You are on page 1of 3

BAGONG SILANG ELEMENTARY SCHOOL

Araw ng Pagkilala 2022-2023

Emcee’s Script

Magandang hapon sa ating lahat. Sama-sama nating saksihan ang Araw ng Pagkilala sa mga Batang Nagkamit ng

Karanglan sa Paaralang Elementarya ng Bagong Silang, taong panuran 2022 - 2023 na may temang “Mag-aaral ng K-12:

Hinubog ng Matatag na Edukasyon”.

I. Tunghayan natin ang pagpasok ng mga batang nagkamit ng karangalan, kasama ng kanilang mga magulang.

 Ang pagpasok ng mga guro sa Kindergarten, sa pangunguna ng Grade Chairman, Bb. Rhea D. Lucente

 Ang mga guro sa Unang Baitang, sa pangunguna ng Grade Chairman, Gng. Nenita R. Dariagan.

 Ang mga guro sa Ikalawang Baitang, sa pangunguna ng Grade Chairman, Gng. Melody A. Mimay.

 Ang mga guro sa Ikatlong Baitang, sa pangunguna ng Grade Chairman Gng. Lucia V. Marcera.

 Ang mga guro sa Ika-apat na Baitang, sa pangunguna ng Grade Chairman, G. Jessie T. Castelo

 Ang mga guro sa Ikalimang Baitang, sa pangunguna ng Grade Chairman, Gng. Nerry Z. Derramas.

 Ang mga guro sa Ika-anim na Baitang, sa pangunguna ng Grade Chairman, Bb. Melhaini T. Torres.

 Ang pagpasok ng mga kawaning di-nagtuturo sa pangunguna ni G. Ruel A. Melanio.

 Ang pagpasok ng mga SPTA Officers, sa pangunguna ni Gng. Ma. Genalyn L. Sualog, SPTA PRES.

 Ang pagpasok ng Punungguro ng Paaralang Elementarya ng Bagong Silang, Gng. Eden G. Cado

 Ang ng ating mga Panauhin, G. Christian Joseph S. Devera, G. Matin Quesada, at ang Kiwanis Club of Intercity

(Optional)Ang pagpasok ng mga tagamasid pampurok sa distrito ng Muntinlupa, Gng. Ma. Myra E. Namit

 Ang pagpasok ng ating Pansangay na Tagapanihala, Evangeline Ladines CESO

 Ang pagpasok ng ating Punong Barangay ng Sucat, Kgg. Rafael Raffy T. Sevilla

 Ang pagpasok ng ating Punonglungsod, Kgg. Mayor Rozzano Rufino B. Biazon

 Ang pagpasok ng ating Kinatawan sa Kongreso, Kgg. Mggl. Cong. Jaime R. Fresnedi.

II. Pambansang Awit, Awit ng Panalangin, Martsa ng Muntinlupa

 Ang pagpasok ng sagisag ng paaralan at ng mga Kulay. Susundan itong ng Makabayang Awit, Awit Panalangin at

Martsa ng Muntinlupa, sa pagkumpas ni Gng. Maria Edel A. Vicente, guro sa ikaapat na baitang.

III. Pakinggan natin ang isang pambungad na pananalita mula sa ating punog-guro, Gng. Eden G. Cado.
IV. Dumako tayo sa paggawad ng medalya at sertipiko sa mga batang nagkamit ng karangalan, mula sa UNA, IKALAWA

AT IKATLONG BAITANG.

Inaanyayahan ko sa ating tanghalan ang ating punongguro, G. Eden G. Cado, at ang ating mga Panauhin, sa paggawad ng

medalya at sertipiko sa mga batang nagkamit ng karangalan.

Sila ang mga batang nagkamit ng karangalan, mula sa Una, Ikalawa at Ikatlong Baitang, pasalubungan natin sila ng isang

masigabong palakpakan.

V. Isang Pampasiglang Bilang naman ang ating matutunghayan na gagampanan ng mga piling mag-aaral mula sa

Ikalimang Baitang, bigyan natin sila ng mainit na pagtanggap!

VI. Tunghayan naman natin ang paggawad ng sertipiko ng pagkilala sa mga Katuwang ng Paaralan, tinatawagan ko si

Gng. Maria Edel A. Vicente, tagapag-ugnay ng Adopt a School Program, at Gng. Angie D. Helican, tagapag-ugnay ng

Brigada Eskwela.

Inaanyayahan ko sa ating tanghalan ang ating punongguro, G. Eden G. Cado, ang mga Master Teachers sa paggawad ng

Sertipiko ng Pagkilala sa ating butihing mga Stakeholders.

VII. At ngayon ay maririnig natin ang isang mensahe mula sa ating Panauhing Pandangal na Ipapakilala ni Gng. Rhodora

C. Lerios, guro sa Ikalimang Baitang.

IX. Maraming Salamat, G. Christian Joseph S. Devera, at ngayon naman ay ating nang igawad ang Sertipiko ng pagkilala

sa Panauhing Pandangal. Inaayayahan ko ang ating Punogguro, Gng. Eden G. Cado, at ang ating mga Master Teachers, G.

Jessie T. Castelo MTII, G. Charito S. Enero MTI, Gng. Asuncion O. Bermudo MTI, at Dr. Estelita A. Sagun MTI.

X. At upang bigyan tayo ng isang pampasiglang bilang, narito ang nagwagi ng Best in Talent sa dinaos na Mr. and Ms.

Eco BSES, bigyan natin ng masigabong palapakan si Marvin G. Rivas.

XI. Ang Paggawad ng Sertipiko sa mga Kawani ng Paaralan, tinatawagan kong muli ang ating punogguro at ating mga

Master teachers.

XII. Dumako naman tayo sa Paggawad ng Sertipiko sa mga Batang Nagwagi sa Iba’t ibang Larangan
XIII. Sa puntong ito ay atin nang igagawad ang medalya at sertipiko sa mga batang nagkamit ng karangalan mula sa,

IKAAPAT, IKALIMA AT IKAANIM NA BAITANG.

Inaanyayahan ko sa ating tanghalan ang ating punongguro, G. Eden G. Cado, at ang ating mga Panauhin, sa paggawad ng

medalya at sertipiko sa mga batang nagkamit ng karangalan.

Sila ang mga batang nagkamit ng karangalan, mula sa Ikaapat, Ikalima at Ikaanim na Baitang, pasalubungan natin sila ng

isang masaganang palakpakan!

XIV. Isa na naman pampasiglang bilang ang ibibigay sa atin ng mga Kindgarten Pupils sa kanilang Itik-itik Dance na

nagpanalo sa kanila ng 1st runner up sa naganap na Division Festival of Talents. Bigyan natin sila ng mainit na

pagtanggap.

XV. Atin namang pakinggan ang Pangwakas na Pananalita mula sa ating Master Teacher II G. Jessie T. Castelo.

XVI. Sama-sama nating awitin ang Himno ng Paaralang Elementarya ng Bagong Silang, sa pagkumpas muli ni Gng.

Maria Edel A. Vicente.

XVII. Saksihan natin ang paglabas ng mga Kulay, Sagisag ng Paaralan, mga panauhin, mga Guro at pamunuan ng

Paaralan, mga magulang, at mga batang nagkamit ng karangalan.

Maraming maraming salamat po, at muli, ay isang magandang hapon.

You might also like