You are on page 1of 1

John Carlo Castillo

FILI 1023

ABE 1-1

PAPEL REAKSYON UKOL SA SATULAWITAN IX

Ang Satulawitan ay ginanap noong Marso 1, 2016 sa ating PUP Gymnasium.


Ito ay may temang Ebolusyon Ng Kulura at Sining ng Lahing Pilipino. Noong
nalaman ko na kami ay kinakailangan manood nito para sa aming finals, ako ay
nag-alangan, inisip ko agad na baka ito ay nakakabagot ngunit ako ay nagkamali.
Nang kami ay nabigyan na ng tiket at nakapasok ng gymnasium ay agad kaming
pinaupo sa sahig na may sapin na trapal at naghintay sa pagsisimula ng programa.
Kami ay kumukuha ng mga litrato namin dahil ito daw ay kailangan at naguusapusap habang naghihintay na simulant ang Satulawitan. Nang sinabi nila na ito ay
maguumpisa na, lahat ng mag-aaral sa loob ng gymnasium ay nabuhayan ng dugo.
Ang unang parte ng Satulawitan ay ang sayaw, kasunod ay tula at awitan. Ipinakita
nila kung paano binabago ng panahon ang uri ng mga sayaw pati na rin ng
pananamit ng mga Pilipino mula pa noon hanggang sa kasalukuyan. Ang mga
lumang sayaw katulad ng Awitin Mo, at Isasayaw Ko, Otso Otso at Pamela One
hanggang sa umabot sa mga kasalukuyang sayawin katulad ng K-pop, ang Mr.
Simple, Nobody at Fire. Ako ay namangha sa kanilang ipinakita hindi lang dahil
sa galling nila sumayaw o dahil sa kanilang tugmang kasuotan subalit pati na rin sa
pagpapa-alala ng mga tugtugan noong akoy maliit pa lamang. Marami akong
narinig na nagsabi ng Oy, naabutan ko pa yan, o ng Sinasayaw ko yan dati na
mga kataga. Ang pangalawang parte ng Satulawitan ay ang tula, noong tula na ay
hindi ko masyadong naintindihan ang kanilang sinasabi dahil hindi sila gumagamit
ng mikropono. Pero base sa aking nakikita ay ginawa nila ang Duplo at Karagatan,
Balagtasan, Fliptop at Spoken Word Poetry. Ako rin ay natuwa sa pagpapakita ng
rebolusyon ng ating mga awitin. Ipinakita nila ang kagandahan ng kultura at sining
ng ating bansa mula pa noon hanggang sa kasalukuyan. Ito ay nakatulong sa mga
manunuod na tangkilikin at bigyang halaga an gating kultura at sining. Ang kultura
at sining ng Pilipinas ay sumasalamin sa buhay ng mga Pilipino kaya nararapat na
ito ay hindi makalimutan.

You might also like