You are on page 1of 4

Ang Ann Arbor Montessori Learning Center ay nagkaroon ng selebrasyon ng Buwan ng

Wika na may temang “Filipino at Katutubong Wika: Wika ng kapayapaan, Seguridad, at

Ingklusibong pagpapatupad ng katarungang Panlipunan.” Taun-taong nagaganap ang

Buwan ng Wika ngunit nang dahil sa nangyaring pandemya, naudlot ito ng tatlong (3)

taon at muli itong nagbalik sa loob ng paaralan at hindi na ito sa mga online platforms

lamang kagaya noong mga nakaraang taon. Apat na araw ang selebrasyon ng Buwan

ng Wika at ito ay may iba’t ibang mga patimpalak. Sa unang araw, Agosto 29, 2023,

sinimulan ito ng Tagisan sa Pagtula kung saan nakamit ni Sara Isabel F. Valencia ang

Unang Gantimpala. Sumunod dito ang Tagisan sa Paggawa ng Poster kung saan si

Benedict B. Eliot na nasa Primaryang Baitang ang nagkamit ng Unang Gantimpala, si

Matthew Enzo S. Nicolas naman sa Intermidyet, at si Lian Margaret J. Cawa naman sa

Sekondarya. Sa kaparehong araw ay nagkaroon ng Deklamasyon at inuwi ni Andrei

Nicole C. Alfonso ang Unang Gantimpala. Sumunod na araw, Agosto 30, Spoken Poetry

ang Unang Paligsahan kung saan si Alexandra Sofia C. Alfonso ang nagkamit ng

Unang Gantimpala. Ang ikalawang patimpalak sa araw na iyon ay ang Sabayang

Pagbigkas kung saan nagwagi ang Ika-anim na baitang at ang pang-huli ay ang

Tagisan ng Talino kung saan ang mga nagwagi ay sina Amber Sofia Corpuz ng

Elementarya at Jannah Mariamne A. Trinidad sa Sekondarya. Nagkaroon ng mga

kalamidad katulad ng bagyo na naging resulta ng pagbabago sa mga petsa ng mga

susunod pang mga patimpalak. Noong ika-5 ng Sityembre, nagsimula ang programa sa

panalangin na pinangunahan ni Kleigh Daphne Eva ng Ika-limang Baitang, sumunod

naman dito ang pagkumpas ng Lupang Hinirang ni Luis Fernando J. Cawa na nagmula

sa ika-12 na Baitang. Sa pag-uumpisa ng programa ay binigyan naman ni Sophia


Beatriz S. Francisco ang mga manunuod ng inspirasyonal na Pambungad na

Pananalita. Ang departamento ng CASA ay ipinrisinta ang kanilang mga magarbong

kasuotang Pinoy. Ang mga mag-aaral sa Elementarya ay nagkaroon din ng mga

presentasyon katulad na lamang ng pagsayaw nila ng ‘Manang Biday’ na tampok ang

mga mag-aaral ng Unang Baitang at Itik-Itik naman ang isinayaw ng Ikalawang Baitang.

Sa pagitan ng mga presentasyon ay ipinakilala at binigyang parangal naman ang mga

nagwagi sa Pagbigkas ng Tula na si Sara Isabel F. Valencia at Kampeon naman sa

Deklamasyon na si Andrei Nicole C. Alfonso. Ang mga mag-aaral ng Primarya (Baitang

Una hanggang Ikatlo) ay nagpakita rin ng kanilang mga magagarang kasuotang Pinoy.

Hindi pa nagtatapos ang pagpapakita ng mga kagalingan ng mga mag-aaral sa

pagsayaw. Ang mga mag-aaral ng ika-12 Baitang ng ICT ay nagsayaw sa saliw ng

‘Natatanging Sayaw’, ang Ikatlong Baitang naman ay nagsayaw ng ‘Paru-parong Bukid’,

ang Ika-apat naman na Baitang ay sumayaw ng ‘Alitaptap’, ang Ika-limang Baitang ay

sumayaw ng ‘Subli’ at ang Ika-anim na Baitang naman ay ‘Cariñosa’. Pagkatapos ng

mga presentasyon ng Folk Dance ng mga mag-aaral sa Elementarya, ipinakita naman

ng mga Intermidyet (Ika-apat hanggang Ika-anim na Baitang) ang kanilang mga nag-

gagandahang kasuotang Pinoy. Ipinamalas din ng Ika-anim na baitang ang kanilang

Sabayang Pagbigkas, sumunod naman dito ang pag-presinta ni Alexandra Sofia C.

Alfonso na Kampeon ng Spoken Poetry ng kaniyang ipinanalong piyesa. Ang ikalawang

bahagi ng programa ay ang Festival Dance, kung saan ang Ika-walong Baitang ay nag-

presinta ng kanilang interpretasyon ng Pahiyas Festival, ang Ika-siyam naman ay

Masskara Festival, Panagbenga Festival naman para sa Ika-pitong Baitang, ang Ika-

labing isa at Ika-labing dalawang Baitang naman ay Ati-atihan at ang pang-huli ay ang
Sinulog Festival na binigyang interpretasyon ng Ika-sampung Baitang. Ang isa sa

pinaka-inaabangan naman ng mga nasa mataas na paaralan ay ang tagisan ng mga

Lakan at Lakambini. Ang nag-represinta ng Ika-pitong Baitang ay sina Zianne Bautista

at Rafael Tiongson, ang Ika-walong Baitang naman ay sina Prinz Ryen Galay at Andrew

Bennet Panganiban, ang nag-represinta naman ng Ika-siyam na Baitang ay sina Sarah

Rubio at Nathan Molina, ang sa Ika-sampung Baitang naman ay sina Trey Soriano at

Chloe Kaeyth Amelano at ang pang-huli na nag-represinta ng Senior High School ay

sina Alexandra Sofia C. Alfonso at Gerard Cortes. Ang mga kalahok sa Lakan at

Lakambini ay nagpakita ng gilas, ganda at tikas ng kanilang kilos sa kanilang

natatanging Production Number. Sa pagitan ng mga tagpo ay nagpakitang gilas sa pag-

awit si Anya Jaclyn Tuñacao. Matapos nito ay ipinakita ng mga kalahok ng Lakan at

Lakambini ang kanilang natatanging kasuotan na kanilang iminodelo sa harap ng madla

at agad din itong sinundan ng Question and Answer portion mula sa mga piling hurado

ng iba’t ibang departamento ng Ann Arbor. Habang naghihintay ng resulta sa nagwagi

sa Lakan at Lakambini, nagbigay Parangal si Bb. Arlene C. Alfonso sa Baitang na

nagwagi sa Festival Dance na inuwi ng Ika-sampung Baitang. Agad din itong sinundan

ng pag-aanunsyo ng nanalo sa Lakan at Lakambini na sina Gerard P. Cortes at

Alexandra Sofia C. Alfonso. At ang pinaka-inaabangan ng lahat na Laro ng Lahi ang

aktibidad na magtatapos ng selebrasyon ng Buwan ng Wika kung saan iba’t ibang

pangkat ang mga lumahok at nanalo. Sa Tug of War ang CASA- PM ang nagkamit ng

Unang Gantimpala, at sa Primaryang Antas ay ang Ikalawang Baitang, sa Intermidyet

naman ay ang Ika-anim na Baitang at sa Sekondarya ay ang Ika-sampung Baitang Sa

larangan naman ng Relay, ang nanalo ng Unang Gantimpala ay ang mga sumusunod:
CASA-AM, Ikatlong Baitang, Ika-limang Baitang at Ika-walong Baitang. Ang

selebrasyon ay naging matagumpay at masasabing tunay na nagpakita at nagpamalas

ng pagka-Pilipino ang mga mag-aaral ng Ann Arbor Montessori.

You might also like