You are on page 1of 9

1

Kabanata I

Panimula

Ang mabuting edukasyon ay isang pangangailangan sa kapakanan ng indibidwal

at sa pag-unlad ng lipunan. Ito ay nagsisilbing instrumento na humuhubog sa isipan,

damdamin at pakikisama sa kapwa ng isang indibidwal. Ito ay pundasyon ng isang

matagumpay at maunlad na hinaharap.

Isa sa mga dahilan na nagtutulak sa isang tao upang mag-aral ay ang kanilang

mga pangarap sa buhay kung saan ang pinakamabisang paraan upang itoy makamit ay

edukasyon. Para sa mga Pilipino, higit na mahalaga ang edukasyon dahil ito ang

natatanging yaman na kanilang pinanghahawakan na hindi kailanman makukuha nino

man. At sa paglipas ng panahon, ang edukasyon sa Pilipinas ay patuloy na umuunlad. Sa

kasalukuyan ay may bagong kurikulum na sinusunod ang Pilipinas. Ito ay ang K to 12

Kurikulum kung saan naging 12 na taon nang mag-aaral ang isang bata bago makapag-

kolehiyo (Cruz, 2010).

Ang pagkakatuto ng mga bata ay hindi lamang nangyayari sa loob ng isang

paaralan. Maraming ibat ibang gawain ang humuhubog sa pagkatao ng isang indibidwal

tulad na lang ng mga isports. Ang isports ay nagbibigay ng maraming oportunidad upang

mas higit na magamit at linangin ang kanilang kakayahan. Naghahanda ito sa mga

indibidwal na harapin ang mga pagsubok sa buhay at upang matutong tumugon ng

positibi sa pagharap sa hamon at pagbabago (Reeve, wp).


2

Gayunpaman, isa sa mga layunin ng pananaliksik na ito ay upang maunawan ang

mga kinakaharap na mga suliranin ng mga atletang estudyante sa pagbabalanse ng

kanilang pag-aaral at sa paglalaro ng napili nilang isports lalo na sa pag-iimplementa ng

K to 12 Program.

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Lokal na Literatura

Ang edukasyon ay maaaring impormal o pormal. Ang impormal na edukasyon ay

ang karaniwang pagsasanay sa labas ng kinikilalang institusyon. Ayon naman sa

Enhancing Education, ang pormal na edukasyon ay nagaganap sa isang sertipikadong

paaralan kung saan may mga silid-aralan at mga mag-aaral na sama-samang natuto sa

tulong ng mga lisensyadong mga guro. Karaniwan sa mga paaralan ay may sinusunod na

sistemang pang edukasyon, kabilang na dito ang kurikulum, organisasyunal na mga

modelo, disenyo ng mga silid aralan, interaksyon ng mga guro at ng mga mag-aaral, laki

ng klase, pang-akademikong mga gawain at marami pang iba. Ang pormal na edukasyon

ay nahahati sa ibat ibang baitang; ang preschool o kindergarten, elementarya, sekondarya

at tsaka ang kolehiyo. Ang pormal na sistema ng edukasyon ay may dalawang

importanteng saklaw; ang Pampubliko at Pribadong Paaralan. Ang mga pampublikong

paaralan ay mga istitusyong hawak ng gobyerno habang ang mga pribadong paaralan

naman ay mga istitusyong nasa ilalim ng mga pribadong indibidwal o grupo (De Belen,

2011).

Sa taong 2011, pinangangasiwaan ng Department of Education (DepEd) na

magkakaroon ng pagbabago sa sistema ng pag-aaral ang K to12 basic education

program. Ninanais ng programang ito na pagbutihin ang mga kasanayan ng mga mag-
3

aaral, pagdami ng mamamayanang may kakayahan at paghanda sa mga graduates sa

pangmatagalang kaalaman at trabaho (K12Philippines, 2015). Subalit maraming naging

negatibong reaksyon ukol sa implementasyon ng bagong programa. Noong Marso 2015,

higit kumulang 15 na petisyon ang inihain sa Supreme Court kung saan nakapaloob

pagnanais nilang pagpapaliban sa pagpapatupad ng programang K to 12 (Geronimo,

2015). Nilista ng Suspend K to 12 Alliance Philippines ang mga apat na dahilan kung

bakit isuspinde and programang K to 12: Pagkukulang ng mga silid aralan, iba pang

pasilidad at modules; pagtanggal ng mga importanteng asignatura gaya ng Filipino,

Literature and Philippine Government and Constitution; ang pagkawala ng trabahao ng

mga propesor, guro at iba pang mga taong nagtatrabaho sa isang paaralan; at ang

programang K to 12 ay walang makabansang oryentasyon.

Ayon sa Department of Education (DepEd), ang ika-labing dalawang taong programa

sa pag-aaral ay ang mabuting paraan tungo sa programang batayan sa kahalagahan ng

eduksayon at ito rin ang kinikilalang istandard para sa mga estudyante at mga

propesyunal sa buong mundo. Sakob nito ang 13 na taon ng basic education at ang

pagdadagdag ng isang taon sa kindergarten at dalawang taon ng senior high school na

nag-aalok ng mga tracks na pagpipilian ng mga estudyante (i.e. Acadamic; Technical-

Vocational- Livelihood; and Sports and Arts) (Barlongo, 2015).

May dalawang mundong ginagalawan ang isang estudyanteng atleta: ang mundo ng

kompetisyon sa kaniyang larangan at ang mundo sa loob ng silid-aralan. Higit sa 400 na

estudyanteng manlalaro ang nasa isang Unibersidad. Pagsisikap sa kanilang pag-aaral at

husay sa paglalaro upang makapagbigay karangalan sa kanilang paaralan ay parehong

inasahan mula sa kanila, Ang pagiging estudyanteng atleta ay nangangailangan ng


4

disiplina. Dapat ay matutunan ng mga atleta ang tamang pagharap sa kanilang mga

gawain at responsibilidad bilang mag-aaral (Luzano, 2008).

Ayon rin naman kay Guillermo (2015), hindi sapat ang katalinuhang hatid ng mga

leksyon kung hindi naman produktibo at balance ang isang mag-aaral sa paraang dapat

niyang maipakita at linangin ang kaniyang mga kakayahan at talent. Ang kaalaman na

kinabibilangan ng isang estudyante ay hindi lamang saklaw ng apat na sulok ng sild-

aralan kundi maging sa labas ng paaralan. Dito pumapasok ang usapin patungkol sa mga

paligsahan o ang tinatawag na School Activities.

Banyagang Literatura

Ang edukasyon ay isang sistematikong proseso kung saan hinahasa ang kaalaman

at kakayahan ng isang indibidwal. Hindi lamang ito nakatuon sa intelektwal na

kakayahan ng isang tao kundi pati na rin sa aspetong pisikal, sikolohikal, moral,

ekonomiya at espiritwal. Gayunpaman, ito rin ay daan upang linangin ang isang

indibidwal at upang maging sibilisado at may respeto (Parankimalil, 2012).

Ang bilang ng taon ng pormal na edukasyon sa Pilipinas ay dating isa sa may

pinakamaikli sa buong mundo, kasama ng mga bansang Angola at Djibouti. Sinusunod

nito ang 6+4+4 na sistema kung saan mayroong anim na taon sa elementarya, apat na

taon sa sekondarya at apat na taon sa mas mataas na edukasyon (Clark, 2015).

Ang isang paaralan ay nagbibigay ng oportunidad sa bawat bata upang mahubog

ang mental, pisikal at sosyal na potensyal nila upang sila ay maging aktibong miyambro

ng samahang kinabibilangan nila. Ang mga gawaing ito ay isinasalin sa mga programa sa

pamamagitan ng mga aral o turo na pauunlarin sa bawat indibidwal bilang kapasidad ng


5

pisikal at sikolohikal na gwaian na maaaring maging instrument sa pagharap sa

nagbabago at mapaghamong lipunan (Kirchner, 2005).

Ang isport ay higit pa sa pisikal na gawain na siyang nagiging gitna na ng

atensyon ng mga bata. Ito ay mahalaga sa edukasyon at sa paghubog ng kaalaman ng

isang indibidwal. Pinapalakas din ng isport ang kompiyansa sa sarili ng bawat manlalaro.

Kung ang isang tao ay magaling sa isang bagay, paniguradong makakamit niya ang

kompiyansa sa iba pang larangan. Ito rin ay nakakapagbigay ng enerhiya at

nakakapagpababa ng depresiyon. Nakakatulong rin ito sa kasulugan ng isang tao. Ang

mga ito rin ay pinakamagandang patnubay sa pag-aaral. Sa sikolohikal na aspeto naman

ay napapabilis ng motor skills ang pagproseso ng utak ng isang atleta (Wilson, 2012).

Ang pakikilahok sa mga isports ay maaaring makapagbigay ng mga gabay na

pangkalahatan sa silid aralan at panghabambuhay. Ang paglahok sa mga paligsahan sa

isport sa paaralan ay nagtuturo sa mga bata sa pagiging handa sa isang

mapagkumpitensyang lipunan. Subalit ang paglahok sa isport ay maaari ring maging

sanhi ng mga problema sa mga mag-aaral. Inaakala nila minsan na maaari silang maging

propesyonal na atleta ng walang higit na kasanayan at pagsasanay na kinakailangan kaya

sinasara nila ang pinto sa iba pang pagkakataon tulad ng pag-aaral (Rimm, 2009).

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay nilalayon na malaman ang mga suliranin ng mga atletang

estudyante sa Senior High School at sasagutan ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang mga pangunahing suliranin ng isang atletang estudyante sa Senior High

School?

2. Paano mo hinarap ang iyong mga napagdaanan na mga suliranin?


6

Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang pagiging isang atletang estudyante ay hindi madali. Kinakailangan nito ang

higit na disiplina at ang mabuting pagharap sa mga responsibilidad ng pagiging mag-aaral

at atleta. Ang positibong resulta ng pag-aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa

mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila upang mas

maunawan ang kanilang mga kapwa mag-aaral na atleta. Upang matulungan ang mga

atletang mag-aaral na maibahagi ang kanilang mga saloobin ukol sa kanilang sitwasyon.

Sa mamamayan. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa kanila ng higit na

kaalaman ukol sa mga suliranin ng mga estudyanteng atleta.

Sa mga susunod na mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay maaaring magsilbing

gabay sa mga susunod nilang pananaliksik at maaaring magbigay ng ideya ukol sa mga

suliranin ng mga atletang estudyante.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa pag-alam ng mga suliranin ng mga

atletang estudyante ng Senior High School sa San Pedro College, Davao City sa taong

aralin 2016-2017.
7

Kabanata II

Metodolohiya

Disenyo

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa disenyo ng pamamaraang penomenohikal.

Kung saan aalamin ng mga mananaliksik ang mga suliranin ng mga atletang estudyante

sa Senior High School.

Respondente

Ang mga repondente ng pag-aaral na ito ay mga atletang estudyante ng

departamento ng Senior High School sa San Pedro College, Davao City.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng interbyu at mga

kwestyoneyr na gawa ng mga mananaliksik.

Tritment ng Datos

Ang pagkuha ng mga kasagutan ng mga respondent ang kinakailangang gawin ng

mga mananaliksik upang maibuod ang mga datos ng pag-aaral.


8

Bibliograpiya

Barlongo, C.J. (2015). Reforms in the Philippine education system: The K to 12 Program.
Business Mirror. Nakuha noong January 27, 2017 mula sa
http://www.businessmirror.com.ph/reforms-in-the-philippine-education-system-the-
k-to-12-program/

Clark, N. (2015). Education in the Philippines. World Education News & Reviews.
Nakuha noong January 27, 2017 mula sa http://wenr.wes.org/2015/06/education-
philippines

Cruz, I. (2010). Mini Critique: The K+12 debate. The Philippine Star. Nakuha noong
January 27, 2017 mula sa http://www.philstar.com/education-and-home/620399/k12-
debate

De Belen, R. T. (2011). Education Laws and Jurisprudence: A Developmental


Perspective. Quezon City, Philippines: C&E Publishing, Inc.

Department of Education. (n.d.). K to 12 General Information, Department of Education.


Nakuha noong January 27, 2017 mula sa http://www.deped.gov.ph/k-to-12/faq

Geronimo, J. Y. (2015). 2015: Protest against K to 12 at its loudest, reaches the Supreme
Court. Rappler. Nakuha noong January 27, 2017 mula sa
http://www.rappler.com/nation/116948-2015-news-yearender-k12

Guillermo, L. (2015). Epekto ng Ektra Curricular Activity. Nakuha noon January 27,
2017 mula sa www.lovelyguillermobbc.blogspot.com

K12Philippines. (2015). What is K12?. Nakuha noong January 27, 2017 mula sa
http://k12philippines.com

Kirchner, G. (2008). Physical Education for Elementary School Children. Cincinnati,


Ohio: Brown Company Publishers.

Luzano, K. (2008). Akademik vs. Atletics. Nakuha noong January 27, 2017 mula sa
http:///varsitarian.net/sports/academicsvsatheletics

Parankimalil, J. (2012). Meaning, nature and aims of education. Nakuha noong January
27, 2017 mula sa https://johnparankimalil.wordpress.com/2012/03/26/meaning-
nature-and-aims-of-education/
9

Reeve, C. (w.p.). Libangan at Paligsahan. Nakuha noong January 27, 2017 mula sa
http:///www.christopherreeve.org>site>Libangan-at-Paligsahan

Rimm, S. (2009). Paano makakatulong ang isport sa iyong mga anak. Nakuha noong
January 27, 2017 mula sa www.sylviarimm.com/article-sports

Suspend K to 12 Alliance Philippines. (2015). Suspend the implementation of the K to


12. Change.org. Nakuha noong January 27, 2017 mula sa
https://www.change.org/p/philippine-government-senate-congress-ched-deped-
suspend-the-implementation-of-k-to-12

Wilson, K. (2012). The Rate of Sports in Furthering Education. Nakuha noong January
27, 2017 mula sa http:///www.lisadunningmft.com./high_school_sports.html

You might also like