


matutugunan na aniya ng proyekto ang mga ibat-ibang suliranin na kanilang
kinakaharap.

“Sa aking palagay, ang mga hakbanging ito ay makakatulong hindi lang sa pag unlad
ng sektor sa Edukasyon kundi pati narin sa mga mag-aaral. At bilang isang estudyante,
ako ay nasisiyahan sapagkat, sa wakas [matutugunan na] ang matagal na kailangan ng
bawat kabataan; Ito ang pagkamit ng Dekalidad na Edukasyon.” ani Tristan Jil
Tolentino, isang mag-aaral.

Inaasahan naman ng mga guro at estudyante na sa pamamagitan ng proyektong ito ay


tuluyan ng mabibigyanng solusyon ang samot-saring problema na ilang taong nang
dinadaing ng mga guro at estudyante.

You might also like