You are on page 1of 1

SPECIAL EDUCATION PROGRAM, isinusulong ng DepEd

MANILA, Philippines - Pasado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang nagsusulong


para makapagtayo ng Special Education (SPED) center sa lahat ng pampubliko at pribadong
paaralan sa bansa.

Alinsunod sa Republic Act 8980o ang Early Childhood Care and Development Act (ECCD
Act), na kumikilala at nagtataguyos sa “inclusion” nga mga batang may special needs at respeto
para sa cultural diversity.

Ang isang Special Education program ay nakatutok sa pagtuturo sa mga batang may
learning, behavior, mental health, medical, o intellectual disabilities. Ang mga programa ay pinag-
aaralan at pinaghahandaan sa pamamagitan ng mga masusing training ng mga guro at espesyalista,
para lubusang suportahan ang lahat ng batang mag-aaral.Ang layunin ng espesyal na edukasyon
ay upang matiyak na ang mga estudyanteng ito ay maaaring tumagal ng bahagi sa edukasyon at
ma-access ang kurikulum hangga't maaari. Sa isip, ang lahat ng mga mag-aaral na kailangan upang
magkaroon ng pantay na access sa edukasyon upang maabot ang kanilang potensyal.

Karamihan sa atin ay nag-aral sa tradisyonal na eskwelahan mula pagkabata. Pero sa


pagdaan ng panahon, at sa patuloy na pagsasaliksik at pag-aaral ng mga nasa akademiya, may mga
nagtaguyod na rin ng mga programa at paaralan na tumutugon sa partikular na pangangailangan
ng mga bata, sa aspeto ng pagkatuto.

Bawat programa ay may mga pagkakaiba din, depende sa pilosopiya ng mga educators, sa
budget para sa programa, at sa mga batang tinuturuan.
Para sa mga magulang, hindi madaling harapin ang komplikadong sitwasyon na ito.
Isa itong journey, sabi ng isang ina, at ang paghahanap ng eskwelahan na may programang babagay
sa kanilang anak na may special needs, ay isa lamang sa mga unang hamon na haharapin ng mga
magulang at pamilya.

Ang pagpili ng eskwelahan ay isang personal na desisyon, at delikadong proseso na


kailangang pagtuunan ng pansin ng mga magulang para sa kanilang anak.

Sinasabi ng mga eksperto at educators na ang inclusion ay hindi lamang nakabubuti para
sa mga batang may special needs, kundi nagtuturo din ng mahalagang aral tungkol sa tolerance at
respeto, sa lahat ng bata.

You might also like