You are on page 1of 2

ARAW NG PAGKILALA 2018

Panimula

(STEVEN)- Isa pong kaaya-aya at pinagpalang umaga sa

i n y o n g l a h a t a t MABUHAY! Sa umagang ito, ay ating masasaksihan ang


palatuntunan sa Araw ng Pagkilala 2018 sa Paaralang Elementarya ng Paciano Rizal, taong
pampaaralan dalawang libo labing pito- dalawang libo labing walo. Upang pormal na simulan ang ating
palatuntunan, mga magulang at iba pang mga bisita, tayo p o a y t u m a y o p a r a s a p a g p a s o k n g
mga mag-aaral na tatanggap ng karangalan ngayong araw na ito.

(ELMA LYN) - Kasalukuyan pong pumapasok ang mga batang may karangalan,

m g a n a t a t a n g i n g m a g - a a r a l s a i b a ’ t i b a n g baitang kasama ang kanilang mga magulang at


tagapayo.

(ELMALYN)- Ka s a l u k u y a n pong pumapasok ang mga natatanging mag-aaral sa

Unang Baitang kasama ang kanilang mga magulang sa ilalim ng


pamamahala ni Gng. Aida J. Villanueva.

(ELMALYN)- Mamamasdan po natin ang pagpasok ng mga natatanging mag-aaral


sa Ikalawang Baitang kasama ang mga
m a g u l a n g s a i l a l i m n g pamamahala ni Gng. Irene L. Casipe.

(STEVEN)- Gayundin po, masasaksihan ang pagpasok ng mga mga natatanging m a g - a a r a l sa

I k a t l o n g B a i t a n g k a s a m a a n g m g a m a g u l a n g s a ilalim ng pamamahala nina Gng. Leah R.


Moresco at Gng. Gricilda A. Rubiales.

(STEV EN)- Mamamalas din po ang pagpasok ng mga natatanging mag-aaral sa

I k a a p a t n a B a i t a n g k a s a m a a n g m g a m a g u l a n g s a i l a l i m n g pamamahala ni Gng. Marilyn P.


Padiernos at Bb. Elmalyn P. Bernarte.

(STEV EN) - Kasalukuyan pong pumapasok ang mga natatanging mag-aaral sa

Ikalimang Baitang kasama ang kanilang mga magulang sa ilalim ng pamamahala ni Bb. Shella C.
Aldover.

(STEVEN) -At ang pinakahuli ay ang mga guro ng Paaralan kasama ang ating butihing Punong Guro.
Palakpakan po natin sila.

Pangalawang Bahagi

(ELMALYN) -Manatili po tayong nakatayo at sabay-sabay nating awitin ang pambansang awit ng
Pilipinas sa pangunguna ni Gng. Gricilda A. Rubiales.
Ikatlong at Ikaapat na Bahagi
(ELMALYN)-Ngayon naman po ay tawagin natin si Bb. Jenny Ann G. Carabeo para sa isang maikling
panalangin kasunod ng pag-awit natin ng Himno ng Calamba na pangungunahan ni Gng. Gricilda A.
Rubiales.

Maari na po tayong maupo.


Ikalimang Bahagi

(ELMALYN)-Sa pagkakataong ito, maririnig at masasaksihan naman natin ang ating napakasipag,
napakabait, napakasupportive, at napakahusay na Punong Guro at Tagamasid Pampurok na si Gng.
Marivic R. Calderon para sa Bating Pagtanggap. Bigyan po natin siya ng masigabong palakpakan.

(STEVEN)- Maraming Salamat po Madam sa inyong mensahe.


Sa lahat ng magulang ng mga batang tatanggap ng karangalan ngayong araw na ito, mangyari po
lamang na samahan ninyo ang inyong mga anak sa pag-akyat sa entablado para tanggapin ang kani-
kanilang parangal. Maraming Salamat po.
(Pagtawag ng mga mag-aaral na tatanggap ng karangalan.)
(ELMALYN)-Grade 1
(STEVEN)-Grade 2
E- Grade 3
S- Grade 4
E- Grade 5
Last part. . .

(ELMALYN)- Nasaksihan po natin ang mga mag-aaral na tumanggap ng parangal para sa taong ito.
Ito ay isang patunay na sila ay nagpamalas ng galing sa ibat-ibang asignatura sa kani-kanilang pangkat.
Pakinggan natin ang mensahe ng isa sa ating mga dalubguro na isa ring napakahusay at
napakamaunawaing guro ng ating paaralan sa katauhan ni Gng. Glacy D. Tiongco para sa bating
pangwakas.
Ending part. . .

(STEVEN)- At diyan po nagtatapos ang ating palatuntunan sa araw na ito. Sa mga magulang na
laging umaalalay at sumusuporta sa kani-kanilang mga anak para makamit ang mga parangal na
iginawad, sa mga kapwa namin guro na walang sawang sumusuporta sa lahat ng aktibidad ng ating
paaralan, sa lahat ng mga Brgy. Officials na laging nasa tabi natin para sumuporta, at sa walang sawang
aral na ibinibigay sa atin ng ating butihing punong guro, Maraming Maraming Salamat po. Mabuhay
tayong lahat!!!

You might also like