You are on page 1of 5

Global Senior High School Department

Intramurals 2023-2024

Ipinasa nina:
Ava Germaine P. Boe
Francis Miko B. Merilles

Ipinasa kay:
G. Rodel D. Maquilan
Guro sa Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan
Araw bago ang Intramurals(Preparasyon)

Bago maganap ang taunang Intramulas, naglaan ng isang araw upang makapaghanda
ang bawat grupo na binubuo ng Anoubis, Auriphoenix, at Kamapua’a. Si Miko ay kabilang sa
grupo ng Anoubis samantalang si Ava ay nakapabilang naman sa grupo ng Auriphoenix.
Kabilang sa paghahanda ng bawat grupo ang pagsasa-ayos ng mga props na kakailanganin,
ang chants na magsisilbing boses ng mga grupo sa bawat laban na magaganap, at maging ang
pag-eensayo ng mga kalahok sa mga ibat’ ibang patimpalak na mag-aangat sa grupong
kanilang kinabibilangan. Makikita sa larawan na si Miko ay nakatulog sa sobrang pagod sa
preparasyon na ginanap sa kanilang pangkat.

Unang Araw ng Intramurals


Sa unang araw ng Intramurals,
nagkaroon ng pagtitipon ang bawat grupo
na kung saan ang pagtitipon na ito ay
naganap sa Castle bilding upang tuluyan
ng simulan ang taunang Intramurals na
pinaka-hihintay ng lahat. Sa pagtitipon ng
bawat pangkat dito nila ipinamalas ang
kanilang mga chants upang maipakita sa
mga kalaban na sila ang karapat-dapat
na manalo sa malaking kaganapan na ito
ng paaralan.
Karagdagan, sa larawan naman na ito sina Ava at Miko ay makikitang nasa quadrangle
sa harap ng Chinese faculty. Napagtanto ng dalawa na magpakuha ng larawan sapagkat ito ay
magsisilbing tala at simbolismo na magkaiba man ang kanilang pangkat na kinabibilangan at
mayroong magkaibang layunin hindi pa rin nito matitinag ang magandang samahan ng dalawa.
Bagama’t ito ang naging daan upang maging bukas ang kanilang kaisipan sa pagtanggap sa
anumang resulta ng mga patimpalak.

Isa rin sa mga highlights na naganap sa unang araw


ng Intramurals ay ang kahusayan na inihandong ng mga
mag-aaral sa Primary Department na nagbigay aliw sa mga
manonood. Bilang mga manonood at mga taga-hanga ng
mga batang ito, ang bawat grupo (Anoubis, Auriphoenix, at
Kamapua’a) ay nagkarooon ulit ng pagtitipon na isinagawa
naman sa talahiban upang panoorin ang talentong itinatangi
ng mga batang mag-aaral. Makikita rin na sa kahit anong
anggulo, ang mga mag-aaral ng Senior High School ay lubos
na sinusulit ang pagkuha ng mga iba’t ibang larawan upang
makuhanan ang masasayang kaganapan sa kadahilanang
ito na nga ang huling taon na kanilang mararanasan bilang
ang Intramurals ng Saint Joseph School bilang mga
Josephians.

Ikalawang Araw ng Intramurals

Sa ikalawang araw ng Intramurals, naganap ang


pinakahihintay at lubos na pinaghandaan ng aming
mga kaibigan na maipakita ang kanilang angking
galing sa pagsasayaw at maging sa pagtugtog ng
instrumento na may kaugnayan sa musika. Bilang mga
kaibigan, lubos ang aming pagbibigay suporta sa
kanilang mga talento dahil talaga nga namang
mahusay ang kanilang inihandog na pagganap sa
amin na kahit kami’ng mga kaibigan ay lubos ang
pagkamangha sa kanilang ipinamalas na talento.
Karagdagan, lubos lubos ang kasiyahan ng grupo ni Miko na Anoubis sapagkat napanalunan ng
aming kaibigan na si Fiona at kaniyang mga
kasama sa pagsasayaw ang unang gantimpala
para sa Hip-hop Competition. Hindi man nanalo
ang pangkat Auriphoenix sa patimpalak na ito
lubos pa rin ang kasiyahan na nadarama ni Ava
sapagkat nagbunga ang paghihirap ng
kaniyang kaibigan sa bawat ensayo at
paghahanda na pinaghirapan ng kaniyang
kaibigan.

Ikatlong Araw, ang Pagtatapos ng Taunang Intramurals

Sa ikatlo at huling araw ng


Intramurals, mayroong
cheerdance na isinagawa ng
mga mag-aaral mula sa Junior
High School. Sina Miko at Ava,
na walang partikular na gawain
o laro sa araw na iyon, ay
nagdesisyon manood ng
cheerdance habang
tinatamasa ang iba't ibang
pagkain mula sa mga stalls na naimbitahan para sa
Intramurals. Pagkatapos ng cheerdance, isinagawa ang
seremonya ng pagbibigay ng gantimpala para sa lahat ng
kalahok na nanalo sa mga iba’t ibang patimpalak, na kung
saan ang pangkat ng Auriphoenix ang itinanghal na
pangkalahatang kampeon. Sa pagtatapos ng ikatlong araw ng
Intramurals, bagamat ang pangkat ng Auriphoenix ang
itinanghal bilang pangkalahatang kampeon, makikita rin na
maraming napanalunang medalya si Miko na nagdala ng
karangalan sa kanyang pangkat na Anoubis. Si Ava naman
ay hindi rin nagpahuli sa pagtanggap ng mga gantimpala para sa kanyang pangkat. Bilang
pag-alala sa kanilang mga tagumpay at sa natatanging kaganapan, sina Miko at Ava ay
nagpakuha ng larawan pagkatapos ng kaganapan.

You might also like