You are on page 1of 9

Ika – 77 PALATUNTUNAN NG PAGTATAPOS

PAARALANG ELEMENTARYA NG HEN. PIO DEL PILAR (Main)


PAKSA: “Gradweyt ng K to 12: Masigasig sa mga Pangarap at
Matatag sa mga Pagsubok”

SA AMING IGINAGALANG NA MGA PANAUHIN, PUNONGGURO, MGA

KAPWA KO GURO, MGA MAGULANG, MGA BATANG MAGSISIPAGTAPOS SA

UMAGANG ITO, SA LAHAT NG MGA NARIRITO, ISANG PAGBATI NG MAPAGPALA

AT MAGANDANG HApon.

Ang araw na ito ay sadyang mahalaga dahil sa hapong ito ay bibigyang

halaga at parangal ang araw ng pagtatapos ng ating mga mag-aaral mula sa ika-6

na baiting. Ang araw ng pagtatapos ang siyang hudyat na nalampasan ng mga

mag-aaral ang mga iba’t ibang pagsubok at hamon sa larangan ng edukasyon sa

loob ng pitong taon ng kanilang pag-aaral. Ito ay pagpapaptunay din ng tagumpay

ng kanilang pagsisikap at pagpupunyagi.

Halina at ating saksihan ang ika- Palatuntunan ng Pagtatapos ng

Paaralang Elementarya ng Hen. Pio del Pilar Main na may paksang “Gradweyt ng

K to 12: Masigasig sa mga Pangarap at Matatag sa mga Pagsubok”


I. Prosesyonal- Bilang pagsisimula ay saksihan natin ang pagpasok ng mga

magsisipagtapos kasama ang kanilang mga magulang. Pangungunahan

ito ng :

A. Mga natatanging mag-aaral

PANGKAT AGUINALDO - GNG. ROCHELLE T. ABDON

PANGKAT QUEZON - GNG. MARIA KRISTINE A. CENETE

PANGKAT OSMENA - G. RALF L. TEMBREVILLA

PANGKAT LAUREL - BB. SHIELA MAE R. ROSON

PANGKAT ROXAS - GNG. GRACE M. JUANGA

PANGKAT QUUIRINO - GNG. LAGRIMAS U. HILARIO

PANGKAT MAGSAYSAY - GNG. MARNELYN DOMINGO

PANGKAT GARCIA - GNG. ROSALYN M. SERRANO

SPECIAL EDUCATION - G. CARLO ODON


B. SUSUNOD AY ANG PAGPASOK NG IBA PANG MGA GURO SA IKA-

ANIM NA BAITANG

C. SUSUNDAN NMAN NG MGA GURO NG

1. KINDERGARTEN SA pamumuno ni Gng. Jerica A. Tarnate

(Gurong namumuno)

2. Mga guro sa unang baitang – sa pamumuno ni BB. Gay C.

Monterolla

3. Ikalawang BAitang - Gng. Cheriemilyn S. Candia

4. Ikatlong Baitang - BB. Stella R. Mamhot

5. Ikaapat na baitang – Gng. Elvira Alberto

6. Ikalimang Baitang – Gng. Janeth Dumaplin

7. Mga guro sa Special Education

Panauhin

Ngayon nman po ay ang pagpasok ng ating mga panauhin

1. Mga opisyal ng PANGKALAHATANG SAMAHAN NG MGA MAGULANG AT

GURO sa pamumuno ni Gng Erica Simon


2. Ang mga panauhin mula sa ating PAMAHALAANG BRGY NG PIO DEL PILAR

-MGA KAGAWAD

-PUNONG BARANGAY- KGG. HAZEL ANN LACIA

3. MGA PANAUHIN MULA SA PAMAHALAANG LUNGSOD NG MAKATI

A. KGG. MARLEN ABIGAIL S. BINAY, PUNONG LUNGSOD NG MAKATI

4. PUNONGGURO NG HEN. PIO DELPILAR ELEME. SCHOOL-MAIN- DR. RYAN C.

DE UNA

5. MGA PANAUHIN MULA SA DEPED MAKATI

GNG. RITA E. RIDDLE- PANSANGAY NA TAGAPAMANIHALA NG MGA

PAARALANG PANGLUNSOD, SANGAY NG MAKATI


II. PAGPASOK NG WATAWAT

INAANYAYAYAHAN KO ANG LAHAT NA TUMAYO NANG TUWID BILANG

PAGGALANG SA WATAWAT NG PILIPINAS

III. ANG PAGPASOK NG MGA KULAY

ANG Pambansang awit ng Pilipinas sa pagkumpas ni _________,

susundan ito ng awit panalanign at Makati March sa pagkumpas ni

________.

IV. Pagbati

Pakinggan natin ngayon ang isang pagbati mula kay ALEXZANDRA N.

LIM (batang may karangalan).

(Maraming Salamat )

V. PAGPAPAPKILALA NG MGA MAGSISISPAGTAPOS


Tunghayan naman natin ngayon ang pagpapapakilala sa mga

magsisipagtapos na gagampanan ng ating punongguro na si Dr. Ryan C.

de Una na pagtitibayin ng PANSANGAY NA TAGAPAMANIHALA NG MGA

PAARALAN SA LUNGSOD NG MAKATI, GNG. RITA E. RIDDLE.

VI. PAMAMAHAGI NG KATIBAYAN NG PAGTATAPOS

Upang ganap na kayo ay nakatapos na sa curriculum pang-elementarya,

kayo ngayon ay tatanggap ng sertipiko na ipapamahagi ng Gng. Rita E.

Riddle, at Dr. Ryan C. de una.

Pangungunahan ng mga mag-aaral sa PANGKAT AGUINALDO sa

pamamahala ni Gng. Rocelle T. Abdon.

Muli mga bata binabati ko kayo. Nawa ay patuloy kayong magsikap sa

inyong pag-aaral.

VII. Mensahe

At sa punto pong ito ay pakinggan natin ngayin ang isang mensahe na

magmumula kay KGGG.Leonor Magtolis Brinoes, Kalihim ng Kagawaran

ng Edukasyon na kakatawanin ni Gng. Rita E. Riddle, Pangsangay na


Tagapamanihala ng mga Paaralang Panglungsod ng Makati.

Maraming salamat po Mayor Binay.

VIII. PAGGAWAD NG MEDALYA, SERTIPKO

Ngayon po ay saksihan natin ang pagbibigay ng medalya sa mga

natatanging mag-aaral. Ang mga medalya ay igagawad ng ating KGG.

Mar-len Abigail S. Binay, kasama ang ating punongguro, R. Ryan C. de

Una, at ng gurong namamahala sa ika-anim na baiting, G. Ralf L.

Tembrevilla

1. Ang mga batang nagkamit ng Academic Exellence Award, Mga batang

may karangalan

2. Ang mga batang may mataas na karangalan

Sila po ang mga natatanging mag-aaral sa taong 2021-2022. Bigyan natin sila ng

masigabong palakpakan.
VII. MENSAHE
PAKINGGAN NAMAN NATIN NGAYON ANG MENSAHE NA
MAGMUMULA SA ATING KGG. MAR-LEN ABIGAIL S. BINAY, PUNONG
LUNGSOD NG MAKATI

VIII. PASASALAMAT

Pakinggan natin ang habiin/paghamon mula sa batang may


mataas na karangalan, Jay Terence M. Espiritu.

IX. PANUNUMPA NG MGA NAGSIPAGTAPOS


Saksihan naman natin ngayon ang panunumpa ng mga
nagsipagtapos sa pamumuno ni Jaden Ryle Arsenio.

X. AWIT NG MGA NAGSIPAGTAPOS


MAnatiling nakatayo para sa AWIT NG NAGSIPAGTAPOS na
susundan ng Alma Mater Song at NCR Hymn, sa pagkumpas ni
Dr. Victorina e. Mariano.

Xii. PAGLABAS NG WATAWAT

Bilang pagwawakas sa ating palatuntunan, saksihan natin ang


paglabas ng mga kulay.
XIII. RESESYUNAL

SUSUNDAN NG PAGLABAS NG MGA PANAUHIN AT MGA GURO.

ANG ATIN PONG PAARALAN AY TAOS PUSONG


NAGPAPASALAMAT SA LAHAT NG MGA PANAUHIN, MGA
GURO, MGA MAGULANG NA NAGSIPAGDALA AT NAIISA SA IKA-
77 PALATUNTUNAN NG PAGTATAPOS. AT SA INYO MGA
BATANG NAGSIPAGTAPOS, MULI ISANG MASAYANG PAGBATI
SA INYONG LAHAT, CONGRATULATIONS!

MABUHAY KAYONG LAHAT.


MAGANDANG UMAGA.

You might also like