You are on page 1of 2

PAGBABALIK KINANG NG OPM

By: Angelica E. Alimuin


Ang OPM o Original Pinoy Music ay organisasyong binubuo ng Filipino artists na
gumagawa ng kanta na may lingwaheng Filipino at English. Nagsimula ito noong 1970’s at
upang maitayo ang ibat ibang uri ng kakaibang musika na gawa ng pilipino kahit na patok na
patok noon ang kantang banyaga. Hindi pa noon opm ang tawag sa kantang ginawa ng pilipinong
mang aawit kundi may mag kakahiwalay ito na tawag, ito ay ang Pop Rock, Pop Jazz, at Manila
Sound na Filipino pop ballad, at kalaunan ay tinawag rin itong opm.

Maraming sumikat na mang aawit at mga kompositor sa Pilipinas ang naging tanyag at
tinitingala sa larangan ng industriya ng musika noon, isa na roon sina Rico J. Puno na kilala sya
sa mga kantang “Kapalaran”, “Buhat” at “Macho Gwapito”,Kilala rin sya sa pagsama nya ng
lirikong Filipino sa kantang Ingles na pinamagatang “The way we were” na orihinal na
pinerform ni Barbara Streisand. Noong tanong 80’s naman, ang mga kantang “Gusto kita”,”Let
the Love begin” at “Closer you and I” ay nilikha ni Gino Padilla na nanalo ng Song of the year sa
Awit Awards. Isa rin sa sumikat sina Marco Sison sa kantang “Make Believe”, “Be my lady” ni
Martin Nievera, “Kahit na” ni Zsa Zsa Padilla, “Bituing walang ningning” ni Sharon Cuneta,
“Paano” ni Gary Valenciano at marami pang iba.Hindi lamang mga solo artist ang sumikat dahil
may mga ilang banda ang namayagpag sa taong 90’s, halimbawa na lamang ng “214” ng
Rivermaya, “Ligaya” ng Eraserheads, “Buloy” at “Harana” ng Parokya ni Edgar at marami pang
iba.

Sa kasalukuyan, marami narin ang umuusbong na opm artist at kinikilala narin sa kani-
kanilang komposisyon kagaya nina Moira Dela Torre sa kantang pinasikat niyang “Tadhana”,
Shanti Dope sa kantang “Nadarang” , lV of Spade sa kantang “Mundo”, “Kunwari” ng
Spongecola, at Ben & Ben sa mga pinasikat na kantang “Kathang Isip, Leaves, Ride Home”.
Idagdag narin sa listahang ito ang mga Filipino Indie Artist na gumagawa ng ingay sa larangan
ng musika halimbawa na lamang ng “Hey It’s Your Birthday”, “Beast Jesus”, “Mumuy”,
“Eggboy” at marami pang iba na talaga namang kaliwa’t kanan ang umiidolo sa kanila at
tinatangkilik na ng maraming pinoy ang kani-kanilang kanta.Ang tanong ngayon, muli nga bang
nagbalik ang pulso ng pinoy sa pagtangkilik ng opm songs? Namatay nga ba ang opm songs sa
Pilipinas at muling binigyang buhay? Ayon kay immortalsoul123 na ipinahayag sa blog site na
G.A.S.P (Generally Accepted Suju Principle. A twist to Education) na hindi namamatay ang
OPM at hindi ito kailanman mamamatay dahil habang mayroon tayong pagmamahal sa mga
kanta ng sariling atin, at mga Pilipinong mangaawit na kilala sa ibang bansa, mayroon paring
OPM. Dagdag pa nito, marami paring nagsasabing namatay ang OPM dahil sa mga banyagang
kanta particular na ang nauusong KPOP o Korean Pop na nagmula sa bansang South Korea.

Ayon naman kay Anthella na pahayag nya sa Definitely Filipino (The Blog for Online
Filipinos) ang malimit na pagyakap sa kultura ng iba ang siyang pangunahing dahilan kung bakit
tila ba hindi na nabibigyang pansin ang OPM na akala ng karamihan ay nakakatulong ito sa pag-
unlad ng bansa ngunit kasalungat ito ng totoong naidudulot nito sa atin. Dagdag pa nito, mas
maraming banyagang awitin, lenggwahe, pagkain, kagamitan, at ugali, mas nababawasan o ang
kinatatakutan nating unti-unting pagkawala ng sariling kultura. Ayon pa sa kanya, isang
malaking halimbawa na ay ang pagyabong ng KPOP sa bansa at dahil dito maramisa kabataan ay
pinag-aaralan ang wika ng bansang Korea kaysa sa Filipino at kung mapapansin hindi man lahat
ngunit karamihan sa mga Pilipino ay nalululong sa mga banyagang kantang ito na para bang
drogang hinahanap-hanap at tila ba’y mababaliw kapag nawala ito.

Sa kabila ng problemang kinakaharap ng OPM sa bansa na humantong pa sa pagkawala


nito, muli naman itong ibinubuhay ng mga taong nasa likod ng Industriya ng musika. Hindi
maikakaila ang pagkakaroon ng kahati pagdating sa larangan ng musika ang OPM songs sa
Pilipinas kung kaya’t pilit itong ibinabangon at muling binubuhay para sa ipinagmamalaking
musika ng Pilipinas.

You might also like