You are on page 1of 3

NARRATIVE REPORT

TEACHERS’ DAY

Masayang nakiisa at ipinagdiwang ng Top Link Global College, Inc. (TLGCI) ang araw ng mga
guro noong ika-5 ng Oktubre taong kasalukuyan na may temang “Gurong Pilipino Dangal ng
Sambayanang Pilipino”. Pinangunahan ng Non-Academic Staffs at ng Supreme Student Government
(SSG) at COMELEC officers ang selebrasyong ito. Sinimulan ang programa sa panalangin, sinundan ng
pag-awit ng pambansang awit, nagbigay din ng pambungad na pananalita si Gng. Arceli E. Interior
(School Principal), sinundan ng mensaheng nagbibigay inspirasyon na nanggaling kay G. Aniceto B.
Ureta (School Director).

Nagkaroon din ng pampasiglang bilang ang mga piling mag-aaral mula sa Cultural Club, sila’y
nagbahagi ng talento sa larangan ng pagkanta at pagsayaw. Pinangaralan din ang bawat isang guro ng
sertipikong natatangi sa kanilang taglay na katangian. Nag-alay rin ang bawat mag-aaral ng pagbati sa
pamamagitan ng nilikom na bidyo ng SSG at COMELEC, gayundin ang pagbibigay ng mga bulaklak na
sumisimbolo ng pagmamahal ng bawat mag-aaral sa kani-kanilang kaguruan. At pagkayari ay nagtungo
ang bawat estudyante sa kanilang mga silid-aralan upang maghanda ng kani-kanilang surpresa o kung
paanong gimik na magbibigay galak sa kanilang gurong tagapayo, may ilang naghanda ng pagkain o di
kaya’y bumuo ng palaro na maghahatid ng kasiyahan sa bawat isa. Sina Bb. Rizalyn C. Marcelo at G.
Lawrence E. Caling ang naatasang maging tagapagpadaloy ng programa.

Sa hapon naman ay muling pinatawag ang mga guro at estudyante upang lumabas sa kani-
kanilang mga silid at inanyayahang manood sa hinandang intermission dance SSG at COMELEC.
Mayroon ring piling mag-aaral mula sa 11 – Diamond ang nagbahagi ng kanilang galing at talento sa
pagsayaw. Matapos nito ay hinati ang mga guro sa apat na grupo para sa mga palarong inihanda ng SSG
at COMELEC. Ang bawat grupo ay naatasang gumawa ng kanilang magiging pangalan sa loob lamang
ng dalawang minuto.

Ang unang grupo ay nagbigay pagkakakilanlan bilang PAMILYA MONDRAGON, ang


pangalawang grupo naman ay TEAM UWU, ang pangatlong grupo ay TEAM BOOM at ang panghuli o
ikaapat na grupo ay nagngangalang PAMILYA INAPI. Ang mga larong kanilang pinagtunggalian ay
“Calamansi relay with a Twist”, “Putukang Lobo”, “Sapuhin mo ang Itlog ko beybe”, at “Kainin mo ang
Cookie ko beybe”. Ang unang larong “Calamansi relay with a twist” ay napagtagumpayan ng mga
grupong Pamilya Mondragon at Pamilya Inapi.

Ang pangalawang laro naman na “Putukan Lobo”, ay napagwagian ng Pamilya Inapi at Team
UWU, ang ikatlong laro na “Sapuhin mo ang itlog ko beybe” ay muling nasungkit ng grupong Pamilya
Inapi at Pamilya Mondragon, at ang ika-apat o panghuling laro na “Kainin mo ang Cookie ko beybe” ay
napagtagumpayan ng grupong UWU. Sa pagtatapos ng programa ay binigyang parangal ang bawat
grupong nanalo sa pamamagitan ng munting regalong inihanda ng SSG at COMELEC officers kasunod
nun ay ang pagbibigay ng mensahe ni Bb.Pauline C. Corpuz (Pangulo ng SSG).

Habang ginaganap ang selebrasyon ay may ilang kinaharap na problema katulad na lamang ng
pagpunta o pagpasok ng ilang makukulit na mag-aaral sa mga silid aralan at ang pag tambay sa canteen
habang may programa. Ang pag sisiksikan ng mga estudyante sa baba dahil maliit ang espasyo na
nagiging dahilan kung bakit madaming nadadala sa clinic dala ng pagkahilo pero ang lahat ng ito hindi
man ganun kadali ay siniguradong nasulosyunan ng mga naatasan.

Ang mga rekomendasyon sa mga ganitong programa ay kailangan planado at napaghandaan na


ang mga gagawin.Kinakailanagang maging mas produktibo at magkaroon ang mga officer ng inisyatib
upang hindi magkagulo o mabago ang napag usapan sa pagdating ng programa. Nirerekomenda ding
pagsabihan ng bawat gurong tagapayo ang kani-kanilang estudyante na sumunod sa patakarang sinang-
ayunan ng nakatataas at sundin ang mga officer(s) na naatasang maging tagapagpagawa.

Inihanda nila: Iwinasto nila: Nabatid ni:

Elaine C. Adordionisio Pauline Joy P. Corpuz Marieta C. Espiritu


SSG President Acting OSA Head
Jairo Andrei R. Cunanan
Jonard A. Orcino
Railey M. Ferrer SSG Adviser

Samara Shame P. Quitan

Danilo T. Velasquez Jr.


SSG&COMELEC Officers
Dokumentasyon:

You might also like