You are on page 1of 4

10 MINS BEFORE…

Mga kaibigan, sa ilang sandali na lamang po ay magsisimula na ang palatuntunan.


Mangyari po lamang na huminahon at tumahimik na ang lahat. Gayun din po
mahigpit naming pinapaalala ang pagsunod sa minimum health protocols tulad ng
palagiang pagsuot ng facemask at pagmentina ng Physical at Social Distancing.
Maraming Salamat po.
PROSESYUNAL
MABUHAY! Isang kaaya-aya at pinagpalang araw po sa inyong lahat! Sa araw pong
ito’y ating masasaksihan ang palatuntunan ng Pag-angat ng mga batang
kindergarten ng Paaralang Elementarya ng Agbannawag Elementary School taong
panuruang dalawang libo dalawamput isa at dalawang libo’t dalawampu’t dalawa.

Simulan po natin sa pagpasok ng batang aangat mula sa kindergarten Kasama ng


kanilang mga magulang at susundan ng mga guro, at ng ating Punungguro; Ma’m
Suhita D. Alcantara, tagamasid Pampurok; Dr. Elizabeth P. Sibayan, panauhing
Tgapagsalita G. KHRISTOPHER BRIEN CORPUZ MELEGRITO at mga Panauhin.
LUPANG HINIRANG, DOKSOLOHIYA AT PANALANGIN
Bilang pagsisimula, manatili po tayong nakatayo bilang pagbibigay pugay sa ating
watawat ng Pilipinas sa pamamagitan ng pag-awit ng ating Pambansang
Awit.Susundan ng doksolohiya na pangungunahan ng mga piling mag-aaral ng
kindergarten. susundan ng panalangin sa pangunguna ni Rev. Fr. Fernando B.
Muego, kura paroko ng simbahang Aglipayano.
-----
Makakaupo na po ang lahat.
PAMBUNGAD NA PANANALITA
At ngayon naman po,ay mapakikinggan natin ang Pambungad na Pananalita na
magmumula sa ating mahal na punong guro Ma’m. Suhita D. Alcantara.
Maraming Salamat po ma’am Suhita.
TULA, KATUTUBONG SAYAW
Ngayon po ay makaririnig tayo ng isang natatanging bilang mula kay VALLENE
ANICKA A. FORTUNA mula sa kinder-star, kasunod po nito ang pagpapamalas ng
katutubong sayaw na magmumula sa piling mag-aaral ng kinder-Heart.

Maraming salamat mga anak!


MGA MENSAHE
Atin naman pong mapapakinggan ang isang mensahe ng pagbati na ibibigay sa
atin ng ating Pangulo ng GPTCA, Gng. Imelda G. Vera Cruz.
Maraming Salamat po, Gng. Imelda
Ngayon naman po ay mapapakinggan natin ang mensahe ng konsehal ng
edukasyon na magmumula kay KGG. Narciso D. Cabico Jr.
Maraming salamat po KGG. Narciso!
Ngayon naman po ay makakarinig tayo ng isang mensahe na ,magmumula sa ating
Punong Baranggay: KGG.Carlito M. Inigo.
Maraming Salamat po sa ating Punong Brgy.
Isa po muling pagbati ang ibibigay sa atin ng ating Ina ng Distrito, ang ating
tagamasid pampurok, Dr. Elizabeth P. Sibayan.
Salamat po, mam beth sa inyong masayang pagbati.
TULA AT NATATANGING BILANG
Sa atin pong pagpapatuloy ay mapapakinggan po natin ang mahusay na pagbigkas
ni Katniz Lyrine Keiz Andres na mula sa Kinder-Heart, na susundan ng natatanging
bilang mula sa piling mag-aaral ng kinder- star.
PAGHAHARAP, PAGPAPATUNAY, AT PAGPAPATIBAY
At ngayon, ang pinaka hihintay na pagkakataon para sa kaganapan ngayong araw
na itoang mabigyan na ng pagpapatunay at pagpapatibay ang pag-angat ng mga
batang pinakatampok sa araw na ito. Tinatawagan ko po Si Ginang Marilou G.
Muego , gurong tagapayo ng kinder- star at Gng. Charito M. Cabico gurong
tagapayo ng kinder-heart para sa Paghaharap. Susundan ng Pagpapatunay at
pagpapatibay ng Ating Punong Guro Ma’am Suhita Alcantara
Pagbati sa inyong lahat mga anak!

PAG-AABOT NG KATUNAYAN NG PAG - ANGAT


Dumako naman po tayo sa pag-aabot ng katunayan ng pag-angat. Tinatawagan
po ang ating,tagamasid pampurok, ating punong-guro, ating panauhing
tagapagsalita at ating punong baranggay upang pangunahan ang nasabing
gawain. Tinatawagan ko rin po si Ginang Marilou G. Muego at Gng. Charito M.
Cabico para sa pagtawag ng mga batang AAngat.
Kasunod po nito ang pagsasabit ng Medalya at Laso sa mga batang nagkamit ng
natatanging kakayahan at magandang pag-uugali.
SAYAW
Makakasaksi po tayong muli ng natatanging pagsayaw na magmumula sa pang-
umagang kinder-star
PAGPAPAKILALA SA PANAUHING PANDANGAL
Upang ipakilala naman po ang ating panauhing tagapagsalita sa araw na ito aking
tinatawagan si Gng. Cherielyn M. Pedines.
(Mensahe ng Panauhing Pandangal)
Maraming Salamat po sa mensahe at pagpapaunlak ng ating panauhing
tagapagsalita.
AWARDING OF CERTIFICATE GUEST SPEAKER
Akin pong tinatawagan ang ating tagamasid Pampurok, Dr. Elizabeth P. Sibayan,
ang ating Punong Guro Mam Suhita D. Alcantara at_Punong Barangay kasama na
rin po ang mga gurong tagapayo ng kindergarten na pumarito sa harapan para
ibigay ang sertipiko ng pagkilala sa ating panauhing pandangal.
(Basahin ang Citation)
Matutunghayan po natin ang sorpresang bilang mula sa kinder-heart at
pampasiglang bilang mula sa panghapon ng kinder- star.

Maraming salamat mga anak


AWIT NG PAG-ANGAT
Ang musika ay ekspresyon ng ating kaluluwa, pinapadaloy nito ang ating mga
emosyon at pinaparamdam nito ang bawat oras. Ngayun po pakingan natin ang
Awit ng mga batang umangat na pinamagatang “Pangako”.
PANGWAKAS NA PANANALITA
Ngayon naman po ay ang mensahe na magmumula sa kinatawan ng mga
magulang, akin pong tinatawagan si G. Demmuel A. De Guzman, pangulo ng mga
magulang ng mga aangat para sa pangwakas na pananalita.
-----
Maraming Salamat Ginoong De Guzman!
Ang nasabing pag-angat ay dumating na. Bukas, panibagong pagsubok at
oportunidad ang naghihintay sa inyong mga nagsipag-angat, na susubukin kayo
upang maging isang matatag at mahusay na indibidwal
Ang pamunuan ng Samahan ng mga magulang at guro ng Paaralang Elementarya
ng Agbannawag Elementary School ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga mag-
aaral at magulang ng batang nagsipag-angat, sa kanilang tulong at pakikiisa sa ika-
pag tatagumpay ng pagdiriwang na ito.
Muli , sa mga mahal nating panauhin ngayon, dito nagtatapos ang Palatuntunang
Pagtatapos ng Paaralang Elementarya ng Agbannawag Elementary School. Ito po
si Bb Kristine Gallegos Miranda at Bb Norielle Glayze Martin Manahan . Maraming
salamat po at maligayang pag-angat.

You might also like