You are on page 1of 5

KABANTA I INTRODUKSYON

Ang musikang Pilipino ay isang halo ng Europeo, Amerikano at katutubong mga tunog. Naimpluwensyahan ang musika sa Pilipinas ng 377 taong-haba ng pamanang kolonyal ng Espanya, Kanluraning rock and roll, hip-hop at popular na musika mula sa Estados Unidos, ang katutubong musika ng populasyong Austronesian at musikang Indo-Malayan Gamelan. Ang katutubong Musika ng Pilipinas katulad ng katutubong musika ng ibang mga bansa ay sumasalamin sa buhay ng mga karaniwang tao, na kalimitan ay naninirahan sa mga bayan sa halip na mga lungsod. Katulad ng ibang mga katutubong musika sa Asya, karamihan sa mga katutubong musika ng Pilipinas ay mayroong kinalaman sa kapaligiran. Taliwas naman rito, ginagamitan ang karamihan nito ng diatonic scale sa halip na pentatonic scale. Katulad ng kabihasnan ng bansa, ang katutubong musika ng Pilipinas ay produkto ng kaniyang makulay na kasaysayan. Ang katutubong musika ng Pilipinas ay naimpluwensiyahan ng uri ng lahat ng kulturang nakaulayaw nito kaya naman hindi nakapagtatakang maging kasingtunog ito ng mga musika sa Tsina o Indya, habang ito ay tunog Europeo. Tulad ng mga taong gumagawa at gumagamit rito, ang katutubong musika ng Pilipinas ay maaaring ituring na Kanluranin o di-Kanluranin, at bagamat mayroong mga iba pang pagkakahati sa bawat isang uri ay ipinakikita pa rin nito ang kabihasnan ng isang pangkat. Sa pamamagitan ng katutubong musika, makikitang mabuti na ang mga Pilipino ay may malalim na pananampalataya sa Diyos, malalapit na mga pamilya, at makakalikasan. Ang musikang pantinig pa rin ang nananatiling pinakamahalagang anyo ng katutubong musika ng kahit na aling pangkat etniko sa Pilipinas. At bagamat mayroon ring mga musika na ginawa para sayawan, ang musikang pantinig pa rin ang pinakamaayos na natipon ng mga Akademikong Pilipino.Ayon sa aklat na Philippine Literature: Folk Songs ni Mauricia Borromeo, ang katutubong awitin ng bansa ay maaaring uriin bilang Kanluranin, Mala-Psalmo, at mga awiting Sekular mula sa mga katutubong pangkat.

Naimpluwensiyahan ng Musikang Kanluranin ang katutubong awit ng Pilipinas sa pamamagitan ng Espaa. Dahil na rin sumailalim ang Pilipinas sa pananakop ng mga Kastila sa loob ng mahigit 300 taon, hindi na nakapagtatakang makaririnig ang isang tao ng pagkakapareho sa katutubong Musika ng dalawang bansang ito. Ang ganitong uri ng musika ay kalimitang matatagpuan sa mga katutubong tinanggap ang paniniwalang Kristiyano sapagkat sila ang nagkaroon ng mas matagal na ugnayan sa mga Kastila kaysa sa mga di-Kristiyanong pangkat.

Backgrawnd ng Pag aaral Walang pwedeng tumalo sa Pinoy pagdating sa kantahan. Literal yan! Hindi yan sabisabi lang. Walang pwedeng tumalo sa Pinoy pagdating sa kantahan bastat walang kasamang Tonal Quality, Musicality, Range o kung ano pa mang mga ek-ek na iilang tao lang naman talaga ang nakakaalam. Isa ang mga pinoy sa mga lahing biniyayaan ng lubos na pagmamahal sa musika, kahit na minsan hindi pareho ang nararamdaman ng musika sa atin. Hindi ko na iisaisahin pa yung mga sikat na mang-aawit na Pinoy dahil aabutin lang tayo ng siyam-siyam kung gagawin ko pa yon. Isa na yon sa mga dahilan kung bakit nangunguna tayo sa larangang ito, at napakarami pang bagay ang nagbibigay ng katotohanan dito. Isa sa mga dahilang ito ay ang pagkahilig natin sa videoke. Ang kawawang videoke na nilalaspag ng bawat Pinoy kapag may inuman, kasal, binyag, outing, minsan kahit sa patay, at ngayon pati sa pagbabasa ng pasyon tuwing mahal na araw. Ang videoke na hindi pwedeng mawala sa kahit saan mang barangay. Ang videokeng animoy prosti na buhay hanggang gabi sa halagang 500 hanggang 1000 pesos na renta. At para nga naman talagang prosti dahil makikita mo din siya sa maliliit na cubicle-type na kwarto sa mga sulok ng malls na minsan eh magtataka ka kung videoke lang ba talaga ang pakay ng mga tao doon. Dahil nasa usapang videoke na rin naman tayo, kapansin-pansin din ang paligsahan pagdating sa scoring ng videoke na alam naman nating ginagago lang tayo. Kailangan mo lang naman sumigaw para maka 100. Hindi naman talaga ganda ng boses ang sinusukat niya kundi yung lakas ng kalabog ng sigaw at dami ng laway. Marami rin sa atin ang hindi uurong pagdating sa videoke. Dito kasi, walang singer at sintunado. Walang mataas at mababang boses. Basta sumigaw ka, perfect score ka! May isa pa akong napansin sa ating mga Pinoy. Kahit hindi naman musical ang pelikula, kailangan may kantahan. Eto yung mga tipikal na tagpo: Kakantahan ni tatay o ni Nanay ang anak at sasabihing hindi madali ang buhay, mag aral ng mabuti at magdasala bago matulog. Eto pa, yung walang kamatayang kantahan sa beach with matching 200 back-up dancers, mga salbabidang tumitilapon sa ere at ang shot ng camera ay laging nasa itaas dahil pagkatapos ng number, itataas ng lahat ang kanilang mga kamay at tatalon sabay labas ng final credits. Hindi pa kasama jan yung mga gumanap na tindera ng hopia, mais o takatak na na-discover dahil lang nag-hum ng kung anong tono habang nagtratrabaho, at presto! Sa susunod na eksena, kumakanta na siya sa isang malaking tanghalan, habang may nakatingin sa kanyang inggetera at pinapaplano kung paano pababagsakin sa ulo niya yung malaking karatula. Bukod doon, isa sa mga tatak ng mga palabas sa telebisyon eh yung mga pak na pak na theme songs nila, na kadalasan ay may pangalan ng babae sa pamagat. Yung iba naman, kapareho ng pamagat ng kanta yung mismong palabas. Mas madali nga namang matandaan yun kesa naman ang pamagat ng kanta ay Mula sa Puso, at yung pamagat ng teleserye ay Bakit nga ba ang puso pag nagmamahal na, ay sadyang nakapagtataka? o kaya vice versa. Kanyakanya ding version ang mga singers, na minsan nagkakaiba- iba lang naman sa dami ng hangin na maririnig mo sa speaker ng TV. Kitams? Lahat ng may kinalaman sa buhay ng Pinoy hindi pwedeng walang Musika at kantahan. Kaya nga may Lea, Regine, Charice, Lani, Gary V., Eheads, Rivermaya, Ryan Cayabyab, Basil Valdez, Madrigal Singers at kung sinu-sino pang patuloy na gumagawa ng pangalan sa larangan ng musika. Hindi ko naman sa sinasabing Pinoy

ang pinakamagaling sa kantahan, wala lang talagang tatapat sa Pinoy, lalo na kung Videoke ang kaharap.

Pangkayariang Konseptual / Teoretikal

You might also like