You are on page 1of 19

MUSIC V

WEEK 5 PAKSA : Vocal Timbre


Ang pag-awit ay ang pagbigkas ng may himig, ritmo at indayog. Ito ay pagbibigay buhay sa mga simbolo ng
musika sa pamamagitan ng tinig. Napakaraming sikat na Pilipinong mang-aawit sa kasalukuyan, sinu-sino
sa kanila ang kilala sa buong mundo? Bakit slia hinangaan? Iba’t iba ang mga tinig na maririnig sa mga
mang-aawit; maaring ito ay mataas, matinis, malambing, maindayog, mataginting, bahaw o
mababa.Inaasahan sa katapusan ng araling ito na mailalarawan mo ang iba’t ibang timbre ng tinig ng babae
at lalaki bilang soprano, alto, tenor at bass. Ang bawat mang-aawit ay may kanya-kanyang tinataglay na
tone color. Ito ay naglalarawan kung anong uri ng timbre mayroon ang mang-aawit. Ang kalidad ng boses
ay mailalarawan sa pamamagitan ng pakikinig sa mga awitin at masabi kung ito ay manipis, makapal,
breathy o magaan. Ang timbre ng tinig ng babae ay iba sa tinig ng lalake. Maririnig din natin kung mataas
o mababa ang range ng kanilang tinig at masasabi natin ang klasipikasyon ng kanilang tinig.

Ang timbre ay isa sa elemento ng musika kung saan tinutukoy nito ang uri ng tinig. May mga taong
nakakaawit ng mataas na tono na hindi kayang awitin ng iba. Ito’y dahil sa iba’t ibang laki at hugis ng vocal
chords. Ito rin ang dahilan kung bakit magkakaiba ang timbre ng boses.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


Nakatala sa ibaba ang ngalan ng ilang Pilipinong mang-aawit, maaring humingi ng tulong sa nakatatandang
kapatid o magulang para sa gawain.Ilarawan ang kanilang boses sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (√)
sa tamang kolum.
MUSIC V

WEEK 6 PAKSA : Instrumento ng Rondalla at Bandang Drum and Lyre

Nasubukan mo na bang manood ng mga palabas tuwing panahon ng pistahan? Anu- ano ang mga uri ng
palabas kapag may ganitong uri ng pagdiriwang? Alin sa mga palabas na ito ang nakatawag ng iyong pansin?
Makulay ang pagdiriwang ng mga kapistahan sa buong Pilipinas. Bahagi na ito ng mayamang kultura ng
mga Pilipino May makukulay na palamuti sa bawat sulok ng pamayanan, handaan, awitan sayawan at
tugtugan. Hindi maikakaila na sa bawat pagdiriwang ay hindi mawawala ang
musika, lalong-lalo na ang banda.Isa-isahin ang mga instrumentong inyong nakikita sa banda na
karaniwang makikita sa pistahan. Ilarawan ang bawat isa. Masasabi mo ba
ang pangalan ng instrumento sa pamamagitan ng pakikinig? Sa huling bahagi ng araling ito inaasahang
matutukoy mo ang mga instrumentong bumubuo sa rondalla at bandang drum and lyre at
mailalarawan ang tunog ng mga ito. Pakinggan ang pagtugtog ng iba,t ibang grupo ng bandang rondalla at
pagkumparahin ang mga tunog ng mga instrumentong bumubuo rito.

ANG RONDALLA
Nagmula pa ng ika-18 siglo ang bandang rondalla, ito ay isa sa mga impluwensiyang nakuha natin mula sa
mga Espanyol. Ang Rondalla ay kilalasa tawag na Filipino String Band. Ang salitang Rondalla ay mula sa
salitang Espanyol na RONDA na ang ibig sabihin ay harana o serenade. Binubuo ito
ng mga instrumentong kuwerdasan na di katulad ng sa Western Orchestra. Ang mga instrumento ng
rondalla ay yari sa mga kahoy tulad ng molave,yakal, narra at kamagong. Ang rondalla sa Pilipinas ay
binubuo ng anim na uri ng instrumenting kuwerdasan na tinutugtog sa pamamagitan ng pick maliban sa
baho.
Para sa karagdagang impormasyon maaring pakinggan ang rondalla sa
Youtube. (https://www.youtube.com/watch?v=zqwwqtBbbDs)

BANDANG DRUM and LYRE


Sa mga pistang bayan, karaniwang makikita ang mga banda o mas kilala sa tawag na musiko. Hindi
magiging kumpleto ang anumang kapistahan kung ito’y di sasamahan ng mga dumadagundong na musika.
Maraming uri ng ng banda ang makikita sa mga kapistahan, subalit ang pinakamadalas na maimbitahan sa
panahong ito sa mga ganitong okasyon ay ang drum and lyre band. Ang drum and lyre band ay binubuo ng
mga instrumentong perkasyon, kalimitang nagmamartsa o kasama ng mga color
guard at mga majorette, lumilibot sila sa mga lansangan bitbit ang makukulay na flag at baton.
Ang konsepto ng drum and lyre band sa Pilipinas ay nagmula sa konsepto
ng drum and bugle. Higit itong nakilala sa Pilipinas dahil mas madaling buuin ang ganitong uri
ng banda. Isa sa mga institusyong nagbibigay pansin sa pagpapalaganap ng drum lyre ay ang Philippine
Drum and Lyre Associates, Inc. (https://www.youtube.com/watch?v=sI5KGTnDHOs)
Gawain sa Pagkatuto bilang 1:
MUSIC V
WEEK 7 PAKSA : Pangkat Kawayan at Manunugtog ng Katutubong Awitin

PANIMULA
Ang musika ay bahagi na ng kultura ng mga Pilipino. Bago pa man dumating ang mga Espanyol, may mga
musika ng ginagamit ang ating mga ninuno para sa iba’t ibang uri ng pagdiriwang o ritwal tulad ng
kasal,pasasalamat sa ani, paghingi ng ulat at marami pang iba. Bawat musika ay may kani-kaniyang
instrumenting ginagamit upang makabuo ng melodiya.Ang mga katutubong instrumento ay ginagamit ng
ating mga ninuno upang makabuo ng musikang magbubuklod ang mga adhikain at damdamin ng
isang kumunidad. Inaasahang matutukoy mo ang mga instrumentong yari sa kawayan at
mailalarawan ang mga tunog na ginagawa nito. Bukod dito inaasahan din na matutukoy mo ang mga p
angkat o grupo ng mga manunugtog ng katutubong awitin. Tunay na napakayaman ng kultura ng Pilipinas
at napakamalikhain ng mga mamayan nito. Bahagi nang ating makulay na tradisyon at kultura ang
musika. (https://www.youtube.com/watch?v=TLV65sFT-MA)

PAGPAPAUNLAD
Pangkat ng Manunugtog ng Katutubong Awitin (Indigenous Musical Ensembles)
Maraming mga pangkat ng mga manunugtog ng katutubong musika o awitin sa Pilipinas. Pinakakilala
ang mga nasa lalawigan ng hilaga at timog na bahagi ng ating bansa.
Bahagi na ng ating kultura ang musika. Mayroon tayong mga awitin para sa kasal, kapanganakan,
panliligaw,pag-aani, paghingi ng ulan, pagtatanim, pakikipaglaban at marami pang iba. Ang mga pangkat
ng manunugtog na ito ay tinatawag na Indigenous Musical Ensembles. Ang ensemble ay tumutukoy sa
pangkat ng mga manunugtog, maari rin natin silang maihalintulad sa mga banda subalit ang pag-kakaiba
ay ang mga uri ng instrumentong ginagamit. (https://www.youtube.com/watch?v=Czh1oqx0Bpw)

MUSIC V
WEEK 8 PAKSA : Paglikha ng Tunog Gamit ang mga Bagay sa Paligid

Kilala mo ba si Levi Celerio? Nasubukan mo na rin bang gumawa ng musika gamit ang dahon o anumang
bagay sa iyong paligid?

Si Levi Celrio ay isang batikang manunugtog at kompositor na kilala bilang awtor ng awiting “O
Maliwanag na Buwan”, “Alibangbang” at marami pang iba. Isa siyang National Artist sa larangan ng musika.
Kilala rin siya sa paggawa ng musika buhat sa dahon ng halaman. Patunay lamang na makalilikha tayo ng
musika buhat sa

mga bagay buhat sa ating paligid. Inaasahang sa katapusan ng araling ito ay makalilikha ka ng musika buhat
sa mga bagay na makikita sa paligid. Ang pagiging malikhain ay bahagi ng sining. Sinasalamin nito ang
katauhan ng kompositor, mang-aawit o manunugtog.
(https://www.youtube.com/watch?v=zP5GX2UjxhQ)
(https://www.youtube.com/watch?v=6p0BwH59Tqw)

Pagpapaunlad
Ang musika ay nagpapahayag ng iba’t ibang saloobin at karaniwang nagkakaiba-iba ang paraan ng
pagpapahayag nito. Nakaapekto ito sa mga nakikinig sa iba’t ibang paraan. Ang musika ay makikita kahit
saan.
Kaya naman ang pagiging malikhain ng mga Pinoy ay lumalabas sa paglikha ng mga tunog gamit ang mga
bagay na makikta sa kanyang paligid. Ito ay para maglibang at makapaghatid ng kasiyahan sa mga nakikinig.
Gawain sa Pagkatuto Bilang1:
Aralin ang awiting “Leron Leron Sinta”, pumili ng isang bagay na maaring gamitin upang lumikha ng
tunog at maaring gamitin bilang instrumento. Sa saliw ng napiling bagay, awitin ang “LeronLeron Sinta”.
Maaring humingi ng tulong sa magulang o sinumang nakatatanda. Ivideo ng sarili at ipadala sa messenger
o e-mail ng guro bilang bahagi ng awtput. Markahan ang sarili sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (√)
sa kolum ng talahanayan.
ARTS V
WEEK 5-6 PAKSA : Pagsunod sa Proseso ng Paglilimbag
Ang pagsunod sa tamang proseso ay magbubunga ng kawili-wili at kaakit-akit na likhang sining.
Sa araling ito, inaasahan na masusunod mo ang mga proseso o pamamaraan sa paglikha ng sining o
dibuho sa paglilimbag: sa paglalagay ng papel sa ibabaw ng limbagang plato, pagkuskos sa likod
ng papel.
P.E. V
WEEK 5&6 – PAKSA: Sayaw na Cariñosa
Ang ating Bansang Pilipinas ay may mga pambansang simbolo o sagisag na nagpapakita ng ating kultura, tradisyon,
paniniwala at maging ideya. Kabilang na rito ang Cariñosa na tinagurian nating pambansang sayaw. Ang salitang
“Cariñosa” ay nangangahulugang mapagmahal at malambing. Itoay ilan lamang sa mga magagandang katangian
nating mga Filipino. Ang Cariñosa ay isang courtship dance o sayaw ng panliligaw na nagmula sa Visayas.
Ginagamitan itong pamaypay at panyo habang sinasayaw. Ilan sa mga galaw na makikita sa
mananayaw ay ang kanilang taguan sa isa’t isa at iba pa na nagpapakita ng lambing sa isa’t isa.

Mga Pangunahing Galaw


1. Arms in Lateral- Iunat ang braso sa iyong gilid, kanan o kaliwa. Maari mong iposisyon ang iyong mga braso sa may
baywang, sa dibdib, o sa may balikat.
2. Kumintang- Iikot ang kamay mula sa iyong galanggalangan (wrist)sa direksyong clockwise o counterclockwise.
3. Close Step- Ihakbang ang paa paabante o paatras gamit ang pattern na step, close.

TANDAAN
Kasuotan
Kababaihan: Balintawak/ Patadyong o Maria Clara Costume
Kalalakihan: Barong Tagalog at pantalong may kulay
Props
Kababaihan: Pamaypay
Kalalakihan: Panyo
Musika
Binubuo ng dalawang bahagi (I at II)
Bilang Isa, dalawa, tatlo kada isang measure
Formation
Ang magkapareha ay nakatayong magkaharap sa isa’t isa at magkalayo nang anim na metro. Ang mga kababaihan ay
nasa kanan ng mga kalalakihan.

PANIMULA

Introduksyon ng Musika
a. Magkaharap ang magkapareha.
b. Gawin ang isang three-step turn papuntang kanan upang yumuko sa isa’t isa. Hawak ng mga kababaihan ang kanila
palda habang nasa baywang naman ang mga kamay ng mga kalalakihan. (2M)

Tatlong Hakbang at Ituro ang Kabilang Paa (Three-step with a point)

Musika A
a. Simula sa kanang paa, humakbang nang tatlong beses sa kanang gilid (counts 1,2,3). Ituro ang kaliwang paa sa harap
(counts 1,2,3). Ang kanang kamay ay nasa reverse T position at ang kaliwang kamay ay nasa baywang. I-kumintang
ang kanang kamay habang ginagawa ang pagturo ng kaliwang paa. (2M)
b. Ulitin ang (a) simula ng kaliwang paa at papuntang kaliwang gilid. Baligtad ang posisyon ng kamay. (2M)
c. Ulitin ang (a) at (b) nang tatlong beses. (12M)
II
Pagturo
(Pointing)

Musika B
Magkaharap ang magkapareha. Sa figure na ito, hawak ng babae ang kaniyang palda habang nasa baywang ang mga
kamay ng mga lalaki.

a. Simula sa iyong kanang paa, humakbang ng tatlong beses papunta sa iyong kapareha sa gitna (counts 1,2,3).
Ihakbang ang kaliwang paa malapit sa iyong kanang paa (count 1). Tumigil (counts 2,3). (2M)
b. Gawin ang apat na touch steps sa harap, kanang paa at kaliwang paa (counts 1,2,3) nang salitan. Tumingin sa isa’t
isa. (4M)
c.Simula sa iyong kanang paa, humakbang nang apat na beses papunta sa lugar ng iyong kapareha, kung saan
dadaanan ninyo ang isa’t isa sa inyong kanang balikat (counts 1,2,3,1). Umikot pakanan upang humarap sa isa’t
isa at idikit ang kanang paa sa iyong kanang paa (counts 2,3) (2M)
d. Ulitin lahat (a-c) at magtatapos sa pagbalik sa inyong dating lugar (8M)

III
Magkatalikod
(Back-to-back)

Musika A
a. Ang magkapareha ay magkikita sa gitna gaya ng sa figure II (a) (counts 1,2,3,1). Umikot pakanan upang maging
magkatalikod kayong magkapareha, ang lalaki ay nasa kanan ng babae (counts 2,3). Hawak ng babae ang kanyang
palda at nasa baywang ang mga kamay ng lalaki (2M)
b. Ituro ang kanang paa sa harap at i-wiggle ang kanang hintuturo sa kaparehas sa may kanang balikat, ang kaliwang
kamay ay nasa baywang (counts 1,2). Ihakbang ang kanang paa sa gilid upang nasa gilid ka ng iyong kapareha sa may
kaliwang balikat, ilagay ang kanang kamay sa baywang (count 3). Ulitin nang tatlong beses. Ituro ang kaliwa, kanan,
kaliwang paa at i-wiggle kaliwa, kanan, kaliwang hintuturo sa iyong kapareha. Nakatayo ang magkapareha nang
magkadikit ang kanilang kaliwang balikat habang i-wiwiggle ang kanang hintuturo sa kapareha at sa kanilang
kaliwang balikat habang i-wiwiggle ang kaliwang hintuturo sa kapareha. Ang libreng kamay ay nakalagay sa baywang
(4M)
c. Umikot pakanan at magpalitan ng lugar gaya ng sa figure II (c) 2M)
d. Ulitin ang lahat (a-c) at magtatapos sa pagbalik sa inyong dating lugar (8M)

IV

Taguan sa Pamaypay
(Fanning)

Musika B
a. Magkikita ang magkapareha sa gitna gaya ng sa figure II (c) (2M)
b. Bubuksan ng babae ang hawak niyang pamaypay gamit ang kanang kamay. Ituro ang kanang paa sa harap at takpan
ang mukha gamit ang pamaypay, ang kaliwang kamay ay hawak ang palda (counts 1,2). Hahakbang ang babae gamit
ang kanang paa padikit sa kaniyang kaliwang paa (count 3). Uulitin ito nang tatlong beses, habang ginagawa ang
pagturong kaliwa, kanan, kaliwang paa. Tatakpan niya ang kanyang mukha gamit ang pamaypay (counts 1,2) sa bawat
measure (3M). Ang lalaki naman ay ituturo ang kanan at kaliwang paa nang salitan sa harap at titingnan ang babae
mula sa ilalim ng pamaypay (counts 1,2,3). Mananatili ang kanyang kamay sa baywang (4M)
c. Magpalitan ng lugar ang magkapareha gaya ng sa figure II (c) (2M)
d. Ulitin lahat (a-c), magtatapos sa pagbalik sa dating lugar (8M)
V

Pagluhod at Pagpaypay
(Kneeling and Fanning)

Musika A
a. Simula sa iyong kanang paa, humakbang nang tatlong beses papunta sa gitna. Hawak ng babae ang kaniyang palda
at nasa baywang naman ang kamay ng lalaki (counts 1,2,3). Luluhod ang lalaki sa kaniyang kanang tuhod habang
maglalakad ang babae sa may kanan ng lalaki at tatayo sa likod niya at nakaharap sa parehas na direksyon. Nasa
baywang ang mga kamay ng lalaki at palda para sa babae (counts 1,2,3) (2M)

b. Babae-Ituro ang kanan at kaliwang paa nang apat na beses nang salitan habang tinatapik ang kanan at kaliwang
balikat ng lalaki gamit ang pamaypay na nakasara. Ang malayang kamay (freehand) ay nasa palda Lalaki-Titingin sa
kaniyang kapareha mula sa kanyang kanan at kaliwang balikat nang salitan. Ang parehas na kamay ay nasa baywang
(4M)

c. Ang babae ay iikot pakanan habang ang lalaki ay tatayo papunta sa lugar ng babae gaya ng sa figure II (c)

d. Ulitin lahat (a-c)

VI
Taguan sa Panyo
(Hide-and-Seek with Handkerchief)

Musika B
a. Magkikita ang magkapareha sa gitna gaya ng sa figure II (a) counts 1,2,3). Kukuhanin ng lalaki ang panyo mula sa
kaniyang bulsa. Hahawakan ng magkapareha ang mga panyo sa magkabilang dulo nito sa isang perpendicular na
posisyon at sa gitna ng kanilang mga mukha, kung saan ang mga kamay ng lalaki ay nasa bandang itaas ng kaniyang
mukha (counts 1,2,3) (2M)
b. Ituturo ng magkapareha ang kanan at kaliwang paa nang salitan nang apat na beses gaya ng figure II (b). Babaligtarin
ang panyo sa bawat measure, kung saan sa isang measure, ang kamay ng lalaki ay nasa itaas habang itinuturo ang
kanang paa at sa susunod na measure, ang kamay ng babae ang nasa itaas habang itunuturo ang kaliwang paa. Kapag
ang kamay ay nasa ibaba, titingnan ang kapareha sa itaas ng panyo (4M)
c. Bibitawan ng babae ang panyo. Magpapalitan ng lugar ang magkapareha gaya ng sa figure II (c) (2M)
d. Ulitin lahat (a-c) at magtatapos sa pagbalik sa dating pwesto. Sa pagtatapos ng figure ay kukuhanin ng babae ang
panyo (8M)

VII

Lambingan Gamit ang Panyo


(Flirting with Handkerchief)

Musika A
Note: Kung isang pares lamang ang sumasayaw, maaari silang pumunta saanmang direksyon basta matatapos sila sa
dating pwesto sa pagtatapos ng figure.
a. Iikot ang magkapareha sa kanang balikat ng isa’t isa. Simula sa kanang paa, gawin ang walong waltz steps paharap,
papunta sa direksyong clockwise. Babae- hahawakan ang panyo sa isang dulo at ipapatong ito sa kanyang kanan at
kaliwang balikat nang salitan sa bawat measure habang lumilingon sa lalaki. Lalaki- susunod sa babae, kunwaring
inaabot ang panyo ng kanyang kanan at kaliwang kamay nang salitan (8M)
b. Umikot pakanan at ulitin ang (a) sa direksyong counterclockwise at ang babae ang magsisimula muli. Magtapos sa
pagbalik sa dating pwesto (8M)

VIII
Lambingan
(Flirting)

Musika B
a. Simula sa kanang paa, gawin ang dalawang waltz steps upang magkita sa gitna. Ang mga braso ng babae ay nasa
lateral position papunta sa magkabilang gilid. Nasa baywang naman ang mga kamay ng lalaki (2M)
b. Ang magkapareha ay gagawin ang anim na waltz steps paharap, na ang babae ang nasa unahan, papunta sa
direksyong clockwise. Parehas ang posisyon ng kamay gaya ng sa (a), ngunit ang mga daliri ng mga babae ay isa-isang
igagalaw nang mabilis nang sunod-sunod (fluttering) habang nililingon niya ang lalaki sa kaniyang kanan at kaliwang
balikat nang salitan. Sinusundan naman ng lalaki ang babae (6M)
c. Umikot pakanan. Ulitin ang (b) sa direksyong counterclockwise. Nasa unahan naman ngayon ang lalaki. Hawak ng
babae ang kanyang palda at ang mga braso naman ng lalaki ay nasa lateral position, igagalaw muli nang mabilis ang
mga daliri nang sunod-sunod (fluttering), at paminsan-minsang kinikindatan ang babae. Sa pagtatapos, magkatabi
ang magkapareha, ang babae ay nasa kanan ng lalaki (6M)

Saludo

Gawin ang isang three-step turn pakanan sa iyong pwesto at yumuko sa


isa’t isa. Hawak ng babae ang kanyang palda habang nasa baywang
naman ang mga kamay ng lalaki (3M)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


Panuto: Punuan ng angkop na salita ang mga sumusunod na talata. Pillin sa kahon at isulat ang wastong
sagot sa patlang upang mabuo ang kaisipan.

Arms in Lateral Mapagmahal


Cariñosa Pamaypay
Close step Panliligaw
Kultura Sagisag
Kumintang Taguan

Ang ating Bansang Pilipinas ay may mga pambansang simbolo o _______________ na


nagpapakita ng ating _______________, tradisyon, paniniwala at maging ideya. Kabilang na rito ang
_______________ na tinagurian nating pambansang sayaw. Ang salitang “Cariñosa” ay nangangahulugang
_______________ at malambing. Ito ay ilan lamang sa mga magagandang katangian nating mga Filipino.

Ang Cariñosa ay isang courtship dance o sayaw ng _______________ na nagmula sa Visayas.


Ginagamitan ito ng _______________ at panyo habang sinasayaw. Ilan sa mga galaw na makikita sa
mananayaw ay ang kanilang _______________ sa isa’t isa at iba pa na nagpapakita ng lambing sa isa’t isa.
Ang mga pangunahing galaw sa Cariñosa _______________, _______________, _______________.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


Isalaysay ang iyong karanasan at naramdaman habang sumasayaw ng Cariñosa. Isulat sa sagutang
papel ang iyong sagot.

HEALTH
WEEK 5&6 - PAKSA: Epekto ng sobrang paggamit ng mga drogang Gateway
Ano ang kadalasang iniinom ng iyong nanay, tatay, lolo, lola at iba pang nakaktanda sa iyong pamilya
tuwing umaga? Naranasan mo na bang uminom din nito? Ibahagi ito sa klase.
Ang katagang gateway drugs ay ginamit upang maipaliwanag ang teorya na nagsasabing ang paggamit ng
anumang droga ay maaaring maging daan upang tumaas ang panganib o posibilidad na gumamit ng iba
pang droga at magkaroon ng criminal behavior. Karaniwang halimbawa ng gateway drugs ay alcohol o
alak, marijuana cigarettes o tobacco, at caffiene na kung saan ang presyo ay kayang kaya at madaling
mabili kahit saan. Ang teorya ay nagaganap kapag ang sinuman ay nagsimulang gumamit ng marijuana,
sigarilyo, o uminom ng alak ay naging bukas din sa paggamit ng iba pang droga.

Epekto ng Caffeine
Ang caffeine ay isang karaniwang substansya na kadalasang sangkap ng iniinom na kape na may epektong
nakakagising at nakakaalisto. Ito ang dahilan kung bakit ang kape ay paboritong inumin ng marami sa atin
lalo na sa umaga o kaya sa buong maghapon para manatiling produktibo sa mga gawain sapagkat ang
caffeine ay may kakayahang mag-stimulate sa Central Nervous System (CNS), sa puso, sa mga kalamnan,
at maging sa blood pressure. Ang sobrang caffeine sa isang araw ay maaaring magdulot ng ilang epekto
sa katawan partikular sa nervous system at mga kalamnan. Kabilang dito ang sumusunod:
• insomnia o hirap sa pagtulog
• pagiging nerbyoso
• hindi mapakali
• pagiging iritable
• paghilab ng tiyan
• mabilis na pagtibok ng puso
• panginginig ng mga kalamnan

Epekto ng Tobacco
Ang sigarilyo ay naglalaman ng mahigit 7,000 kemikal at mga substansya. Maaari itong makalason at
maging sanhi ng kanser. Ang mga sumusunod ay maaaring maging resulta ng paggamit ng tabacco:
• pagkabulag
• katarata
• huminang pang-amoy at panlasa
• sakit sa puso
• peptic ulcer
• pagkakulubot ng balat
• sakit sa gilagid at pagkawala ng ngipin
• hika
Epekto ng Alcohol
Ang epekto ng alak sa atay ay ang pinakamabigat. Dahil ang alcohol ay isanglason sa katawan at ang atay
ang pangunahing bahagi ng katawan na taga-linis ng mga lason at iba’t ibang kemikal, kapag sobra ang
nainom na alak, hindi kinakaya ng atay na linisin lahat ng alcohol sa katawan, at ito ay namamaga at
nasisira. Kapag tuluyang nasira ang atay, isang kondisyong tinatawag na cirrhosis na maaaring magtuloy
sa pakasira ng bato, coma, o kamatayan. Hindi lamang atay ang apektado ng sobrang pag-inom ng alak.
Pinagaganit ng alak ang mga ugat ng dugo, na maaaring magdulot ng high blood at sakit sa puso. Marami
pang epekto sa katawan ang alak, gaya ng pagkasira sa utak ng mga brain cells, pagkasira ng pancreas,
bangungot, at iba pa.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sagutan ang mga sumusunod na tanong sa sagutang papel.
Ano-ano ang pangkalahatang epekto ng paggamit at pag-abuso sa
a.Caffeine
b.Tabako
c. Alcohol

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


A. Paano ka makaiiwas sa paggamit at pang-aabuso ng mga ito?
________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
B. Kung ikaw ay may kaibigan o kamag-anak na gumagamit at umaabuso sa mga bagay na ito.
Paano mo sila matutulungan?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
.
A. Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Pag-aralan ang sayaw na Carińosa. Ivideo ang sarili at ipadala sa messenger o e-mail ng guro bilang
bahagi ng awtput. Maaring humingi ng tulong sa magulang o sinumang nakatatanda.
B.

HEALTH V
WEEK 5-8 PAKSA : Epekto ng sobrang paggamit ng mga drogang Gateway

Anumang labis o sobra ay lubhang nakasasama. Ang isang tao ay makakaiwas sa anumang maling gawain
kung alam niya ang maaaring idulot ng mali o sobrang paggamit o pang-aabuso dito. Tulad na lamang ng
labis na paggamit o pang-aabuso sa paggamit ng caffeine, tobacco at alcohol.

Epekto ng Caffeine
Ang caffeine ay isang karaniwang substansya na kadalasang sangkap ng iniinom na kape na may epektong
nakakagising at nakakaalisto. Ito ang dahilan kung bakit ang kape ay paboritong inumin ng marami sa atin
lalo na sa umaga o kaya sa buong maghapon para manatiling produktibo sa mga gawain sapagkat
ang caffeine ay may kakayahang mag-stimulate sa Central Nervous System (CNS), sa puso, sa mga
kalamnan, at maging sa blood pressure. Ang sobrang caffeine sa isang araw ay maaaring magdulot ng ilang
epekto sa katawan partikular sa nervous system at mga kalamnan. Kabilang dito ang sumusunod:
• insomnia o hirap sa pagtulog
• pagiging nerbyoso
• hindi mapakali
• pagiging iritable
• paghilab ng tiyan
• mabilis na pagtibok ng puso
• panginginig ng mga kalamnan

Epekto ng Tobacco
Ang sigarilyo ay naglalaman ng mahigit 7,000 kemikal at mga substansya. Maaari
itong makalason at maging sanhi ng kanser. Ang mga sumusunod ay maaaring
maging resulta ng paggamit ng tabacco:
• pagkabulag
• katarata
• huminang pang-amoy at panlasa
• sakit sa puso
• peptic ulcer
• pagkakulubot ng balat
• sakit sa gilagid at pagkawala ng ngipin
• hika
Epekto ng Alcohol
Ang epekto ng alak sa atay ay ang pinakamabigat. Dahil ang alcohol ay isang lason sa katawan at
ang atay ang pangunahing bahagi ng katawan na taga-linis ng mga lason at iba’t ibang kemikal, kapag sobra
ang nainom na alak, hindi kinakaya ng atay na linisin lahat ng alcohol sa katawan, at ito ay namamaga at
nasisira. Kapag tuluyang nasira ang atay, isang kondisyong tinatawag na cirrhosis na maaaring magtuloy sa
pakasira ng bato, coma, o kamatayan. Hindi lamang atay ang apektado ng sobrang pag-inom ng alak.
Pinagaganit ng alak ang mga ugat ng dugo, na maaaring magdulot ng high blood at sakit sa puso. Marami
pang epekto sa katawan ang alak, gaya ng pagkasira sa utak ng mga brain cells, pagkasira ng
pancreas, bangungot, at iba pa.

Pag-Iwas at Pagkontrol sa Paggamit at Pag- Abuso ng Gateway Drugs (Caffeine, Tobacco & Alcohol)

Ang buhay ay ang pinakamahalagang kaloob ng Diyos sa atin at dapat lamang nating pahalagahan
at huwag sayangin. Iwanan at iwaksi na ang mga gawaing nakasanayang gawin kung ito naman ay
nakakasira sa ating katawan at sa ating pagkatao. Ugaliin natin sa ating mga sarili ang ilang mga kasanayang
nasa sa ibaba upang magawa nating makaiwas sa paggamit at pag-abuso ng gateway drugs at magkaroon ng
maganda at masiglang pangangatawan:

1. Suriin ang mga pagkaing dapat ihain sa hapag-kainan. Dapat kumain ng masustansiyang pagkain. Sundin
ang Food Pyramid.
2. Magkaroon ng regular na pakikipag-usap o komunikasyon sa bawat miyembro ng pamilya.
3. Iwasang gumamit ng mga produktong may caffeine, alcohol at tobacco.
4. Magkaroon ng disiplina sa sarili. Magdesisyon nang tama at ayon sa kabutihan at hindi nagpapadala
o nagpapaimpluwensiya sa mga sinasabi ng iba o mga kaibigan at kabarkada.
5. Mag ehersisyo araw-araw at sumali sa mga pampalakasang sports.

Gawain:

You might also like