You are on page 1of 4

UNANG SEREMONYA SA PAGTATAAS NG ANTAS

Hulyo 10, 2023


TEMA: “Gradweyt ng K to 12: Hinubog ng Matatag na Edukasyon”

 Intro – Hindi matitinag ang pagpapatuloy ng de-kalidad na edukasyon ,bagama’t


dumanas tayo ng pandemya, ang COVID 19, pinatunayan ito ng makabuluhang
pagtatapos ng panuruang 2022-2023
 Isang mapagpala at makasaysayang araw sa inyong lahat. Ngayon ay ating idaraos ang
kauna-unahang Seremonya sa Pagtataas ng Antas mula Kindergarten sa Paaralang
Elementarya ng Akliyang.
 Bago ang lahat, ako po si Mary Jane S. Gardoce ang inyong tagapagpadaloy sa
makabuluhang programang ito.

I. Ang tugtog na inyong naririnig ay hudyat ng pagpasok ng mga magsisipagtapos, mga


magulang, mga guro, ulong guro, tagapamanihala, tagamasid at mga panauhin.

1. Saksihan natin ngayon ang pagpasok ng mga lalaking magsisipagtapos kasama ang kani-
kanilang magulang.
(banggitin ang pangalan ng bata isa isa)

ALTERADO, PAOLO, SAYNA


DELIN, STEPHEN CHRIS, ALUJIPAN
GADON, MARLON, YAGAY
GELINDON, JAYLORD, UNDA
INGGAY, ZHAM, ABOG
INHIG, IBRAHEM, AYNAY
SANYUAN, STEVEN, SANDUNAY
SAYNA-AN, ANDY, GAYNO
UNAW, DAREN, YAGAYNAY
UNDA, LANCE MATHEW, LAGUARDIA

2. Narito naman ang mga babaeng magsisipagtapos kasama ang kani-kanilang mga
magulang.
(banggitin pangalan ng bata isa isa)

AGHIWAN, JOLLYBELLE, SU-AY


CABRERA, GRACE ANN, UMLAY
DAGAY, ARRA, AGMAN
GAY-AN, KISSES, INAN
IGAY, BETHY, NA-AY
LIGDAY, ASHLY, INGGAY
PADIOS, NORDHIN, ANTAO
PULANTAN, ICILLE, AMYAN
SAYNA, SHANE, CALICDAN
SELOSA, VAUGHN AVRIL, FATALLA
WAGANAY, PRINCESS MAY, BARAKA
3. Saksihan naman natin ngayon ang pagpasok ng ating mga guro sa Paaralang
Elementarya ng AKLIYANG na pinangungunahan ng ating butihing Ulong- guro, G. JEJOMAR
G. LOLONG

Saksihan din natin ang pagpasok ng ating Tagamasid Pampurok,


DR. PATRICIO R. ANTHONY

Gayundin ang pagpasok ng ating iba pang panauhin.

II. PAMBANSANG AWIT


Bilang pagbubukas ng palatuntunan, ang lahat ay inaanyayahang tumayo para sa pag-awit ng
Lupang Hinirang sa pagkumpas ni Bb. Hazel C. Mutya, gurong tagapayo ng ikaapat na baitang.

III. PANALANGIN
Susundan ito ng panalangin na pangungunahan ni Bb. Neslie B. Falsario, gurong tagapayo ng
Kindergarten.

IV. PAMBUNGAD NA PANANALITA


Sa pagkakataong ito, ating matamang pakinggan ang pambungad na pananalita na magmumula
sa ating masipag at kagalang galang na ulongguro, G. Jejomar G. Lolong.

Maraming Salamat po Sir sa inyong makabuluhang mensahe.

V. PAGSUSULIT NG MGA MAGSISIPAGTAPOS


Ngayon naman ating pakinggan ang paglalahad ng mga magsisipagtapos sa Kindergarten, sa
pangunguna ng gurong tagapayo, Bb. Neslie B. Falsario

MAM NESS
Magandang umaga po!

Sa ating Ulong Guro, Sir Jejomar G. Lolong, malugod ko pong isinusulit sa inyo ang
dalawampu’t-isang mga mag-aaral, sampung lalaki na kinabibilangan nina:

1. ALTERADO, PAOLO, SAYNA


2. DELIN, STEPHEN CHRIS, ALUJIPAN
3. GADON, MARLON, YAGAY
4. GELINDON, JAYLORD, UNDA
5. INGGAY, ZHAM, ABOG
6. INHIG, IBRAHEM, AYNAY
7. SANYUAN, STEVEN, SANDUNAY
8. SAYNA-AN, ANDY, GAYNO
9. UNAW, DAREN, YAGAYNAY
10. UNDA, LANCE MATHEW, LAGUARDIA

at labing isang babae na kinabibilangan nina:


1. AGHIWAN, JOLLYBELLE, SU-AY
2. CABRERA, GRACE ANN, UMLAY
3. DAGAY, ARRA, AGMAN
4. GAY-AN, KISSES, INAN
5. IGAY, BETHY, NA-AY
6. LIGDAY, ASHLY, INGGAY
7. PADIOS, NORDHIN, ANTAO
8. PULANTAN, ICILLE, AMYAN
9. SAYNA, SHANE, CALICDAN
10. SELOSA, VAUGHN AVRIL, FATALLA
11. WAGANAY, PRINCESS MAY, BARAKA

na mga kandidato para sa PAGTATAAS NG ANTAS MULA KINDERGARTEN sa Paaralang


Elementarya ng Akliyang para sa panuruang taon 2022-2023

Sila ay kasiya-siyang nakatupad sa mga kinakailangan sa pagtatapos na itinakda ng


Kagawaran ng Edukasyon sa ilalim ng K to 12 Basic Education Program para sa antas ng
Kindergarten. Hinihiling ko po sa ating ulongguro, G. Jejomar G. Lolong na tanggapin at
pagtibayin ang pagiging karapat-dapat nila para sa paglipat sa susunod na antas/baitang.

VI. PAGTANGGAP AT PAGPAPATUNAY SA MGA MAGSISIPAGTAPOS


VII. PAGPAPATIBAY SA MGA MAGSISIPAGTAPOS

Susundan ito ng pagtanggap at pagpapatibay ng ating ulongguro, G. Jejomar G. Lolong.

SIR JAY
Bilang ulongguro, matapos ang masusing pagsusuri sa mga isinumiteng mga dokumento sa
aking tanggapan, ay napatunayan ko na kayo ay nakapasa sa lahat ng mga kinakailangang
Gawain kaya aking tinatanggap at pinatutunayan, na kayo ay maaari ng lumipat sa susunod na
antas o baiting ng pag-aaral matapos na matagumpay na maisakatuparan ang lahat ng mga
gawaing itinakda para sa antas Kindergarten ng Kagawaran ng Edukasyon sa ilalim ng K to 12
Basic Education Program.

Ganun din, sab isa ng kapangyarihang ipinagkaloob sa akin bilang ulongguro, matapos ang
pagsusulit ng gurong tagapayo at pagtanggap at pagpapatunay na ang sampung batang lalaki
at labing-isang batang babae na may kabuuang dalawampu’t-isang mga mag-aaral ng
Paaralang Elementarya ng Akliyang ay aking pinagtitibay na kayo ay nagsipagtapos na sa
antas ng Kindergarten para sa panuruang taon 2022-2023.

Binabati ko kayong lahat!

VIII. PAG-AABOT NG MGA KATIBAYAN NG PAGTATAPOS

Ngayon naman po ay matatanggap ng ating mga anak ang katunayan ng kanilang pagtatapos
sa Kindergarten. Batid kong puspos ng saya at galak ang mga kabataang ito gayundin ang
kanilang mga magulang.

Sa ating pagpapatuloy, inaanyayahan po natin ang ating gurong tagapayo Bb. Neslie B.
Falsario, ang ating ulongguro, G. Jejomar G. Lolong at ang ating panauhing tagapagsalita,
Engr. Elmer L. Caring na silang magkakaloob ng Katunayan ng Pagtatapos.
Babasahin ang nilalaman ng KATIBAYAN.
BABASAHIN ISA ISA ANG PANGALAN.
Ipakilala ang mga batang tatanggap ng katibayan.

1. ALTERADO, PAOLO, SAYNA


2. DELIN, STEPHEN CHRIS, ALUJIPAN
3. GADON, MARLON, YAGAY
4. GELINDON, JAYLORD, UNDA
5. INGGAY, ZHAM, ABOG
6. INHIG, IBRAHEM, AYNAY
7. SANYUAN, STEVEN, SANDUNAY
8. SAYNA-AN, ANDY, GAYNO
9. UNAW, DAREN, YAGAYNAY
10. UNDA, LANCE MATHEW, LAGUARDIA

11. AGHIWAN, JOLLYBELLE, SU-AY


12. CABRERA, GRACE ANN, UMLAY
13. DAGAY, ARRA, AGMAN
14. GAY-AN, KISSES, INAN
15. IGAY, BETHY, NA-AY
16. LIGDAY, ASHLY, INGGAY
17. PADIOS, NORDHIN, ANTAO
18. PULANTAN, ICILLE, AMYAN
19. SAYNA, SHANE, CALICDAN
20.SELOSA, VAUGHN AVRIL, FATALLA
21. WAGANAY, PRINCESS MAY, BARAKA

IX. PAGTANGGAP NG MGA SERTIPIKO AT KARANGALAN

Ngayon naman po ating masasaksihan ang pagbibigay ng mga natatanging pagkilala sa mga
batang nagpakita ng kasiglahan at kagalingan sa iba’t ibang larangan, na pangungunahan ng
gurong tagapayo, Bb. Neslie B. Falsario.

X. MENSAHE NG PAGBATI AT PASASALAMAT

Para magbigay ng mensahe ng pagbati at pasasalamat ay akin pong tinatawagan ang ating
dalubguro, Gng. Marites M. Anulao.

XI. AWIT NG MGA NAGSIPAGTAPOS


Atin naman pong saksihan ang isang awitin mula sa mga batang nagsipagtapos sa pangunguna
ng kanilang gurong tagapayo, Bb. Neslie B. Falsario.

XII. Bilang pagtatapos ng ating seremonya ay hinihiling po natin na ang mga nagsipagtapos,
mga guro at ating ulongguro na makapag-pictorial po dito sa ating entablado. Matapos po
nito ay ang mga Kinder po ay huwag munang aalis, dahil mayroon po silang refreshment o
meryenda.

Kasunod po nating programa ngayong umaga po ay pagbibigay ng mga natatanging pagkilala


sa mga batang nagpakita ng kasiglahan at kagalingan sa iba’t ibang larangan pamula unang
baitang hanggang ikalimang baiting sa pangunguna ng kanilang mga gurong tagapayo.

You might also like