You are on page 1of 1

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA, Matagumpay na Ipinagdiwang!

Bilang paggunita sa kahalagahan ng sariling wika, idinaos sa Mababang Paaralan ng Panuca


noong ika – 2 ng Setyembre, taong 2019 ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may tema
para sa taong iyo na “Wikang Katutubo: Tungo sa Bansang Filipino”.

Hinamon ang kakayahan ng mga piling mag – aaral sa baitang isa hanggang sa baitang anim sa
iba’t ibang larangan tulad ng islogan, paggawa ng poster at ang pinaka mainit na pasiklaban sa
pagbikas ng tula.

Layunin ng paaralan na maipamalas ang abilidad at kakayahan ng mga mag – aaral sa iba’t
ibang baitang.

Mula sa pitong kalahon ng baitang isa hanggang tatlo sa pasiklaban sa pagbigkas ng tula ay
matagaumpay na nasungkit ng bibong bibo na si Dyosa Bayungan ang 1 st place, nanlo rin siya ng 1st
place sa paggawa ng poster at 2nd place naman sa islogan.

Samantala ay nakakuha rin ng parangal sa pasiklaban sa pagtula si Nicole C. Lichado, 2 nd place


at Elexis Brielle JM C. Cabadin, 3rd place. Sa pagagawa ng poster ay nagwagi naman ng 1 st place si
Jhenzrelle De Guzman at 2nd place naman sa islogan.

Hindi rin pahuhuli ang mga batang mag – aaral sa ikaapat na baitang hanggang sa ikaanim na
baitang. Panalong panalo ang batang si Trisha Gonzales na nakakuha ng 1 st place sa pasiklaban sa
“suklas tula”, 2nd place naman si Gene Bea Bautista at 3rd place si Lance Christoff Cabadin mula sa
ikaapat na baitang!

Ito ay iilan lamang sa patunay na ang mga mag -aaral sa Mababang Paaralan ng Panuca ay
may mga angking talion at talento!!

You might also like