You are on page 1of 1

Jefferson H.

Holasca BSGE-3A
Akademiko sa Wikang Pilipino
Gawain 2: KASMALA

Ang ALAMAT ay isang Filipino pop group na nag-release ng kanilang comeback single
na KASMALA. Ito ay binubuo ng walong miyembro na nanggaling sa iba't ibang rehiyon sa
Pilipinas na gumagamit mg ibat-ibang wika sa kanilang kanta. Sila ay nagpapatuloy at
nananatiling tapat sa kanilang gusto na dalhin ang kultura at kasaysayan ng Filipino hindi lang sa
Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa. Ang KASMALA ay inilabas noong Hulyo 15, ito ay
isang salitang balbal na nagmula sa salitang “malakas”.
Ang KASMALA ay isang music video na may layuning i-promote ang ating mayamang
kulturang Pilipino sa pamamagitan ng sining. Sa kabilang banda ito rin ay nagbibigay liwanag
sa bawat sambayanang Pilipino sa harap ng mga kahirapan at kung paano tayo nagtiyaga laban
sa poot at diskriminasyon. Makikita rito ang mga ang mga eksena ng pagtatali sa isang poste
isang taong nakasuot ng katutubong kasuotan, mga perya na gumagamit ng mga taong kinulayan
upang maging hayop bilang mga atraksyon. May eksena rin na pinapakita na may isang batang
Igorot na nakatali sa isang poste at tinititigan ng mga Amerikano. Sa tingin ko ay nais ng
KASMALA na bigyang pugay ang lakas at ang pagtitiis ng mga Pilipino sa pagharap sa mga
paghihirap na ito. Ito ay magtuturo sa mga tao tungkol sa madilim na kabanata sa buhay ng mga
Pilipino at maging daan o maging isang paraan sa pagbibigay pugay sa mga Pilipino na nagdusa
at nagtiis ng poot sa ibang bansa. Pero sa halip na tingnan natin ang mga Pilipino bilang mga
biktima, gusto ng KASMALA na tingnan natin sila bilang matapang, malalakas na tao.
Ang KASMALA ay nakasulat gamit ang ibat-ibang wikang Filipino. Kinanta sa iba't
ibang wika dahil gusto nitong ipakita sa buong mundo na masarap pakinggan ang mga wikang
Filipino at ang ibat-ibang dyalekto nito. Bagama't may ilang mga dayuhang impluwensya ang
ginamit, ang pokus ay palaging sa ating sariling wika at kultura. Pinagsasama-sama ng moderno
at tradisyonal na musika at kultura ang pinapakita rito. Sa aking panonood at pakikinig sa sining
na ito ay masasabi kong nagustuhan ko ito at nakakataba lang ng puso na may mga taong
gumagawa ng musika gamit ang sariling atin para makilala ang Filipino sa buong mundo.

You might also like