You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
Sangay Pandibisyon ng Aurora
Distrito ng Maria Aurora
Taunang Paaralan: 2021-2022
PALATUNTUNANG PAGTATAPOS 2022
Paksang: Gradweyt ng K to 12: Masigasig sa mga pangarap at matatag sa mga
pagsubok.

Rina Jean A. Gombio, Jordan R. Namoro


Tagapagdaloy ng Palatuntunan I.

PAGBIBIGAY HUDYAT SA PAGSISIMULA NG PALATUNTUNAN


Ang Palatuntunang Pagtatapos ng Paaralang Sentral ng Maria Aurora ay magsisimula
na. Inaasahan na ang Pagtatapos ay magtatagal ng dalawang oras, kaya bago natin
simulan ang seremonya, ipinapakiusap ko na kung maari ay ilagay natin ang ating mga
telepono o cellphone sa silent mode at panatilihin po natin ang katahimikan at iwasang
mag-ingay kapag ang pagpapakilala ng mga magsisipagtapos ay nagsimula na.
Gayundin ang tamang pagsuot ng facemask at ang patuloy na pagpapanatili ng ating
social distancing.

PANIMULA
Isang mapagpalang umaga po sa ating lahat. Ang araw ng pagtatapos ay sadya nga
namang araw para magsaya sa kadahilanang ito ang hudyat para sa pagsasara ng
naturang pag-aaral sa nasabing antas. Ang pagtatapos ay patunay na nakamit niyo na
ang lahat ng sakripisyo at paghihirap sa pakikibaka sa larangan ng akademya. Ngayong
araw, isa nanamang kasaysayan ang unti-unting mabubuksan kasabay ng pagsasara ng
taunang pampaaralang 2021-2022. Mga kaibigan, malugod ko po kayong tinatanggap sa
Pagtatapos 2022 sa Paaralang Sentral ng Maria Aurora.

I. PAGPASOK NG MGA MAGSISIPAGTAPOS AT MGA MAGULANG


Ito na, bigyang pagpupugay ang mga magsisipagtapos kasama ng kanilang mga mahal
na magulang para sa Taunang Pampaaralan 2021-2022. Ang mga magsisipagtapos ay
binubuo ng anim na pangkat sa ika-anim na baitang isang pangkat sa ating Special
Education. Ang Grade VI Venus na pinangungunahan ng kanilang gurong tagapatnubay,
Gng. Lina A. De Dios, Grade VI Saturn sa patnubay ni Gng. Digna T. Daguman, Grade VI
Earth sa pagnubay ni G. Joshua D. Carera, Grade VI Jupiter sa patnubay ni Gng. Ma.
Roselle S. Fajanilbo,, Grade VI- Mars sa patnubay ni Gng. Mary Chris T. Sindac at Grade
VI-Mercury sa patnubay ni Gng. Katherine D. Bitong. At ang gurong tagapayo sa ating
Espesyal na Edukasyon na si Gng. Reiza Vera S. Abuan.

PAGPASOK NG MGA OPISYALES NG PAARALAN, PANAUHING PANDANGAL AT


IBANG HANAY NG KAGAWARAN/OPISYALES
Bigyan naman po natin ng pagpupugay ang pagpasok ng mga dekalibreng miyembro ng
edukasyon sa pangunguna ng namumukod tanging ama ng Distrito ng Maria Aurora,
Kgg. Domingo R. Uera, ang pinakamahusay na pinuno ng paaralang ito, Kgg. Gliceria C.
Geneta, at ang mga gurong bumubuo sa kalidad ng edukasyon sa institusyong ito, sa
ating masiglang panauhing pandangal ngayong araw, Atty. Ramsey A. Lopez, sa mga
opisyales ng barangay, sa mga opisyales at kinatawan ng PTA, mga magulang, bisita at
kaibigan.

II. PROSESYONAL AT PAGPASOK NG MGA KULAY


At sa puntong ito, malugod ko pong ipinapakilala ang mga hanay ng magsisipagtapos
papunta sa kanilang mga puwesto. Mga Ginoo at Binibini, tumindig, ang pagpasok ng
mga kulay.

III- IV. LUPANG HINIRANG, PANALANGIN AT MGA AWIT


Ang Palatuntunang Pagtatapos ng Paaralang Sentral ng MAria Aurora ay maayos at
handang handa na. Kaya’t inaanyayahan po namin ang lahat na magsitayo bilang
pagbibigay pugay sa ating watawat ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagawit ng ating
Pambansang Awit at susundan nito ng Rehiyon III Hymn.

V. PANALANGIN
Manatili po tayong nakatayo bilang pagbibigay pugay, pananampalataya sa ating Poong
Maykapal sa pangunguna ni Gng. Ana Crizel V.Borja, guro ng ika-unang baitang.

PABATID
Sa mga hanay ng magsisipagtapos ngayong araw, kapita-pitagang mga bisita, sa mga
opisyales ng PTA, sa mga guro, mag-aaral, pamilya at mga kaibigan. Ako po si
_________________ at __________ ang inyong mga tagapagdaloy ng palatuntunan.
Unang una sa lahat, kami po ay nagpapasalamat sa mga kawani ng Working Committee
na naglaan ng sobra sobra nilang oras sa pagpaplano para sa araw na ito at sa mga iba
pang mahahalagang tao na tumulong at magorganisa para sa napakahalagang okasyon
na ito. Sa inyo po mga maams at sirs, maraming salamat po.

VI. PAGTANGGAP NA PANANALITA


Atin pong tinatawagan ang May Mataas na Karangalan na si Jamila Cyrille D. Cueva
para sa kanyang pagtanggap na pananalita. Bigyan natin siya ng masigabong
palakpakan.

VII. PAGHAHARAP SA MGA BATANG MAGSISIPAGTAPOS


-Gng. Gliceria C Geneta

VIII. PAGPAPATUNAY SA MGA BATANG MAGSISIPAGTAPOS


At ngayon, ang pinaka hihintay na pagkakataon para sa kaganapan ngayong araw na ito
ay mabubuksan na at mabibigyan na ng pagpapatibay at pagpapatunay. Saksihan po
natin ang pagpapakilala ng mga magsisipagtapos mula sa ating tagatala, sa
pagpapatunay ng ating tagatala, ang nag-iisang Tagapamanihala ng mga Paaralan .
Catalina P. Paez, PhD, CESO V,

Gayundin ang pagpapatibay ng pagtatapos na isasagawa ng ating nag-iisang


Tagapamasid Pampurok ng Maria Aurora, Kgg. Domingo R. Uera, kasabay ng kanyang
mensahe para sa mga magsisipagtapos.
Maraming Salamat po Madam sa isang mensaheng punong puno ng inspirasyon.

IX. AWARDING OF DIPLOMAS, CERTIFICATES AND MEDALS TO THE GRADUATES


Certificate: Ang Sertipiko ng Pagtatapos ay isa sa mga nahahawakang patunay na ikaw
ay nagtapos na sa nasabing antas ng edukasyon. Ito na ang araw na ang lahat ng
pinagpaguran niyo ay makukuha niyo na. Umpisahan natin sa mga mag-aaral sa ikaanim
na baitang ng seksyon :
1. Venus 4. Jupiter
2. Saturn 5. Mars
3. Earth 6. Mercury
7. SPED
Medals: At ngayon, ang pinakahihintay ng mga magulang at magsisipagtapos, dumako
na po tayo sa paggawad ng mga medalya at sertipiko sa mga may karangalan at mga
piling magsisipagtapos.

X. PAGPAPAKILALA SA PANAUHING PANDANGAL


Ang pagtatapos ngayong araw na ito ay dinaluhan ng isang espesyal na tao na sa ilang
sandali lamang ay ibibigay na ang kanyang mensahe tungkol sa ating mga
magsisipagtapos at sa mga mahal na mga magulang na rin. Para tuluyan nating
malaman ang kanyang pinagmulan, tinatawatagan po natin sa entablado ang
napakasipag at napakahusay nating Punong Guro, Kgg. Gliceria C. Geneta upang
ipakilala ang ating 2022 Guest of Honor and Speaker.

XI. PANANALITA NG PANAUHING PANDANGAL


(Mensahe ng panauhing pandangal)

Akin pong tinatawagan ang ating Tagamasid Pampurok, Kgg. Domingo R. Uera, ang
ating Punong Guro, Kgg. Gliceria C. Geneta at ang ibang bisita kasama na rin po ang
mga gurong tagapayo ng ika-anim na baitang at SPED na pumarito sa entablado para
ibigay ang sertipiko ng pagkilala sa ating panauhing pandangal.

Maari na rin po tayong manatili sa ating kinatatayuan sapagkat igagawad na po natin ang
kanilang mga KATUNAYAN at Mga Medalya at Mga Sertipiko.

XII. TALUMPATI NG PASASALAMAT


Ang salitang Maraming salamat ay sadya nga namang napakasarap pakinggan . Sa
pagkakataong ito, tinatawagan ko po sa entablado si Jonah Krisa DC. Hulipas (May
mataas na karangalan) para sa talumpati ng pasasalamat.

XIII. PANGAKO NG KATAPATAN


Sa linyang ito, tinatawagan sa harapan, Chloe H. Lopez, May Mataas na Karangalan
upang pangunahan ang pangako ng katapatan.

XIV. AWIT NG PAGTATAPOS


Ang musika ay ekspresyon ng ating kaluluwa, pinapadaloy nito ang ating mga emosyon
at pinaparamdam nito ang bawat gawat ng oras. Sa pamamagitan ng kanta, nagbibigay
ito ng kalakasan para harapin ang bawat pagsubok sa buhay, ngayon ating pakinggan
ang kanilang awit ng pagtatapos na pinamagatang “Pangarap Kong, Pangarap Mo”.
PASASALAMAT SA MGA MAGULANG
Sa puntong ito, ang batch 2022 ay hindi mararating ang kanilang mga adhikain at
pangarap sa bukas kung wala ang mga taong mahal nila sa buhay na umaaalalay sa
likod nila. Ang mga magsisipagtapos ay gustong kunin ang pagkakataong ito para
pasalamatan ang kanilang mga magulang.

RESESYONAL
Ang nasabing pagtatapos ay dumating na. Bukas panibagong pagsubok at oportunidad
ang naghihintay sa inyo mga magsisipagtapos na susubukin kayo para maging isa
kayong matatag at mahusay na indibidwal.

Kasabay ng pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay, sana naman makabalik sila sa


paaralang ito na may dalang karangalan.

Muli , sa mga mahal nating panauhin ngayon, dito nagtatapos ang Palatuntunang
Pagtatapos sa Paaralang Sentral ng MAria Aurora. Kami po ay bumabati ng isang
maligayang pagtatapos at maraming salamat.

You might also like